Two

Benefit of the Doubt
Please Subscribe to read the full chapter

After namin kumain sa Ippudo, dumiretso kami ni Gi papunta kung saan man yung girl na iddate niya bukas. 

Not gonna lie, mas kabado pa ako kasi di ko alam ineexpect ko. I know it’s not my relationship to begin with pero I want what’s best for my best friend especially after what she has been through. Ganun naman para sa lahat ng mag best friends. LDR sila nung ex niya pero they were together here sa Pilipinas ng 3 years hanggang need mag move nung ex niya sa Sweden before kami nmag college. During the relationship, nagccheat na pala si ex pero kung kumausap akala mo anghel na nahulog. 

cheaters talaga, my dudes.

Naglalakad kami ni Gi at nadaanan namin ang Dairy Queen. Nakita niya ata kung saan ako nakatingin at hinila ako palayo. Ano ba yan. Akala ‘ko pa naman mauuto ko pa siya sa isang ice cream. 

“Kaka-ice cream lang natin kanina. Tama na.” Inakbayan niya ‘ko at binilisan mag lakad.

Kumunot noo and di nalang nag salita.

Natanaw ko ang Serenitea and nakita kong may isang babae na nakaupo mag isa. I noticed na dire-diretso lang si Gi papunta sa babae and nakangiti lang siya habang nakatingin. 

Ay wow. Assume ko nalang na si Ms. Girl nga ang ka-date niya bukas. Kung maka-ngiti naman ‘tong si Gi ‘kala mo in love na. Huhuhu need ko talaga sanayin sarili ko na mai-in love na naman best friend ko. Ta’s ako sad layp padin.

“Uy Ning.” Rinig kong bati ni Gi. Uy ampota? Ganun ganun lang? Di man lang Hey para kunwaring cool? Ang hina naman neto ni Gi. Nag cringe ako sa looban ko pero patuloy pa rin ang hamon para kay Gi. 

“Selle, hey!” Selle? HUUUH? Nuyon may nicknames na? Pero yan buti pa siya nag Hey. Cool chic na ang tingin ko sa kanya. Cute siya. Mukhang di pabebe. Mukha ding mabait. Nakatingin lang ako sakanya nang siniko ako ni Gi. 

“Uhm, Ning si Win pala. My best friend.” Tinaasan ko lang siya ng kilay para ma-inttimidate siya sa’kin. Kunware masungit ako sige sige sige. 

Inabutan niya ‘ko ng kamay. “Hi, Win! Ning” tinignan ko kamay niya at nakipag shake hands. “Win.” sagot ko. Wala na intimidating demour ko, shet. Ang friendly niya. Kaso medyo pasmado ata siya? Kabado siguro ‘to. Nakita ko tingin niya sa best friend ko na parang may kaba sa mata eh. Tama yan matakot ka sakin para di mo saktan si Gi. Eme. 

Umupo kami and kaharap ni Gi si NIng habang yung upuan sa harap ko ay puro shopping bags ng Uniqlo and H&M. Hula ko nag shopping din ‘tong si NIng para sa date nila bukas. Medyo obvious lang naman. 

Nakinig na ‘ko sa usapan nila and nabanggit ni Ning na kasama din daw niya best friend niya. Parehas nga sila ni Gi. Pinagmasdan ko dynamic nila and chemistry and so far gusto ko naman. Madaldal si Ning compared kay Gi and nakikinig lang naman si Gi sakanya. All good all good.

Ning started talking about their exam kanina. “What subj ulit yung inexam mo kanina?” Tinanong ni Gi habang umiinom si Ning nung kanyang drink. 

“Product design. I can’t even. I slept so late na nga to study eh.” 

Englisher. Ano ba school ni Ning? “Sorry, ano pala school and course mo, Ning?” 

Cure use ako eh. English so baka DLSU or ADMU? Pero Manila so most likely DLSU ‘to. 

“I’m from La Salle and I’m taking Manufacturing Engineering.” Sagot niya habang nakangiti.

