Chapter 3: The Changes

From A Safe Distance
Please Subscribe to read the full chapter

REI'S POV

 

           "WALIZ naman pala eh."

 

           Hinampas ko si Gaeul. She's my best friend. Nasa bakery kami ngayon na pagmamamay-ari nila ng kapatid niyang si Seo. Napabisita nga ako rito ng umagang-umaga dahil sa dami ng mga gumugulo sa isip ko tapos dadagdag pa talaga siya sa mga pang-aasar niya.

 

           "How did you know I'm back here anyway? I didn't tell anyone though…" pag-iiba niya ng usapan at humigop sa iniinom niyang kape. Binalik ko sa kanya ang tingin ko mula sa abalang kalsada na kita sa labas ng bakery.

 

           "I didn't," sagot ko at napadaan ang tingin kay Seo na abala sa pag-cater ng costumers. "Nandito ako para mag-unwind at manghingi nalang din sana ng sound advice sa kapatid mo and found you instead. Malas."

 

           She just chuckled.

 

           "Hello, ladies. Do you need anything else?" tanong ni Seo nang makalapit siya sa amin. Nakiupo na rin siya sa table kahit may hawak pa siyang tray at nakasuot ng brown apron.

 

           "Leeseo, put that back there muna."

 

           "Ate, this is my bakery. Stop commanding me," mataray niyang sagot but proceeded to follow her sister anyway.

 

           "Our bakery!" pagko-correct ni Gel.

 

           Natulala nalang ako habang iniinom ang kape ko at hinayaan muna sila. Ganyan na talaga silang magkapatid noon, kailanman, at saanman. Sa Korea man o sa Pilipinas.

 

           Hindi kalaunan ay naramdaman ko ang titig nilang dalawa sa akin at mahina nilang bulungan na hindi ko maintindihan kaya I finally paid attention to them.

 

           "Seriously, Ate Rei, what's the deal?" asked Seo, cutting to the chase. Payapa na rin siyang nakiupo sa table namin. "You look like you haven't slept in like, say, a decade," pag-eexagerrate niya. Ngumiwi lang ako.

 

           "She's right though. Your dark circles are, errr…" singit ni Gel habang tinuturo ang mga mata ko.

 

           Saglit akong napapikit at bumuntong hininga. "Okay. Wala naman tayo rito para pag-usapan ang mata ko kundi ang reason kung bakit nagkaganito ang mga 'to," pagsasalita ko. They just stared at me like I'm a fool. "Hindi naman halatang sabog ako 'no?"

 

           "Yeah…"

 

           "You definitely are."

 

           Impit akong napatili in frustration.

 

           "Hey, what's the problem ba kasi?" naiinip na ring tanong ng kaibigan ko habang minu-murder ang cheesecake na sinerve sa kanya ng kapatid niya kanina. Tahimik naman siyang sinita ni Seo at binalik ang atensiyon sa akin.

 

           I sighed for the nth time. "Para na akong mababaliw."

 

           "I mean, you already are— Ouch! Seo!"

 

           "Unnie, don't mind her and just continue. What's bothering you ba kasi?" tanong ni Seo. Buti pa 'tong batang 'to, mukhang mas mature pa sa kaibigan kong hay ewan ko nalang.

 

           Sinimulan ko nalang ang kwento ko at mariin namang nakinig ang dalawa. Simula sa katotohanang matagal na akong may gusto kay Liz, ang pagiging weird niya starting a few months ago, at ang tuluyang pagbabago niya simula nung festival. Hindi ko nga alam kung naiintindihan pa nila ang daloy dahil sa gulo ng pagkakakwento ko pero wala na akong pakealam. Inilabas ko nalang lahat ng gumugulo sa isip ko. Kasalanan talaga ni Liz 'to.

 

           "She sounds normal to me," komento ni Gel matapos ng mahaba kong litanya and took one last sip of her coffee. Sinulyapan niya ang kapatid niya. "What do you think, Seo?"

 

           Umiling siya. "Um, that's definitely strange of her to act like that. I mean, the sudden change of attitude? That definitely means something. I don't know what but it's something." Umayos siya ng upo at mukhang nag-iisip. Mga ilang sandali ay biglang lumiwanag ang mukha niya, "Isn't she in love with you?!"

 

           Napahilamos nalang ako ng mukha.

 

           Ayokong umasa.

 

           Hindi naman ako manhid para hindi maisipan ang ganyang bagay lalo na sa mga kinikilos niya pero ayaw ko ring magkamali. Ayaw kong ma-disappoint. That's why it's been driving me crazy. She's driving me crazy the past weeks.

 

           I thought about everything she's been doing.

 

           Nung tinago ko na may lagnat ako kasi sobrang importante ng schedule namin that I can't afford to absent. Liz was late that time dahil may urgent matter siya with her family. Sobrang pagod niya non kaya hindi ako umiwas nung niyakap niya ako. She needed it. But she must've noticed my temperature kaya walang ibang sabi siyang umalis agad at bumili ng medicine at fever reliever sa pinakamalapit na pharmacy. Pinagalitan niya lang ako nung nakabalik siya kaya ayun, may fever relief ako sa noo habang nagpe-perform.

