Karina and Winter, Porac

First Daughter Problems

 

 

Sabi ko nga ay hindi ito love story. Dahil imposibleng siya ang itinakda para sa akin! I would lie kung sasabihin kong pangit si Winter. Wala sigurong mata ang magtatangka ng magsabi ng ganoong kasinungalingan. And I admit that seeing her personally noon sa Smiles, it ignited something in me. She was so beautiful that day. But  she just had to ruin that with her character. Wala akong plano na makipagkilala sa isang mayabang at sutil na anak na tulad niya.

I value my inner peace so much. At sana lang, sana lang talaga, last na itong bangungot na ito. Ano bang klaseng chemical imbalance ang meron ako sa katawan at siya talaga yung lumingon? Sino ba yung mga sikat na gingerhead ngayon...

Emma Watson

Bella Thorne

Emma Stone

Pwede bang sila na lang??

Pero may iba sa kanya dito. Ang amo ng ngiti niya.
Ibang-iba sa awra noong una ko siyang nakilala.

Napatitig ako sa mamula-mula niyang pisngi, at sa mga matang tila nananawagan sa 'kin.

Ang cute cute niya lang!

Ngayong magkatapat na kami, halos kaya ko nang bilangin ang mga pilikmata niya. Kung siguro lalapit pa ako ng isang apak,

Hindi ko na alam.

Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin, senyales na gusto niya akong hawakan.

Pwede naman. Gusto kong malaman ang pakiramdam ng kamay niya sa akin.

I extended my arms pero bakit parang ang tagal kong maabot ang kamay niya?

At bakit parang lumilindol?

Ako lang ba?

Bumaling ako ng tingin kay Winter, nakangiti pa rin naman ito.

Vinivertigo na ba 'ko?

Oh my g-

-

 

 

"Rina! Gising na girl!" Yugyog sa akin ni Gigi.

"Ay kabayo!"

"Ano ba yan Rina! Lagi kang naghahanap ng kabayo, ah, anong ibig sabihin niyan?" Sumaglit akong tumingin sa paligid. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan at nakahinto sa kung saan.

"Andito na tayo kaya umayos kana baka tulo laway ka pa dyan" Inabot ni Gi ang gamit ko sa akin.

"I dreamt of her again"

"Sino? Si red lady?"

I nodded.

"Uy, so may improvement?"

I heaved a big sigh, nag-ayos na rin ako ng gamit habang nasa sasakyan kami. We decided to take the second vehicle dahil ayoko rin namang masikipan ang prinsesa sa space. Isa pa, lagi kaming maingay sa sasakyan kapag bumabyahe at baka ma-culture shock lang siya sa kasabugan namin.

"Yeah, nakita ko na 'yung mukha niya"

Napansin siguro nila ang malalim kong paghinga, "O, why the long face?" Tanong ni Ning, "Diba dapat nagsasaya tayo 'te? Nakita mo na yung mukha niya! O edi tumaas ng 0.001% yung chance ng winning at mas mataas na kaysa sa lotto"

"Ayun na nga, nanalo na ko sa lotto, pero bakit parang gusto kong ibalik sa PCSO yung pera?"

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo dyan Karing," Sinamaan ko siya ng tingin, "Rina, sino ba kasi? kilala mo ba yung lumingon?"

"dala mo ba 'yung aloe spray mo dyan, Gi? Pahingi nga para magising ang diwa ko"

"Ang dami namang interlude, teka" iniabot niya ito from her sling bag at saka ko kinuha para i-spray sa aking mukha. Pwede na, parang half hilamos na din.

Pero hindi pa rin.

Napasandal ako sa pintuan ng saksayan. I need a minute to process everything! Parang hindi kaya ng processing unit ko yung panaginip na yun dahil naaalibadbaran ako.

"Kilala niyo rin siya"

"Oooh sino? Don't tell me isa sa mga manliligaw mo sa uste yan!"

"Eew no"

"E sino nga kasi"

"Si W- ahh!"

Biglang bumukas ang sinasandalang kong rear door at napaigtad ako sa gulat. Ang OA man pero akala ko katapusan ko na, malay ko ba kung nasa tabi kami ng bangin nakaparada at magdire-diretso ang katawan ko hanggang siyudad.

But mabait pa rin talaga ang guardian angel ko dahil hindi niya pinabayaang walang sasalo sa akin.

Si Winter. Siya at ang kanyang mahigpit na yakap.

 

Binibini, sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaginip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig

Oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo, oh

Alaala at isip at pagod
Sa 'yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig

 

-

"Ate Karina!" "Ate Giselle!" "Ate Ning!"

