SIPAG 101

Symmetry
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Alon's POV

Thursday

"Nako sabi ko sayo walang pera diyan. Papayag naman kami ng kuya mo na mag-extend ka kahit ilang taon pa basta magshift ka na. Ngayon na, Alon ha?"

 

Ayan nanaman si Mama. Tumawag nanaman nang napaka-aga para bigyan ako ng almusal na sermon. Gusto niya mag-extend ako ng ilang taon para magshift sa engineering?  Ilang taon pa kong walang stable source of income non? 

 

"Ma, diyan ka nagkakama--"

 

"Alon! Kailan ka ba makikinig sa Mama mo ab--" 

 

toot.

 

End.

 

Oh sorry. Napindot ko. Napindot ko taalaga. Gusto nila ata ako mag-ahon sa kanila sa hirap pero ayaw naman magtiwala sa akin na kaya ko gawin iyon sa fine arts na kurso.

 

Nilagay ko muna sa silent ang phone ko at tinapon sa loob ng bag.  

 

Saan ba pwede matulog? Ayaw ko naman sa library bingo na ko don. Sa bench sa oval eh napicturan na ko once. Pinagpiyestahan pa nga nila Mok ang picture ko.

 

Ah.

 

Papasok nalang ako maaga sa SIPAG. Naalala kong wala nga palang nagkaklase sa 412 bukod sa amin. 

 

Nagmadali akong lumakad papunta sa SA Hall. Sa main entrance pa nga ko dumaan kahit maraming tao at magjowang naghaharutan sa napakahabang hagdan paakyat. Nakita ko rin sa entrance yung mga nagtitiktok na babae pati yung cameraman nilang child actress-- si Zimri Kim o Zimkim for short. Mukhang nakita niya rin ako kasi napatawa siya.

 

"Pst tara!" tumigil ako sa gitna tas umakmang tinatawag siya. Dama ko kasi na pagod na rin siyang panoorin mga tropa niyang sumayaw. Yung tingin niya eh parang humihingi na ng saklolo.

 

Ngunit bago pa siya maka-oo eh sumimangot na tong naka-shades na babae at dun ko lang narealize na nagphoto bomb pala ko sa wet the bed video nila.

 

"Sige mamaya nalang!" intentionally kong iniwisan ung naka-shades na babae at nagbabye kay Zimkim. Parang nadisappoint ata siya kasi bumuntong hininga nalang. Masaya sigurong tropahin to, irerecruit ko nga.

 

Pag akyat ko ng 4th floor eh nakasalubong ko si Mok na pababa. Nagmamadali.

 

"Hoy Mok! Tara sabay na tayo pas-"

 

"Mamaya! Punta ko kay Sol!" sagot nito at nagmamadaling tumakbo pababa.

 

"Hoy Moksha! Baka madapa ka!"

Kikitain niya si Sol? Sa Film center pa yun ah. May lakad ba sila nang di ko alam? Imposible, updated ako sa buhay ni Moksha lagi pati mga mob na inaattendan niya.

 

Ayaw na ata ako samahan ng mga tao. Edi wala namang bago, me myself and i nalang ulit.


 

..or hindi.

 

Hay, Cielo Bae.

 

Bakit gaya-gaya ka at mas maaga ka pang pumasok sa'kin? Nahihiya na tuloy akong pumasok ng room kasi siya lang tao doon.

 

"Kainis," bulong ko sa hangin. Dumungaw nalang ako sa gilid ng corridor at pinagmasdan ang langit. Makulimlim. Dama kong uulan nito maya-maya patay nanaman tayo nito kasi kakawala ko lang ng payong ko.

 

"Makulimlim yung ulap ah, bakit blue yang nasa painting mo Alon?" 

 

"If you have the chance to make it look better sa painting, why not?"

 

"That's why. I think you have the best skies in your paintings. Minsan gusto ko tumira sa loob."

 

Ay putangina.

 

Bigla ko tuloy naalala obsession ni Cielo sa mga ulap at langit that summer in Elyu where we first met. She would constantly critique the way I painted the sky in my landscape works. And I remember how I always wanted the feeling of painting with my feet buried in the sand, repeatedly interpreting the skies and waves because they never really duplicate themselves. Every second, it's different, dynamic, and cool.

 

Ayun din yung mga panahong masaya ko na laging nasa tabi ko si Cielo, nakaupo sa foldable chair niya at dinadaldal ako. Nakabaon ang mga paa namin sa buhangin habang pinagmamasdan yung guhit sa pagitan ng kalangitan at karagatan. Siya sinusulat sa journal niya. Ako pinipinta sa canvas ko.

 

She always loved the skies. Makulimlim man o maliwanag.

 

"." napahilamos nalang ako ng mukha at lumingon kay Cielo na magbabasa ng libro niya sa loob ng 412

 

Parang di naman siya tumanda. Kung may nagbago man, siguro pumuti lang siya. Nakasandal siya sa shelves at nagpapahangin din sa standfan. Mula rito ay tanaw ko ang side view niya na naalala ko pa ay naging dahilan kaya naging happy crush siya ng kuya ko nung summer na iyon.

 

Maganda pa rin siya. Walang kupas. Walang kapantay.

 

"Crush mo ko 'no?"

 

"I find you pretty, yes."

 

"Bakit ayaw mo kong ipinta?"

 

Tama na. Shet, Alon ano ba? I buried my face in my arms as I lean on the sides of the corridor.


 

Never got the chance to paint her that summer. N

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
892 streak #1
Chapter 3: Asar talo pala si Alon kay Cielo 🤭🤭
RVSone0105
892 streak #2
Chapter 2: Whoaaaa Alon ghoster pala 👻👻
Mukang interesting yung back story ni Cielo at Alon 🤔🤔 Ex-fling ...
listless_radish
#3
Chapter 2: Oooohhh, excited na ako sa mga ganaps nila!!
Also looking forward sa mga flashback ni Cielo and Alon nung nagka fling sila
RVSone0105
892 streak #4
Chapter 1: Napasubok agad si alon 🤣🤣
Gluck alon 🤟🤟
Pristinemoon
39 streak #5
Chapter 1: Goodluck alon HAHAHAH
_m3owrene
#6
sooo excited for this :))
softforseulrene #7
SEATED