Karina Yu, Manila City

First Daughter Problems

Lagi siyang nakapula sa panaginip ko.

Nakatalikod.

Posturang- postura.

Paulit-ulit ko siyang hinahabol pero paulit-ulit din akong nagigising nang hindi ko man lang nasisilayan ang mukha niya.

Survey says (Survey, meaning si Ning at Gigi) baka siya na ang itinakda para sa akin, at para mapalingon ko siya, kelangan kong sitsitan (medyo bastos din ang mga kaibigan ko) bilang hindi ko naman alam ang pangalan niya. Sa tuwing napapanagipan ko siya, same lang naman yung porma niya e. Nakatalikod, nakaharang sa dinaraanan ng mga tao, nakasuot ng short flowy red dress, had a very fair skin, and long ginger hair. Medyo natatakot nga ako e, kasi likod pa lang ang ganda na niya. E paano kung humarap siya tapos hipon pala. It's a no for me!

Pero sobrang curious talaga ako. Kung totoo mang tao siya at naninirahan somewhere in Metro Manila, may 0.0001% probability pa rin na magkikita kami. At kahit na tiga-Bambang siya, kung saan kami nakatira, parang lulusot pa rin ako sa butas ng karayom for us to cross paths. Malay ko ba, sa dinami-rami ng may kulay ang buhok dito, baka maubos na lang ang laway ko kakasitsit 'diba. Tsaka nakakawala ng poise. Ako lang naman 'to, si Karina Yu of Bambang Medical Supply, bunso at pinakamagandang anak nila Vicky at Ronaldo Yu. Nakatira for twenty-one years since birth sa Sta. Cruz, Manila. Kung 'di mo naitatanong, medyo sikat na rin ako dita sa amin. No joke and hindi ako nagyayabang ha. Paano naman kasi to si nanay, lagi akong inaalay sa Flores de Mayo noong bata pa ako. At as as stage mother, hindi siya papayag na hindi niya mabida ang kanyang Unica Hija kada prusisyon. Kaumay kaya!

Anyway, going back, sabi din nila Ning at Gigi, baka isa itong metaphor and not necessarily tao ang darating sa buhay ko. At dahil prominent ang kulay na pula sa kanyang suot, either susuwertehin ako or may dalang kamalasan ang panaginip ko.

Bakit ko ba sila pinapakinggan? Okay na ko sa swerte na part e. Ang dami ng kamalasan sa mundo. Hindi ko na gustong may pumila pa dahil isasara ko na ang tindahan! Literally dahil magsasara pa pala ako ng tindahan namin. Nasaan na ba 'yung dalawa? Kanina pa dapat alas-kwatro sila nandito parang samahan akong magsara nito ha.

Dahil bakasyon ngayon at hindi naman pwedeng mag-emote lang ako sa kwarto, tumutulong ako sa pagbabantay ng store namin. Minana pa ito ng tatay ko kina lolo at lola. Dahil na rin siguro kinalakihan ko na ang mga bunsen burners at amoy ng alcohol at kung ano-ano pang chemical, it made sense na kinuha ko ang BS in Chemistry sa UST. Lalayo pa ba ako, alam ko namang ako ang tagapagmana ng aming empire bilang tinakasan nila kuya Max at kuya Yunho ang dugong negosyante ni papa.

Oo, naging singing duo sila sa Macau at dalawang taon nang hindi nakakauwi dahil parehas silang nagka-jowa doon. Ang gagaling. Ang sasarap pagtitirisin! O 'di ba, compared sa kanilang dalawa ang bait ko lang. Pero kidding aside, I love my course. Nae-enjoy ko rin naman ang pre-med ko less the sleepless nights and endless coffee runs tuwing major exams. At kung papalaring makapasa, matuloy ko sa Ateneo for Medicine kahit sa scholarship man lang. I want to dream that impossible dream. To reach that unreachable star. Ang sakit sa bangs!

Tumunog ang wind chime sa may pintuan ng shop. Speaking of the devils, andito na yung dalawang panget after ng napakahaba kong litanya.

Joke! Charlie's Angels talaga kami. Sabay-sabay kaming lumaki sa Sta. Cruz. Magkukumare at magkukumpadre ang mga magulang namin since time immemorial. Proud din naman ako sa mga 'to dahil they really value their education a lot. We three share the same studying habits, the same brain cells, the same clothes. Sa true lang! Wala nga akong kapatid na babae, pero wagas kung maka-rummage ng closet ko. Edi ganoon din ako sa kanila. Ayoko mang maging cliche, but the three of us, we're always joined at the hip.

'Di mo kinaya 'yung pa-idiom ni mumsht!

What we don't equally share is 'yung ability namin to be people person or crowd princess. Ipapasa ko ang korona sa dalawang 'to. Isa si Gi sa mga courtside reporters ng UST noong sophomore kami at ang dami laging nagpapa-picture sa kanyang lowerclassmen and women hanggang ngayon. I don't know where she gets the energy to smile all the time. Iniisip ko pa lang na ngumiti ako buong hapon, sumasakit na ang panga ko.

"Pakatagal ha!" Irap ko sa kanila habang nasa counter ako at nagla-lock ng cash register. Dumating si Papa kanina para itago na ang kita for today dahil walang naiiwang pera shop after closing.

"Sorry naman, sinundo ko pa kasi tong babaitang to sa kanila, e andon si tita Eugene. Bwisit to si Ning e, tawa pa ng tawa nung umalis kami" Sabay abot sakin ni Gigi ng isang tall cup ng kape from my favorite shop. Peace offering sa red carpet nilang pagdating.

At my gosh, kaya pala ang tagal. Kanina pang 2PM ang huling text na papunta na raw sila. Kasi naman, armalite personified talaga ang mama ni Ning. In terms of chika, laging 5G ang signal niya at hindi nawawala sa radar ng Marites United.

