Four

Benefit of the Doubt
Please Subscribe to read the full chapter

It has been 2 weeks since nung party and almost everyday kami nagusap ni Karina. Weird ba na ang bilis ko maging comfortable sa kanya? We usually talk sa iMessage after namin magusap noon sa Instagram. We casually exchanged numbers kasi parehas kami nawweirdohan na sa Instagram kami naguusap. Like, sino naguusap dun na proper conversation?

I’m happy that I found a new friend. Medyo nagsasawa na kasi ako kina Ryu eh. 

Kidding. Baka sapakin ako ng mga nun pag nalaman nila na sinabi ko yan.

Nung nag usap kami, pinag usapan namin paano niya maibabalik yung jacket ko. Sabi ko sa kanya okay na sa’kin na mag meet kami half way ng schools namin pero nag insist siya gusto niya pumunta ng school ko para daw makapag explore siya around that area. Nahiya naman ako kasi one, wala naman talaga makikita dito sa area ng school ko? And second, looking at it, malayo-layo yung schools namin sa isa’t isa pero okay lang daw since magccar daw sila ni Ning. 

Pupuntahan din talaga ni Ning si Gi sa school namin so sasabay na din daw siya. Nag okay na ako since wala na din na ‘ko magagawa.

Kaya eto kami ngayon sa labas ng school namin sa may 7-eleven. Nakatambay kaming magkakaibigan sa labas since dito nakalagay yung mga tables and chairs. Kakatapos lang din ng class namin netong 1:30 PM kasi maaga kami dinismiss ng prof namin. 

Nakatayo ako habang kumakain ng toasted sandwich na bacon and cheese. Favorite ko ‘to since highschool kasi ang sarap naman talaga. Bumili na din ako ng Mogu Mogu na yogurt flavor. Perfect combo for a snack! 

Magllunch na dapat kami kami since lunchtime na din naman na kaso sabi ni Gi wait nalang daw namin sina Ning and Karina para sabay sabay na mag lunch. 

Kinakain ko lang yung sandwich ko habang nakikinig sa kwento ni Ryu tungkol sa problema nilang mag jowa. Pinapaglaruan niya yung straw ng iniinom niyang slurpee. 

“Tapos ayun, nag away na naman kami kasi ‘di man lang niya sinabi dun sa lumalandi sa kanya na may jowa siya.” 

Napakunot ako sa kwento ni Ryu. Yan yung di ko gets sa mga ibang tao. Magjojowa ta’s hahayaan lang na landiin sila ng ibang tao?     Naiinis ako sa mga ganyan. I’ve experienced it first hand and mind you, sobrang panget sa pakiramdam. Ba’t mo hahayaan lang na landiin ka ng isang tao knowing na may jowa ka? Dati ka bang ubo? 

Nakatingin lang kami kay Ryu habang nakatingin padin siya sa slurpee na iniinom niya. Tinaas niya isa niyang balikat, “Pag isipan ko na ulit. Ayoko na ganto lang nararamdaman ko.” 

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil ang gusto ko talaga sa mga kaibigan ko, alam nila worth nila. Kahit na ilang buwan din etong problema ni Ryu, alam kong in the end she knows what’s best for her. Ayoko rin na mawala nila sarili nila just because in love sila.        

Tapos ko nang kainin yung toasted sandwich ko kaya nag lakad ako papunta sa basurahan na may nag park na kotse tabi nun. ‘Di ko pinansin yung kotse at tinapon ko mga basura ko. Ngumunguya pa din ako na biglang bumaba yung bintana ng kotse. Napatingin ako at nasamid sa ningunguya ko dahil ang bumungad sa’kin ay ang mukha ni Karina. 

Naubo ako at napatakip ako ng bibig dahil may nastuck na bread sa lalamunan ko. Tinawanan naman ako nung dalawa at narinig ko din sa likod ko na tumatawa sina Gi. 

“Hi, Winter!” Bati ni Ning sa’kin. Ngumunguya pa rin ako pero tumango ako para batiin sila. 

Bumaba sila ng kotse and napansin kong suot ni Karina yung jacket ko. Napataas kilay ko sakanya. Akala ko ibabalik na niya? Nag lakad sila papunta sa akin at unang lumapit si Ning at hinug ako. Pinat ko yung likod niya at bumitaw agad kami. Tumingin ako kay Karina and ‘di ko alam if comfortable ba siya na mag hug kami. Mamaya ‘di pala kaya tinaasan ko nalang siya ng fist bump habang nakataas ang kilay. 

Nakipag fist bump din siya, “Masyado mo atang na-enjoy yang jacket ko ah?” Pang inis ko sa kanya. Umirap siya habang nakangiti. 

Eto napansin ko kay Karina kahit sa chat lang kami nakakapagusap. Nakakatuwa siya inisin kasi she’ll just take it lightly dahil alam niyang nagbibiro lang ako.

