Chapter 2: Weird

From A Safe Distance
Please Subscribe to read the full chapter

REI'S POV

 

           "CONGRATULATIONS, Oneiro!"

 

           Nagpalakpakan ang lahat sa loob ng studio matapos marinig ang magandang balita. From our Director, si Ate Joy na Manager namin, at lahat ng staffs ng company. Hindi kami makapaniwalang ganito na kalayo ang narating namin at may mas ilalayo pa pala 'to. Naluluha ako sa saya pero pinipigilan ko lang habang humahagulhol na si Chaewon at Kazuha sa gilid ko. Bahagya silang napatingin sa akin at nang magtagpo ang mga mata namin ay mas lalo pa silang naiyak sa tuwa.

 

           "Waltz!!!" umiiyak nilang tawag at sinali ako sa yakapan. Para silang mga bata na nakapanalo ng pinakamalaking prize sa Toy City kaya hinayaan ko na.

 

           "Ang galing niyo, guys. I'm so proud," sabi ko.

 

           "Ang galing natin!" pagtatama ni Kazuha na dinugtungan naman ni Chaewon ng, "I'm proud of us!"

 

           Nilibot ko ang tingin ko para hanapin si Liz dahil bigla nalang siyang nawala. Humiwalay muna ako sa dalawa na hindi parin makapaniwala sa balita at umiiyak.

 

           Tulad nga ng inaasahan ko, nasa record room siya at patagong umiiyak. Siguro sa pinaghalong saya at relief na everything has been worth it. It has always been worth it. Sa dami ng sinakripisyo niya para lang i-pursue ang pangarap na 'to, sigurado akong isa ang moment na 'to sa naging pinakahihintay niya. Actually, kaming apat eh. Marami kaming isinakripisyo. Kaya maiiyak talaga kami sa tuwa at ginhawa. This is becoming more than we've ever dreamt of.

 

           Napansin ata ni Liz ang presensiya ko kaya napalingon siya na may masayang ngiti kahit na bakas ng luha ang mga pisngi niya. Namumula pa nga ang ilong niya at mata, palatandaan sa dami ng luhang binuhos niya.

 

           Ngumiti ako pabalik at bahagyang sumandal sa pader. I crossed my arms while she stared at me for a while. Nakangiti si Liz. And there's something about the way her eyes looked that I can't pinpoint. Bigla akong na-conscious pero hindi ako nagpahalata.

 

           "What are you thinking of?" I asked.

 

           She chuckled. "Wow, English."

 

           Sabay kaming natawa. Tumayo siya kaya umayos na rin ako ng tayo. Akala ko lalabas na kami pero hindi pala. Naramdaman ko nalang ang marahang pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko as she placed her chin on my shoulder. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya kaya hindi na ako nakapalag at niyakap nalang siya pabalik. I breathed as I maintain my composure.

 

           "Rei?" mahina niyang sabi.

 

           Rei.

 

           "Hm?"

 

           "I'm so proud of us. For getting here."

 

           Ngumiti ako. "I know. Ako rin."

 

           "And I'm the proudest of you." Kumawala siya sa yakap at hinarap ako. She gently patted my head while smiling, "I'm so proud of you, Waltz Rei, my talented now international artist."

 

           Natawa nalang ako pero hindi ko na napigil ang pagkawala ng patak ng luhang kanina pa nagbabadya sa mata ko. Kaya pala. Kaya pala ganon ang tingin niya. Soft and sincere. She is proud of me. The proudest.

 

           Nagtagpo ulit ang tingin namin at mahina nalang kaming natawa. Nagse-senti na kasi kami. But behind our laughs and smiles, is a silent understanding of everything we truly want to say. It's just that no words can ever comprehend how we feel right now because after all, kaming dalawa lang naman ang nakakaalam sa lahat-lahat ng pinagdaanan ng isa't-isa.

 

           "Nandito lang pala kayong dalawa."

 

           "Hi Ate," nakangiting bati ni Liz.

