YIZHUO.

free love

 

Tangina.

 

Oo, eto ang opening remark ko.

 

Tangina talaga!

 

Maganda ang naging simula ng umaga ko dahil nabiyayaan nanaman ako ni mother dear ng malaki-laking allowance at pinayagan ako ng kuya ko na ako naman ang magd-drive para sa midnight joy ride namin mamaya. Kaya ang buong akala ko ay wala nang makakasira sa araw ko. Pero I guess the Lord has different plans. Iniisip niya siguro na masyado akong maligaya today kaya si Aeri ang pinakauna niyang pinakita sa'kin pagkatapak nang pagkatapak ko sa entrance ng school. 

 

"Good morning my cutie Yizhuo! It's a miracle that you don't look constipated today~"

 

'Yan ang salubong sa'kin ng impaktitang higante! Nagsulubong tuloy kilay ko dahil nararamdaman ko nanamang kumukulovolity ang aking dugo. Inirapan ko nalang siya nang madaanan ko siya na ikinadahilan naman ng pagtawa niya. Nung dumating ako sa meeting place naming magkakaibigan ay laking gulat nalang nila dahil halos ihagis ko na sa lamesa ang bag ko sa sobrang inis.

 

"Yizhuo beh, it's either you tell us your problem o sasabuyan kita ng kape para lang hindi mo idaan sa pagdadabog ang problema mo." Napalingon ako sa pagbabanta ng kaibigan kong si Minjeong at mukhang 'di nga siya nagbibiro dahil ang higpit na nung kapit niya sa plastic cup na para bang anytime ay ihahagis niya sakin 'yon. Napansin kong nakatingin na din pala si Beomgyu at Chaein sa'kin na nagaantay ng explanation tungkol sa pagkasura ko ngayon. Mukhang no choice na din ako dahil nasaakin naman na din ang atensyon ng mga bugak. Napahawak na lamang ako sa sentido at suminghap, "nakasalubong ko 'yung epal niyong bff." Maikili kong sagot, hindi ko naman na kailangan mag-explain sakanila kasi gets na nila agad ang pinaparating ko.

 

Oo, grabe na ang inis ko because of one person na nagngangalang Aeri Uchinaga. Ang nagiisang asungot sa tahimik kong buhay! 

 

Kung magpapakatotoo ako ay wala naman talaga kaming connection ni Aeri dati. We do know each other's names and faces dahil may mga mutual friends kami katulad ng Kuya Soobin namin at si Minjeong. Pero other than that, never kaming nagusap at ang pinaka-interaction lang namin ay ngitian pag nagkakasalubong. Saka lang ito nagbago dahil sa isang kahindik-hindik na pangyayaring sinimulan ng mga kaibigan kong magagaling. Naging center of attention ako kasi I mentioned out of the blue that I find Aeri cute, and that was it! If only I knew na malisya ang almusal ng mga 'to hindi na sana ako nag-share?! 

 

Panibagong school year nanaman at syempre ay tuwang tuwa ako dahil magkatugma ang mga schedule ng aming lunches kaya buong year ay magkakasama kami tuwing breaks. Maingay ang table namin dahil ang dami namin kwento tungkol sa mga teachers namin sa mga first two subjects, kasalukuyan ay pinaguusapan namin 'yung masungit na History teacher na sobrang strict pagdating sa mga essay at reportings. "Gusto ko magwala vebs… Unang week palang may binigay na siyang essay after niya mag-discuss!" Mukhang maluha-luha na si Chaein habang tinatalak ang kahibangan ni Ms. Mayers. Bigla ko tuloy naalala yung naging teacher ko siya at ang sinalubong niya saamin ay surprise long quiz after ng March break. Napagalitan pa yata kami dahil dapat daw kahit breaks ay nagaaral kami kahit kaunti man lang. Luh desisyonavility ka naman ma'am kaya nga school break eh huhu. "Walang-wala 'yan sa ginawa ni Mr. Gutierrez akling!" Gatong ni Kuya Soobin habang pasimpleng kumukuha ng fries sa tray ni Beoms. Dedma lang naman si Beoms kasi busy s'yang lumafang ng kan'yang lunch. "Let me guess, he almost started a fire again sa lab?" Hula ni Minjeong na may matching turo pa kay Kuya. Umiling lang si Kuya at lumingon-lingon muna bago lumapit saamin para ibulong ang chismis. "Pumasok siya nang may chikinini sa leeg pre, andami pa kaya mukhang siyang inatake ng higanteng lamok!" Halos maibuga ko ang iniinom ko at agad na nagsilayuan ang mga kasama ko dahil ayaw nila matalsikan ng kape. Shuta naman kasi ang pa-revelation, si Beomgyu din muntik na mabulunan sa kinakain niya. Yung iba naman ay halos mamatay na sa pagpipigil ng tawa. 

 

"Tangina naman sana sinarili mo nalang 'yan Kuya." Natatawang saad ni Beomgyu pagkatapos niyang uminom ng tubig, nagkibit-balikat si Kuya at kumain na ulit na parang walang nangyari. Naging normal na ulit yung flow ng conversation naming lima at puro tungkol na lang ito sa after school plans. Napatigil ako sa pananalita nang nakita kong pumasok sa canteen yung grupo nila Kuya Jeno. Mukhang si Ate Jimin ang pinagt-tripan nila ngayon dahil nakasimangot ito habang ang apat niyang kaibigan ay pinagtatawanan lang siya at inaasar. Nalihis naman ang tingin ni Ate Aeri sa kan'yang mga kaibigan at nagkatama ang aming mga mata.

