Chapter 2: That Person
UBE (Unang Beses)Agad kong tinulak si taeyeon. "Hoy, ang kapal mo naman. wala kong matandaan na naging kaibigan kita. Excuse me, dadaan ang maganda." Inirapan ko siya at sumakay na sa tricycle. Dali-dali naman siyang sumakay rin.
Haaay, lord bakit naman ganun? kung may babalik sa buhay ko bakit siya pa? bakit hindi na lang yung nawalang 1k ko??? T___T.
Nakatingin ka lang nang maigi sakin. Ewan ko bakit ako na-conscious. "Pag ako natunaw ha," saad ko, di ka parin nililingon.
Natawa ka lang sakin sabay hawi ng buhok mo. Kita ko sa peripheral ko na manghang-mangha ka. Ramdam ko naman ngayon na ang ganda-ganda ko. Haay, ako lang 'to. chariz
"Wala lang hinahanap ko lang kung saan yung maganda." biglang sabi mo at naging dahilan para lingunin na kita. Para kasing kailangan na kitang pasalaminan.
"Aminin! ang ganda ko talaga sa paningin mo, hindi mo lang masabi. Pag inggit pikit," sinubukan kong bumawi sayo pero tangina ah, hirap matanggap na pangit parin ako after all these rejuvinating sets that I've bought? Gosh.
"I agree naman dahil humarap ka na sakin kaya wag mo na kong papikitin...I won't be able to admire your beauty then." biglang kindat nito. Ano kayang nangyari kay taeyeon nung wala siya noh? Bakit parang may masamang hangin na nalanghap ito???
Hindi ko maiwasang hindi ma-conscious sa bagay na ako naman ang nagsimula pero kasi yung mga banat niya??? Nevermind, it's just me being gay I guess.
Tumingin na lang ako sa daan na binabaybay ng tricycle. "Kamusta naman boyfriend mo?" pag-iiba ko ng topic. Oo, na pangit na yung pasok ko >.>
Gusto ko lang naman may mapag-usapang iba. Hindi yung tungkol sakin kahit papaano curious naman ako sa taong pumeste ng kabataan ko.
Ang tagal mo bago nakasagot kaya tinapik na kita. Ganyan ka eh pag di na alam sasabihin, hihipan yung bangs na tila ba nasa buhok mo ang sagot. "Ahh, yun...sinusundo nga ko ayoko lang sumabay. I was planning to book a grab taxi kaso ito kasi trip mo." paliwanag mo sakin, kita ko sayo na bigla kang na-bored sa topic. O siguro yun ang gusto kong paniwalaan?
I rolled my eyes at you. Hindi naman kita pinilit na sumama. Hindi ko nga rin maintindihan bakit bigla kang bumalik eh. Lumayo na ko ah pero heto ka na naman parang kabute. "So bakit parang kasalanan ko? Wala naman nag-utos sayo na sumama sakin."
"Yeah...you don't even remember me nga eh. Wala namang ibang rason, namiss lang kita."
"Ha???"
"Hatdog." sagot mo sa pagkabigla ko.
Agad mong ginulo ang buhok ko bago pa ko makapagsalita. "Kahit iritang irita ka sakin tuwing magkalaro tayo, you made me the happiest kid alive. I don't expect naman na you'll feel the same. Guluhin ko ba naman bahay niyo lagi."
"Talaga at wag ka ng MMK dyan. Hindi lang bahay namin ginulo mo pati buhay ko noh."
Tawa-tawa ka lang hanggang sa nakarating na tayo sa school. Ineexpect mo kasi nakalimot na ko sa pangbubully mo. Kaya nga ko napalipat ng school at dun rin natapos yung pagpunta mo sa bahay. Nakaramdam ka na siguro noon. Dapat lang noh tsk.
"You transferred school that time and things weren't getting any better sa bahay namin. Mom decided to send me to the U.S. Ayoko pa nga sana pero no choice." kwento mo sakin.
Ang buong akala ko andyan ka parin sa inyo? galing maglihim ni aling maribelle. Na-guilty tuloy ako dahil umiwas ako sa kaniya nung panahong kailangan niya ng karamay. Taena mo kasi taeng, bully ampota. Di mo tuloy naranasan ang alagang jessica. Char eme. Babies pa pala kami noon XD.
"Sorry to hear that pero sana okay ka na ngayon. Duh uso naman magpadala ng letters bakit di mo ginawa?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito. Ibaon niyo na lang a
Comments