"Hoy, malay ko ba na uuwi ng maaga si mother, pero grabe yung chika niya now no?" Hagikgik niya sa tabi ni Gigi.

"O ano'ng latest?" Curious kong tanong.

Sabi ko nga, kung si Gi ang resident people person namin, si Ning naman ang updated sa Pop Culture. Minsan kahit yung mga chika lang kung saan-saan, I-file ko na lang under that category para matapos lang.

Hiatus ni John Lloyd? Pop Culture.

Latest household items na nakikita sa TikTok? Pop Culture.

Graduation Speech ni Taylor Swift? Okay sige, filed under Historical Events.

"Hindi daw matutuloy yung inauguration ng bagong tulay dyan bukas. Naalala mo 'yung proxy ng presidente? Anak niya 'di ba? Nagbulakbol tapos lumipad going to SG kagabi to party. Sabi ni mama sobrang lasing daw noong sinundo ng First Lady." Simula ni Ning.

Part si Tita Eugene ng Presidential Communications Group, at kasali sa job description niya ang pabanguhin ang pangalan ng kanyang amo. Mostly, ng mga taong nakapaligid sa presidente dahil walang halong biro, siya na ata ang pinakamatinong presidente na nasilayan ng Pilipinas. Pero kung ano'ng kina-puting tupa ng ama, siya namang kina-black sheep ng anak.

I guess you really can't have your cake and eat it, too.

"Tapos eto pa," Dagdag ni Gigi na may hawak ng mga syringe kits para itago sa cabinet. They already know their way around here kaya ang saya lang na gumagaan ang trabaho somehow with them, "Syempre bilang mga incorruptible nga sila 'no, nag-book lang ng commercial flight si first lady, dzai! Kaloka talaga. Hindi nila ginamit yung presidential plane dahil personal lakad daw sabi ni madam, at ayaw niyang gamitin dahil pera daw ng taumbayan yun."

"OMG, pero bakit parang hindi lumabas sa balita?" Tanong ko, "Gi, isunod mo tong gloves, ilagay mo sa may drawer sa baba"

"Here?" She asked and I nodded.

If the first lady booked a cheap flight, malamang dinumog na sya at na-videohan ng mga chikadora the explorers.

"That's the thing, since madaling araw siya umalis, medyo onti ang ganaps sa airport, at 'yung mga taong nakakita sa kanya, hindi siya nakilala dahil wala namang PSG na nakapalibot sa kanya. Yung isang assistant lang daw ang kasama and then that's it, then yung mga staff sa airport," Hininaan ni Ning ang kanyang boses, kahit na tatlo lang kami dito ngayon, we don't want to risk it, baka kami pa ang maging source ng hot tea na ito.

Hindi ako chismosa by nature.

Talagang nakakahagip lang dahil sa mga tao sa paligid ko.

Blame tita Eugene! Charaught.

"They were asked personally by the madam to keep it under wraps. Ang hirap ng PR control nun ha. Kung ako si mama I deserve a month off. With full body massage and a ticket to the Bahamas!" Minsan may pagka-OA din talaga si Ning. Hindi naman kami sheltered tatlo. Laking dead mother, dead all kami sa chinese garter sa kalsada, kaya alam namin ang hirap ng buhay. Oo, 'yun talaga ang sukatan.

"Alam mo minsan may pagka-OA ka rin e," Irap sa kanya ni Gigi. See? See?? Sabi ko nga iisang brain cell lang ang nag-ooperate sa mga utak namin.

"Hindi iiwan ni tita 'yun ng napakatagal no. BFF kaya ni madam si tita," Sabi ko naman.

"Sabagay, for life yung dalawa e. Alam mo si mama lang ata yung mahirap na ka-close ng first family"

Hinampas ko siya sa braso, "Mahirap ba yung may water station?"

"Sira, you know what I mean," Ning replied, "Halos lahat ng nagtatrabaho sa Malacañang puro may mga pajero o land cruiser no, nagpapakasarap sa pera ng taxpayers"

"Alam mo may point ka naman"

Well, it's true though. If we're going by Ning's logic, sila na talaga ang pinakamahirap. Lots of times external forces offered her mom to work for them, may pa-promise ng mga under the table shenanigans, pero dahil nga mga mabubuting tao tayo dito sa kwentong ito, wala tayong ganon. And that's why I admire tita Eugene, also. She just really does her job dahil mahal niya ito at kaibigan niyang tunay ang first lady. Walang halong favors o keme.

Which reminds me...

"Mga besh," Sabi ko matapos na ma-lock namin ang pintuan ng shop, didiretso naman kami sa bahay dahil may pa-pansit si Vicky. Ganito lang naman ang bisyo namin after magsara ng shop - ang pa-meryenda ni nanay, "7AM ang call time sa office tomorrow, nag-text si Ma'am Cynthia na may VIP daw na darating so all hands on deck daw bukas." Bukas ay volunteer work day naming tatlo.

Ang curacha lang talaga namin.

We've been doing volunteer work sa isang maliit na NGO malapit sa City Hall tuwing summer. We focus on doing outreach sa mga karatig-bayan sa Northern Luzon. Essentially, gusto naming mapuntahan 'yung mga hindi masyadong nalalapitan ng local governments dahil na rin sa kakulangan sa national budget. Malapit kaming tatlo sa cause na ito dahil bata pa lang, sinanay na kami ni tita Jo, ang nanay ni Gigi, na sumama sa kanya paminsan-minsan tuwing bakasyon. At ngayong retired na siya sa mga volunteer works, kami naman ang 2nd generation na nagpatuloy na gumawa nito. May stipend naman kaming natatanggap, sapat na para sa mga summer ganaps and everything.

Malapit lang naman yung office dito kaya walang hassle sa byahe, pero ayokong mag-commute!

"Ang aga namern! Gigi, you're driving tomorrow, ayoko mag-commute" Reklamo ni Ning.