Naglalakad kami papunta kina Gi, “I was gonna text you nga and ask permission if I can borrow your jacket because it was so cold sa car kanina but my phone got lowbatt so, yeah..” Napatingin ako kay Karina nung bigla siyang nag salita. Kaya pala. Tumatango ako at ngumiti sa kanya, “Go lang.” 

Wala naman akong problema with my friends using my jacket or kahit anong clothes. Basta if sa kanila ko pinaheram, sila lang dapat gagamit. Ayoko kasi yung sa’yo ko pinaheram ta’s makikita kong iba gumagamit. Weird lang sa feeling nun.

Nakarating kami kung sa’n nakatambay sina Gi and nag hug din si Gi and Ning. Nang mag hiwalay sila, nakita kong naka-holding hands sila after. 

“Si Ning and Karina pala, ta’s Ryu, Mark, Gyu, at Kai” Pinakilala ni Gi isa isa habang nag ngitian silang lahat sa isa’t isa. 

Napatingin ako sa watch ko and napansin na almost 2:15PM na pala at bigla akong nakaramdam ng gutom. Kakakain ko lang ng sandwich pero gutom pa rin ako. Hindi kasi ako nakapag breakfast this morning dahil mallate na ‘ko.

Iinom na sana ako ng Mogu Mogu ko kaso ‘di ko mahanap sa table yung inumin ko. “Oi, asaan Mogu Mogu ko?” Tanong ko sa kanila habang naguusap usap sila. 

Yung inumin ko nasaan na naman ba? Kaya ayoko iniiwan mga pagkain ko sa kanila kasi alam kong either onti nalang matitira sa’kin or literal na ubos na.

Lahat sila ay tumingin kay Mark at tinignan ko ng madiin si Mark. Umiwas siya ng tingin kunwari na ‘di kami narinig. Sumugod ako kung asaan siya, “Hoy, bibilan mo ‘ko ng bago! ‘Di ko pa nga nababawasan yun eh!” Sabi ko habang pinapalo yung braso niya. Putek, inumin ko yun eh!

Tinatawanan niya lang ako, “Eh tinanong ko sila kung kanino yung Mogu Mogu na nasa table sabi nila ‘di nila alam edi ininom ko na lang!” Inexplain pa sakin eh alam naman nila na ako lang bumibili ng flavor na yan! 

Sinuntok ko siya sa braso habang natatawa pa rin siya. “Oo na! Teka nga bibili na ‘ko.” Pinanood ko siya pumasok ng 7-eleven.

Yan tama yan. Mahal din ang Mogu Mogu ah. 

Nagpaplano sila kung saan kami kakain. Madaming silang sinusuggest pero ‘di pa rin makapag decide kung saan kakain. 

“Bounce na ‘ko.” Rinig namin na sabi ni Ryu. Lahat kami napatingin sa kanya. “Puntahan ko lang siya. Usap na kami.” ‘Di na namin siya pinigilan since mukha namang desidido na siya. Nagpaalam siya at sinabihan namin na mag ingat. 

“Message mo kami.” Paalala ni Gi habang nag lakad na palayo si Ryu sa sakayan ng jeep. Binigyan niya naman kami ng thumbs up. 

Lumabas na ng 7-eleven si Mark na dala dala yung Mogu Mogu ko. Kinuha ko ‘to agad sa kamay niya. “Thanks!” Umiling lamang siya habang nag sigh. 

“Okay, eto na. Pupunta tayo sa SM Grand Central and dun tayo maghahanap ng kakainan.” Sabi ni Gi at tumingin sa min kung agree ba kami.

Tumango naman kami ni Karina pero yung tatlong lalaki umiling. “Bounce na kami, par. Uwing uwi na din kami eh.” Sagot ni Gyu habang inakbayan si Kai.

“Ako rin. Puntahan ko pa bebe ko.” Sabi ni Mark. Nagpaa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ahnpup
sorry ngayon lang uli sorry mga mamser na bz lng s iskul ehhawjheajha ENJOY PO COMMENT KAYO <3 kausapin nyo q https://curiouscat.live/jmjbabie

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
💗
plutoooooo #2
It's so cute. I love this story. Waiting for your updates 🥺🥺
soyiesows #3
Chapter 5: bet ko talaga magbasa kapag si win yung tigasin hahaha
bigboy123
138 streak #4
Chapter 5: di yun date. lunch/dinner “as friends” lang 🤭🤭
uwuromi #5
Chapter 5: TINGEN NGA GANO KA KASTIG WINTER
uwuromi #6
missed u otor!!!
osumnevercease
#7
yeyy update
gandlafchua #8
Chapter 4: Galawan mo karina Hahaha wala kang talo ron ah
TakuyaKen
#9
Chapter 4: landian n yang deal deal haha
aligathuff #10
Chapter 4: ang oblivious nga dalawang to 😭