Halik sa Kawalan

SUMASAIYO, Crisostomo


Sumunod na araw.  Bahay na bato


Hardin ni Tiya Isabel


Ano na nga ba ang nangyayari kay Maria Clara,  hindi naman sya dating ganito.  Nais nyang ibunton ang sisi sa pinsan na si Victoria. "Nahalikan ka na ba si Crisostomo?"  tanong nito.  

"Victoria ano ka ba?" 

"Huwag mong sabihin na ni minsan hindi mo pinangarap na sya ay hagkan." Susug ng pinsan  

"Kapag tayo narinig ng tiya, sinasabi ko sa iyo."  Babala ni Maria Clara "Ayoko na uli lumuhod sa asin." 

"Samantalang si Klay, balita ko..." tiningnan sya ng pinsan ng makahulugan.  "Nayapos na ng mahigpit yang si Crisostomo." tumikhim ito sumadali na akala mo may ibabalitang importante, "Yan ang usapan sa bayan sa mga nakakita sa kanila ng ikulong yung baliw na si Sisa

Patawarin sya ng panginoon, minsan nais nyang saktan ang pinsan. "Tigilan mo ko Victoria, pakiusap." Sabay talikod dito

Ngunit may mga tao talaga sa mundo na gulo ang nais. " Ganun na lang iyon Maria?  Ayaw mong marinig ang mga bali-balita tungkol sa iyong nobyo at sa dalagang kinupkop mo?"

Napansin ni Victoria ang pananahimik ng dalaga at tila pamumula ng mukha nito. "Nagpipigil ng galit, malamang." sa isip nito.

Ngunit lingid sa kanya iba ang bumabagabag kay Maria. Si Klay at Crisostomo.   Ang kanyang panaginip kagabi ay sadyang kakaiba. Tinapik nya ang kanyang pisngi.  "Maghunos dili ka Maria." sambit nito sa sarili.

"Ayoko na munang pag usapan ito Victoria.  Mabuti pa tayo na at maghanda para sa pananghali-an." Sabay mabilis na naglakad paakyat ng hagdanan 

 

 


Kanina pa napapansin ni Klay na titig na titig si Maria Clara sa kanya habang nagsisilbi sila sa hapagkainan.  "Girl wala akong mantsa sa mukha." Sampung beses yata syang naghilamos ng mukha.  Napangiwi si Klay.  Paano ba naman yung panaginip nya nakakaloka.  "Susko po patawarin nyo po ako ng todo todo pero naman." Napakrus si Klay ng di oras.  "Wala pong malisya yun.  In pursuit of knowledge po yun." Napangisi na lang si Klay. "Huwag po sanang dumalaw si Sir Ibarra. 

"Klay." Tawag sa kanya ni Victoria

Minsan talaga itong mga chuwariwap girls ni Clarita, epal.  "Ano po yun Senyorita?"

"Nagkanobyo ka na ba?"  Tanong nito.

"Ay hindi pa po."  

"Pero hindi ka mahiyain sa mga lalaki, balibalita na niyapos mo si Crisostomo sa may kuwartel." Giit nito.

"Aaaaah yun po ba.  Wala po yun.  Sa buhay minsan kailangan rin natin ng karamay."

"Yung nobyo ni Maria talaga ang napili mo maging karamay noong oras na iyon?" taas kilay nitong turan. Si Clarita nakatingin pa rin ng walang imik kay Klay.

"Mawalang galang na po Senyorita pero sa pinanggalingan ko natural lang na lumapit sa kaibigan sa oras ng pighati.  At nung oras na yun si Sir Ibarra lang po ang kaibigan ko na nandun.  Not that I have any other friends here." Pataas kilay rin sagot ni Klay."Kaya nga G na G yang kaibigan mo."  Pasimple nyang dugtong.

"Ano kamo?"