"Gora, basta sagot niyo gas"

-

Rush hour sa City Hall.

Ang daming tao! kelangan kong mag-charge ng social battery mamaya sa bahay. Excited na akong humiga dahil bago ang kubre kama ko na binabad pa sa almirol. Iniisip ko pa lang gusto ko nang umuwi. Ugh.

At teka nga, bakit nga ba ako nandito sa City Hall? hindi naman ako kukuha ng ID? Wala namang utos si nanay? Bago rin naman yung business permit ng shop.

Si Ning at Gi!

Natatanaw ko sila sa di kalayuan. May ka-chikahan sa kuhaan ng cedula. Pilit akong tumatakbo pero bakit hindi ako gumagalaw sa kinalalagyan ko? Ano 'to? Nagtatawanan pa sila. Hoy, ano yang pinaguusapan niyo at bakit hindi ako kasali?

Sa kakasigaw ko, nakita rin ako ni Giselle Uchinaga. Pero tinignan lang ako ng babaita at may idinuduro gamit ang labi niya. Very Pinoy ha!

Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin.

OMG

Yung red lady!

As usual, nakatalikod na naman siya. I tried going near her, there really is something about her at hindi ko alam why I'm this drawn to her. Her wavy ginger hair, her slender and tall figure. My gosh, please don't be hipon, please don't be hipon!

Hey!

Sigaw ko sa kanya.

Hey!

Wala pa rin.

Helloooo!

Baka ayaw niya ng english? Fine! I'm doing it the kanto way.

Psst

Aba, may response rate! Napalingon siya sa kanan. I just need her to make lingon dito sa likod.

Pssssst

More to your right

Psssssssst

Ayan. Onti na lang te! Isang sit sit pa. Oh, wow. Grabe that nose bridge, pwedeng bigyan ng inauguration. Kaso hindi ko pa rin siya maaninagan.

Psssssss-

 

 

"Hoy!"

"Ay, kabayo!"

"Kanina ka pa sitsit ng sitsit dyan, Rina. Nanaginip ka pa"

My god. For a second akala ko nakidnap ako! Nakakawala pala sa ulirat ang power napping kapag umaga at kulang sa tulog.

Sa tabi ko ay nag-aayos ng flower wreath at leis sila Ning at Gigi. Andito nga pala kami sa events room ng office namin, ngayon kasi darating yung VIP na sinasabi ni nila. At napakadaming tao! Bakit ba hindi na lang niya sabihin samin kung sino? Mukha ba kaming others?

"Nakita ko uli yung red lady mga beh," Unat ko, tumayo na rin ako sa upuan at tumulong sa kanila, "Alam mo effective yung sinabi niyong sitsit, napalingon na siya, kaso badtrip din kayo e, ginising niyo ko agad"

"Aba aba Katarina, gusto mong sayo ko isabit tong lei at ikaw ang gawing alay today"

"'To naman,"

"Everyone, the VIP is here. Gather around and make sure you look presentable"

Ang taas naman ng energy ng mga tao today. Bakit may hiyawan?

"Oh, " Napatingin ako kay Ning na gulat sa nakita.

I followed her line of sight, kung saan maraming tao ang nag-aabang sa tapat ng glass door. Mukhang bigatin nga yung VIP dahil ang laki ng sasakyan. Ang daming guard na nakaalalay! Artista ba to?

Parang nag-slowmo ang lahat ng tao ng bumukas ang pinto ng sasakyan.

Fudge.

Si Winter Kim.

First Daughter of the Republic of the Philippines.

Oh my gosh.

"Oh my gosh, yung wreath!" Panic kong kuha sa lamesa. I remember Ma'am Cynthia telling me to give this wreath to some A-list guest later. Siya lang naman siguro yung VIP so agad-agad ko itong kinuha. Shet! Ano nga 'yung spiel na sinabi ni ma'am-

Sa pagmamadali ko, hindi ko namalayan ang pagsara ng glass door at ang lakas ng pagkakauntog ko.

Ouch!

Pakshe-

Nakakahiya, pwede bang bumalik uli sa sinapupunan ni nanay??

Hindi ko na inalintana ang worried glances ng mga tao, tinakpan ako agad ni Ning at Gi, "My god, Rina, are you okay? need mo ba ng cold compress?" Alalang tanong ni Gigi.

"H-hindi o-okay lang" Napatawa pa ako na parang tanga sa sobrang kahihiyan. Hinimas-himas ko ang aking noo. Ang init bigla!

Wala na ata talaga ako sa katinuan. Dahil nilagpasan ko silang dalawa at nagpatuloy sa pagkakalad towards Winter Kim.

She's wearing an ed black blazer on top of a white shirt, and skinny black jeans. Her long jet black hair waved freely. Mukhang gulat din siya sa nangyari. Hindi siguro siya sanay na makakita ng lampa sa umaga.

Unti-unti akong lumapit sa kanya, while she's still trying to gauge kung ano'ng mangyayari. Ang sakit talaga ng noo ko! Pero ang bango niya, in fairness!

Pull yourself together, Karina.

"W-welcome to," Isa pa! Hingang malalim, Katarina, "Welcome to Smiles Foundation, Miss Winter Kim"

I was about to put on the wreath ng pigilan ako ni madam Cynthia, "Hindi para sa kanya yan, neng, akin na" Marahang bulong niya sa akin.

Napalunok ako.

Napahiya ako for nothing.

Napahiya.

Ako.

Para sa wala.

Okay, tinagalog ko lang.

But what the fucc -

"Karina! okay ka lang? Get a grip, sis, come on, let's leave the crime scene na parang wala lang" Bulong ni Ning habang nakangiti siya kay Winter.

I can smell something floral sa gilid ko at kung hindi ako nagkakamali which is most of the time, si Winter ang nasa gilid ko.

Sabi ko nga tama ako most of the time, 'diba?

She looked at me and smirked, "Next time kasi, diretso ang tingin"

*gasps!

