Chapter 3

Walls Between Us
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako ng maaga para mag handa na sana kaso napansin ko na nakaligpit na ang higaan ni Winter sa lapag, hindi ko alam bakit ayaw niya sa kabilang kwarto kahit solong-solo niya naman doon 

Pagka labas ko sa sala nandoon na siya at nakaupo sa sala, mukha na rin siyang bihis dahil saturday na ngayon at lalabas kaming tatlo nila wonny mamaya

''Aga mo naman'' pagbati ko sakanya

''Syempre! tagal ko nag hintay maka labas eh'' tumatawa na sabi niya

Nagtimpla na ako ng kape namin dahil hindi pa rin pala siya kumakain inuna ang pag hahanda at ang itsura niya

*ting*

WONNY: Morning !!

WONNY: Excited na me huhuhu

WONNY: Ready na ba ikaw? Excited ako makita si Winter mo mweheheh

WONNY: See you at 9am :*

ME: See you, Wonny !!

''Anong oras tayo aalis?'' tanong niya at umupo na rin 

'' 9 raw'' tipid na reply ko at inubos na kape ko

''Halaaaa?? mag prepare ka na 1 hour nalang, mabilis lang oras'' hinila niya ako patayo at tinulak sa kwarto atsaka siya bumalik sa kusina

Andami kong damit pero feeling ko wala parin akong masuot, hindi naman ako tulad ni Winter na kahit anong suotin bagay sakanya 

''Okay na 'to'' dumiretso na ako sa cr dala ang towel pati itong blue dress na susuotin ko

_

''Matagal ka pa ba?'' naririnig ko na ang iritang boses ni Winter sa may pinto, ano bang minamadali nito 

''Teka lang! ito na'' nag punas at sinuot ko na yung dress

''30 minutes ka naliligo? o lagpas pa nga ata'' tumingin siya sa relo na suot niya

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto para mag blower ng buhok saglit

''Huwag ka na mag makeup'' umupo siya kama at tinitignan lang ako mag ayos ''maganda ka naman na''

Alam ko na maganda ako pero pwede ba 'wag niya na i point out, nakaka ano eh

''Dun ka na nga!'' sigaw ko sakanya

Hindi na ako masyado nag makeup nag concealer at liptint nalang ako, siya wala atang nilagay kahit isa sa mukha niya

*ting*

ME: alis na kami

WONNY: me rin! pahatid na ako

Lumabas na kami ni Winter at nag text nalang ako kay mama na aalis kami dahil nasa Hospital siya ngayon, sanay na rin lalo na ako dahil gano'n talaga siguro kapag nurse ka

Sumakay na kami ng jeep dahil malapit lang naman dito yung mall kung saan kami mag kikita nila Wonny, Pagka baba namin natanaw ko kaagad si Wonny, at kinaway niya naman kaagad kami, mukha siyang excited

''Karinaaaaaa!!'' Tumakbo siya kaagad saakin tsaka niyakap ako ng mahigpit ''Winter? Right?'' 

''Hello'' tipid na sagot ni winter sakanya at halatang nahihiya

''Alam mo ang pretty mo, like karina'' tinabihan siya ni Wonny at nag lakad na kaming tatlo ng sabay ''Palagi ka nga niya kini-kwento saakin e''

''Ako?!'' sigaw ko pabalik, isang beses ko nga lang nabanggit si Winter sakanya yun pa yung time na tinanong niya sino sinusulatan ko

''Oh, really?" tumingin saakin si Winter at parang nang-aasar pa ''hindi naman niya ako sinisiraan noh?'' hinampas ko siya sa balikat at si Wonny naman tawang-tawa parang success ang plano niya

''Food Court nalang tayo para maraming option'' offer ni Wonny, hindi ba 'to nag breakfast

''Sureness! gusto ko 'yan'' masiglang sagot ni Winter at parang bata na bibilihan ng laruan

Nag hanap na kami ng table sa food court at sinabi yung mga gusto namin, parehas kaming bumili ni Wonny ng shawarma kay Winter naman shawarma rice, sa drinks nag coke nalang kami kay wonny palamig na binili sa siomai stall sa food court, bumili rin siya ng tatlong donut

''Picture tayo guys!'' nilabas kaagad ni Wonny yung cellphone niya at hinarap yung camera saaming tatlo ''Kayo naman'' nagulat ako nang iharap niya yung camera saamin ni Winter

Nakita ko naman si Winter na itinaas yung shawarma rice niya at nakangiti sa camera 

''Ayan!'' napatingin ako kay Wonny na tapos na pala i click yung camera ''Why naman titig na titig'' tumingin siya saakin at kinindatan ako

Pagkatapos namin kumain nag libot na kami sa mall, marami rin kaming napag kwentuhan at kwinento ri

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neutralj
slow update 4 now, busy sa school dahil compile week na namin, thank you for those who are still reading !! <33

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet