Chapter 1: Bubuyog

From A Safe Distance
Please Subscribe to read the full chapter

REI'S POV

 

           "SINONG member ang pinaka-clingy?"

 

           "Kazuha!"

 

           "Grabe ka sa'kin!"

 

           They all laughed at Chaewon and Kazuha's banters na nagsimula na naman kahit na nasa gitna kami ng interview. I just smiled while looking at their exchange for a while at nagpatuloy ulit sa pagtatanong ang interviewer.

 

           "How about the less clingy?" tanong ng interviewer.

 

           Agad kong naramdaman ang makahulugang titig ng Oneiro sa'kin. Sabay-sabay akong tinuro ng tatlo tsaka tumawa.

 

           "Waltz Perez, of course!" sabi ni Kazuha. Umakto pa siyang yayakapin ako but I playfully moved away, an expected reaction from me.

 

           Waltz Perez. That's me. It's Waltz Rei Perez to be exact. Pero Waltz lang ang ginamit kong screen name kasi wala lang, maganda naman na eh.

 

           Also, my second name is kind of... too personal for me.

 

           Nagulat ako nang bigla akong makaramdam ng hindi lang isa kundi maraming yakap.

 

           Oneiro decided to cage me in a group hug.

 

           "Maliligo ka ba ng alcohol pagkatapos ng interview kasi niyakap ka namin?" tanong ni Chaewon na nakayakap sa leeg ko. Nag-akto pa siyang sinasakal ako sa kung ano man ang magiging sagot ko.

 

           "Oo!" pabiro na pabalang kong sagot.

 

           Nakatanggap ako ng hampas sa balikat.

 

           "Aray! Sino 'yon?" reklamo kong tanong. Nasa likod ko kasi nakayakap ang tatlo kaya hindi ko masabi. "Masakit ah!"

 

           "Deserved!"

 

           Bahagyang napatalon ang puso ko.

 

           It was Liz who spoke.

 

           "Tama! Deserved!" pag-epal ni Kazuha.

 

           Tumawa nalang ako sa kanila at pilit na binuwag ang yakap pagkatapos. Pinagpatuloy na rin namin ang interview hanggang sa matapos ito.

 

           "Well, it was nice interviewing Oneiro! It really shows how good this band's chemistry is. I'm really looking forward to your new album so goodluck and congratulations!"

 

           Marami pang sinabi ang interviewer para sa isang TV show kung saan kami mag-guguest and the band entertained her comfortably until the very last minute. 

 

           Then she bid goodbye.

 

           Sumalampak ako sa pinakamalapit na sofa ng practice room namin at napahikab. Alas-nuwebe na at ngayon lang natapos ang interview. Wala pa ring kain ang buong banda dahil sunod-sunod ang schedules namin ngayong araw. Kaya hindi rin kataka-taka na knock out na si Chaewon sa sahig dahil kulang sa tulog habang si Kazuha naman ay nakahiga sa may tiyan ni Chaewon at nagsasabi ng mga kung ano-anong klase ng fast foods.

 

           "Mang Inasal... Jollibee... Greenwich... Pizza?! Anong masarap kainin guys?" tanong niya at binaling ang atensiyon sa akin. "Ay, ikaw lang pala. Asan si Liz?"

 

           "Tinatawag sina Ate Joy," inaantok kong sagot at binaon ang mukha sa throw pillow.

 

           Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. 

 

           Hanggang sa may maramdaman akong mahihinang tapik sa binti ko. Pupungas-pungas akong bumangon at sumandal sa couch habang naghihikab.

 

           Mukha ni Liz ang unang tumambad sa'kin nang idilat ko ang mga mata ko kaya bahagya akong napatalon sa gulat. Napairap siya sa reaksiyon ko kaya agad akong napangiti. Madalas talaga siyang magsungit ng ganito and I always find it endearing. Nakakaaliw sa tuwing nagsusungit siya tsaka sanay na rin ako tulad lang ng kung paano siya sanay sa aking hindi mahilig sa skinship.

 

           Pero hindi naman talaga sa hindi ko gustong magpayakap. Let me explain myself on this one. Hindi ko kasi alam kung paano i-maintain ang safe distance namin ni Liz lalo na nung nagkagusto na ako sa kanya years ago kaya wala akong ibang choice kundi maging ganito. Ang weird naman non kung lumalapit ako kina Chaewon at Kazuha pero kay Liz hindi kahit kami naman talaga ang unang naging magkaibigan.

 

           Hindi rin naman sa iniiwasan ko siya. Kahit naman kasi hindi kami masyadong nagkakalapit, nahuhulog pa rin ako sa kanya lalo. Sa tuwing tiningnan ko siya mula sa isang distansiya, hindi pa rin maiwasan ng puso kong dumagundong dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero ayokong malaman niya ang nararamdaman ko kaya mas mabuti nang may boundaries kaming dalawa. Nakakatakot kasing isipin na baka mawala siya sa'kin kapag nalaman niyang siya ang laman ng puso ko ilang taon na.

 

           "Huy!" Pinitik niya ang noo ko kaya hinimas ko 'yon at naalis ang mga pinag-iisip ko. Hindi man lang niya hininaan ang pagkakapitik niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Tumawa lang siya at nag-peace sign. "Ikaw kasi eh, tulala ka na naman!" sumbat niya at umirap.