"Mga bebe!" Ang daming sumalubong sa aming mga chikiting! Nakahanay ang mga mahahabang lamesa sa ilalim ng mga puno ng mangga para sa pananghalian. Sa tuwing nabisita kami rito, hindi talaga maiwasan ng mga lokal ang paghandaan ang aming pagdating. Kahit na sobrang nakakahiya dahil alam naman namin ang sitwasyon sa sitio, ramdam na ramdam namin ang magandang pakikitungo nila sa amin.

Pero parang ang bongga. Piging kung piging ang handa this year. Dati rati ay nagsasalo-salo lang kami gamit ang maliit na mga lamesa, ngayon naman parang may debut sa dami ng pagkain.

Iba talaga ang powers na nagagawa ng nasa posisyon.

"Hello children! Namiss niyo ba kami?" Iniabot namin isa-isa sa kanila ang back-to-school essentials na gagamitin nila sa pasukan, courtesy of the Office of the President mismo.

"Opo! Na-miss po namin kayong kalaro"

"Tamang-tama may dala kaming mga pasalubong na laruan. May mga manika, pang 10-20, jackstone. Basta marami yun!"

"May cellphone po ba?"

"Huh?" Aba at kailan pa natuto ng smart phone sila Bebang?

"Wala po dahil hindi po pupwede ang cellphone sa mga bata"

"Ten na po ako tapos nine na si Jeng-Jeng!"

Hindi ko kinakaya ang mga sagot nila.

"Ah basta! Mag-aral ng mabuti para paglaki, may pambili ng cellphone kahit ilan pa yan!"

"Ladies," Papalapit si miss Cynthia sa amin na may dalang electric fan. Nakapagtataka, dahil usually, sapat na ang kulambo tuwing gabi dahil malamig ang simoy ng hangin dito dala na rin ng nakapaligid na mga puno.

"Karina, make sure na ibigay mo to sa assistant ni ma'am Winter. Baka hindi makatulog yan dito at mag-alsabalutan ng wala sa oras" Napatingin kami sa direksyon kung saan siya nagpapahinga.

Sus, magtiwala kayo miss Cynthia, hindi yan aalis dito.

America or no America? Mamili ka, Winter.

Bakas ang pawis at pinapaypayan ng isang guard, mukhang kanina pa hanap ng hanap ng signal.

Matapos naming mag-ayos ng mga gamit sa aming mga designated nipa huts - na parte ng nauna naming project sa Sitio Balagtas - ay pinuntahan ko agad ang First Daughter. Or should I say, mahal na reyna?

Maganda ang tanawin dito sa Porac. Malayong-malayo sa usok, ingay ng mga kapitbahay, at chimineya ng mga pabrika sa syudad. Kaya siguro ang ugali ng mga tao dito, halos hindi magkamayaw sa pag-asikaso at pag-welcome sa amin ng tagos sa puso. Wala kasing mga masasamang elemento.

Nakakaganda.

Pero normal naman na sakin, yon.

Chos!

"Winter," Bati ko sa kanya nang makalapit na ako, "Tara doon o, hinihintay ka ng mga bata na makipaglaro"

She glanced towards the direction I pointed.

"Pwede ba, dito muna ako. Nakita mong ang init-init 'di ba? Is it not enough that I'm already here?"

Just when I thought wala nang mas sosobra pa sa ugali niya, she kept on proving me wrong.

Winter, ang ganda na ng mood ko kanina, e. Onti na lang talaga!

I scoffed, "Grabe ka rin ano?"

"Bakit?" She retorted, "Hindi naman ako ang gustong makita ng mga batang 'yan e. Andito lang sila dahil anak ako ng presidente and they can get something out after all this"

"Alam mo, akala ko may redemption 'yang ugali mo," Bungad kong sabi. Hindi ako bumabawi ng tingin sa kanya habang siya ay nakatingin malayo sa akin ngunit bakas pa rin ang inis sa kanyang mukha, "Napakabait ng mga tao dito, Winter. Yang mga handa nilang yan," turo ko sa la mesa, "Galing sa mga mismong pananim nila na imbes ay isama sa benta ay inilaan nila para lang sa'yo."

"At para sabihin ko sa'yo, hindi niyo pera ang binigay na pondo ng Office of the President, okay? Pera yan ng taumbayan. Now kung ayaw mong makihalubilo man lang, then you're free to leave. We don't need you here."

I gave her one last piercing glare.

I consider going here sa Porac as a stress reliever and a form of therapy. Masarap sa puso ang nakatutulong sa iba.

Pero iba ata ngayong taon dahil napupuno yung baso ko ng ka-stressan! Naniniwala na ako kay Nora dahil wala talagang himala pagdating sa ugali ni Winter.

