Fo(u)rever Is Not Enough.
SiguradoNagising ako na wala sa tabi ko si Seulgi, pero naamoy ko na may ginagawa na siyang breakfast sa kusina. Maaga siguro siyang bumangon para pagsilbihan ‘yung mga bisita. Nakakatawa kasi hindi naman siya ganito sa aming dalawa, pero kapag may ibang tao, pakitang gilas siya.
Tumayo na ‘ko para man lang matulungan si Seulgi sa pagluluto dahil nakakahiya naman sa mga ‘to lalo na kay Wendy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nandito na sa bansa.
Pero nakita kong nag-iimis na si Yeri ng hapag-kainan habang si Wendy ang nagluluto.
Nasaan si Seulgi?
“Hi, Ate Irene! Good morning!” Bati ni Yeri habang nilalapag ang mga pinggan sa maliit naming lamesa. Nagtataka pa rin talaga ako sa sarili ko bakit ko hinayaang mag-dinner party dito kagabi kaming lima, eh kung tutuusin, pang dalawahan lang ‘tong dining table namin ni Seulgi.
“Good morning! Si Seulgi? At bakit ikaw na naman ‘yung nagluluto Wendy?”
“Si Seul talaga ‘yung nagluluto kanina, Rene. May tumawag lang sa kanya, nasa labas siya right now,” paliwanag ni Wendy.
“Ah, okay. Good. Sige, ako na magtuloy n’yan, kain na kayo ni Yeri.”
Kinuha ko ‘yung spatula kay Wendy para tapusin na lutuin ang mga itlog, saka naman umayos kumain si Wendy at Yeri.
“Sorry talaga Rene, I have to go home pa talaga. Bibisitahin ko kayo ulit ni Seulgi, promise. Kulit lang talaga ni Papa, gusto na ‘ko pauwiin eh,” sabi ni Wendy.
“Okay lang, Wends. Naiintindihan ko naman. Tsaka ‘di ko nga in-expect na pupunta ka dito, at sa birthday ko pa.”
“No worries. Basta ikaw, Rene, kayo ni Seul. Malakas kayo sa akin, eh.”
“Atwe Ayrwin…” sabi ni Yeri habang ngumunguya. Nilunok niya muna ‘yung kinakain niya bago niya tinuloy ‘yung gusto niyang sabihin. “…thank you po talaga sa pagpapatuloy sa akin dito. Sabihan niyo lang po ako kung ano po ‘yung pwede kong gawin para maibalik ‘yung favor.”
“Nako, Yeri, delikado ‘yang sinasabi mo,” sabat ni Wendy. “Si Irene ‘yang tinatanong mo. Baka imbes na favor ang hingin sa’yo, parusa ang dadanasin mo.” Tumawa si Wendy habang hinahati ang sunny side up na medyo nasunog ang gilid gilid nito.
“H’wag ka maniwala d’yan kay Wendy, Yeri. Nagbibiro lang ‘yan,” wika ko sa kanya.
“Seryoso po ako Ate Irene. Kung may favor po kayo ni Ate Seulgi, go lang po…”
Sabay pumapasok naman na si Seulgi mula sa labas ng apartment.
“…pwede po akong tagalinis ng apartment niyo kung need niyo po sa housecleaning, mga gano’n.”
“No, Yeri. Di ka pwede sa housecleaning, I saw your work desk,” sabat ni Seulgi habang papalapit sa akin para kunin ang spatula.
“Grabe naman, Ate Seul. Hindi ako gano’n. Nakita ko nga ‘yung laptop, iPad, at ukulele mo nakakalat sa table mo eh!”
“Hey! Senior mo ko!” sabay turo ni Seul kay Yeri habang hawak ang spatula.
“What, Seul? Bakit ka may ukulele sa workplace?” tanong ni Wendy.
Actually, it was my gift to her last year since sabi niya, gusto niya raw ng bagong hobby na may kinalaman sa music, so I went for ukulele.
“Nakalalat lang ‘yung ukulele sa table mo?” tanong ko sa kanya na may pagkukunwaring nagtatampo.
Nakikita ko namang tumatawa na sa gilid si Yeri. Mukhang malakas ‘tong batang ‘to kay Seulgi at nabibiro niya ‘tong girlfriend ko ng ganito.
“Teka, hey, Wendy you don’t know my work. Nakaka-stress din, ah! And babe, no, hindi siya nakakalat, please h’wag kang maniwala d’yan kay Yeri. Naabutan lang niya kong nagyu-ukulele nung time na miss kita.”
Ugh.
Seulgi, stop.
No, don’t.
“Fine. Sino pala ‘yung tumawag?” Tamang bali lang ng usapan. ‘Di ko dapat ipahalatang kinikilig ako.
“Ay, wow. Tigas mo naman, Rene,” sabi na lang ni Wendy.
Natapos nang magluto si Seulgi at naghain pa ulit sa table.
“Ah, si Jisoo. Nag-email daw siya ng RVSP for her wedding niya sa atin. Di raw siya nakatanggap ng reaction from me yesterday so she called. Sabi ko sobrang daming ginagawa kahapon. Can you believe it? Ikakasal na si Jisoo?”
“Ah, I received it last night Seul. Kaso natutulog ka na, ayaw na kitang istorbohin. Yeah, can’t believe she’s getting married na. Kelan lang umiiyak siya sa’yo bakit wala pa siyang jowa,” sabi ko sa kanya.
“Teka, Jisoo from the theater club? ‘Yung crush ni Seulgi na lower batch? ‘Yung ‘di naniniwala sa forever?” tanong ni Wendy.
“Yep, siya nga,” sagot ko.
Si Jisoo. ‘Yung first crush ni Seulgi na friniendzone siya. ‘Yung babae sa theater club. ‘Yung babaeng laging laman ng camera niya nung high school. Si Jisoo, ang unang taong pinagselosan ko.
“Nice. Parang kelan lang di siya naniniwala sa forever,” sabi ni Wendy.
“Anong meron bakit di siya naniniwala sa forever?” tanong ni Yeri.
“Well, she was dubbed as Ms. Hindi Naniniwala sa Forever nung high school since kapag tinatanong kung may jowa na ba siya, ‘yan lagi niyang sagot. ‘Di ako naniniwala sa forever.’ As in constantly siyang tinatanong. Then years later nung naging magkaibigan kami, nabanggit niya sa akin na parang pinagsisihan niya na ‘yun ‘yung lagi niyang bukambibig kasi gusto raw pala niyang magka-jowa,” sagot ni Seul.
“Naging kayo ba Ate Seulgi?”
“No…” sabay tawa ni Seulgi at napatingin sa akin.
“…but siya ‘yung first crush ko. Kasali ako no’n sa photography club tapos minsan kapag need ng help ng editorial team sa pag-cover ng theater club events, nagbo-volunteer ako para makunan siya ng photos. Eventually, naging magkaibigan kami kasi inaasar ako nung photography club sa kanya tapos nung time na nag-confess ako na gusto ko siya, na-friendzone niya ako.”
“Oh. Sad naman for you, Ate. Pero at least you have Ate Irene now…” sabay tingin sa akin ni Yeri.
“…pero kayo ba? Naniniwala ba kayo sa forever?”
Oof. Tough question, but I gotta say…
“Yep! Oo naman,” sagot ni Seulgi.
“Yeah, my parents are true testament of it,” sagot ni Wendy.
“No. I don’t believe in it,” sagot ko.
Comments