Five

Benefit of the Doubt
Please Subscribe to read the full chapter

Halos isang week na kami nasa Christmas break at so far ang routine ko is: gising ng halos mag 12 noon na, kain ng brunch, lalaro kasama friends ko, kain dinner, laro hanggang midnight. ‘Di naman ako nagsasawa or anything kasi ngayon lang ako nakaramdam ng pahinga after ng hell week and exams.

 

Naninibago nga lang ako kasi nasanay katawan ko na laging busy tapos biglang wala nang ginagawa, parang nawweirdohan ako. Don’t get me wrong, ayoko na mastress ng sobra pero naninibago talaga na ‘di ako nasstress ngayon.

 

Nakahiga pa rin ako sa kama ko habang naka-cuddle kay Coco. Nagsscroll lang ako sa TikTok na biglang may tumawag sa’kin. Tinitigan ko lang yung screen habang nagccontemplate if sasagutin ko ba.

 

Dalawang rason lang naman kung bakit tumatawag ‘tong kumag na ‘to. One, gusto mag laro ng Valo or two, gusto ako ayain sa labas.

 

Nakita kong nag end yung pag tawag niya sa’kin and nakalagay na may missed call ako sakanya. Humagikgik ako kaso nawala din dahil tumawag na naman siya.

 

‘Nu ba yan ‘kala ko nakatakas na ‘ko.

 

“GOOOOOD MOOOOORNING WINTER”

 

Nilayo ko agad yung phone ko sa tenga ko.

 

Aray ko naman!

 

“..llo? Hello? Bro? Ba’t di mo ko sinasagot? ‘Di mo na ‘ko lab?”

 

Huminga ako ng malalim.

 

“Ano ba yun, Ryu? Parang gago naman eh.”

 

Narinig ko siya tumawa ng malakas. Parang gago talaga. Ni-loudspeaker ko yung call namin at tumayo na ko sa kama. Pinababa ko muna si Coco habang nagtutupi ako ng kumot.

 

“Labas tayo, pre. Libre ko na. Ako na bahala.”

 

Tumaas kilay ko sa narinig. Wow. Rare times lang nanlilibre si Ryujin since siya yung pinaka kuripot saaming magbabarkada. May nangyari dito for sure. Either heartbroken or masaya siya sa nangyayari.

 

“Weh ba? ‘Di ako magdadala ng wallet ha.” Sabi ko sa kanya. Dinala ko yung phone ko at pumunta ako ng banyo. Binaba ko yung phone at nag hilamos.

 

“Oo, ako bahala sa lahat. Promise!”

 

Pinagisipan ko ng maiigi kung gusto ko ba lumabas. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalin netong gagang ‘to. Medyo parehas sila ni Giselle in a sense na kaladkarin sila and very spontaneous. Minsan ako na din napapagod sa kakalakwatsa nila.

 

"Saan ba?"

 

Pinunasan ko na mukha ko para matuyo at bumalik ako sa loob ng kwarto.

 

"Antips? Tags?"

 

Pota, apaka layo naman ng gusto puntahan neto.

 

“What time ba?” Tanong ko habang humiga ulit sa kama.

 

“Ikaw ba? What time ka ba free?”

 

Napatingin ako sa orasan at nakita kong almost 12:30 PM na pala. What the heck ang tagal ko naman nanood ng tiktok?!

 

Nagisip ako kung anong time pwede lumabas since Friday naman ngayon, asa work mga kapatid ko. Ibig sabihin nun walang tao sa bahay namin ngayon kundi ako lang and yung mga kasama namin sa bahay.

 

For some reason, may rule talaga yung family ko na as much as possible, may maiiwan talaga na tao sa bahay namin. Kung hindi naman daw ganoon ka-importante yung lakad sa labas, wait daw muna na may umuwi na family member. Hindi naman sa ‘di trust ng parents ko yung mga kasama namin sa bahay pero for safety purposes lang din.

 

Sa tingin ko naman di nagmamadali si Ryujin lumabas. Kahit naman 2 A.M. kami lumabas, okay lang sa kanya.

 

“Wait ko siguro may umuwi sa fam ko, pre. Wala kasing tao sa bahay ngayon eh.”

 

“Sige boi, sabihan mo ako. Sundoin kita diyan sa inyo.”

 

“Okay bye.”

 

“Geh see you.”

 

Binaba ko na yung call namin at bumangon mula sa kama ko.

 

Nag stretch ako with my arms up while nagttiptoe.