Error 404 kahit i-refresh ko pa ng ilang beses.

"Karina! Miss Winter! Come it's time to eat!" Aya sa amin ni Miss Cynthia na tila walang kamalay-malay sa alitan naming dalawa.

At bilang best actress, I sported my fakest sweet smile like a summer child.

"Oh! Handa na pala ang pagkain! Tara?" Niyaya ko rin ang mga guards na nakapaligid sa kanya. Hindi sila umaalis sa kinatatayuan nila, habang hindi umaalis si Winter.

Edi bahala kayo dyan. Manigas kayo sa gutom at maging puno forever.

-

"Tignan mo si Winter o, kanina pa tingin ng tingin sa'yo" Bulong sa akin ni Gi na nakaupo gaya namin ni Ning at ng mga matatanda ring nagpasya na sumali sa amin sa kwentuhan.

Sa hindi kalayuan, tanaw ko ang pakikipagusap ni Winter sa mga magsasaka sa tabi niya. Nakapalibot kami ngayon sa bonfire na ginawa nila Mang Tonyo, ang lider ng unyon ng mga magsasaka sa gawing ito ng Porac.

"...kaya po nang naikwento nila ma'am Cynthia na kasama kayo ay sobra ang tuwa ng kapitbahayan! Ay makakakita na raw sila artista." Biro ni Mang Tonyo at siya namang ikinatawa ng mga lokal. Nakita ko rin siyang ngumiti. Wow, kung hindi man totoo yang ngiti na 'yan, I'll never know.

"Parang may iba sa tingin niya ngayon," dagdag ni Gi.

"OMG pansin mo din?"

"True! May puppy eyes pala si Winter no? Very versa naman ng personality niya, makes you wonder..."

"Hep hep hep tama na nga yan, kaka-K-Drama niyo kung anu-ano ano lang naiisip niyo e," Saway ko sa kanila habang nagtatapik ako ng mga lamok sa paligid. Sa lahat talaga ng pwedeng kalimutan, yung Off lotion ko pa.

"...at sa lahat siguro ng mga sitio dito, kami na ang pinaka swerte dahil may mga anghel na hulog ng langit na dumarayo pa para lang kami ay matulungan!"

“Nako, kung hindi niyo po naitatanong," Dagdag ni Ma'am Cynthia, "Lucky charm namin itong tatlong ito. Simula noong nag-volunteer sila sa Foundation ay hindi na natigil ang dagsa ng donations sa mga NGOs at private sector.”

All eyes were on us. Grabe naman kasi makaduro ng labi itong si Ma’am Cynthia! I really don’t like it when I’m being put under the spotlight. Sa taon-taon na lagi na lang ako binibida ni nanay, naka-develop siguro ako ng adverse reaction sa attention. I can’t say na I’m becoming a full on introvert, pero habang tumatagal, nare-realize ko na ang social battery ko ay pang small circles lamang. Tumingin ako sa dalawa kong katabi at bakas rin ang pagkahiya, although itong dalawa ay parang bakas ang pagiging proud sa achievements.

I can’t blame them, though. Deserve nila ‘yan at sobrang proud ako sa kanila.

Pero as an Aries talaga, I just want to be in the sidelines and let my growth speak for itself.

Sabi nga ni tatay, ang hilig ko daw magbasa ng cosmetology. Tawang-tawa lang ako kay mang Ronnie!

Oo na lang ako para bilhan ako ng make-up.

“Oo nga ho, mam Cynthia, etong sila Karina talaga parang walang kapaguran. May pasok pa kayo ngayong June hindi ba?” Tanong ni Mang Tonyo.

Sabay-sabay kaming magalang na tumango.

“Nako Miss Winter, marami kaming natutunan sa tatlong ‘to. Si Karina, tinuruan kami niyang gumawa ng alcohol mula sa mga hindi magamit na buko, si Ning tinuruan kami ng bookkeeping, at si Giselle ayan tinuruan niya ang mga asawa namin na mag-bake para sa may maibenta tuwing pista sa nayon”

"Mang Tonyo, wala po iyon. Masarap po kasing pakisamahan ang lahat ng tao dito kaya sobrang enjoy kami kapag bumibisita dito" Si Gigi na ang nagpresentang magsalita on behalf of us three.

Please lang, Mang Tonyo! Tama na po. Hindi na namin alam ang magiging reaksyon namin. Sobra na siguro ako sa pagka-pinoy dahil hindi ko alam kung paano tumanggap ng compliment lalo na mula sa mga matatanda.

“Nako ma’am Cynthia, ‘wag niyo na palang pakawalan sila Karina”

Aba, may sumisingit a.

