Chapter 7

Walls Between Us
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's

Kasama ko ngayon sila Yujin,Ryujin at Yena naisipan namin na pumunta muna sa Mall at mag libot bago pumunta campus nila Karina at kainan lahat ng stall doon

''Pasok nga tayo doon, parang andaming abubot doon oh'' turo ni Yena sa isang store, wala naman kaming choice kaya sumunod na kami 

Andami ngang abubot at mukha ring ang mamahal

''Bilhin ko kaya 'to'' napatingin kami kay Yujin na may hawak na strawberry na kitchain 

''Humaharot ka na ha'' pang-aasar sakanya ni Ryujin

''Sayang naman pera ko walang mapag gastusan'' iling naman ni Yena

''Sa pamasahe, ayaw mo?'' sagot ni Yujin sakanya, kaya nag tawanan kaming apat at mukhang hindi na rin natutuwa si ate na saleslady saamin

Binili na ni Yujin yung kitchain na nakita niya at lumabas narin kami 

''Tara na, baka hinahanap na nila tayo'' pag aaya ko, pero nagugutom lang naman talaga ako

''Grabe ka na Winter kasama mo na sa bahay na m-miss mo parin'' sabat ni Yena at nag bulungan pa sila ni Ryujin pati si Yujin ay nakikitawa

''Bakit hindi ka pa kasi umamin,Win?'' tanong ni Ryujin

''Kaya nga'' gatong ni Yujin

''Hindi pwede'' maikling sagot ko, kung pwede lang eh, matagal ko na sana ginawa

''Hindi pwede o hindi PA pwede?'' nag tatakang tanong ni Ryujin ''Alin doon? kasi mag kaiba 'yon''

''Hayaan niyo na nga!'' inusog sila ni Yena at inakbayan ako ''Wag niyo i pressure 'to si Winter baka bumaba''

''Hoy!'' sigaw ko sakanya, ang kapal ng mukha hindi naman katangkaran

 

*ting*

ME: Nandito na kami.

MiKarina: oki!! puntahan ko na kayo :)

 

Sinundo na kami ni Karina sa gate kasama niya si Wonyoung pati yung Ning at Giselle

''Hello, Guys!'' bati ni Giselle saamin, kapag hindi siya nakangiti para siyang hindi namamansin at masungit na sasawayin ka, lalo na't Vice President daw siya dito sabi ni Karina

''Tara na!'' Excited na pag-aaya ni Ning, siguro excited sila dahil hindi naman sila nakasama nung last wednesday

 

Napansin ko na parang mas dumami ang mga studyante o mga tao na nandito ngayon kaysa nakaraan, nag iikot-ikot parin kami ngayon at ang haharot netong mga kasama ko, kanina pa sila Ryujin at Yena nag babardagulan at nag aaway sa kung saan dapat kami unang pumunta

 

''Ayaw niyo ba daanan sila ate Seol? yung binilhan natin ng Burrito nung nakaraan?'' suggest ko, dahil ewan naalala ko lang sila

''Oo nga no!'' sigaw ni Karina at binilisan ang lakad niya para hanapin yung stall nila ate Seol, ang saya saya niya tignan kahit kailan talaga

''Sino 'yung ate Seol? kakilala niyo?'' nag tatakang tanong ni Ning

''Yung unang stall na binilihan namin kahapon'' sagot ni Ryujin, tumango lang yung dalawa at sumunod na rin

''Hoy! Wag na kayo mag pa huling dalawa diyaan'' sigaw ni Yena kay Yujin at Wonyoung na nasa hulihan sa likod namin, nilalagay ni Wonyoung sa bag niya yung strawberry kitchain na binili sakanya ni Yujin 

''Inggit ka lang eh'' pang-asar pabalik sakanya ni Yujin at sinamaan lang siya ng tingin ni Yena 

 

Pag punta namin sa stall mukha namang natuwa si ate Seol na nakita niya kami, kasama rin niya si ate Bona na nag luluto sa tabi niya

 

''Uy! nadag-dagan kayo ngayon ha'' bati ni ate Seol saamin, si ate Bona naman nginitian lang kami, ang ganda nilang dalawa

''Effective raw po kasi yung Burrito niyo ate'' natatawang sabi ni Ryujin kaya nag tawanan din kami, tinapik naman siya ni Yujin

''Bakit nag ka inlove-an na ba kayo neto'' natatawang tanong ni ate Seol at sabay turo niya kay Yena, si Yena naman mukhang nasamid pa sa palamig na iniinom niya

''Karibal ko nga 'yan sa mga magaganda ate eh!'' sigaw ni Yena na parang bata at ang tinis pa ng boses

''Wag na uy!'' parang nandidiri na sigaw ni Ryujin, kaya pati si ate Bona ay nakikitawa narin saamin, para kaming mag babarkada sa ingay namin dito

 

Napatingin naman ako kay Karina na lumapit saakin at kumapit sa braso ko at sinandal ang ulo niya

 

''Bakit?'' bulong ko sakanya at I pat her head

''Wala lang'' mahinang sabi niya, hinayaan ko nalang siya na naka gano'n habang nag hihintay kami sa Burrito na binili namin

 

Pagkatapos nung binili namin kila ate Seol at onting kwentuhan nag paalam na rin kami sakanila at nag hanap pa ng ibang stall para kainan

 

''Guys'' napatingin kami kay Yena na mukhang pagod na at umupo sa isang table ''Ayaw niyo ba mag mall tayo? ang init kasi''

''Sinong engot kasi ang mag j-jacket sa tanghali'' natatawang sabi ni Yujin sakanya, sinamaan lang siya ng tingin ni Yena

''Seryoso nga guys''

''I think pwede naman, right lov- gi?'' sabi ni Ning na nasa tabi ni Giselle, kaya napatingin kami sakanilang dalawa, si Ryujin naman halatang nag pipigil na ng tawa niya

''Kayo ha!'' sarkastikong sabi ni Ryujin sakanila ''Wala talagang lihim ang hindi nahuhukay''

''Anong nahuhukay pinag sasabi mo?'' tanong ni Yena

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neutralj
slow update 4 now, busy sa school dahil compile week na namin, thank you for those who are still reading !! <33

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet