Three of a Kind.

Sigurado
Please Subscribe to read the full chapter

“Hello, Seulgi?”

“Babe, sorry. 5 more minutes. Mase-send na namin ‘to in 5 minutes. Sasabihin ko sa manong driver mamaya na paliparin nya ‘yung jeep niya.”

“Seul, okay lang. Pwede naman na bukas na lang. Late na. Di na rin aabot.”

“Ita-try ko pa rin, Irene. Please.”

“Di ako nagtatampo. Basta makauwi ka lang ng safe, okay na ‘ko. Sige na, gawin niyo na ‘yung dapat niyong gawin. Bye na, Seul.”

“Happy birthday, Rene.”

30 minutes before my birthday ends, eto si Seulgi, hinahabol daw na mai-send niya ang design na hinihingi ng client nila. Kwento niya kanina, hindi niya ine-expect na ngayon ang magiging deadline dahil biglaan daw hiningi ng kliyente niya na dapat ay next week pa.

Si Seulgi, na hindi nagmumura, napamura.

Naramdaman ko sa bawat tawag niya sa akin kanina ang pagod. Sa bawat pagbuntong hininga at panginginig ng boses niya, gusto ko siyang puntahan sa opisina niya para yakapin at halikan. I-cheer. Tapos yakapin ulit.

Seulgi, h’wag mong pilitin. Okay lang ako.

Uwing uwi na siya dahil may ihahanda siyang dinner. Maaga pa nga niya akong binati kaninang umaga, may purple cupcakes kaagad pagkagising ko. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko na naaligaga siya mula sa pagkakaupo sa kama habang inaantay akong magising at saka siya nagsindi ng mga kandila.

“Happy birthday, Rene. I love you. Wish ka na,” sabi niya habang hawak ‘yung cupcakes, nakangiti, at halos wala na ‘yung mata.

Mahal kita, Seulgi. Hindi ko alam bakit ang swerte ko sa’yo.

“Thank you, Seul. I love you,” saka ako pumikit at humiling.

Lord, turuan mo pa akong maging mabuting tao para kay Seul. I want to be deserving of this love.

Minulat ko ang mga mata ko saka ako ngumiti at hinalikan si Seulgi.

Pagkabitaw niya sa halik ko, bigla niyang sinabi, “syempre hindi ko tatanungin ‘yung winish mo kasi baka hindi magkatotoo.”

“Sabi ko sana makauwi ka kaagad ng maaga mamaya para makapag-dinner pa tayo,” pabiro kong sabi sa kanya.

“Patay tayo d’yan! Bakit mo sinabi? Pero actually, may hinanda akong surprise dinner pero hindi na siya surprise kasi nasabi ko na siya sa’yo,” sabay kamot niya ng ulo.

“Eh bakit mo kasi sinabi?”

“Nag-e-expect ka na ng dinner date eh.”

“Sabi ko lang naman dinner ah?”

“Fine. Pero ayun, may surprise visitor din kasi tayo sana. Darating siya mamaya, so kailangan nating maglinis ng apartment,” sabay tayo ni Seulgi mula sa pagkakaupo sa kama.

 “Wow, VIP. Bakit kapag darating ako galing office di ka naglilinis?” pang-aasar ko sa kanya.

“Babe naman, alam mo sinusulit ko minsan work from home namin, minsanan lang ‘yun,” sabay pout ng labi niya.

Cute.

“Kidding, Seul. Sige na, baka mamaya masabon ka pa sa office male-late ka na.”

Lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap.

“Happy birthday, Rene. I love you. I love you. I love you.”

“Dami naman no’n!”

“Para lang di mo makalimutan.”

“Mahal kita, Seulgi. More than you know.”

Ngumiti lang siya sa akin saka tumalon at tumakbo sa CR para maligo.

Talaga nga naman. Minsan talaga matured siya mag-isip na isa mga nagustuhan ko sa kanya pero hindi ko maiaalis na gusto ko rin itong side niyang parang bata. Minsan makulit. Minsan madadapa sa ka-clumsy-han.