Ha. If I know, wala ka talagang pakialam, Winter. Hindi mo ako makukuha at mapapa-fish ng compliment.

-

Alas-sais ng umaga nang makalabas kami ng kubo. Masarap ang tulog namin dahil sa dalang kumot at kulambo. Natuto na kami. Noong unang punta kasi namin dito, Ni insect repellent lotion, hindi kami nagdala. Kaya kinaumagahan, para kaming nag-bagong taon sa mala-polka dots na mga katawan namin.

Naabutan namin silang kumakain na at mukhang may kausap. Si Winter ba ‘yun? Ang aga naman niya!

“Oh ineng, halina dire at uminom na kayo ng kape at mag-almusal”

“Ang aga niyo po miss Winter” Gi said nang makaupo na kami sa isang mahabang upuan na kahoy.

“Please Winter na lang, I think we’re the same age,” Ngiti niya sa mga ‘to, “And yeah, based kasi sa schedule na binigay na Karina, 5AM gising na, but sila aling Mita pa pa lang ang gising so..." She shrugged, " and then after breakfast sabi mo pupunta din sa bukid"

"Tumulong yan si miss Winter sa pagprito ng ulam para sa umagahan, nakakahiya nga dahil magulo ang kusina" Singit ni aling Mita sa usapan.

"Nako walang anuman ho, please don't mention it"

Maysa engkanto nga ba talaga ang hangin sa kabukiran?

Bakit nag-iiba ang ugali ni Winter ngayon? I thought it was all just dream last night, 'yung maamo niyang mukha habang nakikipagusap sa amin. at mga panaka-nakang sulyap na may kasamang ngiti.

Santisima!

Bendisyunan ang buong nayon!

At ayun na nga, we went straight to work after naming mag-umagahan. On the way sa maputik na kabukiran ay parang mga kiti-kiti kung gumalaw ang mga kaibigan ko. Ang sakit lang ng mga kurot nila sakin sa tagiliran ha! Paalala ko lang, tao ako at hindi stress ball.

They kept on teasing me dahil may ginawa daw ako kay Winter. Bakit daw alok ng alok sakin ng kung ano-ano habang kumakain, kulang na lang ay pagsilbihan ako dahil pati refill ng kapeng barako inaasikaso niya. Aba malay ko no. Hindi ko siya gaanong pinapansin dahil I don't have time playing mind games. I am here to help and volunteer, and kung ano man ang plano niyang laro, pass ako dahil wala akong sportsmanship at hindi rin ako athletic.

But she kept on surprising me.

Kahit ano ang ipagawa ko sa kanya sa ilalim ng sikat ng araw, wala siyang reklamo. It went on for a few days.

Pinagtanim ko ng palay, lumuhod sa putikan, pinagbuhat ng dayami at ang the best, ang pinasakay ko sa kalabaw! Ang lakas lang ng tawa namin na mukha siyang matatae sa kaba noong nagumpisa nang i-pang-araro si Hawhaw. I sent the photo I took of her riding the animal kay Tita Eugene who in turn updated the president of her progress.

May voice message si tita, mamaya ko na lang siguro papakinggan pagkatapos ng tasks.

Came afternoon at oras na para kitain ang mga bata. Nangako kaming tatlo na ngayong bakasyon na tuturuan sila in advance para sa darating na pasukan at naisip ko na gawing tutor si Winter.

"O Kamusta kasu-kasuan mo?"

Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pa-learning center.

"It's fine," She shrugged, "Sanay naman ako sa physical labor" Hinila niya pataas ang kanyang shirt sleeves na para bang init na init.

Okay, fine. You proved your point na mainit.

And it looked like she wasn't lying on the physical labor point, too.

Pero ang tanong, bakit ang hot...

...ng panahon?

"Talaga lang, a?" Pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

"Oo nga. I went to the states for high school. My mom's sister is based sa Chicago at gusto ko talaga dun tumira because I get to be myself there. Simple ang buhay. Walang fake news about me, nor paparazzi hounding our house. I got to enrol sa isang public high school and it was the best decision of my life. I made friends that liked me for who I was and not because I was the daughter of a Senator back home. Then nag-part time ako kung saan saan because it's how it is there. Janitress, Barista sa coffee shop, naging assistant pa ko sa talyer."

Nakakamangha. Totoo ba talaga?
Eh parang ang petite niya para sa ganong trabaho.

Tahimik ko siyang pinagmasdan. She had this solemn look on her face while recollecting her some distant memory.

"I'm not really close with Dad, siguro naman alam mong medyo indifferent ako around him,"

I simply gave her a small smile and nodded.

