Ang Date
Ang Bucket List ni KarinaI'm not sure if narinig nga talaga ako ni Winter kase hindi naman siya sumagot sa sinabi ko
When she's still not saying anything ay dumilat na ako
I was shooked when I saw her just blankly staring at me
"Karina..."
I felt goosebump all over my body sa lamig ng boses niya
I never seen her so serious even before na nag susungit siya hindi siya ganito ka serious
"Ang ganda ganda ng usapan natin, I trusted you with my shameful past pero ido-dogshow mo lang pala ako"
Tinanggal niya na yung pinky promise namin at lumayo sa akin
Hindi na tuloy ako naka sandal sa kanya
I was going to explain myself pero inunahan niya na naman ako mag salita
"If you don't trust me, okay lang naman, 'wag yung ganyang biro, hindi magandang klase ng biro yan, I under--"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para mahinto siya sa pag sasalita
"Winter, I'm not joking naman"
Tinitigan ko siya sa mata para mapakita ko na I'm not kidding around
"I'm here para sa bucket list ko, trying an extreme sport, pati na rin yung pag punta sa club, they're my bucket list"
I gently caressed her cheeks to make a point
"You know naman bakit normally may bucket list at nag mamadali ang isang tao tapusin yon 'di ba?"
She took a deep breath na para bang malalagutan na siya ng hininga
"Ka-kasalanan ko ba? Da- Dahil ba, da-dahil ba sa natataman kita ng bola?"
I can't believe it. Tuloy tuloy na ang pag luha niya, sinubukan ko naman punasan yung mata niya
Parang maiiyak na rin tuloy ako but in a good way naman, medyo gumaan yung loob ko na finally, may iba na rin nakakaalam except Tita Irene
"Winter, wala ka naman kasalanan"
Niyakap ko siya ng mahigpit hoping na mapahinto ko ang pag iyak niya
She hugged me back naman ng mas mahigpit, hindi ko na din tuloy mapigilan at maluha na rin
"I think I should thank you pa nga, kung hindi mo ko natamaan ng bola, baka hindi ako nag pa check-up at hindi makikita ni Tita Irene yung clot sa ulo ko"
Tuluyan na ngang humagulgol sa iyak si Winter, hindi ko alam na parang bata pala siya umiyak
I know I should be sad about what's happening to me pero wala na rin naman akong magagawa
I don't want to waste my time from crying, susulitin ko na ang natitira kong oras
"Don't cry na Winter, at least I am prepared na, half way na nga ako sa bucket list ko"
She tried to wiped her tears as fast as she can when I tried to show her something
Nilabas ko naman ang mini notebook ko to show her my bucket lists
"Try Extreme Sports? Oh it's done, kaya pala nag zipline ka Madam President kahit takot na takot ka"
She smiled at me although it's still kinda obvious na she's just faking it
I'm happy na she still make an effort, I think she understands that I don't want any drama right now
"Go to a club, oh done na rin pala 'to Madam President e, ang ikli lang pala ng bucket list mo"
"I have few days remaining na lang e, gusto ko feasibile yung bucket list na ginawa ko"
"Few days na lang?"
Nakita ko na naman na teary eyed si Winter, pinisil ko na lang ang mag kabilang pisngi niya
"I told you, I'm fine!"
Hinila niya ako kaya naman medyo na-pa patong ako sa kanya ng patagilid
Tapos inakbayan niya ko, It made it like I'm a little spoon tuloy sideways
"Next is... What?"
Nagulat naman ako sa reaksyon niya, medyo nilayo ko pa ang katawan ko kahit nakatungkod yung kamay ko sa waist niya
"Anong what? Don't tell me you're internally homophobic? As far as I know you had ex-girlfriends! "
"Ay Madam President, nagulat lang ako, I really thought you're straight"
Hinila niya pa ako ulit pabalik para mag kayakap kame ulit
"But don't worry Madam President, I think your parents will be fine about it naman, pwede pa kitang samahan if you like"
"Honestly, I know it should not matter anymore since I'll be leaving soon pero I will be really happy if talagang matatanggap nila ako"
"You'll be fine Karina, syaka I'm here naman whenever you need me, I promise, tutulungan kitang tapusin 'tong bucket list mo"
She offered her pinky again kaya agad ko naman pinag entertwine yung pinky naming dalawa
"Next naman is Go on a Date!? You never been on a date Madam President!? Weh?!"