Huwoah. Engineer. Lozol. 

La Salle din kami pero fake. 

Tumango ako and nag smile. “Nice.” 

Nagpphone ako nang biglang nag notif text sa’kin ng ate ko. 

Ate: hoy bata umuwi ka na hinahanap ka na ni mama hahaha

Napakamot ako ng ulo at tinapik si Gi. Pinakita ko sakanya text ng ate ko and tumango naman siya. I start feeling bad kasi gusto ko pa humaba bebe time nila ng future bebe niya. 

“Ning, we have to go na pala.” Paalam ni Gi kay Ning. Nag pout si Ning and tumingin saamin. 

“Sayang, my best friend’s on the way here na sana.” 

Natawa namin kami. “We’ll meet her next time nalang.” Tumango naman ako sa sinabi ni Gi and sinimulan nang tumayo. Inayos namin ang mga gamit at kumaway ako kay Ning habang naglalakad palayo. 

“Bye, Ning! Enjoy tomorrow!” Nakaramdam ako ng sapak sa likod ko. “Gago.” Natatawang sumbat ni Gi.

Kumaway din si Ning habang tumatawa. “I’ll try!” Napasimangot naman si Gi habang ako ay natawa. 

“I’ll try daw pala eh.” Inirapan ako ni Gi at tumingin kay Ning at ningitian.

“See you tomorrow.” Nakita ko namang namula si Ning at tumango.

“See you.” 

Down bad agad ah.

Palabas kami ng Serenitea nang ngumiti si Gi dun sa babaeng kakapasok lang. Naka mask siya at naka cap. Nag wave naman siya kay Gi at tuloy tuloy pumasok. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong umupo siya sa tabi ni Ning. Siya ba yung best friend? Sayang naman. Di ko pa nakita ng maayos best friend ng soon to be bebe ni Gi. Intimidating ng aura sana maging friend ko.

Pumunta na kami ng parking and nag drive pauwi. Gabi na din kami natapos halos mag 6 PM na. 

“Thanks for today, bro.” Luh. Parang tanga? Lagi ko naman kasama ‘to ah.

“No prob.”

Tahimik ulit kami and nakikinig sa playlist na pinapatugtog ko.

Butterflies by Fiji Blue

“Considering that you have been single for a year, puro love songs yan ah?” 

Whaaat? “Almost all songs are love songs, bro.” Sagot ko sakanya. 

“Mhm.. What do you think about Ning?” 

Sabi na eh. May hidden agenda yung pag thank you niya kanina. 

“So far she seems nice naman… She’s pretty too.”

Ngumiti naman siya at namula. Natawa siya ng mahina. “Yeah, she is.”

Wow… Down bad din pala siya.

“Is it weird na she makes me feel so soft? Kahit na ang sungit niya sometimes?”

“I think it’s normal. Liking someone shouldn't be hard despite their ugali.”

Tumango tango siya. 

“Update mo ‘ ko diyan ha.”

Ngumiti siya. “To be honest, I value your opinion on my crushes more than other people. I don’t know man. You just know.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Being best friends for how many years syempre dapat may opinion talaga towards sa dating life ng isa’t isa. Kumbaga parang quality control. Di ko lang na quality control yung ex kasi may error yung judgement ko nung High School kami. She was also my friend din kasi.

Nakita ‘kong paliko na siya sa subdivion namin. We live in the same subdivision pero asa ibang phase siya. 

“Of course I do. That's because only the people who have pure love for you can see who the right one for you truly is bro.”

Nasa tapat na kami ng bahay ko at nag hand break si Gi. “Awwww. Tangina mahal mo talaga ako gago.” Sabay yakap sa’kin. Bading amp. 

“I love you forever.” Kingina. Alam niyang mahina ako sa ganayan eh. 

“Parang gago. Pakiss nga.” Ngumuso ako patungo sakanya. Tinawanan niya ko at hahalikan na ako sa cheeks. Joke lang eh pumapalag nga pala ‘to. Tinulak ko siya palayo habang tumatawa siya. 