"When he decided to run for presidency, they personally took me back here para tumulong sa kampanya. Makakatulong daw for his image to show the public an image of a complete, loving family. Tch," She added, "Loving family my "

"Don't get me wrong, he's a great leader to this nation, but never really a great dad. Too much dedication to politics at ayon ang consequence, di kami close. My mom keeps on annoying me to set bonding schedules for us two, but I think it's too late for that at hindi ako ang dapat gumawa nun, diba?"

It was a rhetorical question. Ang intense. This was the first time na nalaman ko ito at hindi ko alam if I should even know this in the first place. It felt too personal.

"Are you sure it's alright for me to hear this?"

"I don't mind. Mukhang hindi ka naman taga-tabloid" Tukso niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Excuse? Me? Sa ganda kong 'to mapagkakamalan akong insider ng tabloid?"

"I didn't say anything so don't be too defensive ha" Her arms raised in surrender.

Aba masyado siyang natutuwa ha. Binato ko nga ng isang pirasong mani.

"What - hey!"

"Ewan ko sa'yo, ikaw magtuturo ng multplication table ngayon"

"Fine by me. Tsaka bakit ka may ganyan?" Turo niya sa dala kong plastic.

"E 'di para kainin" I told her in a deadpanned manner.

"Okay," Tinaasan niya ako ng kilay.

"Snack 'to ng mga bata habang nag-aaral mamaya. Nilagang mani."

In all fairness, lahat ng pinagawa kong activities sa learning center, siya ang nag-spearhead. Parang mga teacher kami nila Ning and Gi sa likod na nago-obeserve for evaluation. Halatang gusto ng mga bata si Winter, hindi pilit ang participation at bibong-bibo. Dahil dyan, I give her a score of B+.

Oo, dahil sakin naman siya babawi, noh!

Naglinis kami ng mga pinaggamitan na upuan. Kailangan ng umuwi ng mga bata dahil alas-singko na. Ako ang nagbura ng blackboard. Kanina, punong-puno ito ng simple addition and subtraction problems. I documented Winter habang nagtuturo siya kanina and sent the photos to tita Eugene.

Panay ang walis ni Ning habang inaayos nila Winter and Gi ang mga upuan, bago rin ang mga 'to na donated by the Tantiangco Foundation. Isa sila sa mga biggest donors namin na matagal nang sumusuporta sa Org, and when they found out na makakasama namin ang First Daughter, they did not hesitate to provide more in-kind donation.

It's almost night time.

I always look forward sa dinner dito sa Sitio. Bukod sa fresh ang ingredients ng nasa hapag-kainan, the best na kasabay ang mga tao dito na kumain. Hindi nawawalan ng kwento tungkol sa lugar nila.

Kung sino ang tutulong sa pagkukumpuni ng kung ano-ano.

Kung kelan ang schedule ng ani ng palay.

Pati yung mga pa-simpleng chismisan ng kapitbahayan.

kanya-kanyang pwesto kami sa palibot ng bonfire. Parang mga totem-pole lang ang peg ng mga bodyguards ni Winter, at kahit na palagi niyang sinusuway at inaaya na umupo kasama kami, dedma sila. Siguro kung ako rin naman part ng PSG - not that it will ever happen!! - I would do my job seriously. I guess what I'm trying to say is, kahit ano pa yung trabaho na papasukin ko, hindi ako yung tipo na would half- it.

Tahimik lang kaming mga mas bata na nakikinig kapag medyo seryosong usapin na. May dalang mainit na thermos ng tsokolate ang anak na lalaki nila Mang Tonyo. Pasa-pasa lang kami sa pagkuha kasama ng mga baso. Nasa tabi ko si Gi, habang nasa tabi niya si Ning. Si Winter naman ang nasa kanan ko. Akma kong kukunin ang thermos sa kanya after niyang salinan ang baso niya, pero laking galit gulat ko nang ibigay niya sakin ito.

"Akin na yung mga baso nila Ning at Giselle, please" She added.

I did as I was told kahit na medyo nagulat ako sa pagka-thoughtful niya. Sa mga pinakita niya today, hindi ko pa rin alam if pakitang tao lang mostly ang lahat. But something tells me to let my guard down a little bit. Habang pinagmamasdan ko siya na salinan ang mga natitirang baso, napaisip ako, kung hindi lang pinilit si Winter sa ganitong buhay, would she be happier? Saan kaya siya nakatira ngayon? Talaga ngang walang perfect na family. kahit na sabihin mong anak ka pa ng hari ng Saudi, for sure ang dami niyong pinagtatalunan tungkol sa pera.

Her tongue sticked out sa pagko-concentrate and I couldn't help but notice a small smile form on her face.

