Ice Nyelo

*toktok* Pabili Nga Po!
Please Subscribe to read the full chapter

Tanghaling tapat at tirik na tirik ang sikat ng araw.

 

"Ang init naman," reklamo ng batang si Irene sa kawalan. Tamad siyang tumayo mula sa pagkakaupo para ayusin ang pagkapaling ng electric fan. Nang nakuntento ay agad din naman siyang bumalik sa pwesto, saka muling dumungaw sa labas mula sa bintana ng kanilang tindahan.

 

Sa kabila ng napakatingkad na katanghalian, tumambad sa kanya ang grupo ng mga batang masayang naglalaro ng taya-tayaan— tila ba hindi nila alintana ang nakapapasong init sa kanilang mga balat at mas importante para sa mga ito ang masulit ang bakasyon.

 

Eww! Kaya sila kinukuto, eh...

 

Ibahin niyo si Irene, dahil kahit pa nakatutok na sa kanya ang electric fan (na nakatodo na ang pagbuga ng hangin) habang nanginginain ng ice candy (na kinupit niya mula sa paninda nila) ay hindi niya pa rin maiwasang maramdaman ang init na dala ng maalinsangang panahon. Kaya naman mas pinili niyang manatili na lang sa kaginhawaan ng kanilang sariling tahanan para magbantay sa tindahan nila. Mas enjoy siya sa pagbebenta at pagco-compute ng panukli kaysa magpakatusta sa initan, 'no.

 

Humingang malalim ang batang babae at muling itinuon ang atensyon sa mga batang nagtatawanan. Kakilala niya ang mga ito dahil karamihan sa kanila ay mga kapitbahay niyang nakakalaro din. Kung may mga bagong mukha man ay iilan lang din sila, mga dayo siguro.

 

Hindi naman loner ang ating bida. Niyaya rin naman siya ng mga kaibigan kanina pero mariin siyang tumanggi. Hindi pa nga yata nagustuhan ng isa niyang kalaro na si Joy ang kanyang naging pasya dahil sinabihan siya nitong 'corny', saka inirapan at mataray na nilayasan bigla. Nagkibit-balikat na lang siya at hindi na pinatulan pa— naisip niya na ayos lang, hindi naman siya ang magkakakuto, si Joy naman.

 

Iginala niya ang tingin sa paligid at agad na napukaw ang kanyang pansin sa komosyong nagaganap sa bahay malapit sa kanto. Mula sa kanyang anggulo, tanaw na tanaw ni Irene ang isang napagkalaking truck na nakaparada sa harap nito, at ang mga taong abala sa pagbubuhat ng mga muwebles at iba't iba pang kagamitan papasok sa loob ng bahay. Nakadagdag din sa kaligaligan ang mga nakikiusyosong bata, ang iba sa mga ito'y kasama pa ang kani-kanilang mga nanay— nakikichismis din.

 

May bago sigurong pamilya na naglilipat bahay sa village nila. Sa wakas, matitirhan na 'yung malaking bahay na medyo matagal ding nabakante simula nung matapos itong itayo. Lagi pa naman sila nagkakatakutan do'n kapag nagdidilim na.

 

 

 

 

Nang bandang hapon ay humupa na rin naman ang kaguluhan sa nasabing bahay. Ang mga paslit sa paligid ay paunti-unti na ring nababawasan at pinapauwi ng kanilang mga magulang. Si Irene pa rin ang nagbabantay sa kanilang tindahan. Hindi tulad ng kanina, nababagot na ito dahil iilan lang ang bumili simula nang siya ang nagbantay— puro pa sakto ang mga binabayad sa kanya, hindi tuloy siya makapanukli.

 

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip kung ano kaya ang uulamin nila para sa hapunan nang may biglang nagtuktok ng barya sa grills ng kanilang tindahan.

 

"Pabili pooo! Ice nyelooo!"

 

Sigurado si Irene na bata ang bumibili base sa boses na bumungad sa kanya at dahil na rin hanggang noo lang nito ang kita niya mula sa kanyang pwesto. Medyo mataas kasi ang bintana kaya naglagay rin ang nanay niya ng maliit na bangkong kahoy sa harap ng tindahan nila para sa mga batang hindi ito abot. Pero hindi pa yata ito nafi-figure out ng nasabing customer kung kaya't siya na ang nagkusang sabihan ito.

 

"Akyat ka dyan sa upuan para maabot mo," payo niya rito.

 

Dumaan ang ilang segundo na hindi ito umim

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
i'll do my best to update this more often, pero no promises pa rin hehe

Comments

You must be logged in to comment
Joanajade
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHA Kutuhin pala tong si Seulgi hahaha laptrip
speac_sci
#2
Chapter 3: ang kyuuuttttt hahaha
WluvsBaetokki #3
Chapter 2: Si Seulgi 😭😭😭 natatawa ako puta
LockLoyalist
#4
Chapter 3: Please let me keep Wendy hahaha jk ang cute kasi eh
purplejoch
#5
Chapter 3: hayyy napa cute niyong dalawa, salamat kay peppa pig dahil natulungan mo mag explain si joohyun 😅 authornim sana maging kalaro din sila 💗💙
SEEKER_
#6
Chapter 3: Parang laging may inuman sa bahay nila Wendy hahaha laging pinapabili ng ice nyelo eh
mklarisse_ #7
Chapter 3: ANG CUTE NILA 😭 ice nyelo forlyf
baejoonism #8
Chapter 3: Aaahhh cute cuteee!
SuperHolly214
#9
Chapter 3: very short pero ang cute talaga
ang conyo naman tlg ni wendy dito

pano kaya pag malaki na sila...sino unang maffall hihihihi
Uwaynegrace28
#10
Chapter 2: Ang conyo haha