"Paumanhin pero babalik na ako sa kusina." kuuuuu talaga lang nagpupuyos na damdamin nyang turan.  "Halikan ko yang si Crisostomo nyo sa ngala-ngala eh." Nakaismid syang lumabas ng comedor

"Bakit ba nuknukan ng nega nga mga tao lately." Pabulong bulong ang dalaga na bumaling sa tapayan para kumuha ng tubig na inumin. Napatigil si Klay,  "Lord wala po talaga akong nakita." napakapit si Klay sa kanyang saya  "Hindi ko po tinitigan ng matagal."  Pilit nya iwinawaski sa isip ang panaginip kagabi.  "Naku Sir kung alam lang nila, hindi lang yakap ito, naka homerun ako." Sabay hagalpak ng tawa.


"Klay." Tawag sa kanya ni Andeng mula sa taas ng hagdanan.  

"Isa pa to." Turo nya sa kasama.  "Basag trip eh." 

"Matagal ka pa ba?  Baka mabilaukan na yung mga panauhin."


"Mga?"  

"Dumating ang mabuting senyor." Bigkas nito

Naku po." Dali-dali sumalok si Klay ng tubig sa pitsel. "Sir I'm comiiiingggggg."


------------------

 

 

 


Tahimik na pinagmamasdan ni Maria Clara ang bagong dating na kasintahan.Kaninang umaga lamang ay laman ito ng kanyang panaginip, panaginip na ubod ng pusok at init. Naramdaman nyang pumatak ang kanyang pawis at bahagyang nilamig sa pag ihip ng hangin. Nagtaasan ang kanyang mga balahibo sa leeg at nanigas ang dibdib.   Umiwas ng tingin ang dalaga.  Minsan pakiramdam nya nababasa ni Crisostomo ang laman ng kanyang isip.  Napapikit ito ng sumandali.  Paano nga ba nag umpisa itong pantasya na bumubuhay sa kanya sa malamig na mga gabi ng San Diego? 

Nagsimula ito sa mga kuwento ng mga kaibigan, kanilang mga nakaw na sulyap, titig at padaplis na hawak sa bisig sa kanya kanyang lalaking iniibig. Mga bagay na hindi nya mawaring gawin sa nobyo, nobyo na wala sa kanyang piling.  Ang tagal na ni Crisostomo sa Europa at ang panaka nakang liham lamang nito ang nagbibigkis sa kanilang sumpaan. Sumpaan na susug ng ina ng nobyo.  Minsan natatanong nya sa kanyang sarili kung sya pa rin ba pipiliin nito kung naging malaya ito na pumili ng babaeng magiging kabiyak.  Ngunit lahat ng pangungulila ay napalitan ng marubdob na paghanga. Ibang-iba na ang Crisostomong bumalik. Isang binata na sigurado sa sarili. Matikas at malawak ang karanasan sa buhay.  Sumulak ang dugo mula sa puso at nilamon yata pati ang kanyang isip.  Minsan pakiramdam nya nadadarang sya sa mga alaala na sya ang may gawa.   Mga kuwento na pilit pinupunan ang mga araw na di sila magkapiling.  Nagtanong sya tungkol sa mga bababeng nakilala nito sa Europa.  Hindi ito tasahang sumagot na wala kundi yung ako ay lagi nyang nasa isisp.  Subalit hindi nya mapigilan ang maikumpara ang kanyang sarili.  Iba ang babaeng Pilipina, sa hubog sa kutis at pati na sa kamalayan.  Paano na lang kung ang hinahanap ni Crisostomo ay makabago.  Mga babaeng katulad ni Klay

