— v.

homecoming.
Please Subscribe to read the full chapter

Finals — isa sa "pinakamahalagang” linggo (minsan nga ay lampas pa) sa bawat semestre para kay Karina.

 

Kahit anong subok niyang huwag maging aligaga ay doon pa rin naman hahantong ng lahat.

Nag-aalala. Kinakabahan. Minsan wala sa pokus kung kailan kinakailangan.

 

Ngunit sasagi rin naman sa isipan niya na isang “Finals” na naman ang lilipas. Ibig sabihin dalawang semestre na lang.

 

Dalawang semestre na lang.

 

“Girl, alam kong finals and all, pero ‘wag ka naman sanang magdabog sa lib.” Pagbibiro ng kasama niya ngayong mag-review.

 

“Ha?”

 

Saka lang napagtanto ni Karina ang mga naging kilos niya. Hindi niya siguro napansin na napalakas ang “pag-aayos” niya ng kanyang mga gamit. Nakatingin ang ilang mga estudyante sa gawi nila at mukhang sinasamaan na rin siya ng tingin ng librarian. Tinanguan niya lang sila bilang paumanhin.

 

“Parang last week lang halos sumakit na rin pisngi ko kaka-witness sa’yong ngumiti out of nowhere, ngayon nagdadabog ka diyan?”

 

“Parang ewan naman, Selle.”

 

“Am I wrong?”

 

Hindi sumagot si Karina. Hindi niya rin naman alam ang sasabihin. Dapat ba siyang magpaliwanag?

 

“It’s about your MJ, isn’t it?”

 

Muling sinubukang ayusin ni Karina ang kanyang mga gamit. Wala na rin naman siyang maintindihan sa kanina niya pa binabasa. Ang totoo ay nakatitig na nga lang siya.

 

Mali na naman si Giselle. Pagod lang siya. Nag-aalala para sa mga gradong kailangan niyang panatilihing mataas.

 

“Rina, I’m gonna think it’s a yes if hindi ka hihindi.”

 

Hinarap niya si Giselle na ngayo’y may nakakalokong ngiti sa labi, saka niya ito tinignan ng masama.

 

“Nasa lib tayo. Ang ingay mo.” Pagsaway ni Karina

 

“Oh Rina, ako ba? Hindi naman ako ang nagdadabog?”

 

Napaungot na lang si Karina sa pang-aasar ng kaibigan. Napansin niyang nakaayos na rin pala ang gamit ng kasama niya. Napagdesisyunan niyang tumayo at walang sabi-sabing sumunod na lang si Giselle sa kanya.

 

“Let’s eat some sisig. Tell me what’s going on, alright?”





 

Hindi niya nasabi kay Giselle ang lahat.

 

“So umaaligid nga siya around MJ– I mean, Winter?”

 

Maybe just a few reasons.

 

“Oo. Wala naman daw pakialam si Winter. Pero ayon, syempre nag-aalala ako. Alam kong hindi siya entirely okay doon sa lalaki eh.”

 

“What’s his name again?”

 

“Mark, I think. Kilala siya ni Ning. Maybe even attended those parties nila Ate Eunseo.”

 

“Ah, he’s familiar! But sabi mo naman never niya namang in-approach si Winter diba?”

 

Napatango na lang siya. Hindi niya rin alam ba’t siya nag-aalala. Si Winter nga at halos walang reaksyon noong napagtanto niya.

 

Bakit naman kasi umaaligid pa?
 

Bakit ngayon pa?

 

“Sure ka worried ka lang?”

 

Ayan na naman ang kinaiinisang tono ni Karina.

 

“Giselle, isa pa.”

 

“What?” Natatawang napaatras ito nang akma siyang hahampasin ni Karina.

 

“Okay, maybe I’m… a little–”

 

No.

 

Hindi–

 

Bakit ngayon pa?

 

“Jealous?” Pagtutuloy ni Giselle.

 

Dalawang semestre na lang.

 

Bakit ngayon pa?