 

           "Kita mong bagong gising yung tao!" reklamo ko at gumanti gamit ang pagtapon ng throw pillow na sa kasamaang palad ay nasalo niya. Napaismid ako at nakangiti niya namang niyakap ang unan. Lalo lang tuloy sumama ang loob ko

 

           Ako dapat 'yan eh.

 

           Hindi, joke lang.

 

           Naramdaman ko ang pagtama ng unan sa mukha ko, full force na muntik pa akong matumba pasandal ulit sa couch kung hindi ko lang nakontrol ang ulo ko. Hinimas ko ang ilong kong napuruhan habang humagalpak naman si Liz ng tawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa dahil tumatawa siya o maghiganti dahil nakadalawa na siya sa'kin ngayong araw.

 

           Napadaing ako sa inis at tumayo. "Para saan 'yon?!" kunot-noo kong reklamo habang nagpipigil ng ngiti dahil ang ganda niya pa rin kahit halos mangisay na siya sa kakatawa.

 

           Natawa ako sa sarili kong naisip.

 

           "Yan! Para diyan!" biro niyang puna habang nakangising pailing-iling sa akin. Naglakad siya papalapit at kinuha ang gitara kong nakasandal sa gilid ng couch at isinabit 'yon sa batok niya. Tapos tumingin siya sa'kin. "Bigla-bigla ka nalang ngingiti o tatawa tapos minsan naman tutulala. Para kang tanga!" pang-aasar niya habang pinaglalaruan ang gitara ko.

 

           I childishly sticked my tongue out at her. "Bashers, bashers!" sabi ko habang kinukuha ang bag ko na ikinatawa niya.

 

           "Wag niyo 'kong pakealaman!" dugtong niya sa sinabi ko at sabay kaming tumawa. Nag-apir kami nang makalapit ako sa kanya, suot ko na sa balikat ang bag ko.

 

           "Akin na 'yang gitara," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa pinto ng practice room at inaabot ang gitara para kuhanin sa kanya.

 

           Nilayo niya 'yon na parang bata. "Akin na 'to."

 

           Nagkunwari akong naaasar at umirap habang nakangiti. "Mabigat kasi," dahilan ko habang nakalahad pa rin ang kamay. Napatay na niya ang ilaw at nakalabas na kami ng practice room.

 

           "Sus, para namang bago sa'yo 'to. Ako na, for sure pagod ka na kakadala neto kanina pa." Binigyan niya ako ng assuring na ngiti kaya nagkibit-balikat nalang ako bilang pagsuko. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero nauna niya 'yong kuhanin at hinawakan. "Eto, kamay ko nalang hawakan mo pre." Mapanukso pa siyang kumindat.

 

           As usual, nag-akto ulit akong naaasar. Pero hinawakan ko naman pabalik ang kamay niya habang palabas kami ng building. Hindi na rin naman bago sa amin ang maghawak-kamay lalo na't matagal na kaming magkaibigan. Normal na sa amin 'to. Isa lang naman ang hindi normal sa mga oras na 'to at 'yan ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Pati na rin kung gaano ko kagusto na hawak ang malambot niyang kamay.

 

           Nasasanay na akong hawak ang kamay niya nang bumitaw siya at hinawakan nalang ang strap ng gitara ko. Humarap siya sa akin nang makarating kami sa parking lot at matamis na ngumiti. Alam ko na agad ang sasabihin niya.

 

           "Rei, sa bahay mo ako matutulog ha?" bait-baitan niyang sabi at nagpa-cute pa.

 

           Pabiro akong ngumiwi sa pakislap-kislap niya ng mata kaya nayayamot siyang umamba ng sipa sa akin. Natatawa kong hinarang ang kamay ko sa sarili ko at ngumiti ng nakakaasar.

 

           "Pag-iisipan ko muna."

 

           Bigla niya akong hineadlock. "Bilisan mong mag-isip!" utos niya sa pabirong banta na tono.

 

           Nagsimula akong tumawa dahil may kiliti ako sa leeg. At si Liz, bilang isang mapagsamantalang tao ay kiniliti ako lalo kaya halos mangisay akong kakatawa habang hawak niya. Siguro natumba na ako sa sahig ngayon kung hindi lang mahigpit ang hawak niya sa balikat ko.

 

           "Wait! Oo na! Oo na!" pagsuko ko nang hindi ko na makaya ang pangingiliti niya.

 

           "Anong sabi mo?" makulit niyang tanong habang hindi parin ako tinitigilan sa pagkiliti kaya hindi rin ako matigil sa pangingisay at kakatawa.

 

           Haha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cool_Tomato04
#1
Chapter 4: Still waiting for the next chapter, author huhu 🥺
Cool_Tomato04
#2
Chapter 4: YES!!!!! Ang inaantay kong update 😍 I was really anticipating this chapter kaya thank you so much, author-nim! Now I'll be waiting again for the next one hehe FIGHTING!!!! 🥰💜
Cool_Tomato04
#3
Chapter 3: Luh! Nag update si Author!!!! Thank youuuuuuuu I've been waiting for this. At kinikilig ako siomaaaaaaiiiii WALIZ FTW!!!!! 🥰 I'll be waiting again! 💜
Cool_Tomato04
#4
Chapter 2: Hi, author! This is a great first chapter. I'm looking forward sa next. I'm thinking na Liz has feelings for Rei as well kaya nakaka exciteeeeeee 😍💜 I sure hope for chap 2 soon 😁 Fighting!!!
daespalicious #5
Chapter 2: Ang ganda agad ng first chapter!!! I will be looking forward sa next chapter ng story!