Problem Solved

*toktok* Pabili Nga Po!
Please Subscribe to read the full chapter

"Toktok! Pabili pooo!"

 

Bahagyang napatalon sa gulat si Irene bago siya nagtatatakbo papunta sa harap ng kanilang tindahan. Saglit kasi siyang pumunta sa kusina para uminom ng tubig at magpalamig muna sa harap ng ref. Sobrang init kasi.

 

"Oh! Uhm, hello..." Mahiyaing bati sa kanya ng customer nang makita siya nito.

 

Natigilan siya, saka kiming ngumiti at nagkaway ng kamay. "Hello, Wendy..."

 

Maliit na ngiti ang itinugon nito sa kanya. "Do you still have ice nyelo?"

 

Masigasig na tumango si Irene. "Magkano?"

 

"...huh?" Nagtagilid ng ulo si Wendy at doon lang naalala ni Irene na hindi nga pala ito masyadong nakakaintindi ng Tagalog.

 

"How much bibilihin mo?"

 

"Ahh! Here, five pesos only just like last time!"

 

Muling nagtango ng ulo si Irene at nagsimula nang ihanda ang binili nito. Nang matapos ay agad niyang inilapag ang plastic ng yelo sa harap ni Wendy at kinuha ang limang pisong inabot nito.

 

Binalot ng kalituhan ang mukha ng bata sa kanyang harapan. Ilang mga sandali itong nanatili lang sa kinatatayuan habang iniinspeksyon ang mga ice tubes at para bang may hinihintay na kung ano.

 

Magtatanong na sana siya kung may problema ba o kung may bibilhin pa ba ito, pero naunahan siya ni Wendy magsalita.

 

"Thank you, Irene..." hindi siguradong sabi nito, saka dahan-dahang bumaba sa tungtungan at naglakad palayo.

 

Hindi mapipigilang mapaisip si Irene. Naalala niya kasing gano'n din ang naging reaksyon ni Wendy nang una itong bumili sa tindahan nila noong nakaraang araw.

 

Ano kayang problema sa yelo?

 

Nagkibit-balikat na lang si Irene at sinundan ng tingin ang kanyang munting customer na mabilis naglakad pauwi.

 

 

 

 

"Hellooo! Pabiliii~" katok ng batang si Wendy sa tindahan nila Irene.

 

Once again, limang pisong ice nyelo ulit ang binili nito.

 

At sa muling pagkakataon, lukot na naman ang mukha nito nang ibigay sa kanya ni Irene ang plastic ng yelo.

 

Nagkamot ng ulo si Wendy, "Uhm, Irene, is it okay if I ask you about something?" Tanong nito paglipas ang ilang sandali.

 

"Oo naman!" Ngiti niya nang pagkalaki.

 

Marahang naglapit ng mukha sa kanya ang kausap. "Even if it's business-related?" Bulong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
i'll do my best to update this more often, pero no promises pa rin hehe

Comments

You must be logged in to comment
Joanajade
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHA Kutuhin pala tong si Seulgi hahaha laptrip
speac_sci
#2
Chapter 3: ang kyuuuttttt hahaha
WluvsBaetokki #3
Chapter 2: Si Seulgi 😭😭😭 natatawa ako puta
LockLoyalist
#4
Chapter 3: Please let me keep Wendy hahaha jk ang cute kasi eh
purplejoch
#5
Chapter 3: hayyy napa cute niyong dalawa, salamat kay peppa pig dahil natulungan mo mag explain si joohyun 😅 authornim sana maging kalaro din sila 💗💙
SEEKER_
#6
Chapter 3: Parang laging may inuman sa bahay nila Wendy hahaha laging pinapabili ng ice nyelo eh
mklarisse_ #7
Chapter 3: ANG CUTE NILA 😭 ice nyelo forlyf
baejoonism #8
Chapter 3: Aaahhh cute cuteee!
SuperHolly214
#9
Chapter 3: very short pero ang cute talaga
ang conyo naman tlg ni wendy dito

pano kaya pag malaki na sila...sino unang maffall hihihihi
Uwaynegrace28
#10
Chapter 2: Ang conyo haha