Pigilan niyo, ‘ko kung hindi kakalimutan kong anak to ng presidente. Siguro totoo nga ang telepathy, dahil agad akong pinigilan nila Ning sa kung anong rebuttal ang gusto kong gawin.

Pasalamat talaga siya.

Arghhh!

-

Sa totoo lang, simula nung pinakita ni Winter yung ugali niya kanina, hindi na ako nakikinig sa speech. I wanted to zone out, kaso baka magkaroon na naman ng misunderstanding sa part ko, quota na po ako sa isang kahihiyan per day! Tsaka mukha rin naman siyang walang pakialam sa program. Kung hindi nakatingin sa malayo, laging nakaabang sa phone niya at kung ano-ano ang kinukutingting. May one time na nahuli ko siyang kinuhanan ako ng litrato ng patago, at noong nakita niyang nahuli ko siya, aba'y tinawanan lang ako! What she did was breach of privacy.

Nakakabadtrip!

"My mom has been an advocate of this type of outreach for as long as I can remember, so in behalf of the first lady, I extend my sincerest gratitude to all of you here at Smiles Foundation,"

Binigyan siya ng isang magarbong palakpakan. I say hindi niya deserve!

"Buti pa pala yung nanay mo maysa anghel"

As if this day couldn't get any worse. Nabaling ang tingin sakin ng mga tao. 'Yung mic!

'Yung lecheng mic na nasa table namin naka-on!

Pwede na ba akong lamunin ng lupa, right here, right now?

"Excuse me, miss...?" Tanong ni Winter na nasa podium pa. Amusement evident on her face.

Wala na akong magawa kung hindi tumayo at panindigan na ang araw na 'to ang pinaka-challenging sa tanang-buhay ko. Oh, well.

Isipin ko na lang na at least, may makukuwento ako sa mga apo ko in 40 years. Yun ay kung aabot pa ko sa pagka-senior after akong saksakin ng nanay ko matapos nito.

Kinuha ko 'yung lecheng mic na nasa table at tumayo. Kung kulang pa para sa inyo, tapatan niyo na rin ako ng spotlight.

"Karina Yu of Manila City"

"Miss Karina Yu of Manila City, you were saying?" Rhetoric niyang tanong. Okay, I admit na dahil naman talaga sa katangahan ko kung bakit ako nasa predicament na ito. I could have kept my mouth shut and went on with my day. Pero hindi. Ang tanga-tanga mo talaga, Katarina! But sige, since nandito na tayo, sasagarin ko na. Face to face na lang kami kahit wala si Tyang Amy.

"Ah, wala... ang sakin lang, yang iphone mo pwede nang mapakain ng isang buwan ang mga bata sa Porac, Pampanga, diba?" Nagtitingin ako sa paligid, waiting for others to nod. Pero suporta kahit kina Ning at Gi wala akong nakuha. Nakaiwas ang tingin nila at nahihiyang nagtakip ng mukha. Akala ko ba Charlie's Angels tayo dito?

"Eto ba?" Angat ni Winter sa kanyang iphone na mukhang pinaka-latest sa lahat. Tantya ko ay nasa around 80-100k ang presyo nitong fully paid, "May lead 'to, miss Karina. Baka malason ang mga bata"

Tantya ko, iilang oras na lang ang nalalabi ko sa mundong ito. Dahil sa pagtapak ko sa bahay namin mamaya, gagawin na kong pataba ng nanay ko sa mga halaman niya.

Pero kung may choice ako, pwede bang maging lumpia na lang?

-

Binabawi ko ang mga sinabi ko.

Ayokong maging lumpia.

O kahit anong pataba sa halaman.

Sabi na 'e. Buti at naniwala ako sa horoscope ko for this week. Bilang Aries, hindi ako basta-basta nagpapatalo. at sabi sa horoscope ng biniling dyaryo ni tatay, ang swak lang dahil feeling ko it spoke to me!

ARIES. Malalaglag ka man sa putikan, babangon ka at dudurugin mo silang lahat. Huwag ding kalimutang tumaya sa lotto today.

Lucky Color: Red, Lucky Number: 01

Ang galing lang. Dahil after ng fiasco ko noong nakalipas na tatlong araw, pinatawag ako ng walang iba kung hindi ng Office of the President of the Philippines kaninang umaga.

Akala ko talaga ay katapusan ko na at ikukulong sa correctional. Pero I'm telling you, this day is best day of my life... for now. Might be too early to tell, pero wala akong pakialam sa ngayon.

"O ano'ng verdict? may taning kana?" Panimulang bati ni Ning ng makapasok siya sa bahay. May megaphone na naman yung lalamunan niya sa pagkalakas-lakas ng boses.

"Tigilan mo na nga yan, Ning, hindi ka nakakatulong" Saway ni Gigi na nauna ng mga ilang minuto dito sa bahay. Pinagluto ko sila ng favorite naming meryenda kaya sinasabi ko sayo, Lucky Me, hindi ka malulugi hanggang nabubuhay kaming tatlo.

"Ay nako, basta alam mo naman lagi kitang dadalawin kada buwan." She continued with her banat.

Habang hinahalo ko yung powder sa noodles, nagbabalat naman si Gi ng mga itlog. Ang sarap ipalaman nito sa monay. Buti at nakahabol pa si Ning sa bakery. Tuwing hapon kasi mabenta ang tinapay na 'to lalo na at bagong kuha sa pugon.

"Ano na nga kasi sabi ni mister Pres? Ayaw ispluk ni mother e, first time kaya 'to na hindi siya chumika!"

"Eto na nga..." At nagsimula na nga akong magkwento.