 

“Ngghhh…aaaAAAHHHH”

 

Sabi kasi nila pampatangkad daw yun.

 

Kunwari nalang tumangkad ako dahil dun pero parang force of habit ko na lang ginagawa yun.

 

Sad reax.

 

Binuksan ko ang PC ko para tingnan if may online ba sa mga kaibigan ko. Nag notif bigla phone ko na I got a message from Karina. Naramdaman ko na napangiti ako ng maliit.

 

Karina Yu: Hi Winter good afternoon! 😊 it’s so hot today ><

 

Winter Kim: hello good afternoon !! oo nga eh :( diba dapat malamig kasi it’s christmas season

 

Karina Yu: Right?! I showered na nga eh kasi its so mainit talaga

 

Winter Kim: ta’s pag labas mo ng shower, pawis ka ulit HAHAHAHA

 

Karina Yu: OMG so true 😭

 

Karina Yu: Btw!!! I’m going ukay today

 

Winter Kim: WOIII sana all ! san ka mag ukay?

 

Karina Yu: Baka sa anonas ulit. Dun kami ng sister ko before eh

 

Winter Kim: ohh okay

 

Karina Yu: We’re otw na hehe

 

Winter Kim: oHhH okie

 

Winter Kim: stay safe sa inyo! update mo ‘ko sa mga nabili mo HAHAHAH

 

Karina Yu: Thank you! Okie I will HAHAHA

 

Karina Yu: Hbu? Plans for today?

 

Winter Kim: wala pa HAHAHA pero baka lumabas kami ni ryujin mamayang gabi

 

Karina Yu: Oh okay ingat din kayo later if you're gonna tuloy

 

Winter Kim: yessir thanks idol!

 

Karina Yu: Idol mo na naman ako!

 

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Ever since nauso yung “my idol” na phrase, lagi ko na lang ginagamit sa kanya yun.

 

Nag HAHA react lang ako sa message niya at binaba ko na phone ko.

 

Nakita kong nasa discord sina Gyu at Kai kaya sumali muna ako saglit. Una kong narinig yung boses ni Gyu.

 

“-andale, build muna ko ng extra armor bago natin explore yung cave.”

 

“Sige. Set mo na din yung teleport para di na tayo mahirapan diyan.”

 

Nagm-Minecraft siguro mga ‘to. Usually nilalaro namin ‘to every 6 months ta’s maglalast ng 2-3 weeks lang. Ganun ata talaga pag Minecraft?

 

“Uy, Win!” Rinig kong bati ni Kai sa’kin.

 

“Himala, buti gising ka?” Natawa kong tanong kay Kai since lagi siyang tulog buong araw.

 

Tumawa din yung dalawa, “Binalaan ko yan kagabi eh, sabi ko matulog na siya para makapaglaro kami ng maaga.”

 

“Umpisa na ba ng Minecraft era natin?” Tanong ko sa kanila habang chinecheck kung updated ba yung Minecraft ko.

 

“Oo naman! Bagong patch na eh.” Sagot ni Gyu.

 

Pag ka-update ng Minecraft ko, nagsimula kami mag larong tatlo.

 

Ever since nag start kami mag laro few years ago, meron na talaga kaming world na ginagamit. Nag ambagan pa kaming lahat para lang open yung server na 'to 24/7.

 

Kalagitnaan ng cave exploration namin, biglang may sumali sa call. Hindi ko tinignan kung sino kasi focused ako sa pag mine para lang sa diamonds.

 

“Hi, Gi!” Narinig kong bati ni Kai.

 

“Oi, Gi.” Bati naman ni Gyu.

 

I was still mining nang biglang nabawasan health ko. Huh? Inikot ko character ko na biglang may zombie bigla! Hala!

 

“AHHHH MAY ZOMBIES PINAPATAY AKO”

 

Narinig kong nag tawanan yung tatlo sa aking misery. Grabe! Fake friends!

 

“Agoi. Teka mag teleport ako sayo.”

 

“DALIAN MO DUMADAMI SILA OMAGAD”

 

I was fighting for my life using my sword na naka enchantment pa na nasusunog yung mga natatamaan pero ang dami pa rin nila!

 

Napansin kong nag teleport na si Kai and Gyu sa’kin at pinatay nila isa isa yung mga zombie pero ang parang hindi sila nababawasan.

 

“Gago may spawn ata sila dito eh.” Sabi ni Gyu habang nag lalagay ng torch para makita namin yung daan

 

“Baka nga. Sige check ko saglit.” Umalis yung character ni Kai palayo para hanapin yung spawner.