"Hey Karina,"

"Huy teh! Anyare sayo nagshort-circuit ka ba?" Tawag sakin ni Ning.

'"Kanina ka pa tinatawag. Nawalan ka ba ng battery?"

"Sorry, I-im fine. Medyo pagod lang" Excuse ko. , what just happened back there?

"Magpahinga ka na kaya, isaksak mo na sa kama ung katawan mo tapos tignan namin mamaya kung iilaw ka." Banat ni Giselle.

"Ang epal niyo," Napagdesisyunan ko nang tumayo. Papanindigan ko na lang tong pag-arte ko, pero seryoso, ipagpapahinga ko muna 'to dahil baka na-overwhelm lang ako sa mga pangyayari. Ano ba Karina, ikaw lang naman ang gumagawa ng ikakapraning mo dyan.

Pinagpag ko ang pantalon ko at kinuha ang susi ng nipa hut namin from Gi, "Mauna na ko, di pa kayo sasabay?" parehas silang umiling at planong makipagsabayan sa kwentuhan ng mga matatanda. I wonder kung ano ang maiaambag nila. I bought my cup of hot choco with me at doon na lang siguro iinom sa loob. Pwede na rin para sa peace and quiet.

Maaliwalas ang gabi. Walang masyadong ulap at pansinin ang mga bituin sa langit na never kong nakikitang ganito kaliwanag sa Manila. Halos sarado na rin ang mga bahay at bintana ng mga bahay dito. Maagang nagsisimula ang natatapos ang pang-araw-araw na buhay sa probinsya, at halos wala ka nang masyadong makikitang nakatambay sa labas past seven in the evening. Dahil na rin sa urbanization, mas maraming bahay na ang may electricity compared sa mga gasera pa rin ang gamit, at hindi na rin masama ang internet dito, nakakasagap na kami ng LTE hindi tulad dati noong bago pa lang kaming volunteers, tyagaan talaga sa Edge signal. and puro calls and texts lang ang nagagawa namin to communicate with our parents. Now, alam na nila ang concept ng Netflix and social media platforms. Nakakatuwa lang dahil nakakasabay na ang mga bata sa advancement ng technology. Kahit na nga ang daming downside ng paggamit ng internet, mas marami pa rin ang advantages dahil nagagamit nila sa school especially when watching educational videos.

Medyo nakalayo na ako sa kanila nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"I kept on calling you pero hindi mo ata ako naririnig"

Humabol pala sakin si Winter.

"Uy, sorry. May pagkabingi ata ako haha"

"Anyway, sabay na tayo, hatid na kita since malapit lang yung huts namin sa inyo."

Nasa likod niya yung mga totem-poles at may good distance from us. Naasiwa pa rin ako sa mg kilos nila lalo na kapag may kinakausap sila sa walkie-talkie. If I know, nagtetelebabad lang sila no, kunwari pang on the job pero kung makatawa naman si kuya ayaw naman niyang ipahalata na nakikipag chismisan lang siya sa kapwa bodyguard niya.

"I heard from Ning kanina na graduating na daw kayo?" Small talks.

"Oo e, last year before boards din"

"That's nice, what are you taking and saang school?" Tanong niya.

"Chemistry sa uste. Ning and Gi go there, too. Magkakaiba lang kami ng courses, parang ang OA na ata pati kung dun hindi na kami mapaghiwalay"

She chuckled.

"I used to go sa UST noong high school before I went to the States to study"

"Wow so dapat pala, batchmates tayo if ever?"

"I think so?"

"Enroled ka ba this year?"

"Nope," May emphasis sa pagkakasabi niya, "I'm taking a break now, but I'm planning to return next year."

"Bakit ka nag-stop for the meantime? If you don't mind me asking, of course," I realized baka ayaw niyang sabihin.

"No it's alright. Oh well," She took a deep breath before continuing, eyes up in the sky, "I really wanted to piss off dad. Dahil galit nga ako sa naging decision niya na paghila sakin pabalik dito, and that started the series of events na sabihin na lang nating reason kung why I became a hot topic online."

Kakaliko lang namin sa street where our huts were located.

I didn't know what to say again so I fell silent.

Actually may gusto akong itanong sa kanya pero baka kasi I would go way over the line.

"I can hear your thoughts," Tukso niya, "Sabihin mo na 'yan, okay lang. Sanay naman akong masaktan"

"Ang emo mo!" We both laughed. Tinulak ko siya pabiro not knowing na may hawak pa akong mainit na tsokolate at tumama ito sa damit niya.

"Oh my gosh Winter! I'm sorry!" Taranta kong pagpunas sa damit niya gamit ang kamay ko, which didn't help at all dahil kumukalat lang yung basa sa damit niya.