 

           Napalingon ako sa nagsalita. Si Ate Joy, nakatayo sa labas ng bukas na pinto ng record room. May malaking ngiti rin sa labi niya. Her typical sunshine smile. But there's a glint of proudness in it.

 

           "O ano pang hinihintay niyo? Tara na, magdi-dinner pa tayo for celebration," biglang pagsulpot ni Ate Wendy na naging dahilan ng pag-iba ng atmosphere. "Oh… Nandito pala kayong lahat," naiilang niyang sabi.

 

           "Tara na, Waltz," aya ni Liz na parang walang nangyari at hinila na ako palabas. Sumunod lang ako sa kanya at binigyan ng apologetic na ngiti si Ate Wendy. She just nodded in understanding. Sumunod na rin naman sila sa amin.

 

           The four of us gathered in the same pick-up papunta sa place na ni-reserve ng team para sa amin. Tahimik lang ang dalawa sa harap pero halata pa rin sa aura nila ang excitement. Habang si Liz naman sa tabi ko ay parang mukhang maraming iniisip. Nakatutok siya sa labas ng bintana ng sasakyan.

 

           "Liz…" tahimik kong tawag.

 

           "This is a really good day," panimula niya at sinulyapan ako. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "We became a hot international artist over night. They said we broke even the international charts. How amazing, right? Hindi pa rin ako makapaniwala. This is the best day ever."

 

           Ngumiti nalang ako at tumahimik na. Hindi na rin siya umimik pagkatapos. I understand. This day means a lot to her. To all of us. We might as well enjoy rather than worrying about other things.

 

           "Nandito lang ako."

 

           She smiled. "I know."




           "CHEERS!"

 

           The four of us clinked our glasses and drank the thing in one go. Eme. Gatas lang pala 'to. Umuwi kami agad after ng celebratory dinner. Nasa dorm na kami ngayon dahil magkakasunod na ang schedules namin at may schedule rin kami bukas. Syempre, bilang isang responsableng banda, hindi kami uminom. Mahirap na at baka malasing kami ngayon. Kaya naman pajama night ang naging after party ng Oneiro. Sino pa nga ba ang nakaisip? Edi si Kazuha.

 

           Nagpatuloy sa kulitan sina Chaewon at Kazuha na ngayon ay isinama na si Liz. Naglalaro sila ng kung ano-anong clapping games at kumakanta habang tahimik lang akong kumakain ng chichirya. Late na rin. Ewan ko ba sa kanila kung ba't parang 'di sila nauubusan ng energy. Napahikab ako.

 

           "Antok ka na?" tanong ni Liz na natigil saglit.

 

           Tumango ako. "Tulog na ako guys," paalam ko sa kanilang tatlo at tumayo. "Hindi pa ba kayo inaantok?" tanong ko.

 

           "Sunod kami maya-maya. Maaga pa naman," kibit-balikat ni Kazuha na sinang-ayunan ni Chaewon. As usual.

 

           "It's still 11 but follow na kayo later guys ah? Maaga pa tayo bukas," sabi ni Liz habang tumatayo. Nagsisimula na siyang magligpit kaya tinulungan ko siya.

 

           "Matutulog ka na rin?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang kusina. Naiwan na ang dalawa sa living room.

 

           "Oo. Busy days are still coming. Let's sleep while we can."

 

           Tumango lang ako. Dumiretso na kami sa second floor kung saan ang mga kwarto naming apat. Hindi ko pa naman isasara ang pinto pero nagulat ako sa biglang pagharang ni Liz sa doorframe na para bang hindi na ako makakalabas dito ng buhay. O baka hindi na nga… dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Napakurap ako.

 

           She stared right into my eyes with a meaningful smile kaya hindi na ako makagalaw. "Goodnight Perez," she low-whispered while petting my chin bago siya nawala papunta sa kwarto niya na katapat ko lang.

 

           Napatulala nalang ako.




           MARAMING pagbabago kay Liz simula nung araw na nakitulog siya sa place ko. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay kahit ilang weeks na siyang gumagawa ng mga weird na bagay. Well, para sa'kin.

