first day blues

Symmetry
Please Subscribe to read the full chapter

 

Alon's POV

 

"Wala na kaming slots, ate."

 

Putangina. Hindi pa ko enrolled. Kulang pa ng isang subject at itong student assistant na ito ay nagliligpit ng registration venue para maghanda sa sarili niyang klase.

 

"Tiffany! Tara na!"

 

Ayan tinawag na siya ng mga tropa niya.  

 

"Sorry ah. Baka sa kabilang building mayroon pa, check mo nalang."

 

Eh galing na ko doon at sinarhan lang ako ng pinto. Mukhang papasok talaga ko ng di enrolled ah.

 

Isinukbit ng babae ang kaniyang bag sa likod at binigyan ako ng apologetic look. Napamukha tuloy sa akin kung gaano ako kakawawa. 

 

"O-okay lang po ko hehe." awkward kong sabi kahit di naman niya tinanong haha ano ba alon...

 

Napaupo nalang ako sa sahig habang pinapanood ko siyang lumakad palayo sabay hinalikan ang babaeng kasama nila.

 

"Tss." ismid ko. 

 

Wala lang. Sa tingin ko lang bakit kailangan pa sa harap ng delayed, struggling, unregistered student maghahalikan?

 

Ting.

 

Binuksan ko ang pipichugin kong selpon at sa gitna ng basag na screen nito ay isang pag-asa.

 

"last slot sa anthro, nagwithdraw ang isa. Takbo ka na rito." - text ni Dilaw

 

Pagkabasa ko ng message ni Dilaw aka konek ko sa university council na tagapangasiwa rin ng available slots ay kumaripas na ko ng takbo palabas ng malungkot na building na ito.

 

Kaso…

 

"," bulong ko.

 

Kasi naman, paglabas ko ay humampas sa akin ang bulto ng mga estudyante kumakaripas ng takbo para makasakay sa nag-iisang jeep.

 

"Sa anthro raw!" sigaw ng isa.

 

Tila lahat ata ay konek si Dilaw. Gayunpaman, hinabol ko ang jeep kahit sabit nalang sana.

 

Dama ko ang init ng sahig na maghapong natirikan ng araw mula sa  numinipis  kong itim na converse. Di bale na, papabili nalang ako kay kuya ng bago.

 

"Parang awa niyo na oh!" sigaw ko. kagat-kagat ang aking labi para bilisan ang pagtakbo.

 

Para sa kinabukasan ko 'to. Hindi na ko papayag maging delayed pa ulit ng isang semestre dahil sa pukingina slots na yan.

 

"Alon! HAHSHSHA" sumigaw ang isang babae hagikgikan.

 

Kasabay noon ang pagharuruot ng isang 2014 Suzuki Multicab van type at tumigil ilang dangkal mula sa akin.

 

"Hoy! Ano ba yan?!"

"Venue ba 'to ng track racing?! Kupal!"

"Track racing tas ganiyan kakunat kotse mo."

 

Napuno ng bulong-bulungan ang paligid at di iyon ininda ng humagikgik sa loob ng van hanggang makapasok ako sa likod nito.

 

"Gago ka! Ano feeling mo ikaw si usain bolt para habulin ang 40 kph na dyip?" tumatawa pa rin ang babae habang binibigyan ako ng sandamakmak na tisyu para punasan ang pawis ko. Tumawa nalang ako habang hinahabol ang aking hininga

 

Siya nga pala si Mok. Tibak na math major.  Gusto raw niyang lumaya one day from all these oppressive systems surrounding our lives. Ganap na ganap sa Libertad niyang apelyido.


 

"Tangina non anong makunat ang sasakyan ko!"

 

Di katulad ni Mok na di ininda ang bulungan, na-offend ata ng husto ang may-ari ng tsikot na ito.

 

"I beg to disagree with them. Makunat lang sa labas pero high class sa loob." kumbinsi ko sa driver sabay recline ng buong upuan para maging mini kama ito. 

 

Hay. Ang kumportable. Parang bahay.

 

"So makunat nga?" tanong ulit nito ng seryoso pero nanatiling tahimik kami ni Mok.

 

Ang drayber ng van na to ay si Moon. Bakit moon? Buan kasi apelyido niya. Mechanical Eng. At siya mismo bumuo at nagupgrade ng lumang sasakyang ito nung nabroken siya sa tatlong taon niyang jowa. See? kaya gets namin bat offended siya.

 

Konting karag pa ng van ni Moon ay medyo kinukuha na ko ng antok. Ginising ako ni Mok para umayos ng napatigil kami sa university  dorm.

 

"Pst. Gising sasabay natin sila Lisa at Sol." sabi ni Mok sabay ginigitgit ang maliit na puwang sa driver seat para makapanik sa tabi ko.


 

"perks ng maliit ah." asar ko nang mapansin ang napakasmooth niyang transition sa napakasikip ng van.

 

At napakyu na nga ako.

 

Di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
892 streak #1
Chapter 3: Asar talo pala si Alon kay Cielo 🤭🤭
RVSone0105
892 streak #2
Chapter 2: Whoaaaa Alon ghoster pala 👻👻
Mukang interesting yung back story ni Cielo at Alon 🤔🤔 Ex-fling ...
listless_radish
#3
Chapter 2: Oooohhh, excited na ako sa mga ganaps nila!!
Also looking forward sa mga flashback ni Cielo and Alon nung nagka fling sila
RVSone0105
892 streak #4
Chapter 1: Napasubok agad si alon 🤣🤣
Gluck alon 🤟🤟
Pristinemoon
39 streak #5
Chapter 1: Goodluck alon HAHAHAH
_m3owrene
#6
sooo excited for this :))
softforseulrene #7
SEATED