Hi! My name's Twenty!

*toktok* Pabili Nga Po!
Please Subscribe to read the full chapter

Sunod na nakita ni Irene ang bata nang muli itong napadpad sa tindahan nila umaga nang kinabukasan.

 

May kasama itong nakatatandang babaeng sa palagay niya ay ang nanay nito na kasalukuyang kausap ng Mama Taeyeon niya. Naulinigan niya ang mga itong nagpalitan ng pagbati sa isa't isa bago bumili ang ginang ng cooking oil.

 

"Kayo po 'yung bagong lipat dyan sa kanto, ano?"

 

"Ah, yes! Sorry for not introducing myself earlier. I'm Tiffany," mapagpaumanhing sabi ng ginang bago ito naglahad ng kamay.

 

"Sus, wala 'yon," malumanay na kumumpas ang mama niya at nakipagkamay sa kausap. "Taeyeon. Welcome rito sa village!"

 

"Thank you! The environment and the people seemed really nice," malugod na tugon ni Tiffany. "Oh, and this is my daughter pala!" Madali nitong binuhat ang batang kasama at maingat na ipinatong sa taas ng bangko. "Go ahead, Wan, say hi."

 

Mula sa kanyang pwesto sa sulok ay nakita niya ang batang nagkuskos ng mata at pupungas-pungas pa.

 

Cute naman niya.

 

"Hello, good morning! My name is Seungwan po. Nice to meet you po!" bibong-bibo nitong pagpapakilala kahit mukhang kagigising lang.

 

"Hi, Seungwan, nice to meet you rin! Ang cute cute mo naman!" Nagagalak na bulalas ni Taeyeon. Nag-angat ito ng tingin kay Tiffany. "Nako, maraming bata rito na pwede niyang makalaro. Tamang-tama't may chikiting din ako na sa palagay ko'y sing-edaran lang ng iyo— panigurado magkakasundo sila no'n! Sayang lang at mahimbing pa yatang natutulog."

 

Oops...

 

Oo nga pala, dapat tulog pa siya. Agad siyang tumalikod at tumungo sa kusina para pumwesto na sa mesa bago pa man makabalik ang ina.

 

Hindi naman sa sinadya niyang tsumismis nang palihim— magtatanong lang sana siya kung nasaan ba 'yung ketchup nila para sana ro'n sa hotdog na aalmusalin niya, kaso naabutan niya ang Mama Taeyeon na busy pala. Hindi rin naman siya pwedeng sumingit na lang basta kaya napagdesisyunan niyang maghintay na lang muna saglit, nagbabakasakaling matatapos na rin naman ito.

 

"Oh, good morning, 'nak!" Salubong sa kanya ni Taeyeon nang makita siya nito. "Gising ka na pala. Sayang, 'di mo pa naabutan 'yung bago nating mga kapitbahay na nakipagkilala."

 

Nagkibit-balikat na lamang si Irene at bumati rin ng magandang umaga sa ina. May ibang pagkakataon pa naman siguro siya para makipagkilala.

 

 

 

 

"Ren, tara, laro tayo!" Nakangiting aya sa kanya ni Seulgi, isa sa mga kaibigan niya.

 

Hay, sumapit na ang tanghaling-tapat at umaatake na naman sila. Gusto niya lang naman magbantay ng tindahan, pero sa araw-araw na lang talaga na ginawa ng Diyos ay lagi siyang pinipilit ng mga kaibigang maglaro sa labas kahit na walang palya lang din naman siyang tumatanggi.

 

Humingang malalim si Irene at sumimangot. "Ih, ayoko nga! Ang init-init kaya. Tsaka sabi ni mama magkakakuto daw ako kapag nagbilad ako sa initan!"

 

"Hala, 'wag ka maniwala do'n! 'Di naman totoo 'yon, tinatakot ka lang ni Tita!"

 

Pinagkrus niya ang mga braso at binigyan ng mapanghamong tingin ang nasa harap, "Eh, bakit may kuto ka?"

 

Natahimik ang batang si Seulgi, napaisip din malamang.

 

"Ano naman?" Tugon nito matapos mag-isip nang mabuti. "Tsaka okay lang naman sa'kin kasi mahilig naman ako sa animals!" Taas-noong pahayag nito at inismiran pa sa siya.

 

Napangiwi si Irene sa narinig. Sigurado siya na sa murang pag-iisip ng kaibigan ay hindi pa nito naga-grasp ang concept ng parasites at ang hangganan ng pagiging isang animal lover.

 

"Yuck! Kahit pa, noh! Alam mo bang sinisipsip nila 'yung dugo mo?" Maalam niyang rebut. "Tapos sabi pa ni mama sa'kin kapag daw 'yung bata masyado na maraming kuto matatangay na 'yon, tapos dadalhin do'n sa malaking puno na pugad nila!"

 

Kasabay ng malakas na pagsinghap ni Seulgi ang panlalaki ng mga mata nito— kung dahil ba sa gulat o sa takot sa nalamang impormasyon ay hindi sigurado ni Irene. Sumakto rin na bigla itong kumamot sa ulo at kung dahil man sa pagkalito o sa pangangati sa kuto, hindi niya na lang talaga alam.

 

"Hmph!" Asar-talo itong nagpadyak ng paa. "Grabe ka naman! At least makakalipad ako! Bye na nga, bleh!"

 

 

 

 

Pagdating ng hapon ay muli siyang niyaya ng mga kabata at sa pagkakataong 'yon, pumayag na siya. Napalitan na kasi ng preskong simoy ng hangin ang kaninang alinsangan sa paligid. Hindi niya man aaminin pero isa rin sa dahilan kung bakit siya biglang napapa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
i'll do my best to update this more often, pero no promises pa rin hehe

Comments

You must be logged in to comment
Joanajade
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHA Kutuhin pala tong si Seulgi hahaha laptrip
speac_sci
#2
Chapter 3: ang kyuuuttttt hahaha
WluvsBaetokki #3
Chapter 2: Si Seulgi 😭😭😭 natatawa ako puta
LockLoyalist
#4
Chapter 3: Please let me keep Wendy hahaha jk ang cute kasi eh
purplejoch
#5
Chapter 3: hayyy napa cute niyong dalawa, salamat kay peppa pig dahil natulungan mo mag explain si joohyun 😅 authornim sana maging kalaro din sila 💗💙
SEEKER_
#6
Chapter 3: Parang laging may inuman sa bahay nila Wendy hahaha laging pinapabili ng ice nyelo eh
mklarisse_ #7
Chapter 3: ANG CUTE NILA 😭 ice nyelo forlyf
baejoonism #8
Chapter 3: Aaahhh cute cuteee!
SuperHolly214
#9
Chapter 3: very short pero ang cute talaga
ang conyo naman tlg ni wendy dito

pano kaya pag malaki na sila...sino unang maffall hihihihi
Uwaynegrace28
#10
Chapter 2: Ang conyo haha