 

 

Nasa tapat kami ng Malacañan. Posturang-postura si nanay at tatay na nakatambay sa tapat ng sasakyan namin. Binigyan kami ng parking pass ni tita Eugene for this occasion. Kahapon ay tumawag siya sakin and told me what she heard. I told her na totoo kung ano man ang narinig niya and next thing I knew, tawa siya ng tawa sa phone. Naka-speaker ako sa sala kasama sila nanay at tatay, at bakas sa mga mukha nila ang pagkalito. Proud daw si tita sa akin and nagmana daw ako sa kanya. Paano at saan banda? Hindi naman kami related by blood una sa lahat, pero dahil wala ako sa mood ay umo-o na lang si sis.

"Come here tomorrow morning, I'll have you accompanied sa may gate 2. Isama mo sila nanay at tatay mo" Banggit niya

"P-po? Bakit po tita?" Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Mukhang may idea na ako kung ano ang ng pagtawag niya.

"the President wants to see you, have a little chat"

Alam mo yung pakiramdam na nasa blood donation drive ka tapos kinuhanan ka ng sampung bote ng dugo? Pwes ako rin hindi ko alam, pero feeling ko ganito ang nangyari sa akin.

Hindi rin nakatulong na tignan ko yung mukha ng mga magulang ko. Ang OA lang ng reaction! Nanay naman, bakit kailangang may pagluha dyan, hindi naman ako isisilya elektrika?

Hindi ba??

So ayun. Kaya ako nasa predicament na ito ngayon. Naghihintay na sunduin ng isang mercenary o guard o kung ano pa yan. Sa magkabilang tabi ko ay si nanay at tatay, parang kahapon lang gusto akong dasalan ng novena, pero ngayon na nakarating na kami sa Malacañang, hindi naman mapaglagyan ang excitement nila. Ano ba 'to! Masaya ba silang iaalay ako?

"Ay ganire pala talaga yung Malacañan ano? Hindi niya kamukha yung nasa bente pesos na bill?" Sabi ni tatay na naka-sandal sa harapan ng sasakyan namin. Umiinom siya ng kape na we got from a drive-through, sa kanya ko namana ang pagkahilig ko sa kape. At madalas, gusto niya rin sumasama sa akin sa starbucks dahil nakakabagets lang.

Millennial, e.

"Ano ka ba, Ronnie, likod ng Malacañang ung nasa bente, nasa harap tayo o, may ilog ka bang nakikita?" Nagbabangayan na naman po sila.

"Nay naman e, nagtatanong lang si father. Ayos na po kayo kasi in 5 minutes susunduin na tayo here,"

True enough, mga 15 minutes late yung sumundong guard sa amin. Pati rin pala sa Malacañang uso ang Filipino time.

I was preparing for the worst nang dumadaan kami sa mga pagkahaba-habang hallway. Ni hindi ko ma-enjoy tignan yung mga portrait ng mga past presidents. Anyway, nakakasuka naman sila halos lahat so it didn't matter.

Suddenly the guard in front of the main door, which I assume is the President's office, opened it. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko sa kaba, at alam ko sa bawat lapit ko sa presidente, I'm one step closer to my paglilitis. Ang OA ko rin pero bakit ba, what I'm feeling is valid sabi nga ng mga Twitter warriors.

Tita Eugene waa standing near the President. Nakaupo ito ngayon habang pumipirma ng kung ano-anong document. Nakasuot siya ng puting barong na may maliit na Philippine Flag pin sa kanang dibdib. Si tita Eugene ay nakatingin sa amin, eyes wide with excitement pero prim and proper pa rin. Minsan ko lang makita si tita na bihis na bihis na ganito for work, at namamangha pa rin ako dahil parang may split personality siya kapag nasa bahay na. Ang hilig kasi nito magsuot ng duster na pambahay. Akala mo ready na tumambay sa tindahan para makasagap na naman sa chikka wifi. Pero hindi siya ganun ha!

Thank God talaga at wala kaming mga mother at father na pinaglihi sa Raffy Tulfo in Action, dahil kung hindi, lagi kaming nasa baranggay at nakikipagbangayan sa mga kung sino-sino.

"Mr. President," bungad ni tita, "let me introduce you to Katarina Yu of Smiles Foundation"

Tumayo si Mr. Pres from his desk at may magaan na ngiti ng sinalubong ako, "Ms. Yu, it's so nice to finally meet you. I've heard a lot of great things about you from Eugene here. Inaanak ka pala niya so what a small world,"

Binati din niya sila nanay at tatay with matching handshake.

"You must be confused why I called you here so early in the morning,"

Oh, no, sir. Napaghandaan ko na po itong moment na 'to. Nakapag-internalize na ako sa sasakyan kanina, prepared my speech at...at...

Ano nga uli yung script ko??

"Mister President first of all, it's an honor to personally meet you. Thank you po in behalf of my family. Second of all, Mr. President," Panimula ko after i took a deep breath, "humihingi po ako ng kapatawaran sa ginawa ko, I'm really really sorry sa pagsagot sa anak niyo na si Winter. Nadala lang po ako ng emotions ko and I admit, she started it but I should have been the bigger person. I'm so sorry po talaga, please kung ano man pong parusa ang ibigay niyo if you could leave my parents out of this tatanawin ko pong utang na lo-"

"Iha, iha", pag-cut sakin ni Pres, "breathe"

I didn't know I needed to exhale until sinabi niya yon. Para akong tanga ang dami kong sinabi! Simpleng sorry lang naman yung pinraktis ko kanina pero nauwi ako sa litanya.

"I didn't call you here to berate you or anything," Tawa niya at sabay na tumingin kay tita Eugene na nakangiti sa amin, " In fact, I wanted to commend you because of what you did. Ikaw lang ang nakagawa ng ganoon sa anak ko, and I want to work with someone who can put her in her place,"

I couldn't believe it.

"P-po?"

Me, putting Winter Kim in her place?!

"I know you're well aware of her behavior in public, and trust me, bilang isang magulang, she's so hard to tame. That kid..." He heaved a big sigh.

Suddenly, nagliwanag ang buhay.

