5/n

Ewan, Basta Fluff Ito
Please Subscribe to read the full chapter

Ang lungkot. Sobrang lungkot. Ano bang ginawa kong kagaguhan nung past life ko para makaranas ako ng ganitong klase ng pasakit ngayon. Ginawa ko naman ang lahat. Binigyan ko naman sya ng time. Sya nga ginawa kong priority eh. Ni hindi ko na nga magawang gumawa ng ibang bagay kasi nga nakatutok lang atensyon ko sa kanya. Pero bakit ganon? Parang 'di pa rin talaga enough lahat ng sacrifices ko. Parang lahat ng pagpupuyat ko para sa kanya nauwi lang sa wala? 

Kanina pa ko nakatitig sa kawalan at binibilang ang tiles sa cr namin habang inaantay kong malaglag ang dapat malaglag. Pati pag-ire wala ako sa mood. Sana pala dinala ko phone ko edi sana hindi ko alam na may 218 tiles pala 'tong cr sa 2nd floor. 'Nung ayaw talaga mahulog ng dapat mahulog, naghugas lang ako saka bumalik sa rooom. Ang bigat lang sa pakiramdam. Pati phone ko sobrang tahimik din kasi busy ang mga tao kaya wala akong mapaglabasan ng sama ng loob (yung totoong sama ng loob).

Curious ka siguro kung anong dinadrama ko 'no. Natry nyo na ba yung ginawa mo naman yung best mo but it seems like 'di talaga para sa iyo yung isang bagay? Ganoon kasi yung naffeel ko ngayon. Naghanda pa naman ako para sa entry na 'yun pero until now wala pa ring feedback galing sa admin. Naki-screening kasi ako for our district official gazette. Bale lahat ng schools sa district namin ay mayroong representative candidate for the official lineup kaya ako nagprepare kasi I think best training yun for me since ako ang editor-in-chief ng school paper namin. Pero pa'no na ngayon yan eh maski sa district hindi pala ako qualified. 

Pero paki nyo naman sa failure ko as student journalist 'di ba? May isa pa kong problema. Kaya rin siguro super bothered ako these past few days kasi si Yuji. Hindi pa rin sya nagrereply after ng discreet confession ko sa kanya. Ghinost n'ya na ba ako? If oo, edi ouch. Ni hindi man lang n'ya ko nireject nang diretso kung 'di n'ya pala ko gusto. Mas gusto ko pa naman yung harap-harapan akong irereject kaysa sa ighost 'no. Sakit kaya nun. Nakakadisappoint din kasi nag-expect ako na hindi sya ganong klase ng tao pero siguro nga tama sila Ning; hindi ko pa nga talaga sya kilala nang lubusan. Yung version nya na alam ko, hindi yun yung sya talaga. It's just a portion of it and she only shows what she is willing to show. 

Hindi ko rin naman machika kila Rj ang Ning itong situation ko kasi for sure makakarinig ako sa kanila. I mean, di naman sila yung type of friends na ira-rub talaga nila sa mukha mo na mali ka and tama sila pero my pride is getting the worst out of me. I'll just keep quiet for the meantime. Isa pa, pare-parehas din naman kaming busy sa acads and other extra curricular. We need to work on our CV din kasi since isa sya sa requirements for college. 

Iniisip ko, masyado ba kong mabilis sa pagconfess? Nabigla kaya sya? For sure oo. Kahit naman siguro ako mabibigla pag biglang may nag ganon sakin. Medyo umaasa nga ako na may response sya sa sinabi ko kahit late na eh. Ni-off ko kasi yung notif ng convo namin after ng day 2 ng pang gghost nya sakin eh. Ni-mute daw pero every seconds namang chinicheck if may reply na gagaampota HAHAHAHA

Shuta pangit ba ako? Hindi ba ako kagusto-gusto? Hindi ko ba deserve ang closure? Tangina naman, Yuji. Sana man lang you have the decency to end things properly diba? Payag naman ako na friends lang tayo if hanggang dun lang eh. Pero yung hindi talaga ko kausapin for almost a week dahil lang 'di mutual ang feelings namin is the worst. Well, I guess ganon talaga ang buhay. Sino ba kasing nagpauso ng discord na yan at kakaltukan ko. Kala ko pa naman kung hindi na malamig ang dadating na pasko. 

"Winter? Baba ka na dyan at kakain na daw tayo sabi ng papa mo.", I heard ate helper said outside my room. "Ilang araw ka na daw di nasisikatan ng araw", dugtong pa nya. 

"Ate, naka total lockdown kaya tayo. Alangang lumabas ako ng bahay, edi nakulong ako." Pamimilosopo ko habang piniprepare sarili ko na bumangon. 

Sino ba namang gaganahang lumabas ng bahay? For sure tatangunin lang nila kuya about sa update sa gazette tapos si mama naman kukulitin akong mag-aral kung san sila nagtuturo ni papa. Si papa naman well, medyo indifferent sya saming mga anak nya pero I view it as letting us decide on our own. optimistic# 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
689 streak #1
Chapter 5: 🥲 mishu
aerichandesu
#2
nabitin aq zhsjmaa
IceWolf23 #3
Chapter 5: qt naman sana all sincere
Lumeire #4
Chapter 5: author sana di rin kami ma snow dito po
seiikihavre
#5
Chapter 5: more pooo hehehe
shhnnyyuu
#6
Chapter 5: TOTOO ANG DIYOS
ericakesz #7
otor ud ka na pls huhu
KhElLy17
#8
Chapter 5: 🤍🤍🤍
Eybrelros #9
Chapter 5: Tanginaaaa keleg wiiiihhhh sincere naman daw pala esno ayusin mo yan🤭