Palagi nyang naikukumpara ang sarili sa kaibigan ng kasintahan.  Matatag ito sa mga paninindigan sa buhay, matapang, 
may boses sa mga bagay na walang opinyon ang mga kababaihan at higit sa lahat ay bukas itong kung tumawa, malakas, buo at walang pag aalinlangan.  Minsan gusto nya rin maging si Klay.  Maria Clara Infantes sabi ng katipan. Anong klaseng biro ng tadhana na magkapareho pa sila ng pangalan.  Minsan nais nya rin maging si Maria Clara...Infantes.  kung totoo ang bulong bulungan gusto  nya rin yapusin ang kasintahan, hagkan ito at higit pa.  Nais nyang hawakan nito ang kanyang kamay habang naglalakad sa daan.  Nais nyang titigan ito sa kanyang pagtulog, bantayan, haplusin, hawakan. Ngunit di nya makita ang sarili na maunang magpahiwatig kay Crisostomo ng nilalaman ng kanyang isip. Minsan nais nya rin maging si Maria Clara sa bisig ng lalaking pinakamamahal nya.  Ngunit pansamantala sa kanyang isip at maging sa panaginip hahayaan nya si Klay ang gumiya sa kanya kung ano ang dapat gawin. Katulad na lamang kagabi.

Tahimik na ang San Diego, nakapinid na ang pinto ng kuwarto ni Maria Clara at nagpaalam na rin si Andeng na matutulog na ito sa kanyang silid.  May dinalang maligamgam na gatas si Tiya Isabel upang mahimbing syang makatulog.  Ngunit paano nga ba sya makakatulog kung kanina pa umiikot sa isipan nya ang katipan.  Pumikit si Maria Clara at hinayaang iduyan sya ng kanyang panaginip.


Hapon na raw noong dumating si Maria Clara sa bahay ni Ibarra.  May dala-dala itong balot ng ulam para sa hapunan.  Nais nyang ipaghanda ng pagkain ang katipan. Mag-isa siyanag dumating na hindi nya na alintana kung bakit. Kabado ang dalaga.  Ito ay isang guni guni lamang ngunit paminsan napapaisip sya. Parang totoo ang nangyayari sa isipan. Sya ay pumikit at huminga ng malalim nandito sya para bigyan ng katuparang ang mga nais. Nakita nyang lumabas ng isang silid si Klay, naka baro ito ngunit walang alampay. "Susmio ano at ganyan ang kanyang suot." napasapo si Maria sa dibdib at napakapit sa sarili.  Pinigilan nito ang munting tinig na kumawala sa bibig. Tinitigan nya kung saan ito patungo.  Binuksan ni Klay ang pintuan sa isang silid.  Dali dali syang sumunod. Malawak ang silid, may malaking kama at painadora at isang likmuan na nakaharap sa balcon kung saan ang bintana nito ay kasalukuyan nakapinid ngunit ang ventanilla naman ay nakabukas. Malamig ang kuwarto napansin ng dalaga.


"Sir, heto na po iyong gatas nyo." habang papalapit sa upuan.  Nakita nya ang kamay na umabot dito.  "Salamat."
Ngunit di nya maaninag ang hitsura dahil ang sandalan ay nakaharang sa pintuan.  "Maria."  napahigit ng hinga si Maria Clara.  Nakita ba sya? Ngunit tumawa ng marahan si Klay. " Ang pormal Sir." Umupo ito sa baul sa dulo ng kama.  "Klay na lang."

"Ayaw mo ba sa pangalan mo Maria Clara?" Narinig nya ang himig pagbibiro ng kausap. 

"May Maria Clara na po sa mundong ito."

"May sapat na espasyo para sa dalawang Maria Clara sa mundong ito. May sapat  na espasyo para sa lahat." Sigurado na si Clarita na ang nobyo ang kausap ng dalaga. Marahan itong tumayo mula sa pagkakaupo at humarap kay Klay. "Tinatawag na yata ako ng antok."  Inilagad nito ang palad "Mabuti pa ay matulog na tayo."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cyd_08 #1
Chapter 3: Next na po ate 😭😭
ItsStrang3 #2
Chapter 2: OMG so excited na agad sa next chapter🙈
Cyd_08 #3
Chapter 2: Huhuhu next na po