She kept on insisting na okay lang siya at mapapalitan naman daw ang damit niya. Kaya nagmadali na kaming maglakad para makaligo na siya. Ang kaso lang...

May rabid na asong tumatahol not far from us, at noong mas lumiwanag ang mga mukha namin, dali-dali itong tumakbo papalapit.

I'm not usually afraid of stray animals pero kung makita mo namang naglalaway 'yung asong papalapit sa'yo, I think your flight or fight response will kick in kagaya namin ni Winter.

Though we were different in that regard.

I tried to run but it seemed like I was getting nowhere near the hut, naramdaman ko na lang na hinila ako ni Winter because the dog went after me dahil ako daw ang mas mabilis na nagpanic at tumakbo. Her bodyguards were quick to take over the situation at napigilan ang aso. Wala namang nakagat at kailangang dalhin sa hospital para turukan pero bakit grabe ang kaba at tibok ng puso ko?

Hindi naman dahil siguro napayakap ako sa kanya ng pagkahigpit-higpit, with my face buried in her neck, diba?

At hindi dahil sa pag-alo niya sakin, with her hands gently caressing my back whispering assurance that we were safe.

At mas lalong hindi rin sa unti-unting pagtatagpo ng aming mga mata, habang ang mga kamay niya ay pababa ng pababa sa bewang ko.

Hindi naman, right?

Right?

.

This can't be happening, Karina.

 

-

 

Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng hut. Late akong nagising at hindi ko narining na tumunog yung bwisit na alarm! Salamat din sa mga kaibigan ko na hindi nag-abala na gisingin ako. Nakakahiya kina miss Cynthia!

What happened last night kept me awake until narinig ko na ang mga tilaok ng manok. This was bad. Matapos ng titigan portion namin kagabi, hindi na binitawan ni Winter ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa mga tinutuluyan namin. Sobrang kaba ko the whole time na naglalakad kami. Time felt weird, too. The walk felt like forever but flew by quickly nevertheless. I wanted to gather my thoughts alone, even so I wanted to talk to her. And when she said her goodbye, I could combust right then and there nang hinaplos niya ang kamay ko. Subtly telling me that it was fine now.

Today is our last day dito sa Sitio. And Immersion naman sa case ni Winter. Wala kaming masyadong gagawin hanggang sa pag-alis namin after lunch, but Winter insisted on spending the remaining hours with the kids so we let her be.

"Te, nakatulog ka ba ng maayos? ang itim ng eyebags mo a"

"Mas nauna ka ngang nakabalik samin diba?"

Magkasunod na tanong nila Ning and Gi.

"No and yes"

"Wow, I see wala sa mood ang prinsesa natin sis"

"Ewan ko sa inyo. Where's Winter?"

"Ay wow talaga, ang laki ng progress niyo in a few days ha may paghatid pa si Winter sa'yo kagabi tapos ngayon hinahanap-hanap mo na" Banat ni Ning at tinaasan ko siya ng kilay.

"O ano, don't think hindi namin alam ang mga damoves niyong dalawa ha, ano yung kagabi, lagkit ng titig sa 'yo te. Diba?" Lingon niya kay Gi na sumagot din.

"True, may pa-heart eyes pang nalalaman si Winter pag nagsasalita ka. Ang sarap mong kornerin kagabi kaso nauna ka e, tapos sinundan ka pa kagabi. Anong drama yun?"

"Ano'ng pinagsasasabi niyo, di ko naman namalayan na sumunod siya no"

"Wushuuu, oo na lang. Kunwari hindi sinisilaban yung pwet niya sa upuan nung nakaalis ka na"

"Oo nga ang kulit niyo"

Ugh. Ano ba 'tong umiikot sa tiyan ko, hindi pa naman ako nagkakape.

"luh luh luh, ang pabebe ng ngiti!" Bwelta ni Gi. Kinurot pa ko sa tagiliran, hindi ako prepared sa physical abuse nila ngayong umaga

"Aray! Ang sakit Giselle Marie!"

"Ay! May pag-atake ng 2nd name! Walang bastusan ha"

"Giselle. Marie."

Gigi gasped, "Ah ganon, Katarina Jonnalyn Viray!"

Tawang-tawa si Ning sa gilid. Sis, you won't get out here unscathed.

"What's so funny, Junjun?"

"Anong Junjun? Aso namin yun ah!"

"Ay! Sorry wrong dog!"

