Sa Silong

SUMASAIYO, Crisostomo
Si Clarita yata ang hindi makakatulog nito. Huminga sya ng marahan. Napukaw si Maria Clara mula sa kanyang paggugunita sa katanghaliang tapat. Dumating si Klay na may bitbit ng pitsel ng tubig at isa isa itong umikot para malagyan ng tubig ang kanikanilang baso. Nakita ni Clarita ang pag-abot ni Klay ng baso kay Crisostomo. Ang pag dampi ng kanilang mga daliri and pag ngiti ni Klay at ang pagtango ng katipan. "Magandang tanghali po Sir." Bati ni Klay. Napansin rin ni Clarita ang malagkit na titig ni Crisostomo sa dalaga. Hindi pa nito binabaling mula rito ang tingin. "Maraming salamat at magandang tanghali rin sa iyo Binibining Klay." Malat ang boses ng binata napansin nya. At pinanood ni Clarita ang pag inom nito ng tubig. Mainit ang panahon at galing sa labas si Crisostomo ngunit kapansin pansin ang pamumula ang tainga nito. At kapansin pansin rin na hindi nilubayan ng tingin ni Crisostomo and dalagang may hawak ng pitsel hanggang sa matapos ito at ilapag ang hawak sa lamesa at tumayo sa likod nito. Tahimik lang si Klay sa kanyang pagkakatayo sa tabi ni Andeng. "Kumain ka na ba Miss Klay?" tanong ng ginoo. "Nakapag-almusal na po kami ni Andeng, sabay po ulit kaming manananghalian mamaya. Sagot nito mula sa likod. Napakunot ang noo ni Clarita, maano naman kung kumain na yung mga taga-silbi. "Tila naman yata at masidhi ang iyong pag-aalala sa bagong taga-silbi nina Maria Clara." Bulalas ni Victoria Tumaas ng bahagya ang kilay ni Klay rito halos kapanabayan ng pagtaas ng kay Crisostomo. "Minamasama mo ba ang aking pag aalala sa aking kaibigan, Victoria? Baka lang nakakalimutan natin na noong nakaraang mga araw eh sa bahay ko si Binibining Klay nakatira at sabay ko kung kumain sa hapag sa araw araw. Hindi mo maiaalis sa aking ang mag-alala lalo na at ako ay pumayag na lumipat sya sa pangangalaga ni Maria Clara at Tia Isabel. "Tama yan Sir." Bulong sa sarili ni Klay. "Ipagtanggol mo ako no." pasimple syang umirap sa direksyon ng mga nag-uusap. "Basta mo na lang ako itinapon dito na parang wala tayong pinagsamahan. Wala lang talaga akong choice haist." "Lubha naman yata ang iyong pag aalala, Crisostomo." Sa wakas ay nagsalita na rin si Maria Clara. "Hindi namin pinababayaan rito si Klay." "Ay sus." Patuloy ang pag sabat ni Klay sa isip. "Kung di ka naman dalawa't kalahating insecure teh, di malamang nagtitimpla pa rin ako ng kape sa mansyon ngayon." Kunwari inayos ni Klay ang baro na suot. "Ikaw at yang tropa mo masyadong maissue." "Isang alipin.." Sabat ni Victoria. "Ay foul na yan." Biglang sambit ni Klay na aakalain mong hindi nakikinig noong una. "Excuse me lang ladies and gent at hindi ako nakapagpigil. Mukha ba akong alipin? Kung makapagsalita kayo para kayong paragon of good manners. Your holier than thou attitude is what landed me where I am, nandito lang po ako sa likod pero kung pag usapan nyo dinaig ko pa ang langgaw sa dingding. Hindi na natin kailangan ang opinyon ng ibang tao dahil sa inyo palang basang basa na ko" "Miss Klay." Saway ni Crisostomo. Umirap lang si Klay bilang tugon. "Husto na Victoria. Pumayag akong lumipat dito si Klay sa pag aakalang mapapabuti siya sa pangangalaga nina Maria Clara at Tiya Isabel. Hindi ko inaasahan na iinsultuhin nyo lamang sya at sa harapan ko pa mismo. "Ngunit Crisostomo" panimulang pagtutol ni Victoria, ngunit inabot ni Maria Clara ang kamay ng pinsan at marahang umiling. "Mabuti pa Andeng ay samahan mo muna si Klay sa kusina." tango nito sa kababata. Mabilis naman na hinila ni Andeng ang dalaga palabas ng comedor. "Tara na Binibining Klay." "Paumanhin mahal ko pero masyado naman yata ng iyong di pagsang-ayon sa sinabi namin Victoria." himig babala ni Maria "Pumayag ako sa kagustuhan mong lumipat dito si Klay para patunayan na ang nais ko lamang ay makatulong. Ngunit ano itong naririnig ko. Sa inyo pa mismo nagsisimula ang pangungutya." "Wala namang masamang sinabi si Victoria." "Alipin. Hindi isang alipin si Klay. Nagkamali ba ako at tama ang aking sapantaha at nabibilang na rin kayo sa mga uring mapang-api?" Natigilan ang mag-pinsan sa tinuran ng binata. "Isang matalinong babae si Binibining Klay. May pangarap at adhikain para sa mga kabataan, kababaihan at pati na rin sa mas nakakababa ang antas ng pamumuhay. Isang adhikain na maiangat ang estado sa lipunan. Hindi ako dumaan dito para makipagtalo. Dumaan lamang ako para sabihin na aalis ako para asikasuhin ang pagpapatayuan ng eskuwelahan. Nawa ay mapagnilayan ninyo ang inyong opinyon. Hanggang sa muli mga binibini." At marahang tumayo si Ginoong Ibarra sa hapag. Nataranta