So It Begins

Voice Lie
Please Subscribe to read the full chapter

-- 

 

Mabilis na napabalikwas si Karina from her deep sorrowful slumber. Bukas naman ang aircon ng kwarto ngunit namumuo ang pawis sa noo niya, isinandal niya ang likod sa headboard ng kaniyang kama at sandaling hinugot ang pag hinga, she went straight to envelope her knees with her arms as her tears constantly stained her cheeks. 

 

Ramdam na ramdam rin niya ang pisikal na kurot sa puso mula sa masamang panaginip na paulit ulit nalang ipinapaalala sakaniya na parang sirang plaka. For some people, collection of memories brings alot of warmth and comfort like a soft pillow before going to sleep but for Karina, her memories are like growing knive's edges as days count by. 

 

Panaginip lang naman ang lahat ngunit pakiramdam ni Karina ay nandoon nanaman siya sa parehong sitwasyon from when it happened kahit ano pang subok niyang takasan ito ay nahahabol parin siya at the end of the day. She sworn to herself she'll never let the people around her know that she's still having nightmares about that night. Doon naman siya magaling, ang magkunwaring ayos lang kahit sa totoo lang ay pakiramdam niya bibigay na siya. 

 

Kinuha nalang niya ang tissue sa kaniyang night stand at pinunasan ang luha, stayed for about five minutes para pakalmahin ang sarili bago tuluyang napag desisyunang tumayo na para ayusin ang sarili sa banyo. Tinitigan niya ang mukha sa salamin matapos niyang hilamusan ang mukha niya—puffy eyes dahil sa pag iyak at mukhang kulang sa tulog. 

 

Grabe naman daw talaga, kakasimula palang ng araw niya pangit na agad ang bungad. Kinabahan tuloy siya at baka mabawasan ang ganda niya. Paano nalang daw siya magpapapansin sa Vlogger na kaklase niya? Hilamos lang naman kasi talaga ang pakay niya sa pagpunta sa CR kaya lang ay bigla siyang naka receive ng tawag sa talakera niyang bes, galit na galit ito sa kabilang linya. 

 

"Teh, baka gusto mong bilisan? Mahiya ka naman kay Winter, kanina kapa inaantay may usapan yata kayo tungkol sa project ni Miss Tiffany!" doon lang din niya na-realize na mataas na ang sikat ng araw at biglang naalala na may usapan nga pala talaga silang magkita ni Winterine para sa nasabing gagawing project. Mabilis niyang tinignan ang oras mula sa screen ng cellphone at nakitang alas onse pasado na ng umaga—magtatanghali na! 

 

, Nakakahiya ka Karina! 

 

Bulong niya sa sarili matapos ay dali daling bumalik sa banyo para maligo na, 9:30 kasi ang usapan nila ni Winter na magkita sa LRC at two hours late na siya, malamang lang ay kanina pa naghihintay ang kaklase niya para sakaniya. Nagsimula narin tuloy siyang mag overthink, ano nalang kaya ang iisipin ni Winter sakaniya? Nakiusap pa naman siya sa striktang propesora tapos paghihintayin lang niya!

 

Nagsimula na siyang mag isip kung bakit ang malas lang ng araw niya, friday the 13th ba? Hindi rin naman at sabado na, lagpas narin sa 13th ang petsa sa kalendaryo nila. Wala naman talaga silang pasok ngayong araw pero napagkasunduan nila ni Winter na magkita ngayong araw para simulan na ang plano para sa review analysis at case study na gagawin nila matapos i-reveal ng guro ang topic para sa kanilang dalawa. 

 

Ang kawawang Ningning naman ay rant ng rant dahil sa tamad na partner raw siya napunta—Karina almost felt bad dahil hindi niya masabi kung anong ginawa niya sa office ng Prof nila nung nakaraan ma-secure lang ang spot to be Winter's partner, na surprisingly ay ipinakiusap rin pala ng Vlogger. Sa katotohanan, nakailang brainstorming nanga siya kung bakit ginawa ni Winter yun kung pwede namang si Giselle nalang ang ipakiusap ni Winterine to be her partner, di'ba? 