 

As usual, nginitian niya ulit ako habang kumakaway. Bilang ayoko namang magmukhang suplada ay kinawayan ko din siya na may matching na pa-cute na ngiti. Tinapos ko na din ang eye-contact namin dahil naramdaman ko ang pagsiko sa'kin ni Chaein para makuha pansin ko. "Sino kinakawayan mo d'yan sis?" Tumingin din s'ya sa direksyon nila Ate Aeri pero nakatuon na ulit ang pansin neto sa kan'yang mga kasama. "Ah wala, sila Ate Jimin lang." Sa pagkabanggit ko ng pangalan ni Ate Jimin ay parang natuliro itong si Minjeong at lumingon-lingon para hanapin ang kan'yang crushie. "Kambs? Okay ka lang? 'Di ka mapakali d'yan." Nagaalalang tanong ni Beomgyu sa kambal n'yang sinapian ng kiti-kiti, tarantang kumapit si Minjeong sa kakambal n'ya at mukhang nagmamakaawa ito na itago s'ya. Mabuti na lang at hindi s'ya napansin ni Ate Jimin dahil abala ito sa pagsabunot kay Kuya Hendery. Natigil lang sa pagtago si Minjeong nang umupo na ang kanilang grupo sa lamesa na katapat ng pwesto namin. Dahil abala na sa kan'ya-kan'yang topic ang mga kaibigan ko at hindi nanaman ako maka-relate napagpasyahan kong igala ang tingin ko sa cafeteria, baka lang naman may makita akong cute dito bukod sa aking current crushie. And somehow nadako nanaman ang tingin ko kay Ate Aeri, pasimple kong pinapanood kung paano niya ambahan ng hampas 'yung katabi niya habang humahagikgik s'ya. Hindi ko na maalis ang titig ko sakan'ya dahil ngayon ko lang na-witness kung gaano siya ka-cute ngumiti.

 

"Ang cute ni Ate Aeri." Wala sa sarili kong sambit habang nakangiti, pagkatapos kong sabihin 'yon ay nanlamig ako dahil biglang natahimik ang mga kasama ko. Nilingon ko sila at nakita kong namumuo sa labi nila ang ngiting punong-puno ng malisya. May mali ba sa sinabi ko? Nag-compliment lang naman ako eh! "Ano ulit sabi mo vebs?" Nangangasar na tanong ni Chaein, tinaasan ko s'ya ng kilay at inulit ang sinabi ko. "I said Ate Aeri's cute, ano problema do'n?" Kalmado lang ako ngayon tignan pero sa loob-looban ko ay sobrang kabado ako dahil hindi ko alam anong binabalak ng mga 'to huhu. "Hoy Yizhuo! Crush mo si Ate Aeri 'no?!" Umalingawngaw sa buong canteen ang boses ni Beomgyu na nagdahilan ng saglit na pagtahimik ng paligid. Napatakip ng bibig si Beomgyu sa hiya dahil hindi niya na-kontrol ang kaniyang pagkaligalig. Samantalang si Yizhuo ay gusto nalang magpalamon sa lupa dahil pati ang grupo ni Aeri ay nakatingin sakanila. At ibig sabihin no'n ay narinig din nila ang litanya ni Beomgyu. Ang buong tropahan niya ay natawa nang mawala na sakanila ang atensyon ng mga tao sa canteen, nakitawa na din si Yizhuo dahil kampante naman siyang 'di iyon naintindihan ni Aeri. "Sorry talaga Yizhuo my friend, pero medyo desurv." Natatawang pagpapaumanhin ng kaniyang kaibigan, inis na inambahan ng hampas ni Yizhuo ang balikat ng lalaki kaya napangiwi ito sa sakit. "Tukmol ka talaga! Pasalamat nalang tayo hindi nakakaintindi ng tagalog si Ate Aeri." Gigil na tugon ng nakababata at pasimpleng sumulyap sa babaeng kanilang pinaguusapan. Napatigil sa pag-inom ang dalawang malapit ang loob kay Aeri, "actually Yizhuo…" Tumikhim si Soobin at sinenyasan si Minjeong na ituloy ang sinasabi niya. Nagtatakang tinignan ni Yizhuo ang dalawa niyang kaibigan, unti unting nawala ang ngiti niya nang makita ang guilty nilang ekspresyon. "Marunong siyang mag-tagalog…" Kamot ulong sagot ni Minjeong.

 

"Mga depunyawa kayo bakit ngayon niyo lang sinabi!!"

__________________________

 

hi hehe sorry natagalan

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
drnkdzd
naiiyaq na q nakakatatlo n aqng palit ng name wala pa din aq ud

Comments

You must be logged in to comment
malet99 #1
Chapter 2: Wag kang ganyan Ning... asang asa na ako sa Ningselle...
gowonsscalp #2
Chapter 1: can't wait for more chapss^^