trail 1-2.

Magic Cabin
Please Subscribe to read the full chapter

ang agang nagising ni aza. 5am palang ata wala na sya sa tabi ko and probably pumunta sa kabilang bahay to get her things. antok na antok pa ako kaya hindi ko na sya nasamahan.

 

when i finally got up, mag aalas syete na rin. aza's already ready to go habang ako eh pupungay pungay pang bumaba sa kitchen.

 

"good morning, sleepy head" bati nya sakin when she saw me seat sa may couch. mabilis naman syang lumapit para tabihan ako.

 

"go and get ready na, okay na yung mga gamit mo." napamulat naman ako, paanong ready na? "nag sleep talk ka ata kanina, ginigising kita but sabi mo antok ka pa, so i prepared your things na" nagtataka parin akong naka tingin sa kanya.

 

"pano mo nalaman yung mga kailangan kong dalhin?" bumibilis na yung tibok ng puso ko, kasi kung inayos na ang gamit ko, she probably saw it.

 

"i asked you! tapos sinabi mo lang what to bring" nag sleep talk nga ata ako, hindi ko kasi matandaan yun.

 

hindi na ako nag tanong pa, tumayo na agad ako and went to the bedroom. sabi naman ni aza that she'll just go to her parents house habang nag aayos ako.

 

i checked my bag, wala naman masyadong nabago don aside sa pants na dinala ko, maybe yun lang ang kinuha nya dito. hinawakan ko yung left side ng bag ko, napahinga ako ng malalim when i felt it there.

 

okay, hindi nya binuksan yung bag completely.

 

napatingin ako sa dalawang bag sa baba ng kama, its the bag we always used everytime i'm here, and i just found myself smiling stupidly with that thought.

 

"azaria, grabe ka na talaga."

 

-

 

nasa byahe na kame, tita caine told us the usual. grabe yung kaba ko as always. nung niyakap kasi nya ako, bumulong sya ng 'good luck' sa akin.

 

nakakuha na ako ng basbas from her pero syempre mas nauna yung kaba ko at na pressure din ako ng slight.

 

"ezy, do you want to listen?" tanong ni aza sakin, her phone already connected sa kotse.

 

"yeah, ikaw na bahala" sagot ko bago nag signal pa kaliwa. malapit na naman kame, its just an hour drive away sa kanila.

 

'Wag kang maniwala d'yan
'Di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kanya 

 

Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyon-milyong babae n'ya

 

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

 

natatawa ako sa napili nyang kanta, kung ano anong playlist nanaman ang nahahanap nya sa spotify. i asked her kung saang playlist galing yung kanta and she proudly told me the name.

 

"lasang ako na lang kasi, ba't ba ang manhid mo" 

 

napalunok ako, bakit naman sya nakikinig sa playlist na yun?

 

i glance at her nung nakapag over take kame, hindi naman sya bothered or anything, mas muka pa akong ewan kesa sa kanya. pinapanood nya lang yung view sa labas.

 

"how's school pala?" tanong ko para lang may mapaga usapan kame. comfy naman yung slience between us, pero kasi the more na tumahimik kame, mas kinakabahan ako.

 

"will start na next month, hindi ka ba talaga lilipat dito?" nabalik pa nga sakin ang tanong. hindi din naman ako makasagot sa kanya. 

 

nakabase parin sa mangyayari today ang desisyon ko, if it end up well then i might stay here and if not, baka matagal-tagal pa bago ako maka alis sa batangas.

 

"pinag iisipan ko pa, i will let you know naman bago mag pasukan, plus okay na naman yung requirments ko and yung sa slot." ako na lang naman talaga ang inaantay.

 

umayos sya ng upo at humarap ng konti sakin. "sana dito ka na pumasok so you don't need to byahe pa everytime i missed you" yun din naman ang gusto ko eh.

 

"we will see, azy" 

 

Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi nang diretsahan?
'Di pagkakaunawaan
Pwede sanang pag-usapan

 

Tahan, pwede pa bang malaman?
Laman ng iyong isipan
Para walang maling akala

 

Parang kay bilis ng iyong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga

 

bakit ganito yung mga kanta, parang ako dapat ang nakikinig sa palylist na'to ah. hingin ko nga sa kanya mamaya yung playlist.

 

-

 

thank you tita caine!

 

grabe yung byahe, kung hindi kame nag kotse we would probably get into an accident. yung mismong daan kasi papunta sa camp site eh trail na rin for the atv so rough road talaga.

 

aza's been screaming kada mapapadaan kame sa uneven na daan, which btw was the whole road. nasakto pang umulan kanina so the dirt road is muddy. okay sya sa atv mamaya pero yung dito sa kotse? hindi.

 

safe naman kameng nakapag park, aza's already outside the car at kinukuha yung bag nya. dinouble check ko lang din yung kotse bago lumabas, yung mga kuya naman dito super hands on naman sila, madulas daw kasi pababa sa mismong cabin.

 

sila na nag dala nung gamit namin, aza's clinging to me as usual. natatawa pa nga ako sa itsura nung isang kuya, he's clearly checking aza out and of course i don't want that so i stared at him hanggang sa ma ilang sya sa ginagawa nya.

 

"hello po, mag stay din po ba kayo sa cabin or atv lang po?" sya daw yung manager dito, both cabin and the atv. he seems okay naman.

 

"mag stay din po for a night, actually i have a reservation under ezrain cinco."  tumango tango naman sya, siguro nakita na nya yung conversation namin last time.

 

mabait naman sya, medyo maloko but hindi naman nag oover step sa boundaries. binigay nya sakin yung susi ng cabin namin and diniscuss nya lang din yung sa atv trail.

 

itong kasama ko todo picture na, she's clearly not listening sa kung ano mang sinasabi ni kuya, ako na lang siguro ang mag sasabi sa kanya mamaya.

 

"ezy, sa cabin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Myoui_Son324
#1
Chapter 6: Ang ganda ng 7/11 cutie nabasa ko siya datiii 🤩
Myoui_Son324
#2
Chapter 5: 😭🤧
JCLCF4E
#3
Chapter 5: naol
ryujinie__
691 streak #4
Chapter 5: 💛✨
howdoyouknowmee
538 streak #5
Siyempre upvoted agad
Cali19 #6
Chapter 1: May asawa ba dito si Rina? Dalawa surname e 😅
ryujinie__
691 streak #7
Chapter 1: Subscribed! 😍