Natawa na lang ako kase sobrang OA ng reaction niya sa nabasa niya
"You know naman Winter, I'm so busy nga sa pag-aaral, I don't have a time for dates"
"I didn't know sobra pala talaga pag ka studious mo. Sa ganda mo na yan, 'di ka nakipag date ever? Andami kayang nahuhumaling sayo sa school"
"I reject them all the time, I don't really care about those stuff before"
"Did you ever like someone? How about sa club, may natipuhan ka ba? Hahanapin ko for you"
"Akala ko ba you'll help me matapos yung bucket list ko"
"Kaya nga, sino ba gusto mo i-date? I'll set you up, I'm pretty sure no one will pass up to date a beauty like you"
I can't help but feel a little bit kilig sa sinasabi niya. I'm not even sure if she's aware sa effect ng compliment niya
"What if ikaw ang gusto ko na maka-date?"
"Ako? Ayaw mo lang mag hanap ng type mo e"
"Nasabi ko naman na kanina 'di ba?"
"Ang alin?"
"I've been wanting to kiss your lips since kanina pa"
"Rina! Ayan ka na naman"
Nilayo niya naman yung katawan niya sa akin, nakakainis, lagi na lang akong tinutulak
"Akala ko ba gusto mo kong tulungan sa bucket list ko? Sinungaling ka pala e!"
I didn't mean to nag or to sound like I'm so sad pero dala na rin siguro ng alak kaya my tone is full of emotion sa pag da-drama ko
Somehow I sounded so pitiful (which is in a way totoo naman), I just wanna nag lang naman na she doesn't keep her words
"Huy Rina! Hindi naman sa ganon! Sige na nga ako na nga ang magiging ka-date mo"
"Promise me, tutulungan mo ko to complete all of my bucket lists"
This time ako naman ang nag offer ng pinky finger
"I promise Karina, kahit ano gagawin ko para ma-complete natin itong bucket list mo"
Again, she kissed our intertwined pinky finger
"Don't worry, I'll do my best to help you complete your bucket list"
Nang babasahin niya na ang huli sa list ko ay inagaw ko na yung note
Nakakahiya naman kase yung huli ko sa list
And I'm also still undecided kung isasama ko ba talaga yun
I still feel like I rather die na lang kesa doing it just for the sake of doing it
Kahit pa-pano nakuha ko pa rin naman ang pagiging hopeless romantic ng parents ko
At naniniwala na I should only do it with someone I truly love
"Madam President, very rude! Binabasa ko pa inagaw mo na"
Binelatan ko na lang siya pero tumawa lang siya sa ginawa ko
"Karina, may cute side ka pala talaga, you're always serious kase sa paningin ko"
Saglit niya pang pinanggigilan ang pisngi ko bago siya umakbay sakin
"Ano ba'ng dream date mo? Or maybe ideal date na gusto mo maranasan?"
"I want you to surprise me, deal na nga yung date tapos pati yung gagawin natin scripted pa, I'll feel pathetic na talaga"
"Naku, if I am your date, pathetic will never be in your dictionary, ako na bahala sa lahat"
Unlimited energy ata si Winter, she keeps on talking about random stuff pa
Tahimik na lang naman akong nakikinig and sometimes nodding or reacting to what she says
Kahit nararamdaman ko naman na ang pagod, I can't deny na I really enjoy her company
Halos maabutan na namin ang sunrise before I fell asleep na sa shoulder niya
She's just such a great storyteller and may sense kausap so I truly enjoyed our time together
Ayoko pa sana matulog kaso nag give up na ang mata ko
Dala na rin siguro ng pagod at medyo kalasingan dahil sa beer na iniinom namin
Pero kahit na sa veranda kami tumambay at doon na ako nakatulog, I ended up waking on her bed
Mukhang delikado na ata ako
Just the thought that she carried me so I can sleep comfortably is making me feel things
I'm pretty sure I slept pretty well dahil tirik na ang araw, I do appreciate her effort
Now I'm just thinking of one thing
So If I was able to rest for a while and sober up, bakit parang malakas pa rin ang tama ko sa kanya?
My deep thoughts was disrupt
Comments