naman bigla si Clarita. "Crisostomo! Sandali! Paumanhin mahal ko" Dagliang pagtayo ni Maria Clara. Hindi ito ang inaasahan nyang muling pagbisita ng kasintahan. Hindi nya ninanais na umalis ito na may sama ng loob sa kanila lalong lalo na sa kanya. _________________________________________ Minabuti na lamang muna ni Klay na umalis at magpahangin, sabi nga ni Andeng iwas gulo muna. Napabuntong hininga ang dalaga. Pambihira talaga minsan ang kalaban ng babae kapwa babae nya lang rin. "Alipin. tsk!" Palatak ni Klay, ang ganda ng umpisa ng umaga eh. "Mabuti na lang hindi nya ko hinayaang apihin dahil naku talaga minus pogi points ka dun Sir." "Senyorita Klay!" ang bati sa kanya ng katiwala ng mansyon. Saan pa ba sya pupunta kundi ang umuwi sa bahay na alam nya. "Magandang hapon Mang Adong." Malugod nyang pagbati. "Wala dito ang senyor." "Hay naku Mang Adong, alam ko po. Nagkita kami sa bahay nina Maria Clara. Yung totoo po, medyo nakakapagod po kasi dun. Nais ko lamang po sanang magpahinga sumandali. Nakakapagod dito sa San Diego no?" Direretso nyang sabi. Tahimik lamang syang pinagmasdang ng mas nakakatandang lalaki. "Alam nyo Mang Adong, ang kumplikado ng buhay nila pero parang puro lalaki at pag aasawa lang naman ang laman ng isipan nila." Ngumiti ang katiwala. "Dito kasi Senyorita sa edad nyo dapat ay may kasintahan ka na, yung iba ay nag aasawa na at bumubuo ng pamilya." "Naku sa amin Mang Adong wala pa akong alam sa mundo at nagsisimula pa lang buhay ko." "Kaya po maaaring nakikita kayo ng mga kadalagahan bilang banta sa mga lalaking kanilang sinisinta." Tumigil sa pag wawalis ang kausap ni Klay. "Hindi nyo po maiaalis sa kanila ang mag alala lalo na at matimbang kayo sa senyor." "Parang close lang eh?" sabat naman ni Klay "Ano po yun Senyorita? "Aaah close, malapit po Mang Andong. Malapit po ako sa kay Sir Ibarra dahil mabuti po syang tao. Nung mga panahon na wala akong matakbuhan nandun po sya para tulungan ako ng walang kapalit. Marunong rin po akong tumanaw ng utang na loob. Nakuwento ko na po sa inyo na sa una naming pagkikita ni senyorita Maria Clara ay nais agad nya akong ipasok ng institution ng mga baliw." Ngumiti si Klay. "Si Sir ni minsan hindi ginawa yun kahit na aminado naman ako na nakakabaliw po talaga ako." Tumawa si Mang Adong sa tinuran ng dalaga. "Pwede po bang tumambay muna dito Mang Adong? Magpapahupa lang ako ng inis at sama ng loob. Wala lang po kasi akong alam na ibang puntahan na makakapagpahinga ako ng mas maayos." "Kayo naman Senyorita parang "others"." Tumawa si Klay sa narinig "Bukas po ang silong kung nais ninyong magpahinga." "Yung dati nyo pong kuwarto ay hindi ipinakandado ng senyor. Mukhang alam nya na pong maaari itong mangyari ano mang oras." "Marami pong salamat Mang Adong." ______________________________________________________________ "Nasaan na ba si Klay at gabi na?!" sabi ni Tiya Isabel "Ang sabi nya lang po magpapahangin sya at ng makapag-isip." Turan ni Andeng "At bakit kinailangan nyang magpahangin? Hindi maaaring basta na lang sya umalis at pumunta sa kung saan." Tahimik naman si Clarita na nakikinig sa may bintana. Kanina pa nya inaabangan si Klay pero madilim na ang paligid at hindi nya pa naririnig ito. Hindi nya rin mawaglit sa isip ang mga sinabi ng katipan. Tunay ang pag aalala ni Crisostomo kay Klay at tama naman na pumayag lamang ito para patunayan na wala silang ginagawang masama. Ngunit hindi nya mawaglit sa isip ang imahe na sya rin ang may gawa. Ang posibilidad na nahagkan na nga ni Klay ang kasintahan. At ang paninibugho na dulot nito. Handa si Crisostomo na ipagtanggol si Klay kahit kanino. Maging sa kanya mismo. At ngayong hindi pa umuuwi si Klay kinakabahan na si Clarita. Nasaan ka na Binibining Klay?Paano kung nagkita sila? Paano kung magkasama? Paano kung magkalapit ulit sila. Ngunit sa bahay ni Ginoong Ibarra... "Senyor!!!" Dali daling pagsalubong ni Mang Adong sa may-ari ng bahay. "Napa-agaran po ang pauwi ninyo. Sa makalawa ko pa po kayo inaasahan." "Naku Mang Adong, may harang sa tulay palabas ng bayan. Hindi na namin pinilit at hapon na ng maabutan namin. Minabuti na lamang namin na bumalik." Bumaba na ng caruaje ang binata. "Mabuti pa ay ipaghanda mo na lamang ng makakain ang kutchero at ng makapag pahinga na rin sila." "Senyor..." "Ipagpabukas na lamang natin Mang Adong." Sambit ng ng ginoo. "Tayo ng umakyat at ng makapagpahinga."
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cyd_08 #1
Chapter 3: Next na po ate 😭😭
ItsStrang3 #2
Chapter 2: OMG so excited na agad sa next chapterπŸ™ˆ
Cyd_08 #3
Chapter 2: Huhuhu next na po