sa likod ng bus

SABIK
Please Subscribe to read the full chapter

Thank God it’s Friday


 

Ito talaga yung weekend na inaantay ko. Uuwi ako ngayon sa aming probinsya dahil nagdeklara ang presidente ng long weekend holiday. Ilang linggo din na napostpone ang pag-uwi ko dahil sa tambak na mga school activities na kailangang gawin at ipasa dahil sa deadline.


 

Sa Maynila na ako nag-aaral ng kolehiyo, talagang nakakapanibago sa nakagisnan ko. Naobserbahan ko kung gaano kabilis ang takbo ng pamumuhay ng tao sa lungsod, ibang-iba kaysa sa nakasanayan ko sa probinsya. Maiiwanan ka kaya kailangan mo talagang sumabay sa agos ng buhay.


 

Ala-sais na at katatapos lamang ng klase ko. Hindi na daw kami kikitain ng aming propesor para sa 6-9 namin na klase. Hindi ko alam kung bakit ganito ang schedule ko, by block kasi yung pag iskedyul ng aming eskwelahan kaya wala akong magagawa kahit na napakalate ng mga oras ng klase ko. 


 

Nakapag-impake na naman ako kagabi dahil nga alam ko na gagabihin ako ngayon at wala na akong oras para mag-ayos ng gamit pagkauwi sa aking dorm. Dala ko pabalik ang mga labahin na damit at ang mga tupperware na pinaglagyan ng mga pabaon na pagkain ng aking nanay. Tiniyak ko talaga na wala akong naiwan na tupperware dahil kung hindi, malilintikan ako ng aking pinakamamahal na ina.


 

Tiniyak ko na ayos lang aking kama bago umalis. Isang athlete bag na Nike ang dala dala ko at isang backpack na naglalaman ng aking laptop at mga papel na kakailanganin ko para sa aking thesis. Madami akong dala dala pero sanayan na lang talaga. 


 

Sumakay na ako ng jeep papuntang bus station. Siksikan, napakainit, at langhap na langhap ang polusyon ng Metro Manila. Kahit na may extra akong pera para mag book ng kotse sa Grab, minabuti ko na lamang na itabi ito para pandagdag sa ipon ko para sa bibilhin kong album ng Girl’s Generation. 


 

Nagsuot ako ng t-shirt at joggers habang nakatali ang paborito kong flannel sa aking bewang. Suot suot ko rin ang pinakamamahal ko na puting sapatos ng Nike na nabili ko sa ukay. Comfort is my style.


 

Grabe naman si ate na katabi ko, hindi manlang maipusod ang buhok. ‘Te wala ka sa shooting ng shampoo commercial.


 

Bumaba na ako at nagtungo sa katabing Jollibee ng bus station. Maghahapunan muna ako dito dahil mahaba habang biyahe ang aking lalakbayin. Umorder na ako ng budget meal (pero hindi na talaga) na burger steak at nagtake out ng isang yum burger para kainin sa bus mamaya. Mang iinggit ako mamaya sa mga tao sa bus. Yung amoy pa lang kasi ng burger ng Jollibee, langhap sarap talaga lalo na kapag kulong kayo sa loob. 


 

Naghanap ako ng mauupuan na table at nakita na may bakante na malapit sa may bintana. Habang kumakain ang nagmuni-muni muna ako. Pinagmasdan at inobserbahan ang mga taong nagmamadali ding umuwi nang mahagip ko ang isang babaeng may kulay ang buhok na nakaupo sa katapat kong table. 


 

Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na tingnan ko siya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Agaw pansin ang kanyang blonde na buhok. Mayroon siyang maliit na mukha, mabibilog na mga mata, at ilong na nag ccomplement sa kabuuan ng kaniyang mukha. 


 

Nababakla na naman ako.


 

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa dalaga kaya naman muntik niya pa akong mahuli na nakatingin sa kaniya. Paniguradong namumula na naman ang tenga ko dahil sa aking kahihiyan. Tinigil ko na ang pagtingin sa magandang babae at yumuko para ubusin ang aking pagkain. Pagtingala ko, wala na ang babae sa kabilang table.