 

Mas pinili nalang niyang maging delulu at enjoyin ang pagkakataon na gusto rin siyang maka-partner ni Winter, atleast may tiwala ito sakaniya pag dating sa acads, that's all that matters for now. Atleast, may small interactions raw sila ni crushie cutie hanggang matapos ang project na gagawin nila. Mabilis naring gumaan ang mood niya dahil sa thought na 'to, parang gusto pa nga niyang dalhan ng crepe cake ang Prof bilang pasasalamat. 

 

at kahit late na siya, mas pinili parin niyang mag jeep nalang—hindi dahil sa nagtitipid siya, takot siya. 

 

Sa unang beses sa araw na'yon, medyo sinuwerte siya. Oo medyo lang, inis na inis lang naman siya dahil nagulo gulo na ang buhok niya dahil sa takbo ng jeep na akala mo raw ay hinahabol ng toro sa bilis. Buti nalang, may dala siyang clamp sa tote bag niya. Ang lakas raw maka student vibe ng outfit niya ngayong araw, ayaw niya kasing mag over dress at baka kung ano pa lalo ang isipin ng partner sakanya. 

 

Naks, partner! 

 

Mabilis lang rin naman siyang nakarating sa University habang hinihingal, kulang na yata siya sa excercise dahil napagod siya sa lakad-takbong ginawa niya sa overpass. Sumilip na agad siya sa LRC nang makarating siya taas, trying to spot the pretty Winterine Reyes Kim, lumulutang talaga ang ganda nito dahil hindi na nahirapan pa si Karina na mahanap siya. Nakaupo ito sa usual spot niya, malapit sa glass walls, naka cross legs at nakakunot ang mga noo habang nakaharap sa hawak na macbook.

 

Ang ganda lang raw ni Winter sa pa white ankle strap heels niya with her powder blue cardigan at white skirt. 

 

Inipon niya muna ang lakas ng loob niya bago tuluyang lumapit kay Winter na surprisingly ay walang kasama. Umangat naman ang ulo nito para salubungin ng tingin si Karina nang maramdaman niya ang paglapit nito, ipinatong rin kasi ni Karina ang tote bag sa upuang hinila niya katapat ng Vlogger. Magaan siyang nginitian nito and closed her laptop para ibigay ang buong atensyon sa babaeng nasa harap niya, inalis narin niya ang airpods na nakasuot sa tenga niya. 

 

Nahihiya lang naman si Karina na tumingin at binigyan ng awkward smile ang crush niya. 

 

"Hi, sorry! Hindi ko sinasadya ma-late, may emergency lang!" bahagya pa siyang nagulat dahil sa maliit na tawa na pinakawalan ng kaharap niya. 

 

Shet! Kailan ba ako magiging straight? 

 

Napatanong pa tuloy siya sa sarili niya, hindi niya siguro namalayan na medyo nakakunot na ang noo niya. 

 

"I figured, yes. Buti nalang napadaan si Ning dito sa LRC so I asked her instead." Tuluyan ng umupo si Karina sa harap ni Winter w

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
w1ntersolstice
Hello, this is a college winrina setting! I will start updating after i finish my short story "About Last Night." See you soon here! <3

Comments

You must be logged in to comment
azxryll #1
yung names 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
EzraSeige
#2
Chapter 2: Another aabangan 😉😉😉😍💙❄
jmjslrn #3
Chapter 2: sanaol magkatugma fate at destiny 😩
howdoyouknowmee
535 streak #4
Uyy may update hehe
Luwijen
#5
Chapter 1: mga galawan mo talaga tot HAHAHAHA
EzraSeige
#6
Chapter 1: 😍😍😍💙❄
ozkdne #7
Chapter 1: Grabe ka, Winterine.
howdoyouknowmee
535 streak #8
Chapter 1: Winterine Reyes Kim shooting her shot 🔥
howdoyouknowmee
535 streak #9
UPVOTED SIYEMPRE