Chapter 3: The Cure

UBE (Unang Beses)
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakaumay naman yung Developmental Psych. Daming ebas nung professor balak ba naman ipa-summarize yung thick book??? Miss Ma'am,  tama ka naman na yung kanta nga nakakabisado namin pero ibang usapan naman yung ipakabisado mo sa amin yung libro by writing a summary of each page??? sana okay ka lang po. Buti sana kung banger 'yan na linya eh yung tipong hi it's me, i'm the problem it's me. Eh kaso hindi eh, boring psych terms.

Ipinasok ko na yung libro ko sa locker dahil wala kong balak mag-summarize pa. Nandito ako para mag-fangirl kay yuri, my love. Dali-dali akong lumapit kay yoona nang may malaking ngiti sa aking mukha. "Tara na?"

"At talagang di ka uuwi agad para mag-summarize? Major subject 'yon aba." pagpuna nito sakin.

"Easy peasy lang 'yon. kailangan ni yuri ng suporta ko noh."

Binatukan niya ko. "Sira, hindi naman competition 'yon saka pasahan na raw sa wednesday ng summary. Hindi kakayanin kung di uumpisahan agad." Kitang kita na worried siya, masiyado kasing mabuting estudyante. Samantalang ako si yuri lang nasa isip.

"Kaya natin 'yan pagpuyatan natin mamaya sa amin. Ipagpaalam kita kina tita, samahan mo na ko." pamimilit ko pa.

"Chour! sasamahan ka naman talaga. Nandun na sina sooyoung. Dalian na natin WAHAHAHAHAHAHA." ganyan 'yan siya masaya na pinagttripan ako.

Tamo 'to, parang engot ampotek. Parang prof namin daming ebas sasama rin pala. Tinuktukan ko nga noo niya. "Akala ko talaga hindi mo ko sasamahan punyeta ang tahimik niyo sa GC tapos nandoon na pala sila."

"Syempre, para kabahan ka." Grabe, i have the "best" tropa talaga.

Ilang minuto lang nakalipas, nakarating na rin kami sa venue. Literal na inuman talaga yung place, may fairy lights lang sa gilid ng pader tapos may small stage. Ang ganda ng tables though, wooden na malapad. Pwede kami umupo doon. Bago pa nga ko mag-save ng isa, nakita ko sa di kalayuan sina sooyoung kumakaway sa amin.

Lumapit kami ni yoona sa kanila. "Ang tatagal niyo mga bakla." reklamo ni sooyoung sa amin.

"Paanong hindi? daming ebas nito ni yoona." I scowled tapos umupo na sa harap ni soo. Tawa lang si yoona sa prank niya. Yoona and her silly pranks talaga nakakaloka.

"Kinabahan si bakla eh." -yoona

Binitawan na ni sunny yung phone niya. "Oh, tell me." Ito si tawa agad kahit wala pa yung kwento eh.

"Pinakaba ko lang naman siya by reminding about our major subject. You should've seen her face sinusubukan niya talaga kong i-convince kahit kabado na." Yes po, opo pinagpyestahan nila ko kahit nasa harap lang nila ko. Mga bastos.

"Sige, kunwari wala ko dito." say ko na umaarteng nagmamaktol na.

Sumandal naman agad si yoona sakin. "Labyu beh."

Kaming tatlo naman ay nagkatitigan while making a "grossed out" face. Sooyoung leaned forward and we all knew she was about to spill some tea. "Mga sis, may nagchika sa akin na kaya wala ang muse eh nagtalo raw."
Ako na lost di mapigilang magtanong. "Muse???"

She whispered. "Tiff."

Na-boring agad ako sa chika. Sabi ko na lang "oooh" kahit na masaya talaga ko na wala siya rito.

Bakit daw?"-sunny

"Some shawty raw na pinagselosan. Matindi raw selos ni muse doon kaya nag-eksena rito kanina." Napailing na lang kami. Inilulugar kasi ang selos lalo na kung mas maganda ako. Charing.

The who kaya??? may karibal pa akong iba? Ang sakit mo na, Yuri Salvador :").

"Jusko ano pa bang ikakaselos niya??? eh nasa kaniya naman na. Head over heels nga sa kaniya itong bebe ni Jessica." komento naman ni yoona sabay ngisi sa akin.

Hindi ko nga rin mawari bakit patay na patay si yuri sa babaeng 'yon. Nandoon na tayo na maganda kasi pero masiyado ng overrated teh. ayaw niya bang maiba naman? yung exotic looking like me? Rawr.

"Ganun talaga 'yon. she loves her eh kaya ayaw niyang mapunta sa iba. Yuri should know how to give her assurance kasi kung ganiyan na hahayaan niya lang, it would be detrimental to her part."

Agad namang pumalakpak si sooyoung. "Wow TT defender!"

"What?! anong TT defender?"-sunny


"Tiffany Tan defender. Oh my, you're so slow beh pwede ka ng pumalit sa ISP namin." Si sooyoung feeling ko kailangan na nito umuwi at matulog. Parang may hangover na eh hindi pa nga kami umiinom.

"Shutacca! may bago ka na namang term pero true kasi, kawawa rin si muse if things aren't made clear to her. I know kasi I've been there." dagdag pa ni sunny.

I snickered. "Jowain mo na nga lang 'yon, sunny. Para naman hindi ako hirap lumandi kay yuri ko."

They all sighed. Sobrang naloloka na ba tingin sakin ng mga bffs ko?


"Beh, di kami talo at isa p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IcePrinceTabbie
#1
Chapter 8: Di pa nga kayo mga bih eh... Bat naman ganto☹️
IcePrinceTabbie
#2
Chapter 7: Walang nag aappear na meme sa sleepover chap ☹️
Nag imagine na lang ako ng kung ano ano lol.
Pero seryoso.. Taeyeon ayusin mo to.. todo selos ka kay Yuri tapos ganyan ginagawa mo kay Jessica.. pag yan bumaba ng barko at lumipat nako! Iyak ka talaga malala
IcePrinceTabbie
#3
Chapter 6: Yuri dun ka muna sa side bih.. wait mo na lang tawagin name mo hahahaha
IcePrinceTabbie
#4
Chapter 5: Bat pa umuwi si tita Areballo?? Sana dun na lang sya nag stay sa states para pasyusyal sya dun.
IcePrinceTabbie
#5
Chapter 4: Bih sabi ko naman sayo eh!! Kaya ka lagi binubully nyan kasi may gusto sayo!!hahahaha
IcePrinceTabbie
#6
Chapter 3: Jessica usapan natin hika lang!! Pls wag ka mamatay!!!
IcePrinceTabbie
#7
Chapter 2: Tawang tawa ako kay Jessica! Shuta hahaha para sa kanya ata talaga yung nurse gising na sya!!!
In-? Inhaler? May medical condition si gaga?? Parang di naman halata... Chariz!
IcePrinceTabbie
#8
Chapter 1: Beh wala pa man yung angst part pero pls lang ayoko na masaktan.. Sana magbago pa isip mo at gawin mong taengsic na happy ending pls lang onti na lang luluha na ako ng dugo dahil sa dalawang to☹️😂
SammyHwang09
#9
Chapter 6: Omayghad you’re baaaaack. It’s been awhile authornim haha may progress na rin taengsic kahit konti tho with Taeyeon’s push and pull antics I understand why Sica’s been confused with her action. I mean all this time never pumasok sa isip ni Jessica na magkakagusto si Taeyeon sa kanya tapos biglang ganon. And about sa last part ehem haha kiliiiiiiig
Soneisa #10
Chapter 6: Bitin but thanks for the update. Kinilig ako