Who would have thought na ito pala ang dahilan kung bakit ako pinatawag. Pinakaba-kaba pa ako nito ng Presidente. Pasalamat siya, siya ang binoto ko! At hindi nga ako nagkamali sa kanya. Kita ko rin sa mga mata nila nanay ang pagkagulat. Mukhang tanggap din nila kanina na huhusgahan ako. Wow, ha, salamat talaga sa suporta.

I think I've found my calling.

"So are you up for it, Ms. Yu?"

Sasagot na sana ako nang may kumatok sa pintuan. At well, well.

What do we have here.

"You called for me? Sorry I'm late" May pagka-indifferent niyang sabi at nakatingin sa kawalan kaya siguro hindi rin niya ako namukaan.

Tumalikod agad ako.

Ganito ba siya makipag-usap sa tatay niya? Wala pa nga ay mukhang bored to death na agad. Nakabihis naman siya, looking presentable like the first time I saw her. Pero ngayon, she's wearing this huge eyeglasses na akala mo ang tirik ng araw dito sa loob ng opisina.

Pero mabango pa rin naman siya, amoy ko pa rin yung same floral scent from her. Maganda pa rin naman yung features ng mukha.

Matangos ang ilong,

Ang cute din ng cheeks.

Hoy! Lumayas ka masamang espiritu. Iba ang agenda natin, Karina. Iba!

Hindi niya ata ako namukaan kaya tumalikod uli ako. Ayoko naman na tumitig sa kanya at magmukhang walang manners. At saka isa pa, naiinis pa rin ako pag nakikita ko siya. Naaalala ko yung sakit ng nakaraan. Chos!

"Take of your shades and umayos ka Winter. I have important guests here and you should say hi"

I slowly turned around at dahil dramatic ako, I wore my smug face while looking at her. She took off her Ray Bans at may bakas ng pagkalito sa kanyang mukha, until there was none.

Kilala mo na uli ako? Good.

"Hi,. I'm Karina Yu," Sabi ko, may bakas ng panunukso sa aking boses, "from Manila City"

"As I was saying earlier, Ms. Yu, you will be supervising my daughter in one of your immersions. I prefer it to happen as soon as possible, and do it lowkey with no press whatsoever. You have my permission to lead her in this project and in return, Winter here will do as you say, but the best part is my office will fund your succeeding projects dahil alam ko that you have a proven track record"

She was incredulously looking back and forth sa akin at sa tatay niya. Habang ako naman ay taimtim na inaabsorb ang details ng project na ito. Even if the odds were in my favor, at enjoy na enjoy ko ang shock sa mukha niya, syempre kailangan ko pa ring magpabibo. And I don't half- my work lalo na at rural communities at buhay ng mga tao ang pinaguusapan natin.

"Are you serious? I don't get to have a say in this?" Hindi makapaniwalang sambit ni Winter.

"You don't. And this is not up for discussion, young lady" Sagot ni Pres with stern eyes. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Siguro bilang tatay, gets ko how he needs to handle his own family. Every time I see him sa TV, lagi siyang nakangiti o di kaya ay laging may ka-shakehands na afam. Ngayon ay medyo nakakatakot siyang tignan. Iniisip ko tuloy kung may time na nagalit sa akin si tatay ng ganito. Parang sobrang rare lang. Dahil nga ako lang ang anak nila na nasa Pilipinas at kasama nila sa bahay, I try na hindi magpasaway sa kanila. Sapat na siguro na ang main source ng ka-high bloodan nila ay ang mga kuya ko.

"But Mr.President," dagdag ni Winter, "I have the right to refuse"

"I'm not ordering you as the President, Winter Kim. I am speaking as your father."

Boom.

Nakakaloka ang mga ganaps. Sila nanay at tatay, parang mukhang mga gustong mag-#2 at umalis saglit. Nakakahiya na nandito kami sa scene na ito. Kahit naman siguro kung ako yun, ayoko ng may bystander na makikinig if ever na may altercation between my parents and I, and the mere fact na sobrang estranghero lang namin dito ay very wrong.

"Why can't you just, why can't you just leave me be, Pa? I already told you what I want" I could feel the hurt in her voice.

"Oh, you certainly will. Lilipad ka sa Amerika. Do whatever you want. In the condition that you finish this immersion ng walang aberya."

I swear noong nagtama ang mga mata namin, para akong tatagusan ng laser mula sa kanya. Aba, teka lang muna ha. Magkalinawagan tayo, hindi ako ang nag-utos sa tatay mo para papuntahin ka dito ng umaga at isama ka sa outreach namin, no! Kahit na siguro anak ako ni Jaime de Zobel, wala pa rin akong powers to do that. Pero bakit parang ako yung sinisisi niya based sa hitsura niya ngayon?

Bakit parang galit siya?

Bakit parang kasalanan ko?

 

 

"So ayun," concluding my story kila Ning at Gigi, "You're looking at Winter Kim's supervisor sa immersion!"

Hindi ko namalayang ubos na pala ang meryenda.

"Ang bongga!" Binigyan ako ng standing ovation ni Gigi, "Ang ganda naman ng promotion besh, sana tumaas din ang allowance no, dagdag ng sakit ng ulo yan"

"Don't worry about me, ako ang magiging sakit ng ulo niya para maiba naman. Pero seriously," I remembered the pained expression sa mukha ni Winter, "Gusto ko rin naman siyang tulungan, 'no. No joke, she gives off this damsel in distress vibe"

"Andun na tayo, sis." Pag-agree ni Ning, nagliligpit na kami ng mga pinagkainan dito sa sofa. Siya rin ang toka maghugas ng mga platito at baso, "Pero make sure na hindi ka madedehado dyan, baka mamaya ay gantihan ka naman non sa kakautos mo sa kanya. Sa mga kwento ni mama, may pagka-cunning talaga daw yang si Winter at hindi tumitigil kapag hindi naaasar ang mga parents niyan sa kanya. AKA, black sheep of the First Family"

Ganon ba.

