YIZHUO 2

free love

At doon lahat nagsimula ng pasakit ko sa buhay. Gusto ko nang magpalamon sa lupa nung mga panahon na ‘yon lalo na nung nilapitan ako ni Aeri para sabihin lang sakin…

 

“Crush mo pala ako baby girl ha? You should’ve told me noon pa lang.” Ang kapal ng mukha!

 

Lalo lang ako naiinis pag naaalala ko ‘yun bwiset talaga! Nawala nalang ako sa pagkatulala ko nung nag-ring na ‘yung bell para sa first classes, bago ko pa hablutin ang bag ko ay nilapitan ko sila Kuya Soobin at ‘yung kambal para batukan sila isa-isa. Dahil may favouritism ako nilakasan ko hampas ko kay Beomgyu. “Aray! Ba’t bigla nambabatok? Tarantado ka ba?!” Inis na singhap ni Beomgyu habang hinihimas likod ng ulo niya. Si Chaein lang naman ay tumatawa sa gilid kasi siya lang ang ‘di nadamay sa inis ko. “Kayo dahilan ba’t di ako tinitigilan ni haponesa ngayon mga haliparot!” Tumaas ang kilay ni Minjeong at tinuro ang sarili niya na tila ba parang trinaydor ko siya. “Oo isa ka pa! Letche ka! Pa’no na ‘ko magpapa-cute kay Hueningkai niyan?!” Tumayo na sila lahat at hinila ako palabas ng canteen dahil baka ma-late pa kaming lima. Pinagtitinginan na rin kasi kami nung mga estudyante sa canteen buhat ng kaingayan ko. “Wala namang nambabawal sayo e. Bakit? Totoo bang crush mo si Aeri?" Napatigil ang aking armalite na bibig sa sinabi ni Kuya Soobin, truelaloo naman 'yung hindi ko bet si Aeri kasi makita ko palang siya ay nakulo na ang aking dugo kaya certified na pass siya for me. "Hindi kaya!" Medyo defensive kong sagot kaya napangisi nang nakakaasar si Kuya Soob. Hinahanapan talaga ako ng butas ng bastos na bading na 'to hmp! "Hindi naman pala e. Why so defensive bata?" 

 

"Hoy awat na! Para kayong mga elementary. Sa'n ba tayo tatambay after class?" Sinuway na kami ni Chaein at iniba na din ang topic dahil parang ready na ko sugudin si Kuya anytime. Kung 'di lang ako takot kay besfrn baka nadagdagan ko dimples ni Kuya sa pwet. Sinamaan ko nalang ng tingin ang ancient naming friend bago sumali sa brain-storming sesh nila. "Sa STC o Fairview na lang kaya?" Ika ni Minjeong at pinasadahan kaming lahat ng tingin, napa-labi ang kuya namin at tumatango-tango na para bang agree siya. "Sa STC na lang, mas maraming libangan doon eh." Sagot ni Beoms sa kambal niya, wala rin naman akong problema doon kaya naki-oo nalang din ako. "Kita nalang tayo sa parking, dinala ko kotse ko today." Ika ni Chaein bago kami pumasok sa mga first classes namin.

 

Hindi rin naman katagalan nung nagtipon-tipon ulit ang federasyon sa tambayan, pareho kasi kami ng lunch ni Chaein at ng kambal na stick-o. "Lunch C pa si Kuya 'no?" Tanong ni Minjeong nang napansin niyang MIA ang isa sa'min. "Oo raw, kasabay niya sila Kuya Jeno mamaya." Sagot ni Chaein matapos niyang basahin ang message doon sa gc namin. Tahimik lang akong nakikinig sa susunod na pinaguusapan nila kasi busy ako enjoyin ang binaon sa'kin ng kapatid ko. Kaldereta my luvs so sweet! "Hoy Sandoval, mas interesting pa ba 'yang baon mo kaysa sa'min at 'di ka nakikisali dito?" Taas kilay na tanong ni Minjeong sa'kin, hindi ako maka-rebat kasi puno pa 'yung bibig ko. Lumunok muna ako at naki-inom sa juice ni Beoms bago ako sumagot. "Tangina mo ka! Recitation ba 'to at required ang attendance ko? Ano ba kase 'yon?" Umirap ako at sumubo ng kanin.

