The faculty of Medicine's PERFECT 3

2 SIDES of ME, a DAY
Please Subscribe to read the full chapter

"tignan mo kasi muna sa loob ng bag mo." bulong ko habang nagkakainitan ang dalawa. "WAH! here yah go ms.Guardalupe!" Pang aasar nito habang inaabot ang ID niya. "pft, ligtas ka na naman ngayon Cruz. pasok na!" Agad naman itong pumasok sa loob at hinila ako.

"Oi...thanks ha, alam mo namang makakalimutin ako talaga eh" pagpapaliwanag nito "It's fine, buti nalang talaga at sinundo kita ngayon, or else hindi ka na naman pa-papasukin hanggang matapos yung flag ceremony nang first year" Wika ko, agad naman nitong pinulupot ang braso niya sa balikat ko at naglakad ulit. "Hindi..crunch...ako...crunch​​​​​​.. nainform-"

hinampas ni Seulgi ang noo nito.. "Chew before you salita okay?!" agad namang nilunok ni Yeri lahat ng nasa bibig niya. "Ah basta! di naman ako na inform na pwede kayong mag kwentuhan nang hindi ako kasama! hmp!" she crossed her arms and looked away "Ashooo, So cute!" pang aasar pa ni Seulgi "Jusko!!! Seul stop" I sighed "Why?! me subok-subok my best ha!" 'minsan talaga, gusto ko nalang mawala sa mundong ibabaw sa tuwing magsasalita ang isa sa dalawang 'to "And you Yeri! I'll just treat you later okay? tama na drama Jusko" Wika ko na agad namang nagpa bago sa ekspresyon nito. "Yes ma'am!" Seulgi actually can speak English fluently, she's just joking about it sometimes to cheer up or lighten up the mood, but when you ask her about it... "Ako? fluent? baliw! lumalabas lang yon pag nakikipag trashtalk ako...hehe"

anyways have I told you guys already? We actually met Yeri the exact day, I met Seulgi...

"Hoy! tangina ang angas mo ah! wag mo ko niyayabangan ng pa abs-abs mo ha... matigas ba yan?! weh? pahawak nga!" A loud voice came from the cafeteria, syempre dahil first year kami ay sinilip namin kung anong ganap... Seulgi call this 'maki chismiss' 

​​​​​​"Hoy! gusto ko lang yung 5K ko!! 5K! GINAWA KO YUNG PINAPAGAWA MO TAPOS HINDI KA TUTUPAD SA USAPAN?!" Sa lakas ng boses nito ay rinig talaga siya, sa labas palang ng cafeteria. "Hey, you weirdo, " wika naman ng lalake habang tuloy tuloy na tinutulak ang babae. "Hey Seulgi, we should probably get out of here-" wika ko, ngunit paglingon ko ay wala na si Seulgi sa tabi ko... when I looked back, She's already holding the guy's wrist, stopping it from pushing the girl"

"And who the are you? another weirdo?!" Lumingon ang lalaki sa mga kaibigan nito at tumawa "sorry..." pabulong ngunit mariin na Wika ni Seulgi "What?! what'd you say? well apology accepted" sarkastikong sagot ng lalake. hinigpitan lalo ni Seulgi ang pagkakahawak sa pulso nito. "Sorry...should be the next word that's gonna come out from your mouth" 

hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari, dahil kasabay ng mabilis na galaw ni Seulgi ay pag putok ng labi ng lalake...medyo may black-eye pa nga eh, tapos konting pasa. 