Pwes, I like the challenge. Hindi ako pinalaki ng bomb para bumawi.

"E kung ayaw niyang pumunta sa US, she can annoy the hell out of me. Otherwise, gawin niya ang lahat ng iuutos ko sa kanya, that simple."

"Edi ganon, ang lakas mo naman besh, excited ako kung paano mo ite-tame si Winter." Sagot naman ni Ning

"Tame talaga? Hayop yarn?" Tawang singit ni Gigi.

"Oo, nasa animal kingdom kaya tayo"

"Ahhh okay. Figures."

"Na ano?"

"Wala, tama ka naman"

"Ano nga? Anong nakakatawa?"

"Wala nga, pansin ko kasi parang ikaw yung queen of the jungle" ismid ng Gigi habang nililinis ang mga pinagbalatang ng itlog.

"I know, right?"

"Yung nag-alaga kay Tarzan sa forest"

May narinig akong maingay sa terrace, kadarating lang pala nila nanay at tatay galing sa shop. Hindi na ako sumama dahil gusto nila akong magpahinga at kakailanganin ko raw ng lakas sa mga susunod na araw. May baon pa silang bilao ng pansit. May pansit surplus pala dito sa bahay ngayon, 'di ako aware.

"Ay nagmeryenda na ba kayo? Eto o may pansit dito," Bakas sa mukha ng dalawa ang pagka-umay pero syempre kami-kami lang ang nakakaalam.

"Okay lang po, 'ta Vicks, kakakain lang namin ng monay tsaka pancit canton,"

"Ah okay, ay wag niyo nang hugasan yan diyan, si Karina na lang ang maglilinis niyan" Offer ni nanay sa kanila.

Nangingisi naman sila sa gilid ni nanay. Pinandilatan ko sila ng mata.

Subukan niyo at nang pagbalutin ko kayo ng pansit isa-isa!

-

D-day!

Ang sarap ng gising ko. Ang ganda ng sikat ng araw; humuhuni ang mga maya sa labas; sumisigaw si kuyang mangta-taho; at naaamoy ko ang sinangag na niluluto ni tatay. Napatingin ako sa phone ko at naunahan ko pa ang alarm! Ang saya lang.

Ihahatid pa ako ng parentals sa office dahil doon kami lahat magkikita-kita but Ning and Gi are going with me. May apat na sasakyan para sa convoy papunta sa Porac sa Sitio Balagtas so hindi ko alam kung sasabay sa amin si Winter. Alam ko namang high maintenance siya. Sa mga damit pa lang na binurda nila Donatella at Alexander, malamang ayaw niyang magusutan yon, so may sarili siyang sasakyan.

Mukhang naamoy ng dalawa kong kaibigan mula sa kabilang baryo (aka kanto) ang tuyo na niluluto dito sa bahay. Ang aaga nagsipagdatingan. Pati mga dala-dalang gamit ang iingay dalhin. Pero dahil good mood ako today, sige lang, kain lang kayo dito ngayong umaga.

"Hoy, tirahan niyo ko ng kamatis, ligo lang ako," Paalala ko sa kanila bago ako pumasok sa CR.

"Kamatis lang?" Reply ni Ning na nakasandok na ng kanin. Sa tabi niya ay si Gi na humihigop ng kape.

"Pwede rin, tapos mag-taxi ka na lang at iwan ka namin dito ni Gi. Bet?"

"Syempre joke lang, miss Supervisor"

"Karing bilisan mo na dyan para hindi tayo ma-traffic, aba mahirap paghintayin ang anak ng Presidente ha" Sabi ni nanay na nakababad sa telepono. Ibang klase talaga ang nanay ko, before I went to bed last night, sige ang kakapanuod ng cooking show ni Ninong Ry, ngayong umaga naman, nakatutok pa rin sa telepono at si Small Laude naman ang pinapanuod!

Gosh. Kaya pala nauso sa kanya yung, "No bashing, this is for fun!". Lagi ko na lang siyang naririnig sa tuwing may petty fights sila ni tatay. Ang hirap! Pwede bang stick to Candy Crush kana lang ulit, mother?

Matapos kong kumain ay mabilis kaming gumayak. While accounting the essentials, biglang may malakas na wang-wang ang bumigla sa mga eardrums namin. May sunog ba?? Nagkatinginan kaming lahat. Tapos naman na ang March a? Sa tanang buhay ko na nakatira kami sa street na ito, malinis at maayos ang mga kable ng kuryente. Nakatira kami sa street kung saan nandoon din ang barangay hall kaya naman maganda at patag ang kalsada dito. Halos puro may kaya din ang mga katabi namin kaya one-way lang ang kalye namin. Meanwhile sa hindi kalayuan, around three blocks away, nagaaway-away ang mga kapitbahayan dahil sa karaoke o sinampay.

Kamusta ang social divide.

Napalabas kami ng bahay when we noticed na dito pumarada yung sasakyan.

Land Cruiser na may pulang plaka.

Laking gulat ko ng may lumabas na mga matitikas na lalaki na naka-shades at parang may walkie-talkie.

Kamusta talaga!

Pagkababa ng rear door glass ay bumungad sa akin ang amo nila na naka-shades din. Laking gulat naming tatlo nila Gi. Tinilian pa niya ako right straight into my ear. Akala mo may tinatawag na dolphin ito si Giselle! "Aray naman Gi!" Reklamo ko sa kanya. Ramdam ko naman sa kabilang balikat ang paghahampas ni Ningning. Baka nakakalimutan niyang tao ako at nasasaktan din. Bwiset na mga kaibigan to!

"Teka nga!" Suway ko sa mga kiti-kiting ito.

"Santa Maria! Ronnie andito ang anak ng presidente!" Sigaw ni nanay na bumalik sa bahay para ikalat ang masamang balita. Isa pa 'to si nanay!