 

           Tulad nalang ng mga abrupt niyang actions. Ewan ko ba. Whwn you look at it, normal lang naman. Pero between us? Definitely not. She really changed. Marami siyang ginagawa ngayon na hindi niya naman ginagawa dati. At hindi ko alam kung ano ang naging trigger ng mga pagbabagong 'yon.

 

           Lumiko ako sa isang hallway na hindi ko alam kung saan papunta dahil hindi ko na rin inaalam. Naglibot nalang muna ako sa company building kasi break pa naman at wala akong magawa.

 

           "Hey."

 

           Natigil ako sa mga iniisip ko nang may biglang umakbay sa'kin. Inexpect ko nang si Liz 'yon kaya agad akong kumawala. Maghahanap na sana ako ng palusot nang makita ko kung sino.

 

           "Yujin. Ikaw pala." Napakamot nalang ako sa ulo.

 

           Natigil muna kami sa paglalakad. Nakataas na naman ang kilay niya at naka-krus ang mga braso habang nakatingin sa akin. Binigyan niya ako ng titig na para bang inii-scan niya ang buong pagkatao ko. "You thought I'm Liz." It was a statement, not a question.

 

           "Hindi ah," maang-maangan ko.

 

           "Wag mo na i-deny. Who else do you avoid like a plague aside from her?" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

 

           "Grabe ka naman sa plague."

 

           "Waltz Rei!" tawag ni Liz na kakasulpot lang sa dulo ng hallway na nilalakaran namin ni Yujin at ngayon ay naglalakad na papunta sa akin. Nagkatitigan kami saglit ni Yu bago ibinalik ang tingin kay Liz.

 

           "Well, here comes the plague. Bye Waltz!" paalam ni Yujin at hinalikan pa ako sa pisngi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya habang naglalakad palayo at kinindatan pa ako. Nang-aasar.

 

           Nilingon ko si Liz na ngayon ay nasa harap ko na at halos hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha. "Plague? Alam mo naiinis talaga ako sa impaktang Yujin na 'yan," simula ng pag-aalburoto niya.

 

           "Ha! I heard that!" pahabol na sigaw ni Yujin na may halong halakhak bago siya lumiko sa isang hallway at nawala sa paningin namin.

 

           "Tara na," pag-aaya ko at hinila siya sa pulsohan. Sumunod lang naman siya. "Bakit mo nga pala ako hinanap?" tanong ko at sumulyap sa kanya.

 

           She smiled like I said something absurd. "Luh. Sinong nagsabing hinanap kita?" pang-aasar niya.

 

           Binitawan ko ang kamay niya pero agad niya namang kinuha ang akin. "Joke!" pagbawi niya at ngumiti ng malawak. Yung tipong ngiti na dumudoble sa tibok ng puso ko. "I did look for you. Lunch tayo?"

 

           "Yung dalawa?"

 

           "Nauna na sila."

 

           "Ang daya naman."

 

           "I know right? So, let's go?"

 

           Parang ang excited niya lang.

 

       

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cool_Tomato04
#1
Chapter 4: Still waiting for the next chapter, author huhu 🥺
Cool_Tomato04
#2
Chapter 4: YES!!!!! Ang inaantay kong update 😍 I was really anticipating this chapter kaya thank you so much, author-nim! Now I'll be waiting again for the next one hehe FIGHTING!!!! 🥰💜
Cool_Tomato04
#3
Chapter 3: Luh! Nag update si Author!!!! Thank youuuuuuuu I've been waiting for this. At kinikilig ako siomaaaaaaiiiii WALIZ FTW!!!!! 🥰 I'll be waiting again! 💜
Cool_Tomato04
#4
Chapter 2: Hi, author! This is a great first chapter. I'm looking forward sa next. I'm thinking na Liz has feelings for Rei as well kaya nakaka exciteeeeeee 😍💜 I sure hope for chap 2 soon 😁 Fighting!!!
daespalicious #5
Chapter 2: Ang ganda agad ng first chapter!!! I will be looking forward sa next chapter ng story!