 

"Hindi kami makapag decide anong movie papanoorin mamaya. Half off 'yung tickets today sayang kung 'di natin papatusin." Sumagot si Chaein habang tinitignan 'yung mga showing na movie ngayong araw. "Movies lang pala eh, edi hiramin nalang natin hard drive ni tito. Madami siya bagong dinownload." Bagot kong sagot sakanila, movies lang pala ang diskusyon nilang tatlo dinadamay pa nila ang nananahimik. "Iba naman kasi 'yon! Mas maganda pa din ang experience pag nasa sinehan ka talaga." Umikot nanaman ang eyeballs ko for the 3rd time this day. Bago pa man ako makasagot ay may biglang tumabi sa'kin at hinablot ang hawak kong tinidor.

 

"Have you guys watched the new minions movie? You should try watching that one."

 

Namintig ang tenga ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko sa bruhildang tumabi sa'kin. Napansin ko na kasama rin niya si Ate Jimin na grabe ang titig sa tropa kong bunot, halatang ilang na ilang si bakla! Hindi ko na muna sila tinuunan ng pansin dahil nambuburaot na sa baon ko si Uchinaga. Binawi ko mula sakaniya ang tinidor ko at sinamaan siya ng tingin. "Bakit nandito ka nanaman?" Nagsusungit kong tanong sakaniya habang siya ay unbothered lang na ngumunguya. Hindi ba pinapakain sa 'to sa bahay at 'yung baon ko pa ang piniling kainin? "Hmm wala lang, I just wanted to help kasi you guys seemed to have a hard time deciding. Also ang sarap nitong baon mo, ikaw nagluto?" Kinuha nanaman niya tinidor ko at tuluyan nang tinangay ang baon ko. 

 

Kaninong anak ba 'to at ang coughfall ng mocha niya para ubusin ang kaldereta ko?? Isusumbong ko siya kay mama!

 

"Aeri's right, ang cute and funny nung movie. I'm sure magugustuhan niyo." Nagsalita na finally si Ate Jimin pero her eyes were only set on my bunot na bff. Omg ka Minjeong fight back! Hindi ka pinalaking mahina ni Queen Mother! "S-sige… Sabi nila maganda e. Para 'di na tayo mamroblema later." Nauutal na sagot ni Minjeong at umiwas ng tingin. Hindi nakatakas sa paningin namin ang pamumula sa mukha ni baby bunot. Hot seat ka samin mamaya bakla hihi. Sinulpayan ko ang katabi ko at tuluyan na nga niyang inubos ang pagkain KO. Siya pa talaga ang nag-presentang iligpit ang pinagkainan niya. "Salamat sa lunch baby, sa'yo na 'yung akin. I cooked it myself… And don't worry, walang lason 'yan." Ika niya before leaving a tupperware sa harapan ko, umalis na din sila ni Ate Jimin kaya nanumbalik na ang kulay sa mukha ni Minjeong. "Baks, kakainin mo ba 'yan? Kanina mo pa tinititigan e. Akin nalang!" Mabilis ang kamay kong iniwas kay Chaein ang tupperwear. "Kakainin ko beh! Nabitin ako sa baon ko dahil may nakikain!" Mapangasar na tingin naman ang inabot ko sa tatlo kaya't inirapan ko nalang sila at pinakyuhan dahil mahirap nang umamba. 

 