 

           I know it's normal to worry for a friend. But she wasn't the type to do that. So, it's weird for me. Kasi pwede naman siyang magpautos kina Ate Joy no'n lalo na at may gig kami. And the fact that it was almost her turn for her solo stage. A reckless move. But I appreciated the gesture.

 

           Actually, there's a lot I can say. Pero sa sobrang dami ay parang wala na akong nasabi. Even her not so grand gestures are driving me crazy. She's so different from the Liz I used to know. Dahil ang dating Liz na kilala ko ay hindi naman clingy sa akin. Hindi niya ako inaaya na mag-date 'raw' sa weekend. Hindi siya nagbibigay ng compliment in the most random moments. Hindi siya ngumingiti na parang tanga habang kausap ako. Hindi siya tumatawag alas dos ng madaling araw para i-tanong ang favorite color kasi hindi niya raw kailanman naisipan. She's supposed to be asleep at that time sa sobrang tulog mantika niya! Hindi rin siya nagluluto ng breakfast dahil ako ang madalas na gumagawa but she woke up really early to cook my breakfast cravings the night before nung nasa dorm kami. Isa pa 'yan! Kasi hindi naman gumigising ng maaga si Liz. And the list goes on of everything that she's doing.

 

           "You look like you're going crazy."

 

           Naputol ang mga iniisip ko nang magsalita si Gel. Bumuntong hininga nalang ako.

 

           "I mean, shouldn't you be happy Ate? Like? Finally, for how many years, may progress na!" sabi pa ni Seo pero umiling lang ako.

 

           "Nakakatakot…"

 

           "Yeah, your torpe sure does," hirit ni Gaeul kaya sinipa ko ang tuhod niya sa ilalim ng lamesa. Napadaing siya sa sakit pero inignora ko lang. Deserve niya 'yan.




           "HEY…"

 

           Nagising ako sa mahihinang pagyugyog sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang busy namin ngayong araw. Pumungas-pungas ako habang palinga-linga sa loob ng studio kung saan kami may shoot ngayon. Napahikab pa ako. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa taong gumising sa akin.

 

           Si Kaz.

 

           Hay… Buti naman hindi si Liz.

 

           Nabigla ako nang may bumagsak sa balikat ko. Buti nalang at napigilan kong mapasigaw. Si Liz pala. Natutulog din, ngayon sa balikat ko na.

 

           "Patulugin mo muna 'yan," sabi ni Kaz at tumabi sa kabilang gilid ko. "May five minutes break. Pero tapos na siya sa script niya. Ngayon-ngayon lang. Bale ikaw na yung susunod after ng break tapos uwi na tayo."

 

           Naguluhan ako. "Huh? Hindi ba ako dapat ang kasunod ni Chaewon? Paanong naging siya?"

 

           Nagkibit-balikat siya at humikab. Madaling araw na rin kasi. "Nag-volunteer si Liz na siya ang sumunod . Ewan ko. Baka gusto niya rin makatulog muna… Pasandal din ako sa balikat mo ah?" may halong biro niya pero patawa lang akong tumango. Ngayon ay may dalawa nang natutulog sa balikat ko.

 

           Tiningnan ko ang oras. 

 

           4:11 A.M.

 

           Sobrang aga pa na sobrang late na. Wala pa kaming maayos na tulog lahat. Napasulyap ako kay Liz na natutulog sa kaliwang balikat ko. She's sleeping soundly. Mukhang pagod nga. Hindi na ako gumalaw sa kinauupuan ko for the next 25 minutes at sinandal nalang ang ulo sa pader habang hawak sa pisngi ang dalawa para hindi sila magalaw.

 

           Dumating si Chaewon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cool_Tomato04
#1
Chapter 4: Still waiting for the next chapter, author huhu 🥺
Cool_Tomato04
#2
Chapter 4: YES!!!!! Ang inaantay kong update 😍 I was really anticipating this chapter kaya thank you so much, author-nim! Now I'll be waiting again for the next one hehe FIGHTING!!!! 🥰💜
Cool_Tomato04
#3
Chapter 3: Luh! Nag update si Author!!!! Thank youuuuuuuu I've been waiting for this. At kinikilig ako siomaaaaaaiiiii WALIZ FTW!!!!! 🥰 I'll be waiting again! 💜
Cool_Tomato04
#4
Chapter 2: Hi, author! This is a great first chapter. I'm looking forward sa next. I'm thinking na Liz has feelings for Rei as well kaya nakaka exciteeeeeee 😍💜 I sure hope for chap 2 soon 😁 Fighting!!!
daespalicious #5
Chapter 2: Ang ganda agad ng first chapter!!! I will be looking forward sa next chapter ng story!