 

Masyado na akong nagtagal kaya naman umihi na ako sa loob ng establisyemento na pawang mas malinis ang comfort room kaysa sa bus station. Kahit hindi ako naiihi ay pinilit kong may mailabas dahil tiyak na matatagalan bago makarating sa susunod na stop over.


 

Naglakad na ako papuntang bus station, pagkarating iniabot ko sa konduktor ang aking dala dalang bagahe para ipalagay sa bus compartment. Umakyat na ako ng bus at nakita na halos puno na ito at ang bakanteng upuan na lamang ay nasa dulong parte ng bus.


 

Laking gulat ko na lamang na ang magandang babaeng ang aking makakatabi sa bus. Halatang namukhaan niya ako dahil binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Nakakapanghina. Halos mangayog ang aking mga tuhod dahil sa kagandahan niya. Awtomatikong napaupo ako sa tabi niya dahil tuluyang bumigay ang tuhod ko. 


 

Ganoon ata talaga kapag bakla ka, ngiti pa lang ma-ffall ka na. Talaga namang mga uhaw na uhaw sa bare minimum. 


 

Hinintay kong makalapit si manong konduktor para bigyan ako ng ticket at makapagbayad bago ako matulog. Malayo ang bababaan ko at aabutin ako ng halos apat na oras sa biyahe. 


 

“San ka, kayo neng?”

 

“Grand terminal po,”

 

“Lucena po,”


 

Sabay naming sabi. Napatingin kami sa isa’t isa. Parehas nabigla na parehas kami ng patutunguhan. Ibinigay na sa amin ang ticket at kalaunan ay nagbayad na rin. Nagkalapit ang aming mga kamay, ang lambot mga bakla. Halatang kamay ng mayaman pero bakit naman nag commute si anteh. Hindi bagay sa kanya sumakay ng pampasaherong bus, dapat sa kaniya naka-limousine dahil sa taglay niyang kagandahan.


 

Natakpan na ng kadiliman ang kalangitan. Ang bilis na talaga gumabi, ber months na kasi ulit. Hindi na ito katulad ng dati, parang umuunti na ang araw ng pagcelebrate ng pasko sa Pilipinas. Dati kasi September pa lang ramdam mo na si Jose Mari Chan pero dahil sa nagdaang mga bagyo, hindi kayang magsaya ng mga Pilipino. Niromanticize kasi ang pagiging resilient ng mga Pilipino tapos walang accountability yung gobyerno ayan tuloy.


 

Lumalamig na sa loob ng bus. Tinanggal ko na ang pagkakatali ng flannel ko sa may bewang at akmang isusuot ko na ito nang madanggil ko si Ate Ganda. Hindi ko naman sinasadya pero aksidenteng nabunggo ng siko ko yung dibdib niya. Dali-dali kong isinuot yung flannel at humarap sa kaniya para humingi ng pasensiya. 


 

“Sorry miss, hindi ko sinasadya,” ani ko.

 

“Okay lang naman, miss. Mag-ingat ka na lang sa susunod,” may laman ang pagkakasabi niya.

 

Sa susunod? Bakit naman magkakaroon ng susunod? Pero infairness ha, kahit naka denim jacket si ate, naramdaman ko yung s niya. Malambot hehe.


 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sourstripk
cc | twt aes_kalat

Comments

You must be logged in to comment
noir_d_b #1
Chapter 3: muntik nako mapa ‘lord may nangyayari na’
noir_d_b #2
Chapter 3: muntik nako mapa ‘lord may nangyayari na’
syrenity
#3
Chapter 3: Hala walang kasunod. Nakakaiyak. 😔
syrenity
#4
Chapter 1: Tagalog ? Top tier! Tangina 🥵
Seungwanniepuppy #5
Chapter 3: Wait wait wait thats it???? I need to know what happened next. Author-nim come back to us pleaseeeeee
hotpinkMIMI #6
Chapter 3: grabe otor magparamdam ka naa
vishal_yoo
#7
Chapter 3: gxg story finally!!!
soyiesows #8
wala bang wintop dyan hahaha
Jiminez #9
Chapter 3: sheshhhhhhh matagal na palang may gusto tong si wintot.
AhnWony
#10
Chapter 3: atiii, sayted na meeee >_<