LBMS 5

LOVED BY MY SWEETHEART || CATNIPZ || MINJI X HAERIN
Please log in to read the full chapter

HAERIN 😸

Andito ako ngayon sa labas ng room namin dahil tapos na ang schedule ko, sila Hyein naman ay nauna na dahil meron pa silang kanya kanyang pupuntahan, pero hindi naman nila nakalimutang igoodluck ako dahil ngayong araw ang audition para sa mga gusto maging member ng Dance Org.

"Hi, Haerin." Natigilan naman ako nang biglang may sumulpot sa harap ko. Si Danielle pala.

"Balita ko pupunta ka ngayon sa studio? Samahan na kita?" Tanong naman nito at hindi inaalis ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Sana hindi ka ma weirduhan saakin kung bakit andito ako. Pinabilin ka kasi saakin nila Hyein" Dagdag pa nito.

Sa tutuosin hindi naman talaga ako nagtataka at sanay na rin ako na laging nandyan si Danielle. Kahapon lang niyaya niya akong kumain and napagusapan namin na pagnakapasok raw ako ililibre niya ako pero hindi ako nakasagot that time dahil naalala ko rin yung pinagusapan namin ni Minji.

"Okay, Tara na?" Pagtapos nun ay tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

"Goodluck mamaya, alam ko naman na makakapasa ka. At Oo nga pala about dun sa napag usapan natin if may answer kana, sabihan mo lang ako"

Tumango na lamang ako sa kanya dahil hindi ko rin naman alam magiging dahilan ko kung hindi man ako makakasama.

===============🐻😸================

After ilang minutes ay nakaakyat at nakarating na rin kami sa studio kung saan gaganapin ang audition.

Agad naman namin nakita si Minji sa labas ng room na busy sa kanyang cellphone.

"Hoy, Minji!!" Sigaw ni Danielle at agad naman kaming tumungo sa kanya.

"Oh andito na pala kayo, Hi Haerin" Lingon naman niya saakin at nginitian ko naman siya pabalik.

"Wala bang Hi saakin?" Sagot naman ni Danielle na nakatitig saaming dalawa.

"Wag kana, lagi naman tayong nagkikita. BTW, Tara sa loob may pwesto na kayo dun" Pumasok na kami sa loob ng studio, sobrang laki ng lugar at maluwag.

Tumungo na kami sa pwestong tinuro ni Minji, naupo na rin kami at nagkwentuhan naman silang dalawa saglit at pagtapos ay nag paalam na rin siya sa amin.

"Saan siya pupunta?" Tanong ko naman sa katabi ko.

Akala ko unti lang ang mag babalak na sumali, marami rin pala. Hindi na sila mahihirapan pumili dahil halos lahat naman ata magaling. Mahihirapan ata ako ngayon pero I'll still try my best.

"Susunduin si Hanni, balak rin kasi sumali nun" Tumango na lamang ako sa kanya habang patuloy parin ang aking pag obeserve sa paligid.

"Matagal niyo na bang kaibigan si Hanni?" Tanong ko naman dito.

"Oo, magkakaibigan na kami hmm since elementary pa ata?" Sagot naman niya.

"Actually kami talaga ni Hanni magkaibigan na and ito si Hanni gusto niya kaibiganin si Minji so ayun naging tropa na kaming tatlo" Dagdag pa nito.

"Kaya pala nung nakita ko kayo, grabe yung closeness niyo" Nalala ko bigla nung nakita ko sila sa NBS and napansin ko rin kung gaano ka close si Hanni kay Minji.

Marami pa kaming pinagusapan habang inaantay ang event. Na kwento niya na rin na naging member sila ni Minji sa softball team nila sa school kaso umalis si Minji at nag focus na lamang sa pagsasayaw. At marami pa siyang sinabing kaganapan sa kanilang tatlo.

Napukaw naman ang aming pag uusap nang may pumunta sa harap. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kasama namin, siya na siguro ang sinasabi nilang si Capt.Karina.

"Okay, Good Afternoon, Everyone!!, I'm Karina Yu, the president of this Dance Trope. Today sisimulan nanamin ang paghahanap ng mga bagong members. Malay mo ikaw nasa dulo or ikaw ate ang susunod na magiging member ng aming team. We wish you guys a goodluck, galingan niyo at wag kayong kakabahan, ihataw niyo lang" Nag palakpakan naman ang mga tao sa loob at kitang kita sa kanilang mga itsura na excited na sila mag perform.

Marami pa siyang sinabi katulad ng mga rules and kung paano ang gagawin sa pag a-audition. May inihanda raw silang random songs na dapat itugma namin sa pagsasayaw. Tama freestyle ang ganap namin ngayon, kung ano mang tumapat sa amin kailangan namin isayaw kahit malungkot pa ang tugtog.

"Haerin! Pang ilan ka?" agad naman siyang tumayo at sinalubong ako.

Katatapos ko lang kumuha ng number sa harap dahil after mag salita ni Capt. Karina ay pinapunta na rin kaming mga mag audition sa harap para alamin kung pangilan kami sa mag pperform.

"Sa kasamaang palad pangatlo ako sa mag peperform" Saad ko naman dito, pagtapos ay pareho na rin kaming naupo dahil mag sisimula na rin ang sayawan.

"That's actually a good number, hindi ka mauuna, hindi ka rin mahuhuli" Saad naman nito habang kunyari nag iisip.

"Saka alam ko kaya mo yan, gumalaw ka pa nga lang ang ganda na tignan paano pa kaya kung sumayaw ka" Dagdag n

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Nyasken #1
Chapter 8: Lol
Jiyoo_7 #2
Chapter 7: when new chapters??🥺
Nyasken #3
Chapter 5: I'm waiting for new chapters‼️
Nyasken #4
Chapter 4: continue this fan fiction! He's very interesting
Nyasken #5
Chapter 1: Hey! This is a good fic, keep it up!! 👏