In the end ay hindi ko nakain ang bigay ni Uchinaga dahil patapos na din pala ang lunch, pinasok ko nalang sa bag ko ang baunan. Kakainin ko nalang siguro sa sinehan mamaya para tipid. Sabi nga sa Walmart… save money, live better! emz. Naghiwa-hiwalay na ulit kami pero this time ay kasama ko si Minjeong dahil kaklase ko siya sa 3rd sub. And unfortunately, kaklase ko din si Bruhilda Uchinaga. Though malayo ang upuan ko sakaniya dahil nasa bandang harapan siya at ako naman ay nakapwesto sa likuran para 'di makita ng teacher na lumalafang ng snacks hihi. Lumukot muli ang mukha ko nang magkatinginan kami ni Uchinaga, ang lawak din ng ngiti niya ha. Halatang siya lang naman nasisiyahan sa pangyayaring ‘to imbyerna talaga! Pero agad naman ding nawala ang asim sa aking face dahil napangiti agad ako nang masilayan ko ang ngiti ng aking one true love… Korique kayo mga mhie! Classmate AND seatmate ko pa si bebelabs ko ahihi. Feel ko tuloy ang haba ng hair ko kasi sinundan niya ‘ko ng tingin nung umupo na ‘ko sa tabi niya. “Hey there seatmate, ready for another mental torture?” He told me jokingly habang pasulyap-sulyap sa teacher naming panot. Natawa kami pareho at inilabas na ang mga libro namin, na for props lang naman para di kami masita. “Okay listen up class, as it is the 2nd week of classes I presume all of you know that it’s officially time for your first group project.”

 

HOY PUTANGINA? ANONG GROUP PROJECT?? 

 

Nilingon ko si Minjeong at mukhang pareho kami ng iniisip… ‘Di pa kami ready for mature roles direk! “But worry not, I won’t be assigning anything till tomorrow. It’s only a heads-up.” Nakahinga naman ako nang maluwag after that, ‘di pa naman din kasi ako tapos sa assignment na binigay niya sa'min kahapon. Mabilis din akong nabagot sa dini-discuss niya kasi pwede ko naman uli basahin 'yon kasi ip-post din naman niya mamaya. Nag-decide na lang ako na pagmasdan ang katabi kong halos nakakatulog na, ang cute talaga kahit kailan hays. Hindi ko naman mapapagkaila ang attractiveness ni Kai. Bukod sa pagiging matalino at mabango, sobrang bait din niya. Saka magkaugali pa kami pagkadating sa kabulastugan sa buhay. Boyfriend material ang datingan niya, ang sherep i-add to heart! 

 

Saka… parang ang tagal ko na pala naging crush si Kai, siguro simula palang ng Grade 9 natipuhan ko na siya. Love at first sight kumbaga? Forda corny naman ang ferson nakakainis hahahaha! We became very good friends din kahit papaano dahil kay Beoms at Kuya Soobin na una niya naging friends before nabuo ang mini friend group namin. And about my feelings for him? I think it's been too long for me to label it as a simple 'crush' nalang. Sa mga panahon na magkatabi kami o magkasama sa iisang silid, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa mga panahong 'yung mga simpleng galawan niya ay ang lakas na ng epekto sa'kin. Iba na ang pinapahiwatig ng mga scenario na 'to at siguro masyado akong in-denial tungkol dito dahil vinavalue ko pa 'din ang nabuo naming pagkakaibigan. Siguro nga in-denial talaga ako, kasi this is finally the moment na I want to come into terms with what I feel about him… while watching him snore quietly in class. Seriously Ning? Ang lala mo na girl! Pero bago ako magpadalos-dalos sa mga gusto kong gawin,  kailangan ko muna ikwento 'to sa mga kaibigan ko. 

 

Mabilis na din ang naging agos ng araw ko at soon enough ay nasa sinehan na kami ng mga tropa ko at inaantay mag-start ang movie. Kanina pa 'ko sa pilahan 'di mapakali at feel ko nakakaramdam na silang lahat ng kinikilos ko. Pero kinakabahan kasi ako magsabi sakanila huhu. "Alam mo sis, kanina pa 'ko nahihilo sa pagkukuyakoy mo. Ano bang bumabagabag sa'yo?" Ayan na nga ba sinasabi 'ko, si bff Minjeong unang makakapansin. It didn't take long for the others to join sa pang-gigisa saakin. I did not sign up for this mamaaaaaa.

 

"I… I think I'm in too deep sa feelings ko kay Kai." I admitted shyly at walang paligoy-ligoy, and it was safe to say na hindi ito ang revelation na ine-expect ng aking tropapips. Hehe oops.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
drnkdzd
naiiyaq na q nakakatatlo n aqng palit ng name wala pa din aq ud

Comments

You must be logged in to comment
malet99 #1
Chapter 2: Wag kang ganyan Ning... asang asa na ako sa Ningselle...
gowonsscalp #2
Chapter 1: can't wait for more chapss^^