Napaupo muna ako ulit sa kama para ayusin naman ‘yung hinigaan namin at saka ko ipinasok sa ref ‘yung cupcakes na bigay ni Seul. Nakita ko naman sa dining area ‘yung naiwan niyang phone at nakita ang notification na kakapasok lang.

Akala mo maiisahan mo ko, Seulgi. Si Wendy pala ang VIP guest natin, ah.

Hindi ko na lang sinabi kay Seul ‘yung nakita ko. Binilisan niya ang pagkilos, nagbihis kaagad saka umalis.

“Babe, phone mo,” habol kong sabi bago siya makarating ng pinto.

“Ah, shocks. Thanks, babe! Una na ‘ko,” pagmamadaling sabi ni Seulgi saka niya kinuha ng mabilis ‘yung phone na inabot ko sa kanya.

Nagsimula na rin akong mag-ayos ng gamit bago pumasok sa opisina. May presentation ako ngayon, at andun ‘yung kinaayawan kong editor na mahilig kumuda sa presentation skills ko. Oo, alam kong maganda siya, matangkad – at sige – magaling sa trabaho, di naman niya ko kailangang i-look down! Kaya kahit birthday ko, pinaghahandaan ko ‘tong lecheng presentation na ‘to na pwede namang ‘yung supervisor ko ‘yung gumawa.

Dumating ‘yung oras ng presentation at maagang nandito si masungit na editor na mahilig kumuda. This time, ready ako sa lahat ng pwede niyang itanong sa akin. Alam ko ang bawat sagot. Alam kong alam ko.

“Irene, what do you mean by 90% decrease in your chart here? You mentioned that we’ve increased our website pageviews this month. I’m a little confused here.”

Shet.

Na-typo ako.

Sa sarili kong report presentation.

Na pinaghandaan ko.

Na napansin ni masungit na editor.

Tangina.

“Uh… Joy, I’m sorry it’s a typo, but the website pageviews did actually went up this month,” pag-panic ko pang sabi sa harap ng buong team.

“Okay, it’s fine, I get it. Thank you for clarifying,” mabilis na sabi ni Joy. Nakakapagtaka na mabait siya ngayon.

“Don’t be nervous, Irene. I’m just clarifying lang ha.”

“Thanks, Joy. So proceeding to the next slide…”

At natapos sa wakas ang presentation nang nilapitan ako ni masungit na editor.

“Irene, next time please double-check your charts ha? I’m really sorry to call you out that way kanina but you know it will make us look unprofessional even it’s a small typo,” sambit ni Joy.

“It’s fine, Joy. Thank you rin actually. Will do better next time!”

“Actually, may atraso ka sa akin,” biglang sabi ni masungit na editor.

“Huh?”

“Napagalitan ako kasi akala ng boss ko decreasing talaga…” sabay lapit niya ng mukha niya sa akin saka bumulong.

“…kaso hindi kasi siya nakikinig sa’yo kaya kasalanan niya talaga ‘yun…” tumayo siya ulit ng diretso sa nagpatuloy sa pagsasalita.

“…so may favor ako dapat in return.”

Huh?

“Huh?”

“Irene, muntik akong masabon ng boss ko dahil sa little mistake na ‘yun. In return, I have to ask you something.”

“Ha? Bakit? I get it, may mali ako. Pero parang blackmailing naman ‘tong ginagawa mo sa akin. I’ll do better next time, I promise. Nag-ready pa nga ako kanina for this pero I guess kulang pa ‘yung preparation ko dahil may na-overlook ako.”

“Just take me to a dinner tonight. That’s it,” mabilis na sambit ni Joy.

Ano raw?

“Ano?”

“Kahit kain sa labas. Sorry, please, di lang talaga maganda ‘yung mood ko today I need someone to talk to?”

“Bakit ako?”

“Kasi kausap na kita ngayon? Tsaka di ako close sa colleagues ko.”

“At close tayo?”

“Please, Irene. Nag-break kami ng boyfriend ko kanina.”

Oh .

“Sige na, I’ll drive somewhere else samahan mo lang ako, please? Do you have anything to do pa ba? It’s almost 4pm.”

Napaisip ako.

May dinner kami ni Seulgi mamaya with Wendy. Hindi niya alam na birthday ko. Dapat ko bang sabihin? Pero ayoko siyang maging close pero ang gago ko naman para iwan siya dito.