 

Nagmadali lalo sa paglalakad si Karina nang makita ang pamilyar na lalaki sa tapat ng building nila Winter.

 

Huling exam na nila Winter at nag-insist itong samahan siya habang ipinapagpatuloy niya ang paper na ipapasa niya kinabukasan.

 

Saktong pagdating niya sa tapat ng building ay ang paglingon sa kanya ng lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkainis.

 

"Kat!" Masiglang bati sa kanya ni Winter.

 

Nakita niya si Ning na kasabay nitong lumabas at kinawayan rin ito.

 

Patakbo siyang sinalubong ni Winter at napansin nito ang panandaliang paglagpas ng tingin nito sa likod niya.

 

Muli siyang tinignan ni Winter at ngumiti sa kanya.

 

"Saan tayo?" Excited na tanong nito sa kanya.

 

Hindi niya alam kung ano bang nakakaexcite na panoorin siyang magcram ng paper niya.

 

"Gutom ka na ba?"

 

Nakita niya kasing may bitbit na McDo ang lalaking kanina pa ata nag-aantay.

 

"McDo tayo?" Pagtatanong ni Winter.

 

Halos matawa si Karina. Parang nang-aasar pa itong kasama niya. Lumingon siya kay Winter at kita niya ang makahulugang tingin nito.

 

"Sige. Ta's sa library na tayo tumambay?"

 

"Okay!"

 

Nagsimula na silang maglakad at hindi man lang nilingon ni Winter ang lalaking nilagpasan lang nila.

 

"Winter!"

 

Akala ni Karina ay titigil si Winter ngunit patuloy lang ang paglalakad nito. Ipinulupot pa nito ang mga braso niya sa braso ni Karina.

 

"Winter! I bought you McDo!"

 

Saka lang tumigil si Winter at lumingon sa lalaking nakasunod sa kanila. Nararamdaman na ni Karina ang nagbabadyang pagkadismaya ngunit mabilis rin itong naglaho sa sinabi ng kasama niya.

 

"Sorry, Mark. I have plans with Rina already. You don't have to bring me food rin naman. I can buy them myself."

 

"Winter, come on."

 

"Just go home, Mark. Please, leave us alone. You're making my partner uncomfortable."

 

Ano?

 

"What?! Winter–"

 

"I said what I said. Umuwi ka na, Minhyung. Please."

 

Saka siya hinatak palayo ni Winter.

 

"Minjeong…" What was that?

 

"Just so he stops coming, Kat. I know you don't like it."

 

"But do you?"

 

"I don't. What I like is a McDo date with you, so bilisan mo na!"






 

"I have an idea."

 

"Hmm?"

 

Hindi makatingin si Karina sa kanyang kasama dahil mukhang masinsinang pagbasa ang kailangang gawin niya. Buti na lang at medyo malapit na siyang matapos sa paper niya, kaya't napagpasiyahan niyang mamaya na lang ito ipagpatuloy at magreview na lang muna. Hindi niya ganoon kahilig ang pagbabasa, kaya't hindi niya rin sigurado bakit ba ito ang kursong napili niya.

 

Maya-maya pa ay naramdaman niya na lang ang presensya ng kanyang kasama sa tabi niya. Ang kaliwang kamay nito ay naramdaman niya sa bisig niya at ang kanan naman ay pumatong sa kanyang hita. Saka naramdaman ni Karina ang pagpat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 5: 👏👏👏😍😍😍💙❄
Prenglesz_
#2
Chapter 5: grabe naman yan!!!! kiligggggg pero hoy feeling ko may something na nakakaba?? baka biglang angst to ha please no HAHAHAHAHA
longgadog #3
Chapter 5: cute </3
gompringles
#4
Chapter 5: Ang cuteee 🥺🥺
ryujinie__
690 streak #5
LODS 🤍🥳
TakuyaKen
#6
Chapter 5: ang sweet lang nila
howdoyouknowmee
538 streak #7
Uyy hehe upvoted and subscribed