matapos ang lahat ay agad naming niyaya ang babae na kumain kasama namin."Wow! ang dami nito ah" Wika nito habang punong-puno pa ng pagkain ang bibig. "Bakit ka ba nakikipag away? 5K lang naman pala, wala ka bang pera?" tanong ni Seulgi na agad namang tinawanan ng babae, kasunod n'on ang paglabas niya ng credit card... not just a simple card but a black card "You-?"..... "Yeavleigh Riechelle Kim, Yeri for short, from the faculty of Medicine, at your service" Sagot nito at tuloy ulit sa pagkain. "If you have that huge amount of money, then why start a fight for just 5K?" tanong ko,ngunit buntong hininga lang ang nakuha ko, bago ito sumagot. "You see, ms Englisherist...why do I hab tu weyst any money, ip I kud just go buraot ebriwan??(Why do I have to waste any money if I could just go buraot everyone)" Took me a while to process everything she said but..she does have a point, ain't she? "Ikaw si Wendy diba? Wendy Shon? yung anak ng may ari sa New Dawn Hospital at nitong University?" Tanong nito na ikinagulat ko."How'd you know?" pabalik na tanong ko. Ever since I came here, wala naman akong sinabihan about sa kung sino ang parents ko.. and Seulgi's the first person I knew, not only from my faculty but from this whole University. "Ay syempre! dapat alamin ko kung sinong mayaman ang dapat kong kilalanin... kaya let's be prends okay?! ikaw din Seulgi Cruz!" wika nito... more like a command but oh well... 

 

"Hoy Wen, tulala ka na naman!" Sigaw nito. "Yeri bunganga mo!" pabulong na saway ni Seulgi "Kayong mga studyante kayo! you're in a library, not in a public market!" sunod na saway ng librarian. "Ay tangina Hahahaha nasa library pala tayo" pabulong na wika ni Yeri, sinundan naman 'yun ng tawa ni Seulgi, parehong takip ang kanilang mga bibig para walang ingay ang maka labas.

makalipas ang halos kalahating oras ay napag desisyunan naming umalis na... I love books, but not the librarian, kaya sumama na 'ko. 

"By the way, tuloy ba mamaya?" Seulgi broke the silence "Ay Oo nga, last week ka pa hinahanap ni Ms T" Dagdag naman ni Yeri. "Gusto ko na rin namang mag perform... pero alam niyo naman sitwasyon ko ngayon di'ba?" paliwanag ko. "Ah ewan ko ba naman kasi diyan sa nanay mo! bakit gustong gusto niyang i pursue mo yang pag do-doctor" Yeri stated. "Ay pak beh, english yon!" Napahampas nalang si Seulgi sa balikat ni Yeri, na agad namang ikinatawa nito. "Hoi! bakit, 'kala mo ba nakalimutan ko na yung English mo nung first day?!" Sagot nito, habang nakikipag tulakan din kay Seulgi. "Bakla! super powers ko yun! lumalabas lang pag nakikipag away ako" pabalik na sagot naman nito, sabay tawa ulit.

sa tuwing kasama ko sila, nakakalimutan ko lahat ng mga problema ko... It's not just ms actually, we all have a problem pursuing our dreams. Me and Seulgi wants to be a musician, and Yeri wants to be an actress... pero yung tadhana, hindu talaga umaayon sa gusto namin eh, we can't tell our parents cause surely... they won't be thrilled about it. 

******

"Ang init sa labas jusko, parang gusto ko nalang mag fly high butterfly" matagal din kaming naglakad papunta sa dorm, kaya naman 'tong si Yeri e di na tumigil kaka reklamo.

"Alam mo Wen, gusto ko nalang talaga magpa ampon sayo, kahit dito nalang ako sa dorm mo titira... may aircon eh!" Wika nito bago humiga sa bakanteng kama. "Yeri.. may darating na bagong student, kama niya 'yang hinihigaan mo" Nginitian ko na lamang 'to habang dahan-dahang tumatayo. "Seul dun nalang talaga ako sa dorm mo... libre Aircon tsaka rent dun eh" lumipat naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 3: 🤐🥰❤💙
Ot5langlakasam
#2
Chapter 3: oooooo so na meet na dati ni ms. T si Wendy nung bata pa sya.....hmmm inchresting..
Ot5langlakasam
#3
Chapter 1: Aliwww,. first chapter palang jahhaa, shet bet ko ung two identities nila hshshs looking forward sa 2nd chapter!💙
Ot5langlakasam
#4
Oooooo it piqued my interest po... Specially wala masyado gantong tag fic and wr. Can't wait for first chapter 😊😊😊