Pero naisip ko kung pupunta naman si Wendy mamaya sa apartment, kung hindi ko man makausap ng maayos ‘tong si Joy, pwedeng si Wendy ang kausapin niya.

“May mga kailangan pa ‘kong tapusin na reports, Joy, pero mag-out ako ng 4:30pm. Kaya mo ba ‘kong hintayin?” sinsero kong tanong sa kanya.

“Okay, I’ll wait. I-ready ko lang ‘yung car. Hanap na ko ng place,” sabay hablot ng phone siya sa kanyang bag.

“Teka, hindi. May alam akong lugar. Akong bahala sa’yo,” sabay ngiti ko sa kanya.

--

“So, bakit sa apartment mo?” tanong ni Joy matapos niyang tignan ang buong apartment namin ni Seulgi. “Wow, daming trophies and books. Didn’t realize na nerd ka pala.”

“No, not really. Sa girlfriend ko lahat ‘to,” sabi ko sa kanya habang inaabot ang isang basong tubig.

“Oh, you have a girlfriend,” malumanay niyang sabi.

Umikot siya sa buong apartment at naglakad patungo sa kusina nang napansin niya ang instax photos namin ni Seulgi na naka-magnet sa harap ng refrigerator.

“Cute ng girlfriend mo,” sabi niya habang hawak niya ang isang instax photo. Totoo naman, cute si Seulgi sa photo na ‘yun. ‘Yun ‘yung date namin right after niya grumadweyt. Nag-lunch lang silang pamilya nila saka siya tumakbo papuntang Maginhawa para kitain ako dahil nangako siya na ililibre niya ‘ko dahil grumadweyt na siya.

Hindi pa kami no’n.

Pero para sa akin, date na ‘yun.

Bakit bigla akong kinilig.

“I know.”

Sabay balik ni Joy sa sala saka umupo sa maliit naming sofa. Tumingin siya ulit sa cabinet ng trophies and books, na parang may hinahanap na sagot sa di ko malamang tanong.

“Ilang years na kayo ng girlfriend mo? Ano name niya?”

“Ah, buwan pa lang kami but we’ve been friends since high school. 3rd year ako, 1st year siya. Seulgi name niya.”

“Ah, the way I see it, mukhang ikaw ‘yung nag-adjust at tumira sa apartment niya. Di kita makita dito maliban sa refrigerator,” sabay inom ni Joy ng tubig.

“Yeah, kanya talaga ‘tong apartment na ‘to pero siya actually nag-adjust for me. She likes being alone here pero inaya niya ‘ko na dito na tumira para hindi na ko mahirapan mag-commute at mas malapit ‘to sa company building natin. Pumayag ako of course at para mas makasama ko siya,” paliwanag ko sa kanya.

Natawa siya.

 “I didn’t expect na ‘yung palaban na Irene na nakikita ko lagi sa presentations, ganito pala ka-whipped sa girlfriend. Cute mo lang,” natatawa niyang sabi.

Well, what can I say? I agree to that. Whipped ako kay Seulgi. Okay lang.

“I am,” sabay ngiti ko sa kanya.

“Cute or whipped?”

“Both. Pwede namang both ‘di ba?”

Natawa na naman siya. Hilig pala nito tumawa.

“So what does she do? For a living?”

“Graphic designer siya. She really likes visual arts kahit ‘nung high school pa kami. ‘Yung ibang paintings na nakikita mo d’yan, siya ‘yung gumawa…” sabay turo ko sa paintings ni Seul.

“Actually, pauwi na rin ‘yun. Mami-meet mo naman siya. She will prepare a dinner for us pero with a friend. Na-figure out ko kung sino, so I guess okay lang na isama ka mamaya for that dinner para naman may kausap din ‘yun,” sabi ko sa kanya.

“Teka, ano bang meron bakit may dinner?”

“It’s my birthday.”

“Oh, my God! Sana sinabi mo kaagad! Happy birthday, girl!”

“Thank you!”

Saka nag-ring ‘yung phone ko.

“Irene?”

Si Seulgi.

