Seize the Day

Voice Lie
Please Subscribe to read the full chapter

--

 

Fun.

 

Simple lang naman ang kahilingan ni Karina, ang maging masaya para sa buhay kolehiyala niya. Kaya lang, paano nga naman magiging 'fun' ang pangangailangan niyang iyukyok ang mukha sa sariling laptop para tutukan ang mga readings na kailangan na niyang tapusin?

 

Pwede bang i-kaldag nalang niya ito?

 

Maaga naman siyang nakatulog kagabi, complete panga ang eight hours of sleep niya, maganda din naman ang gising niya dahil sa pa breakfast Mcdo na order niya, pero ramdam na ramdam padin niya ang pagod sa mga pangyayari sa academics niya lately.

 

Grabe naman raw kasi, kasisimula lang ng term 2 nila, eh binagsakan agad sila ng mga kailangang gawin ng professor nila sa Developmental Psychology, at kung hindi naman talaga cute ang mga general subjects ay talagang sumabay pa ang STS nila sa pagbuhos ng activities at quizzes. Hindi pa raw nakakatulong ang view nina Winter at Somi sa di kalayuang table na pumasok lang yata sa Learning Resource Center para magharutan.

 

Mukhang seryoso raw si Winter sa binabasa sa makapal na libro nito ng Developmental Psychology habang kinukulit kulit siya ng katabi nitong si Somi, totoo nga talaga siguro ang chismis na mag-on ang dalawa. Hindi naman siguro hahayaan ni Winter ang pangungulit nito habang nag rereview siya kung wala lang ito sakaniya, di'ba?

 

She wonders how it would feel if she were to be close to the vlogger like Somi is, Naalala niya pa ang mahinhin na pagkaway sakaniya nito kanina and how Winter mouthed a hello, siya kasi ang pinakaunang tao na nakapasok sa loob ng LRC, and Winter entered the premises not long after.

 

Busy pa naman siya kanina sa pag aayos ng mga kailangan niyang gamitin for her quick review regarding their readings, nae-enjoy niya rin ang tanawin mula sa glass doors at kita ang garden view sa gilid, slightly foggy pa ang atmosphere at shy pa si Mr. Sun.

 

Hindi naman na nasundan pa ng mini picnic nila sa Sky Garden, medyo busy narin kasi talaga sila ni Ningning dahil sa broken schedule nila. But she was sure something really good shifted after that day, kung noon ay hindi sila nag babatian ng influencer, ngayon ay nag papalitan na sila ng small smiles at hello—gusto na nga niyang bigyan ng award si Winterine bilang Miss Congeniality, bagay na bagay daw ito lalo pa’t parang palagi itong nakangiti sa mga tao.

 

Nakakapagod kayang makisalamuha sa mga tao, kahit naman ENFP raw si Karina, nade-drain parin ang social battery niya. What more paraw kaya itong vlogger na kaklase niya at maraming nakakausap at nagpapa picture from time to time, sobrang accomodating lang nito at mabilis kausap.

 

Saglit niya pang inadmire ang napakagandang side profile ng influencer, nakakunot ang mga noo at mukhang seryoso sa pagbabasa kahit pa kinukulit ito ng girlfriend niya sa tabi. Ano ba 'yan, wala bang klase 'tong si Somi? Isip isip niya. At dahil nga medyo sikat na talaga itong si Winter, hindi maiiwasan na maipunan sila ng tingin from the people around them, they're quite getting the stares kahit bata pa ang umaga.

 

Ay, ito talagang mga ‘to! Hindi nalang mag basa!

 

Natamaan naman siya sa sariling sinabi kaya sinubukan nalang ulit niyang mag focus sa screen ng kaniyang laptop, Interesting naman talaga ang topic para sakaniya kaya lang ay nahahati ang atensyon niya, she just scrunched her nose out of frustration.

 

Kinuha nalang phone sa sariling bag para sa kaniyang mini social media break at para mai-text narin ang kaibigan niyang mukhang mahimbing parin ang tulog hanggang ngayon, palibhasa'y sa neopolitan lang ito nakatira kaya hindi natatakot sa araw araw na kalaban ni Karina—ang traffic.

