As One.
SiguradoNaririnig ko na ‘yung tunog ng kuliglig habang lumalalim ang gabi. Naririnig ko rin ang ingay ng TV na nakabukas pa rin dahilan para lalo akong mairita, kaya gusto ko nang tapusin ‘tong araw na ‘to at i-send na ang huling files na kailangan ng opisina para maka-move on na ‘yung isang department sa reports week starting tomorrow. Gusto ko nang humilata sa kama.
Dinig ko rin ang buntong hininga ni Seulgi, na para bang, ‘tangina, tapusin mo na ‘yan, gusto ko nang matulog,’ pero hindi niya ‘yun kayang sabihin kasi una sa lahat, hindi siya nagmumura.
“I’m just gonna send this one last e-mail, then I’m free,” sabi ko sa kanya.
“Resignation?” biro niya.
That e-mail is not a resignation letter, because, of course, resignation letter is not the last e-mail you will send once gusto mo nang umalis sa pinapasukan mong kumpanya. But I do want to resign, it’s just that, ang hassle. Pagod na ‘ko sa trabaho ko but I have things to do. Parang ang hirap pakawalan.
“Not yet, babe.”
One of the reasons why I want to resign is this: gusto ko siya makasama ng mas mahaba. Gusto ko ng mas maraming time para sa aming dalawa. Ayoko na laging ganito, inaantay niya ‘kong matapos ang araw – este – gabi, para lang magkaroon kami ng oras para sa isa’t isa na kadalasan, nauuwi sa pagtulog dahil parehas na kaming pagod sa dumaang araw.
Unang buwan ito na kami na. Inaya ako ni Seulgi na tumira sa apartment niya, para hindi na raw malaki ang gagastusin namin dahil maghahati na kami sa renta, at saka, mas malapit sa trabaho ko.
Ayos naman ‘tong apartment, may sala, may kama, may TV, may mga saksakan. May parte na pwedeng magluto. Naging maganda sa paningin ‘yung apartment kasi naayos ni Seulgi ‘yung aesthetics ng bawat sulok nito.
Unang dating ko sa apartment niya, parang dito ko na gustong tumira forever. Nakita ko kung paano niya pahalagahan ‘yung tinitirhan niya – sobrang ayos. Homey. Tipong di mo iisiping apartment ‘to. Alam kong kaya niya kong alagaan parang ‘yung pag-aalaga niya sa tirahan niya.
Pebrero ako lumipat. Surprise! Valentine’s day naging kami. Sinong hopeless romantic? Ako! Pero siya naman kasi ‘yung nagtanong eh. Sumagot lang ako. Matagal na niyang inamin na mahal niya ako. Matagal na niyang alam na ‘yung buhay ko ang gulo-gulo pero pinili pa rin niyang pumasok sa buhay ko. Matagal na niya akong pinagmamasdan, sabi niya. Matagal na raw niya akong inasam na hindi niya alam kung darating pa ba ang araw na ‘yon.
Siyempre, kinilig ako.
Pero hindi ‘yun ang dahilan kung bakit ko siya mahal.
“Sent! Yes, tapos na rin!” halos pasigaw kong sabi.
“Finally, makakatulog na tayo,” sabay talon ni Seulgi sa kama.
“Teka, ‘yung laptop ko baka malaglag.”
Please Subscribe to read the full chapter
Comments