Pangalan ko lang ‘yung sinambit niya pero parang dala-dala niya ‘yung mundo sa sobrang bigat ng pagbitaw niya sa dalawang pantig na ‘yun.

“Seul! Bakit, anong nangyari?”

Tinignan ako ni Joy na tipong ino-obserbahan ang pag-uusap namin ni Seulgi.

“I’ll be late, Rene. Sorry, I need more time to finish this ing .”

Si Seulgi, nagmura.

Hindi maganda ‘to.

“Seul, okay sige naiintindihan ko pero h’wag kang masyadong magpakapagod, okay?”

“Rene, si Wendy ‘yung darating. Sorry, nawala na ‘yung surprise pero in any minute papunta na siya d’yan please pakipaliwanag na lang na male-late ako ah? I think she knows what to do. Wala talaga akong time for a call or text or whatever pero I need to call you to assure you na uuwi ako.  Nakakainis lang biglang hiningi ‘tong design na ‘to na dapat next week pa deadline. Birthday mo eh. Sobrang wrong timing!”

“Seul, okay sige. Hinga ka muna, okay? H’wag masyadong mag-coffee. If you need help, talk to your colleagues. Baka naman pwede ka nilang tulungan d’yan. H’wag mo masyadong isipin na birthday ko. I understand, okay?”

Nakita kong napakunot ng noo si Joy.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
vivsydwrites
Sigurado, completed! <3

P.S. May naiwang sulat sa chapter 7 pero nai-update na po. Haha. :D

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1028 streak #1
Chapter 8: ang ganda! salamat po otor! 🧡
_m3owrene
#2
Chapter 8: ❤️‍🔥
2014605911
#3
Chapter 5: 🤦‍♀️ nagluto ng kimchi fried rice? If I were Irene baka mas lumala pa yung mood ko kasi of all things na sasabihin na supposedly good thing daw eh yun lang pala. Like, really? Baka isipin ko na pinagtitripan pa ako kahit na sobrang toxic na sa trabaho. I understand na Irene knows yung stance and ability ni Seulgi sa pagluluto kaya for her to cook despite that would be meaningful in a way, pero yung masama na nga yung araw tapos sobrang pagod na nung tao tapos sasabihan lang niya na good news daw is nagluto siya was a rather tasteless move, in my opinion. It doesn't sound nor hit quite right kahit na Seulgi just said that to be sensitive towards what Irene is feeling and undergoing right now. Parang nagtunog insensitive and childish tuloy. Appreciate the thought behind it (the omission), but that was weak AF. Yung palusot na nagluto, I mean🤷‍♀️🥴
ramborambo #4
Chapter 4: ang ganda huhuhuhu pahingi ng isang seulgi!
waiting po sa updates.
ENGRislandpwet #5
Chapter 4: Maraming salamat otor-nim sa update, worth the wait. :) Maikli pero puno ng emosyon. Each character's differences are delivered in a good way. Favorite chapter ko 'to so far. Pati yung wordplay sa title, ang cool parang si seul. Haha. Anw, wala pa ring forever. :D You're welcome! :))
2014605911
#6
Chapter 4: Same stance with Irene here. Neutral actually kaso kung papapiliin I would choose the same as her. Ang stupidly idealistic kasi nung concept ng forever. Meant to be pwede pa, pero forever? Hindi ba pwedeng mag stop lang sa mahal ka at merong kayo? Hindi naman need na bigyan lahat ng measurement or lalim eh. Mas mahalaga yung sentiment and feeling na nandiyan sa kahit anong oras o panahon.
baeddeulgi_
#7
Chapter 1: Ang ganda po 🥺
Th5t_XX
#8
Chapter 3: Otor ang ganda huhu, thank you for this, ayos na ayos yung pacing ang ganda ng pasok nung tatlo, sakto sakto lang, di naman talaga maiwasan yung minsan biglaang mag OT, buti nalang napaka understanding ni Irene
Blue_is #9
Chapter 3: Ang ganda po author, yung pagpapakilala sa characters nina Joy, Wendy at Yeri ang natural ng dating.
iskoseul
#10
Chapter 2: may bago na ‘kong paborito :—D ang ganda ng update, salamat po!