 

 

Karina Yu [8:16 AM]: Ning, saan kana? Akala ko ba mag aaral tayo?

 

 

May classes pa sila ng 10 AM para sa kanilang Art App na subject. Kanina niya pa pinapadalhan ng text si Yizhuo pero hindi nag rereply, mukhang nag oversleep nanaman ito. Napag usapan kasi nilang dalawa na pumasok ng maaga para makapag review at baka may pa-surprise recitation sila sa subject nilang physiological psychology. Mahigit isang oras narin siyang nakaharap sa laptop niya at nag te-take down notes. Kahit naman mahilig siya sa gimmicks at parties, she's still taking pride over her studies.

 

Hindi man psychology ang first love niya, she thinks she's getting fonder of it habang lumilipas ang panahon. Naniniwala siyang ang lahat ng nangyayari ay may dahilan—Lalo na't kung ginawan ng paraan. But she still wonder sometimes how it would be for her if she pursued Civil Engineering, would she be burning with passion right now?

 

Engr. Katarina Sanchez Yu, pero pwede rin namang Katarina Sanchez Yu, Rpm, Rpsy.

 

Mahirap magsalita lalo pa't isang semestre palang naman ang natapos niya sa kasalukuyang kurso, on going pa ang term 2 niya. She promised herself if she doesn't grow to love psychology ay mag shi-shift siya, kahit pa magiging dahilan ito para maging delayed siya. Wala naman naraw mawawala sakaniya lalo na ngayong irregular siya at broken ang schedule niya. She would be lying if she says she's not having a hard time, pero sabi nga raw ng Ben&Ben: Leaves will soon grow from the bareness of tress, and all will be alright in time.

 

She'd like to believe that time is the best healer, time helps things be better and get better; Everything, in time.

 

"Win, It's not like we're not close friends! Bilis na kasi, I hate you!" Napalakas ata ang boses ni Somi, naglingunan ang mga estudyante sa loob ng LRC kasama na ang mga nasa beanbag area, at syempre isa na si Karina sa umangat ng tingin para silipin ang nangyari kasabay ng pag ring ng bell sa loob ng library na siyang indikasyon na kailangan nilang tumahimik dahil tumataas na ang mga boses niya.

 

Pero ano raw?

 

Tama ba siya ng pagkakarinig? Close friends?

 

Hindi niya alam kung anong mayroon at parang biglang gumaan ang mood niya-sino nga ba naman kasing hindi gagaan ang mood kapag nalaman mong single pala ang crush mo at close friend lang pala nito ang nachi-chismis na girlfriend niya? Pinanuod niya ang naka cross arms na si Somi habang nakasimangot habang si Winter naman ay tuluyan ng isinarado ang hawak na libro at tinuon na ang buong atensyon sa kaibigan—feel na feel niya gamitin ang word na kaibigan ngayon.

 

Winter gave Somi a sidehug para aluin ito.
 

Duda ako sa close friends na'yan!

 

Naudlot tuloy ang mini happy dance niya sa isip niya, ang hirap naman raw magkaroon ng crush sa influencer–vlogger na si Winterine Reyes Kim, kasi marami silang nakapila! Hindi nanga siya sure kung pang ilan na ba siya sa pila ng may crush kay Winter at this point.
 

 

Yizhuo Ning [8:52 AM]: Kanina pa ako sa school, slr eh kasi naman hinarang ako ng prof natin sa ITLE! Mamaya ko na chika sayo, puntahan mo muna ako dito sa benches sa tapat ng discipline's office! -_-''

 

Karina Yu [8:53 AM]: Okay, wait mo me.
 

 

Huminga siya ng malalim, Isinarado ang laptop, Inayos ang mga gamit at determinadong tumayo mula sa pagkakaupo. Sabi nga ng poet na si Horace from 2,000 years ago ay 'Seize the Day!' Kaya heto siya, entertaining the idea she has in her head. Talagang dinamay niya pa ang dead poet sa mga ideya niyang out of this world. Sometimes, someone has to make the first step, at siya na ang gagawa ng paraan. Pero syempre, uunahin muna niya si Ningning.

 

Naabutan niya itong nakabusangot habang nakaupo sa isa sa mga benches sa tapat ng discipline's office, natawa pa siya ng kaunti dahil ang cute lang raw ng kaibigan, inihalintulad pa niya ito sa isang baby tiger na galit. Umupo na siya sa harap nito, letting her presence known. It's as if Ningning is waiting for her for a while kahit na ten minutes palang ang nakalipas mula sa last text nila sa isa't isa, Namumula ang mukha nito at parang inis na inis.

 

"Bakit ganyan mukha mo?" Usisa ni Karina, nag alala nadin siya kahit medyo natatawa siya sa ekspresyon ng kaibigan.

 

"Bwisit kasi na Renjun at Haechan ng Computer Engineering! Nadamay pa ako sa gulo nila!" At parang sa wakas, nasimulan na nitong ilabas ang bigat na dinadala kanina pa, nakinig lang naman si Karina. "Why, anong ginawa nila?" May mas ilulukot pa pala ang mukha ni Ningning, para bang gusto nalang niyang ihagis sa building ang nasabing computer engineering students.

 

"Nag quiz tayo last tuesday sa IT subject diba? Yung dalawang bwisit na'yon, nangopya sakin! Ngayon, nag check si Sir Ronwaldo and guess what?" Inikot niya pa ang mga mata niya sa inis. "Parehong pareho sa lahat ng sagot ko even the wrong ones! Napagkamalan tuloy akong kasali sa kopyahan nila!" Ang hirap talaga maging irregular student, kung kaninong class ang available ay 'yon talaga ang mapapasukan mong block section para lang sa subject, kaklase kasi nila sina Haechan at Renjun sa isa nilang GE subject.
 

 

Kilala si Haechan sa department ng computer engineering bilang likas na makulit at mapang asar, like a kid that hasn't grown up yet. Nagulat lang ng bahagya si Karina at the mention of Renjun’s name, tahimik lang kasi ito at mukhang mabait—nasa loob yata ang kulo. Kawawa naman si Yizhuo at nadamay pa sa kalokohan ng dalawa.
 

"What? Paano sila naka-kopya sayo?" Hinilot ni Ningning ang sentido niya, nakikita palang niya sa isip niya ang dalawa ya naiirita na siya. Parang inuubos daw ng mga ito ang natitira niyang pasensya na sinave niya pa raw hanggang next year sana.

 

"Nung pinapasa na yung papers, nahulog yung sakin! Kinuha nila, took a picture of it and copied my answers!" Bakas na bakas ang frustration sa boses nito, Karina reached out and held her friend's hands that is firmly fisted on top of the table.
 

Maging siya ay naiinis narin dahil sa kinukwento ni Ning. Wala naman siyang pakeelam sa mga kaklase, all she wants is to coexist with them peacefully but she doesn't like to tolerate this kind of things—especially that they're now in college, they should know better.

 

"Grabe, ang tagal ko doon sa loob ng D.O trying to explain my side! Nakakainit lang ng ulo si Sir Ron, dinamay pa ang course ko! Sabi ba naman, psychology raw ako tapos ganito ako? Aba stress niya ako! Siya lang yata ang prof natin na ganyan. Kainis lang!" Kilala talaga ang nasab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
w1ntersolstice
Hello, this is a college winrina setting! I will start updating after i finish my short story "About Last Night." See you soon here! <3

Comments

You must be logged in to comment
azxryll #1
yung names 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
EzraSeige
#2
Chapter 2: Another aabangan 😉😉😉😍💙❄
jmjslrn #3
Chapter 2: sanaol magkatugma fate at destiny 😩
howdoyouknowmee
671 streak #4
Uyy may update hehe
luwiji
11 streak #5
Chapter 1: mga galawan mo talaga tot HAHAHAHA
EzraSeige
#6
Chapter 1: 😍😍😍💙❄
ozkdne #7
Chapter 1: Grabe ka, Winterine.
howdoyouknowmee
671 streak #8
Chapter 1: Winterine Reyes Kim shooting her shot 🔥
howdoyouknowmee
671 streak #9
UPVOTED SIYEMPRE