— iii.

homecoming.
Please Subscribe to read the full chapter

"You're frowning."

 

Napaangat ang tingin ni Karina mula sa kanyang cellphone.

 

Sino bang hindi sisimangot? Sa dami ng puno sa kanilang unibersidad ay wala ka man lang maramdamang ihip ng hangin. Nakakairita.

 

"Mainit, Gi."

 

"Dahil sa init lang ba talaga?" Pabirong tanong nito sa kanya.

 

Hindi niya naman kasi sinasadyang maikwento. Kaso nahuli siya. Doon rin pala ang pinunta ng kaibigan niya at kitang kita nito ang kalokohang ginawa niya.

 

Oo, kalokohan. Maling desisyon nga ata talaga. Sino ba kasing nasa tamang pag-iisip ang gagawin 'yon? Bagaman kung tutuusin, wala naman kasi talaga siya sa pinakamaayos na kalagayan nung gabing iyon.

 

"Wala ako sa sarili. I wasn't thinking straight, okay?"

 

"Ohhh. You were definitely not thinking straight."

 

Hinampas niya ang kaibigan na naging sanhi nang mas paglakas ng tawa nito.

 

Sabihin na nating bukas naman siya sa kahit sino. Kung nararamdaman talaga ng puso ay bakit mo nga naman pipigilan.

 

Pero mali ang iniisip ni Giselle. Hindi ganon ang kaso nito.

 

Gusto niya lang naman makilala.

 

Baka sakaling isang panibagong kaibigan ang mas makakatulong sa kanya.

 

Si Yeonjun. Si Yeonjun ang gusto niya.

 

"Iniisip mo ba yang bugok mong friend?"

 

Napatigil si Karina sa pagsasalansan ng mga calling card. Parang kanina pa ata nakaayos ito, kaso wala siyang makalikot. Naisip niyang pagdiskitahan na lang ang mga papel para naman ay mabawasan man lang ang kanyang pag-iisip.

 

"Oh. Don't roll your eyes on me. Mali ba ako?"

 

Hindi. Tama si Giselle ngayon.

 

Friend.

 

Yeonjun's actually just… a friend.

 

"Katarina ha. Alam kong ‘gusto’ mo siya," May pa-air quotations pang ginawa ang kaibigan nang sabihin niya ang salitang gusto. “And sabi mo gusto ka rin. Pero ewan ko sis, parang ‘di naman halata.”

 

Yeonjun’s a family friend kaya sila naging close. Hindi sila magkababata pero si Yeonjun ang unang kaibigan niya nang makarating siya ng Maynila. Kaibigan ng mga magulang niya ang magulang nito kaya parang inihabilin na rin si Karina dito.

 

It’s always been just him and her. Mabait namang kaibigan si Yeojun sa kanya. Kaya nga siya nagkagusto rito.

 

As a potential jowa, ngayon ay hindi na siya sigurado. Parang napapalayo na ang loob nito sa kanya, lalo na nang magsimula ang semestre ngayong taon.

 

Hindi maiwasang maisip ni Karina na baka nga… baka nga nagsasawa na ito sa kanya. Baka nga ay nadala lang ito ng pag-amin ni Karina.

 

“Okay! I know what you’re thinking. Itigil mo ‘yan! Lumabas na lang tayo? Wala naman nang gagawin dito sa org.”

 

Napasubsob na lang si Karina sa lamesa.

 

“Tinatamad ako Selle.”


“Oh come on—”

 

Ding!

 

Sabay silang napatingin sa cellphone ni Karina.

 

May nag-text!

 

Hindi alam ni Karina kung bakit pero hindi si Yeonjun ang una niyang naisip.

 

Napasimangot naman siya nang makita ang nilalaman ng mensahe.

 

[15:43] +639*********: Good afternoon! Is this Miss Yu? Mag-iinquire lang po sana about sa Lihim na Liham.

 

“Org duties.”

 

Napaungot na lang si Giselle at naupo muli sa tabi ng kaibigan.

 

[15:44] Katarina Yu: Hello. Yes. This is Katarina Yu. May I know your name?

[15:44] +639*********: OMG hi!

[15:45] +639*********: Oh my god. Sorry! Nagulat lang. I didn’t think you would reply agad.

 

Napakunot ang noo ni Karina sa nabasa.

 

[15:46] +639*********: It’s MJ Kim nga pala.

[15:47] Katarina Yu: It’s okay, Miss Kim. Pasensya na rin pero ayos lang ba na sa Messenger na lang tayo mag-usap? Para sana mas convenient para sayo, or do you prefer here?

 

Sinave ni Karina ang contact ng babae. Panigurado kasi ay kung magpapatulong nga ito sa entry ay kakailanganin na matandaan niya kung sino ang kausap.

 

[15:43] MJ Kim: You can call me MJ na lang! :D

[15:43] MJ Kim: And about that… I don’t have Messenger kasi 🥺

 

Karina almost scoffed, kung 'di lang siguro ito nagdagdag ng emoji sa dulo. Sino ba sa panahon ngayon ang walang Messenger?

 

[15:43] Katarina Yu: Oh okay. So dito na lang. Ask away, MJ.

 

Sa huli ay nagtanong si MJ kung sino ang naghahandle ng entries na ipapasa. Sa una ay nagtaka siya. Kalaunan ay sinabi ni MJ na may balak siyang pagbigyan mula sa org nila. Sinabi niya na siya ang nag-aasikaso ng entries.

 

[14:01] MJ Kim: Can another person attend to me?

 

Huh?

 

[14:01] MJ Kim: Omg I don't mean to be rude.

[14:02] MJ Kim: It's just that… My entry would be for Ms. Katarina Yu.

 

Hindi alam ni Karina ang isasagot.

 

Para sa kanya? Bakit? Ni hindi niya nga kilala kung sino ba itong kausap niya.

 

[14:04] MJ Kim: Hello? Are you busy na ba? ;-;

 

Hindi kaya– Siya kaya…?

 

[14:06] Katarina Yu: Ikaw ba yung binigyan ko ng calling card?

 

Napatitig si Karina sa kanyang phone habang inaantay ang sagot ng kanyang kausap. Ang assuming niya sa parteng iniisip niya na nais siyang bigyan ng sulat ng babae sa mall dahil lang sa mumunting note niya sa calling card. Pero kailangan niyang malaman.

 

[14:04] MJ Kim: I guess I was’t being that subtle 😅 Yes. That was me, Ms. Yu.

 

Yung pagkairita niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 5: 👏👏👏😍😍😍💙❄
Prenglesz_
#2
Chapter 5: grabe naman yan!!!! kiligggggg pero hoy feeling ko may something na nakakaba?? baka biglang angst to ha please no HAHAHAHAHA
longgadog #3
Chapter 5: cute </3
gompringles
#4
Chapter 5: Ang cuteee 🥺🥺
ryujinie__
681 streak #5
LODS 🤍🥳
TakuyaKen
#6
Chapter 5: ang sweet lang nila
howdoyouknowmee
528 streak #7
Uyy hehe upvoted and subscribed