Anak ng Soft Launch

Please Subscribe to read further chapters

Description

hindi ma-sikreto si winjeo, sa totoo lang madaldal sya, to the point na kahit kaka-kilala nyo palang eh alam mo na agad ang back story nya. so for her to act secretive around her friends eh super sus na.

Foreword

"hoy winjeo, umamin ka nga." matigas ang pagkakasabi ni zhu, nahakawak pa sya sa mag kabilang balikat ko na parang anytime eh kaya nya yun durugin into bite size.

 

"bading ako, since birth, ano pang aaminin ko!" irita kong sabi, actually kinakabahan talaga ako, shuta naman kasi 'tong pinsan ko ang lakas ng radar nito eh, madali din syang makahalata or sadyang obvious lang ako? 'di ko sure.

 

"nyeta ka, alam ko! halatang halata naman, mas magugulat pa'ko kung bigla mong sinabing hindi." napahinga ako ng malalim nung binitawan na nya ko, ay hindi charot lang pala. bigla kasi syang humarap ulit sakin, nanlilisik ang mga mata.

 

"iniiba mo ang usapan! winjeo umamin ka na kasi!" dama ko yung pag ka atat nya, mahaba naman pasensya nito, sa akin lang talaga hindi hehe.

 

"wala naman nga akong aaminin! jusko zhu, pati kwentong utot ko kine-kwento ko sayo!" sa true yon teh, one time nasa bus kasi ako eh masama talaga tyan ko nun, di ko napigilan. grabe yung tawa nya sakin nung na kwento ko sa kanya.

 

sya naman yung napa buntong hininga ngayon, tumalikod na sya sakin, pinanood ko lang naman sya. kinuha nya yung phone nyang nasa maliit na sling bag, nag lalakad na sya palayo.

 

wala naman akong choice kundi sumunod, nasa kanya wallet ko, wala akong pera no!

 

nung maka habol ako, sinilip ko yung binubutingting nya don, para akong napa ice bucket challange nung nakita ko yung nasa screen ng telepeno nya. makahulugan ang mga tingin nya sakin, iniwas ko kasi yung tingin ko ang ending eh napatingin ako sa mukha nya.

 

para akong nahuli sa akto, alam mo yung madaling araw tapos bigla kang nagutom kaya lumabas ka ng kwarto tapos pag bukas mo ng pinto, nanay mo yung bumungad sayo? 

 

yun ang feeling ko ngayon, tapos si yizhuo yung nanay.

 

"aamin ka o aamin ka?" tanong nya bago iabot sakin ang cellphone nya.

 

tinignan ko ulit yung nasa screen, screenshot 'to nung instagram story ko three months ago, yung nasa aisle ako ng chichirya sa grocery store tapos may caption na 'snakcs'.

 

iniswipe ko pa, ito naman yung last month, gabi na tapos may sukbit-sukbit akong raketa ang caption ay 'late night :)'

 

madami pang screenshot, pero yung nasa pinaka dulo ng album, yun talaga yung napansin ko. story ko from snapchat at sa ig, ito yung kahapon lang, wala blur lang naman wala nga din akong nilagay na caption.

 

basta may nakatayo, tapos naka tingin sya sa exit sign. 

 

napa tingala na ako, di pa nakakalayo si zhu, sure akong binagalan nya talaga mag lakad.

 

"yizhuo eto na nga mag eexplain na 'ko oh! kwento ko from the top!!"

 

 

 

 

 

note: unedited, sorry for the typos and kasabugan.

rywrites
hello! new winrina fic, short lang. reactions or anything you can tweet it with the #ANGSL or hit me up on my retro! goodnight!

Comments

You must be logged in to comment
Yhanzy #1
Ang cute ng story, me kaya when haha
joyie4ever #2
Chapter 7: Tor yung ig post di ko maopen🥹
swagie19 #3
cute
minreoyi
#4
Chapter 8: ok this is cute! this like the perfect fic na babalik-balikan ko kapag gusto ko magpahinga kasi sobrang fluff lang.
rinwooo
#5
Chapter 8: cute cute
M_1412 #6
Chapter 2: Hala same kami cvsu rin
kwinminjeong
52 streak #7
Chapter 1: NAKAKAKILIG NAMAN??? FIRST CHAP PALANG TO BA GRABE TALAGA NAGAGAWA NG LANDI OH KEME
its_aaarrriii
30 streak #8
Chapter 8: IDOL RY YUNG KILIG KO SIZJSJJZJSJSJS SHET ISANG MALAKING UWU, ORAS NA ATA PARA IREREAD SINA ELISEIL AT REMIONA AAACCKKKK
warmestwinter
#9
Interesting... ito na ang next kong babasahin 😍
brdfillet #10
Chapter 8: iba pakiramdam ko sa byahe pero napalitan ata ng kilig 😭😭