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong. Binuksan ko ng mas maluwag ang gate namin, baka naman sabihin niyang wala akong manners.

"Edi sinusundo ka," Winter Kim stated as if it was the most obvious thing in the world.

Pasalamat talaga siya at hindi pang-All for Juan, Juan for All itong kalye namin, dahil kung hindi, para nang may concert dito ngayon sa dami ng tao. I value my privacy at ayokong nagugulo ang inner peace ko.

"Miss Winter! Nako nag-abala pa ho kayo, hindi naman po kailangan ang pagsundo kay Karing -" Pinanditalan ko si nanay. At talagang isisiwalat niya ang palayaw ko e ang bantot kaya non! Nay namaaaan, "este kay Karina, maihahatid naman po namin sila sa office dahil may convoy doon. Gusto niyo po bang magkape muna? Almusal po? Gusto niyong kumain? Tuloy po kayo sa bahay. Ronnie! Ipagtimpla mo nga ng kape itong si miss Winter dali - "

"Nay! Hinga. Hindi kailangan ni Winter pumasok sa bahay, ang kalat sa loob" Grabe magkandaugaga 'to si nanay. Parang nakakita ng artista. Hello, e andito naman ako.

"Please drop the formality po, it's just Winter. And I don't like to impose, andito lang po talaga ako para sunduin siya at mga kaibigan na din niya"

"Hindi na, hindi kami magkakasyang tatlo dyan, nakakahiya naman po sa first daughter," I forced a smile,

Napadako ang mga tingin sa likod ng sasakyan at ngumiti ng pabalik sa akin na tila nang-aasar.

May convoy siyang isa.

"You were saying?"

"Ay bongga! Ano pang hinihintay natin edi let's go tara!" Tinignan ko ng masama yung dalawa.

Ito ba ang igaganti niyo sa pagkain ng umagahan sa bahay?

 

 

Isang dipa.

Isang dipa na lang ang namamagitan sa ating dalawa.

Isang hakbang pa ay abot-kamay na kita.

Isang lingon mula sa'yo ay makikita ko na,

Ang iyong mukha,

Ang iyong hitsura.

Isang dipa na lang.

Hindi ko talaga alam kung ano ang agenda ng recurring dreams ko. Wala rin naman akong natatandaan na childhood core memory na nakakapagpa-trigger nito. Hindi rin naman ako hopeless romantic gaya ni Ning na aabot sa panaginip ang frustrations sa love life. I have so much to do with so little time, so many things that I want to accomplish: masigurado ko ang paglago ng shop namin na matagal nang pangarap nila tatay, ang pakikipagsapalaran ko sa pag-aaral, at ang panaginip na sana balang-araw, maging ganap akong doktor na kayang maglaan ng time and dedication lalo na sa mga kapos at nangangailangan. Kung suswertehin man ako sa larangan ng pag-ibig, edi tatanggapin ko ng maluwag sa kalooban.

Pag-ibig na yan e, tatanggihan ko pa ba?

Sa panaginip, nawawalan ako ng sense of direction at logic. Nawawalan ng rason ang lahat at hindi nagme-make sense ang lahat ng nangyayari. One moment naglalakad ka sa kalsada, the next thing you know lumulutang kana.

Kagaya ngayon. Pinipilit kitang abutin. Napakalapit mo na sakin, pero ang distansya ng kamay ko mula sa balikat mo ay parang mula Libertad hanggang Pedro Gil. I tried looking for Ning and Gi pero wala ni mga anino nila.

Dahil sa sobrang pagkabigo ko na hindi ka na naman lumilingon, gusto kong kumanta bigla!

I try to be modest pero maganda rin naman ang boses ko. Lagi akong nakakascore ng above 90 sa karaoke, pero sabi nila palakasan lang daw talaga ng boses ang labanan.

Ahem ahem. Well, here goes nothing.

"You are the song playing so softly in my heart," Sinimulang kong kumanta

I reach for you, you seem so near yet so far

I hope and I pray, you'll be with me someday

Hala!

Effective yung pagkanta! Sabi ko nga pang-the Voice talaga ako. Hindi na rin masama kung si Lea ang lilingon sa akin.

Unti-unti siyang humaharap at hinahanap ang pinanggagalingan ng boses. Nakikita ko na ang kalahati ng mukha ni miss gingerhead. Same sa huling pagkakaalala ko sa matangos niyang ilong. Nakikita ko na rin ang hulma ng kanyang mga labi at pisngi. Pero bakit parang...

Bakit parang...

I know, down inside, you are mine, and I'm your true love

Or am I dreaming?

At sa wakas.

Nakita na rin kita.

I can't believe my own eyes.

Winter Kim?!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
Hi! The story is up til 4 chaps only. I don’t know why it keeps saying 5. Must be the announcement I put on draft.

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 4: LoveLOVEEE gandaaaa kiligggg😩😩💙💙💙
einjie_GF
#2
Chapter 2: Lah, gagi may ganon..... Kiligggggg
Trumfeet #3
Chapter 4: yiiiiiiieeeeee lamats yor🫶
GimmeGummiesTY
#4
Chapter 4: haay kahit ilang ulit ko to basahin, nakakakilig parin 🥹🫶🏻
Eli_The_Queen #5
Chapter 4: Special Chap with them otor plzzz🥹
httpdaniyoo #6
rereading this too!
glanishaaa
#7
Chapter 4: Chapter 4: Ang ganda-gandaaaa ❤️❤️
Pero bat di lumalabas yung chapter 5?? 😭😭
jiCHUyaa
#8
Huhu can't see chapter 5
Etoile__
350 streak #9
Chapter 4: grabee author your stories are sooo lovely 🥰🥰🥰🥰🥰
Etoile__
350 streak #10
Chapter 3: bat ganun i can only read up to chapter 3 😭