Two Hearts.

Sigurado
Please Subscribe to read the full chapter

“What the hell, babe?”

Unang sabi ni Seulgi pagkalabas niya ng CR matapos maligo.

“What now?”  

“Anong trip mo? Bakit “Bahala Na” na ng JaDine ‘yung tumutugtog sa laptop mo?”

Natawa lang ako sa sinabi niya.

“I need inspiration, babe. I thought supportive ka sa pagsusulat ko?” sabay pagka-halukipkip ko at tinignan siya ng pabiro.

“Di pa ba ‘ko sapat na inspiration for your writing?” Sabay ngisi niya.

Hayop na babaeng ‘to. Nang-a-ano eh.

“Gago.”

“Na-gago pa ko?”

Sobrang cute nung sincere ng pagtatanong niya, hindi na siya nasanay sa pagmumura ko every day, every night.

“Kinilig ako, sorry.” Sabay tingin ulit sa laptop ko.

“Sorry? You don’t have to be sorry. Come here.”

Ang hirap dito kay Seulgi, mabilis akong ma-distract sa mga pa-ganito niya. Pero siyempre di tayo papatinag.

“Kailangan kong magsulat, Seul.”

“Alright, I’ll keep you company.”

My turn.

“You are and will always be my company, Seul.”

At ayan na nga yung ngiti niyang nakakatunaw. Ako ‘yung nagpakilig pero ako ‘yung tinamaan sa kilig niya.

Ano ba naman ‘to, Lord. Pero sana hindi matigil ‘yung mga ganito namin.

“Tara, labas na lang tayo?” pag-aya ko sa kanya.

Lumabas kami at naglakad-lakad sa area malapit sa place niya—namin. Nauuna siyang maglakad, dahil kahit ako ang nag-aya, sadya ko na pinapauna siya dahil mas alam niya dito. Nakarating kami sa kung saan-saan. Pinag-uusapan ang mga taong mga dumaan. Mga batang umiiyak na naiwan sa habulan. Magjowang mas mabagal pa maglakad kaysa sa amin. Old couples na kilig na kilig kami.

Napahinto siya bigla sa paglakad.

“So tungkol saan ‘yung sinusulat mo ngayon?”

Huminto na rin ako at saka kami napatingin sa paglubog ng araw.

“Sa totoo lang, Seul, wala pa siyang direksyon. Medyo vague pa. Tungkol sa isang couple na maii-stuck sa isang place dahil nagkaroon ng pandemiya.”

“Woah, wait there! I want to read it now.”

“Wait lang, Seul. Wala pa. Chill ka lang!”

“Nakaisip ako ng book cover idea!”

“Okay wait, parang gusto ko na bumalik sa apartment at ituloy ‘yung sinusulat ko.”

“So bakit mo naman biglang naisip na ‘yan ‘yung isusulat mo?”

Napaisip ako sa tanong niya.

“May nabasa lang akong write-up before about Spanish influenza. Actually, naalala ko dun si Edward Cullen.”

Nakita ko siyang natawa pero interesado pa ring makinig.

“Tapos after no’n, nakabasa naman ako ng article about “How to Maintain a Relationship?”, so wala lang, bigla ko lang naisip na what if, ilagay ko sa isang sitwasyon ‘tong dalawang taong ‘to na biglang magkaka-pandemic

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
vivsydwrites
Sigurado, completed! <3

P.S. May naiwang sulat sa chapter 7 pero nai-update na po. Haha. :D

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1022 streak #1
Chapter 8: ang ganda! salamat po otor! 🧡
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 8: ❤️‍🔥
2014605911
#3
Chapter 5: 🤦‍♀️ nagluto ng kimchi fried rice? If I were Irene baka mas lumala pa yung mood ko kasi of all things na sasabihin na supposedly good thing daw eh yun lang pala. Like, really? Baka isipin ko na pinagtitripan pa ako kahit na sobrang toxic na sa trabaho. I understand na Irene knows yung stance and ability ni Seulgi sa pagluluto kaya for her to cook despite that would be meaningful in a way, pero yung masama na nga yung araw tapos sobrang pagod na nung tao tapos sasabihan lang niya na good news daw is nagluto siya was a rather tasteless move, in my opinion. It doesn't sound nor hit quite right kahit na Seulgi just said that to be sensitive towards what Irene is feeling and undergoing right now. Parang nagtunog insensitive and childish tuloy. Appreciate the thought behind it (the omission), but that was weak AF. Yung palusot na nagluto, I mean🤷‍♀️🥴
ramborambo #4
Chapter 4: ang ganda huhuhuhu pahingi ng isang seulgi!
waiting po sa updates.
ENGRislandpwet #5
Chapter 4: Maraming salamat otor-nim sa update, worth the wait. :) Maikli pero puno ng emosyon. Each character's differences are delivered in a good way. Favorite chapter ko 'to so far. Pati yung wordplay sa title, ang cool parang si seul. Haha. Anw, wala pa ring forever. :D You're welcome! :))
2014605911
#6
Chapter 4: Same stance with Irene here. Neutral actually kaso kung papapiliin I would choose the same as her. Ang stupidly idealistic kasi nung concept ng forever. Meant to be pwede pa, pero forever? Hindi ba pwedeng mag stop lang sa mahal ka at merong kayo? Hindi naman need na bigyan lahat ng measurement or lalim eh. Mas mahalaga yung sentiment and feeling na nandiyan sa kahit anong oras o panahon.
baeddeulgi_
#7
Chapter 1: Ang ganda po 🥺
Th5t_XX
#8
Chapter 3: Otor ang ganda huhu, thank you for this, ayos na ayos yung pacing ang ganda ng pasok nung tatlo, sakto sakto lang, di naman talaga maiwasan yung minsan biglaang mag OT, buti nalang napaka understanding ni Irene
Blue_is #9
Chapter 3: Ang ganda po author, yung pagpapakilala sa characters nina Joy, Wendy at Yeri ang natural ng dating.
iskoseul
#10
Chapter 2: may bago na ‘kong paborito :—D ang ganda ng update, salamat po!