 

Nakikipag away pa rin kami ni Gyu na narinig ko mag salita si Gi, “If ininvite niyo ‘ko mag Minecraft edi sana di yan nangyayari sa inyo.”

 

Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Gi. Siya kasi talaga ang pinaka magaling saaming magkakaibigan mag mag laro ng Minecraft. Tanda ko dati noong Grade 5 kami, sobra siyang naadik sa Minecraft as in lumalabas lang daw siya ng kwarto niya para kumain at mag banyo. Eh hindi nga ata naliligo yan nun?

 

“Ayan gagi nahanap ko na! Sirain ko na ah?” Paalam ni Kai saamin. Wala naman na kami magagamit diyan kaya sinabi namin na go lang.

 

Sumali na si Gi saamin mag laro and iba iba goal naming apat. Plano ko kasi pumunta ng Nether para mag explore kaya nagsimula na ako mag build ng obsidian para makagawa ng portal. Habang gumagawa ako, bigla bumukas pintuan ko kaya napatingin ako. Dumating na pala sina Mama at Ate ko.

 

“Beh, may dala kaming pizza ni Ate Taeyeon mo. Kain ka na muna.”

 

Narinig siguro ng mga kaibigan ko si Mama kasi sabay sabay sila nag sabi ng “Sana all may Pizza”. Ampochi mga baliw. Naka speaker pa ako edi narinig din mama kaya natawa siya.

 

“Hello Tita Edna!” Bati ni Gi.

 

Sumunod naman si Kai at Gyu ng bati, “Hello Tita!”

 

Pero si Gyu may pahabol pa na, “Tita miss na namin banana cake niyo!” Ay, ang sipsip talaga.

 

Mas natawa naman si Mama at sinagot sila, “Hello sa inyong tatlo. Parang kulang kayo ah? Nasan si Ryujin? At Mark?”

 

“Ay tita! Si Mark nag bebe time po. Si Ryujin ‘di pa po nagpaparamdam sa amin today.” Sagot naman ni Gyu kay Mama.

 

Mhm… Parang may nakakalimutan ako…

 

 

HALA OO NGA PALA SI RYUJIN!

 

“Hala! Gags si Ryujin kikitain ko nga pala dapat!” Napasigaw ako kay Mama kaya nagulat siya. Binatukan niya din ako sa ulo dahil nag mura ako. Hehe. Sarreh.

 

Napatingin ako sa oras at nakita kong 7 PM na pala. Shet, almost 7 hours na pala ako naglalaro! Kaya ayoko ng Minecraft eh, di ‘ko talaga napapansin kung anong oras na. Patay ako kay Ryujin neto di man lang ako nakapag update.

 

Palabas na si Mama ng kwarto ng magpaalam ako sakanya, “Ma, aalis kami ni Ryujin mamaya ha. Siya daw magddrive kaya di ko alam saan niya ako dadalin.”

 

“Ha? Eh anong oras na ah?” Nakanuot ang noo na sabi ni mama.

 

“Minsan lang yun manlibre, Ma.”

 

Nakanuot pa rin noo ni Mama pero sabi niya bahala ako.

 

I’ll take that as pinayagan niya ako.

 

“Lalabas kayo ni Ryujin, pre?” Tanong ni Gyu.

 

“Oo, nag aya eh. Libre niya pa daw!” Gulat kong kwento sa kanila.

 

“Wew. Break for sure.” Sabi ni Kai.

 

Same thoughts, bro.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ahnpup
sorry ngayon lang uli sorry mga mamser na bz lng s iskul ehhawjheajha ENJOY PO COMMENT KAYO <3 kausapin nyo q https://curiouscat.live/jmjbabie

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
💗
plutoooooo #2
It's so cute. I love this story. Waiting for your updates 🥺🥺
soyiesows #3
Chapter 5: bet ko talaga magbasa kapag si win yung tigasin hahaha
bigboy123
138 streak #4
Chapter 5: di yun date. lunch/dinner “as friends” lang 🤭🤭
uwuromi #5
Chapter 5: TINGEN NGA GANO KA KASTIG WINTER
uwuromi #6
missed u otor!!!
osumnevercease
#7
yeyy update
gandlafchua #8
Chapter 4: Galawan mo karina Hahaha wala kang talo ron ah
TakuyaKen
#9
Chapter 4: landian n yang deal deal haha
aligathuff #10
Chapter 4: ang oblivious nga dalawang to 😭