"Bwiset ka Karina, hindi ka na si Sailor Venus, tatanggalan na kita ng karapatan"

"Nope, as long as nasa akin 'yung compact mirror for Crescent Beam, nasa akin ang powers ni Sailor Venus"

Parang lagi na lang may ADHD yung mga pag-uusap namin. Itatago ko na talaga ung compact mirror ko, mahirap na at baka may isang Sailor Guardian na kumuha nito. Hindi ko sinasabing si Ningning pero just to be safe. Sailor Moon used to be our favorite anime, so much so to the point na nagpatahi pa kami ng costumes para lang sa halloween acquaintance party sa isang student org sa UST. After that, I never wanted to wear that again dahil ang daming nagpapicture sa aming tatlo na dapat naka-pose pa kami. Buti sana kung bayad!

"Ang aarte niyo kasi, ilagay na nga natin tong mga gamit sa van"

"Andun na rin sila kuya para mag-load ng mga gamit, sila miss Cynthia nakikipag-usap pa sa Barangay Captain para papirmahan yung mga assets to be turned over."

As I've said, wala kaming masyadong ginagawa ngayon. Inaayos na lang namin yung logistics para makauwi. Andito na rin yung susundo sa aming mga sasakyan, while yung mga service ni Winter didn't really leave. Naglalakad kami papunta sa may barangay dahil doon nakaparada banda ang mga sasakyan.

Napadaan kami sa learning center. Agaw pansin ang ingay sa loob ng isang classroom. Parang nagkakantahan ata ang mga bata. We took a glance sa bintana at nakita namin si Winter while playing the guitar at sinasabayan ang mga bata,

The wheels on the bus

go round and round

round and round

round and round

The wheels on the bus

go round and round

"All through the town," Tapos niya at nang mga bata sa kanta. Napapalakpak ang dalawa sa tabi ko na siyang kinagulat ni Winter.

"Ang galing naman ng teacher na yan, pwede ka pala sa preschool, Winter" Bati sa kanya ni Ning hanggang sa tumambay kami sa tapat ng pintuan. Iba ang naramdaman ko ng narinig ko siyang kumanta, it felt so alien for me and yet it was a welcoming intrusion sa buhay ko. Kung ano man itong bumabagabag sa utak at puso ko ngayon, saka ko na lang siguro iisipin. Ang alam ko lang, ngayon sa puntong 'to, na ang ganda ganda ng ngiti niya. I suddenly became hyperaware of what she was doing, that crooked soft smile, dimple showing on her left cheek, at ang genuine closeness niya sa mga bata.

"Isa pa po ate Winter!" udyok ng mga bata sa kanya.

"Kayo ha, naka-limang cocomelon songs na kayo sakin!"

"Sige na po ate Winter. More!" Tawag ni Gi sa kanya.

"Oo nga, naghihintay si Karina o, diba Rina?" Siniko niya ako, dahilan ng pagbalik ko sa ulirat.

"O, isa pa daw!" Kahit wala akong sinasabi, Ning??

"Sige na, pero iba naman, para maka-relate sila ate niyo okay?"

Nag-agree ang mga bata.

"Okay sige, eto favorite song ko 'to"

Ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko
Ilang ulit pa ba ang uulitin o giliw ko

Naginit ang mukha ko when I realized na walang plano si Winter baliin ang titig niya sakin.

Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Alam kong nakatingin din sa akin ang mga kaibigan ko, at kita sa aking peripheral ang pagngisi ng dalawa. Agad akong napapisil sa kamay ni Gi. Just what was Winter trying to do?

Ilang isaw pa ba ang kakainin o giliw ko
Ilang tanzan pa ba ang iipunin o giliw ko
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
Hi! The story is up til 4 chaps only. I don’t know why it keeps saying 5. Must be the announcement I put on draft.

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 4: LoveLOVEEE gandaaaa kiligggg😩😩💙💙💙
einjie_GF
#2
Chapter 2: Lah, gagi may ganon..... Kiligggggg
Trumfeet #3
Chapter 4: yiiiiiiieeeeee lamats yor🫶
GimmeGummiesTY
#4
Chapter 4: haay kahit ilang ulit ko to basahin, nakakakilig parin 🥹🫶🏻
Eli_The_Queen #5
Chapter 4: Special Chap with them otor plzzz🥹
httpdaniyoo #6
rereading this too!
glanishaaa
#7
Chapter 4: Chapter 4: Ang ganda-gandaaaa ❤️❤️
Pero bat di lumalabas yung chapter 5?? 😭😭
jiCHUyaa
#8
Huhu can't see chapter 5
Etoile__
350 streak #9
Chapter 4: grabee author your stories are sooo lovely 🥰🥰🥰🥰🥰
Etoile__
350 streak #10
Chapter 3: bat ganun i can only read up to chapter 3 😭