“Kadire ka gago joke lang eh.” Binuksan ko na pintuan ng kotse at lumabas. “Sige, ingat ka bro.” 

“Sige. Love you, pre.” Ngiti niya saakin. Tumango ako at nakipag fist bump. 

“Discord nalang mamaya.” Sabi ko habang papasok ng bahay. Tumango siya at nag drive na palayo.

Pag pasok ko ng bahay ay sinalubong naman ako ng dalawa ‘kong aso. I have a Golden Retriever and a Poodle. Gusto ko din sana ng cat kaso galit sa pusa ‘tong Golden Retriever namin. Binati ko silang dalawa at binigyan ng kiss. Diretso ako sa room ko nang nakita ko si Mama at Papa sa dining table.

“Ma. Pa.” Bati ko habang nag bless sa kanila. 

“Saan na naman kayo pumunta ni Gi, ha?” Tanong niya habang nagccellphone. Nakita kong kumakain si Papa ng Sinigang. 

“Sinamahan ko lang siya sa Rob Manila. May Sinigang pa tayo?” 

“Meron pa beh, kakain ka ba?” 

“Yep.” 

“Sige. Mag ayos ka na. Mag haing ako.” 

Tumaas na ‘ko papunta sa kwarto ko. Di naman ganun kalaki room ko. Pag pasok mo, may queen size bed sa right corner at kaharap nun is yung closet ko. Tabi ng closet ko is yung table ko and beside ng pintuan ko is isa pang pintuan para sa restroom. Nag ayos na ako ng gamit at nag bihis na din muna ako ng pang bahay. Binuksan ko na din ang PC ko. Umupo ako sa chair ko at binuksan ang discord. Nakita kong online sina Ryu at Gyu sa server namin na may kasamang dalawa pa at naglalaro sila ng Valorant. Huh? Parang bago sila ah. Tinignan ko yung Welcome text channel kung kelan sila sumali and nakita kong kakasali lang nila. Baka new friends nila? Papasok na sana ako sa voice channel nang bigla kong narinig tawag sa’kin ni mama para kumain na. Sige, bukas nalang ako sasali.

Bumaba ako at umupo sa kainan. Sarap ng Sinigang na baboy. Kahit bigyan niyo ako ng Sinigang everyday, di ako magssawa. Nag sandok na ako ng kanin at ulam at sinimulan kumain. Kasama ko padin si mama sa table kahit nagccellphone lang siya. Naging unspoken rule lang sa family namin na need may kasama ka sa table habang kumakain. 

“Tapos na kumain si Papa?” Tanong ko habang ngumunguya. Tumingin naman sa’kin si Mama at natawa. 

“Ano ba naman yan. 21 ka na ang gulo mo pa rin kumain.” Sagot niya habang inabot ang tissue para punasan ko bibig ko. 

“Hehe sorry. Ang sarap ng Sinigang eh.” Pinunasan ko ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ahnpup
sorry ngayon lang uli sorry mga mamser na bz lng s iskul ehhawjheajha ENJOY PO COMMENT KAYO <3 kausapin nyo q https://curiouscat.live/jmjbabie

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
💗
plutoooooo #2
It's so cute. I love this story. Waiting for your updates 🥺🥺
soyiesows #3
Chapter 5: bet ko talaga magbasa kapag si win yung tigasin hahaha
bigboy123
139 streak #4
Chapter 5: di yun date. lunch/dinner “as friends” lang 🤭🤭
uwuromi #5
Chapter 5: TINGEN NGA GANO KA KASTIG WINTER
uwuromi #6
missed u otor!!!
osumnevercease
#7
yeyy update
gandlafchua #8
Chapter 4: Galawan mo karina Hahaha wala kang talo ron ah
TakuyaKen
#9
Chapter 4: landian n yang deal deal haha
aligathuff #10
Chapter 4: ang oblivious nga dalawang to 😭