Chapter 4

Walls Between Us
Please Subscribe to read the full chapter

''Nak, Gising na''

Nagising ako sa pag tawag saakin ni mama at maliwanag na rin, nag tuloy-tuloy ba yung tulog ko kahapon? 

''Tumayo ka na diyaan at mag sisimba tayong tatlo nila Winter'' lumbas na si mama at napatingin naman ako sa lapag

hindi ata siya dito natulog kasi wala yung mga sapin at unan niya, okay

Pag labas ko ng kwarto nakita ko si mama nag susuklay sa may salamin sa sala, mukhang ako nalang ang hindi naliligo, lumabas din bigla si winter sa banyo basa rin ang buhok at bagong ligo, naka plain green polo lang siya at naka tuck-in yung kabilang side sa pantalon niya, hindi manlang niya ako kinibo? ano ba problema nito

''Kumain ka na diyaan Winter, tig-isa kayo ni Karina ng bread toast diyaan'' 

''Opo tita, salamat po''

Hindi ko na sila pinansin at pumasok nalang din ako sa banyo, nag white floral dress nalang ako dahil tinamad na rin ako na mag hanap ng susuotin

Pagka labas ko tapos na ata si Winter kumain, nakatakip na breadtoast at isang tasa ng kape nalang yung nasa lamesa, bilisan ko nalang din na kumain para may oras pa ako na mag ayos

''Tara na, papunta na yung taxi dito, mag sandals ka na Karina, hay nako'' nag mamadali na sabi ni mama 

Dumating na yung taxi at si Mama umupo sa may shot gun seat ako naman at si Winter sa likod, walang nag sasalita saaming dalawa, baka bad mood lang siya at nag o-overthink lang ako na may problema

Tumunog na yung kampana at napaka raming tao, parang mag sisiksikan kami sa entrance

''Pumasok na kayo, bibili lang ako ng sampaguita'' umalis na si mama para pumunta roon sa hagdan sa simbahan

 

Nagulat naman ako dahil may mga tao na humarang saamin ni Winter na nag mamadali rin pumasok sa loob ng simbahan kaya hinanap agad siya ng mata ko, pero parang natulak lang din ako palayo

''Tara na'' may humawak sa kamay ko at hinatak ako nang mabilis papasok sa simbahan 

''Win-Ryujin??'' bakit ito kasama ko? hinanap agad ng mata ko si Winter 

''Nandoon na siya sa loob, pina una ko na lalabas pa sana eh, sabi ko ako na hahanap sa'yo tara na''

Pumasok na kami ni Ryujin at tama siya nandoon na si Winter katabi niya yung barista na isa, sino nga 'yon? Yena ba?, tsaka si mama pumasok na rin sa kabilang entrance sa simbahan at umupo sa likod ng upuan namin

Nang matapos na ang misa, medyo lumuwag na ang daanan dahil mabilis din na nag si uwian ang mga tao

''Yena!'' Napatingin kami sa babae na tinatawag si Yena at Ryujin at kumakaway sa direction namin 

''Late ka na Yujin'' bati sakanya ni Ryujin

''Wala eh, umattend ako ng meeting namin para sa Thesis'' napalingon siya saamin ''Winter? Huy! Nandito ka na nga'' lumapit siya kay Winter at nag yakapan sila, lumapit din ang dalawa at ngayon mukha silang apat na bata na mag kakayakap at tumatalon pa

''May balak ba kayo na puntahan, mga anak?'' tanong ni mama

''Pwede po ba tita? namiss kasi namin 'to si Winter eh pati na rin 'to'' inakbayan ako ni Yujin ''Ang muse sa intrams nung elem'' nag tawanan naman sila pati si Winter ay naki tawa rin

''Osha! Sige, iiwan ko na kayong lima ha, mag iingat kayo'' aalis na sana si mama kaso kumapit ako sakanya

''Hindi ako sasama, mag r-review pa kasi ako, may long quiz kami bukas'' pag dadahilan ko, pero sa totoo lang feeling ko kasi ma o-op ako sakanila o baka, teka ano ba 'to ang gulo ng isip ko, basta hindi ako sasama

Wala na rin silang nagawa dahil nag paalam na rin kami kaagad ni mama sakanila, dinaan lang ako ni mama sa bahay at umalis na rin siya kaagad

Parang usual lang na ganap ko nung hindi pa nauwi si Winter, ako nanaman mag isa

*ting*

WINTER: okay ka lang ba diyaan?

WINTER: text ka kapag need mo kasama, uwi ako.

ME: okay lang akoooooo

ME: enjoy !!

WINTER: okay

Pumunta na ako sa kwarto at hinanda yung notes ko para mag review, ilang minuto na ako naka titig dito sa notebook na 'to wala parin pumapasok sa isip ko, hindi ko rin ramdam ang matulog

ME: anong oras ka uuw

ME:

'wag nalang, deserve niya rin mag karoon ng time kasama friends niya, andaming kong pwede gawin wala naman akong masimulan nakakainis!

_

4 Hours na akong nalulumbay at nag iikot dito sa loob ng bahay

''Bukas'' sigaw nung nasa labas, kaya pumunta ako at binuksan kaagad

''Hello'' pumasok si Winter kaagad at nag tanggal ng sapatos, nilapag din niya yung hawak niyang take out ata sa Fast food ''Kumain ka na diyaan'' pumasok din siya kaagad sa kabilang kwarto at nag shower ata

Gutom na rin ako kaya kinuha ko na yung dala niya isang Burger Steak, Burger tsaka Sundae

Lumabas na siya sa Cr at naupo rin, hindi ko alam kung kumain na ba siya pero siguro naman kumain na 'diba?

''Kumusta gala niyo?'' pang basag ko sa katahimikan 

''Ayos lang naman, masaya naman'' pinupunasan niya parin ng towel yung buhok niya ''Sorry pala'' napatingin naman ako sakanya na busy parin sa pag punas sa buhok niya ''Nainis lang talaga ako sa inakto mo sa jeep kahapon, para kasing kahit hindi okay sa'yo sitwasyon mo pangangatawanan mo pa'

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neutralj
slow update 4 now, busy sa school dahil compile week na namin, thank you for those who are still reading !! <33

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet