Ang Unibersidad sa Fairview

Voice Lie
Please Subscribe to read the full chapter

-- 

 

"Oh Isa pa, yung mga walang jowa at ka-date diyan! Sakay na, SM Fairview!" Napairap si Karina dahil sa nakaasar na sinabi ng barker, Kailangan ba talagang idiin na single sya? Gasgas na gasgas na raw tuloy ang linyahang ito na nagmula sa isang sikat na filipino movie, hindi nga lang niya maalala ang title. Nevertheless ay sumakay na siya ng Jeep dahil wala naman na siyang choice. "Diyan nalang sa kaliwa, usog pa kasya pa yan!" Ito nanaman ang senaryo nilang siksikan sa loob ng jeep, halos kalahati lang ng pwet niya ang naka upo pero ang kailangan nyang bayaran ay buo padin. Hanep lang. 

 

Buti nalang nga at may ID siya kaya kahit paano ay may discount siya, kailangan nga lang niyang kumapit ng mabuti dahil kaunting humps lang ay baka maka face to face na niya ang isa pang estudyante na ipit na ipit narin. Nahiya naman siya, siguro kung kaya ang tayuan sa loob ng jeep ay talagang pupunuin ito. Minsan iniisip niya kung pwede bang kalahati nalang ang ibayad nya dahil kalahati lang din naman ang upo niya.

 

Isa lang naman ang gusto ni Karina para sa araw na'to, at yun ay ang wag ma late para klase. Ngunit mukhang malas ata siya ngayon at talaga namang traffic pa sa kahabaan ng regalado avenue, nagsisimula na siyang pawisan dahil sa kabang nararamdaman niya. Halos ilang minuto nalang ang natitira at paniguradong late na siya. Hindi na niya maiwasang hindi matakot dahil sobrang terror pa naman ng Professor niya. 

 

Aba't yung mga ganitong moment pa talaga mapipiling mag pa gas ng driver ng jeep na sinasakyan niya. Hindi lang 'yon, talaga namang nakipag chismisan pa ito sa kapwa driver na huminto rin sa Petron. Pumikit nalang siya ng mariin at taimtim na nag usal ng panalangin na sana ay late rin ang prof niya kahit na alam niyang malabong mangyari ito, mauuna pa yatang pumuti ang uwak bago ma-late sa klase ang nasabing guro. 

 

"Hay! Thankyou Lord!" Mabilis siyang napatakip sa sariling bibig dahil nasabi na pala niya ang naiisip niya, Pinagtinginan tuloy siya ng mga kapwa niya pasahero at mukhang pareho din ng sentimyento matapos ang mala MMK na catch up session ng dalawang driver ng jeep at isang staff ng gasolinahan, akala niya nga ay hindi na matatapos ito. Hindi naman siya nakikinig, kaya nga alam niyang nag away ang driver ng sinasakyan nya at ang misis nito dahil nahuli itong pumupusta sa online sabong. 

 

"Saakin ka mag thankyou ija at wag kay Lord dahil hindi naman siya ang nag da-drive!" Masungit na sabat ng driver sa naging kumento niya. "Ah nagdasal po kasi ako na matapos na ang chismisan nyo, pero sige. Thankyou po, Manong Driver!" Pumalanghit na ng tawa ang mga pasahero sa paligid niya pati na ang mga naka upo sa harap na katabi ng driver.

 

Halos patakbo na siya nang makababa sa sinasakyang jeep, lumingon lingon pa sa paligid ng muntik na niyang mahalikan ang sahig. Buti nalang at mukhang busy masyado ang mga tao para pansinin pa siya. Kung marunong lang sana siyang mag drive ay hindi na siguro niya problema ang hirap sa pag commute sa pagpasok sa eskwuelahan, kaya lang ay takot na takot siyang mag aral dahil sa isang pangyayari that she'd rather talk about later. 

 

Tanggap din naman niya sa sarili niya kung bakit late siya ngayong araw. Napuyat lang naman siya dahil may bagong upload na video sa youtube ang paborito niyang blooming influencer—matutulog naman na talaga siya kaya lang ay biglang nag notify sa phone niya ang bagong upload na video entitled: Winter's Vlog #74 I let my friends control my food for a day, just cafeteria edition!

 

Si Winter na nalungkot nang ang choice for breakfast ni Ryujin ng engineering para sakanya ay Cheese stick at Kikiam na mas makunat pa raw sa mga kuripot, si Winter na halos yakapin si Giselle sa pinili nitong Hashbrowns at Hotchoco for snacks. At syempre, hindi mawawala si Somi from marketing department na ang choice for lunch para kay Winter ay Tongkatsu with Rice at malamig na C2 lemon. 

