MT 4

Maybe Tonight
Please Subscribe to read the full chapter

"Magandang gabi po Ma'am, pasensya na po kung-" agad akong nakarinig ng tawa mula sa kanya, naku po lasing na siya.

 

"Ilang beses ko bang sasabihin na Tita ang itatawag mo sa akin Seulgi?" Napangiti na lamang ako habang inaalalayan namin ang anak niya paakyat sa kwarto. 

 

"Nga pala, kumusta ka na iha? Nung October pa ata yung huli nating kita ah." Sambit niya habang binabalutan ng kumot ang anak niya. 

 

Nakayapos ang dalawa kong kamay habang pinagmamasdan ko sila at napangiti. "Medyo busy po sa online class kaya hindi na po ako nakakadalaw."

 

"Talaga lang ha?" Napalunok ako sa kaba, alam ba niya? "Alam mo bang napakaopen ng anak ko? Bukambibig ka niyan sa araw-araw at medyo nakasasawa na pero wala eh, masaya talaga siya. Kaya napapaisip ako iha, napano kayong dalawa?"

 

Shet, hindi naman ako aware na mapapahotseat ako ngayong gabi. Pero dahil nakatayo ako, hotstand na lang. Corney man pakinggan pero kinakabahan na talaga ako.

 

Ano kaya ang pwedeng isagot? Mas malala pa ata 'to sa one question with why as an explanation huhu.

 

"Dibale.." sapat na ata na pangcpr ang naibuga kong hangin sa sobrang ginhawa "kahit naman sagutin mo I can't relate sa mga kabataan." Natawa na lamang kaming dalawa. "Osya, maiwan muna kita at ako'y maghahain pa. Dito ka kumain sa amin ah?" Tumango naman ako.

 

Nang siya'y tuluyang nakalabas sa kwarto ay nagkaroon naman ako ng pagkakataon na pagmasdan ka. Kahit sa pagtulog, napakaganda. Sana all na lang talaga.

 

Kung alam ko lang na mababa ang alcohol tolerance mo, tinuluyan na sana natin ang gatas.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
36 streak #1
Chapter 4: ❤
Kolilat11
217 streak #2
Chapter 4: Akala ko sad yung ending. Haaaay. Happy Christmas 🎄 everyone
reveluv316 774 streak #3
excited to read
Kkuratingz #4
Chapter 4: Naka ready na ako. Akala ko iiyak ako😭
000014
#5
Chapter 4: Luh edi kayo na
leoheart
#6
Chapter 4: Merry Christmas mga accla!