 

She actually witnessed it being filmed 'nung kamakailan kaya parang na-excite siya sa magiging resulta. Very hardworking naman pala talaga ang influencer–classmate niya na si Winter. Busy na sila sa school pero nagagawa padin nitong bigyan ng oras ang pag edit at pag upload ng mga vlogs niya.Balita rin niya ay Dean's Lister ito nung term 1 nila. Nagutom nga rin siya kaya nakapag luto pa tuloy siya ng midnight snack ng wala sa oras—ayan, late na ang tulog at gising niya, mabagal pa naman siyang kumilos! 

 

Mabuti nalang at close sila ng guard sa baba kaya hindi na siya na-interview pa at kinailangang ipakita ang NU-safe niya, magaantay pa naman siya sa elevator hallway. Marami siyang kasabay maghintay dahil ang iba ay pabalik na galing sa lunch break.

 

Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok sa classroom dahil naka habol pa siya sa attendance ng Professor nila sa Developmental Psychology. Pasimple din siyang sumilip sa gitnang banda ng classroom kung saan ang assigned seat ng nasabing influencer, nakatungo ito at mukhang seryoso mag basa ng The Gardener and The Carpenter ni Allison Gopnik, para bang immersed na immersed ito. Ibinaling nalang niya ang mata sa harap dahil nagsimula naring mag discuss ang guro. Sayang lang at hindi niya katabi ang new found friend niyang si Yizhuo dahil letter N ang apilyedo nito. 

 

"Girl, have you heard about the famous marketing student who's named Allison? She's apparently in a relationship with the youngest professor here. Omygod, but they're kinda cute together." Napatingin siya sakaniyang gilid dahil sa nagsalita, nakaharap lang ang mukha nito sa harap without throwing a glance on her ngunit halata sa arches ng kilay nito na excited siyang i-share ang bago niyang nakalap na kwento.

 

Hindi narin naman masama dahil si Giselle Uchinaga naman ang katabi niya. Mabait, matalino at kaibigan pa ni Winterine Reyes Kim ito. Hindi lang niya kinakaya minsan ang pagiging chismosa at madaldal nito lalo na kapag nasa gitna sila ng klase. Pakiramdam niya, ang motto ni Giselle sa buhay ay 'Speak my truth anytime I want to.'

 

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Ginaya niya si Giselle at nasa harap nalang din ang tingin, hands propped on her seat's table para hindi sila mahuli ng propesor. Giselle giggled a bit, at para bang di makapaniwala na kailangan pang tanungin ni Karina ang isang bagay na obvious naman na. 

 

"My Girl, I got it from bestie Somi." 

 

Ah, si Somi, yung rumored girlfriend ni Winter na hindi mapatunayan dahil hindi niya magawang tanungin itong kaibigan ng influencer tungkol sa buhay pag-ibig nito. Ang lakas lang talaga ni Karina mag pretend na hindi siya frazzled sa tuwing malapit sa paligid niya si Winter na may magandang ngiti lalo na kapag naka labas ang dimple—para bang hudyat ito na nasa mataas na level ng kasiyahan ang influencer kapag lumalabas ito. 

 

Simula ng lumipat siya sa panibagong eskuwelahan ay maganda naman ang naging experience niya, maraming bagong kaibigan at mga after class gimmicks na hindi niya naranasan noong nasa dating school niya siya. Ang motto niya ngayon para sa sarili ay 'enjoy your life to the fullest.' Mabilis lang ang college, kaya't sisiguraduhin niyang sulit ang experience niya rito. 

 

Sa katotohanan, sa Jhocson naman talaga dapat siya lilipat kung nasaan ang main branch ng campus. Kaya lang, biglang nag upload si Winter ng Winter's Vlog #67 a day in my life as a university student noong first sem palang sila, kaya naman pinilit niya ang Papa niya na sa fairview nalang siya mag aaral. At ang swerte niya lang dahil naging kaklase niya pa ito. Kaunti palang naman ang kailangan niyang habulin dahil frosh pa naman siya at isang sem lang naman ang tinapos niy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
w1ntersolstice
Hello, this is a college winrina setting! I will start updating after i finish my short story "About Last Night." See you soon here! <3

Comments

You must be logged in to comment
azxryll #1
yung names 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
EzraSeige
#2
Chapter 2: Another aabangan 😉😉😉😍💙❄
jmjslrn #3
Chapter 2: sanaol magkatugma fate at destiny 😩
howdoyouknowmee
536 streak #4
Uyy may update hehe
Luwijen
#5
Chapter 1: mga galawan mo talaga tot HAHAHAHA
EzraSeige
#6
Chapter 1: 😍😍😍💙❄
ozkdne #7
Chapter 1: Grabe ka, Winterine.
howdoyouknowmee
536 streak #8
Chapter 1: Winterine Reyes Kim shooting her shot 🔥
howdoyouknowmee
536 streak #9
UPVOTED SIYEMPRE