PaMMA - Taekwondo Club

Walang Aminan (Bawal pa)
Please Subscribe to read the full chapter

Mag-aalas dose na pero hindi pa rin ako makatulog. Paano ba naman, nagpaproject na naman si Marcus niyo ng PowerPoint presentation.

 

Magpicture daw ng mga bagay sa labas tapos identify daw kung yamang lupa, yamang tubig, yamang hangin at kung ano ano pa. Anong connect nun sa Physics? Parang Grade 5 lang? If I know gusto niya lang naman iflex yung butterfly garden niya kaya todo papicture samin, bwisit talaga si Koya nyo! Kala mo di kami Grade 12 kairita talaga.

 

Isusumbong ko siya kay Evalyn at wala na kaming natututunan sa klase niya, akala niya ba kinatubo ng buhok niya ang pag—Magtutuloy pa sana ako sa pagsusumpa kay Marcus nang biglang umilaw ang cellphone ko.

 

11:31 PM

 

Leeseo: ate yujin may sasabihin ako

Leeseo: ang ganda ko hihi

Leeseo: hi good eve

 

Potaena talaga netong si Leeseo. Nag-uubos na naman ba to ng C20 niya?

 

Yujin: Problema mo

Yujin: Bat napatext ka, first time mo magkaload? wala kang katext noh sayang unli text tas mageexpired din naman O_o

Leeseo: wow kapal ng mukha MAY KATEXT KAYA AKO

Leeseo: tsaka di ka nagrereply sa messenger! palibhasa walang nagchachat sayo kaya di mo na binubuksan :(

Yujin: Wow kapal ng apog mong toddler ka. Baka nalilimutan mo na di ka pa nga quince! Anong katext ha sumbong kita kay Tita beth

Yujin: TITA BETH SI LEESEO MALANDE

Leeseo: nyenyenye bahala ka 

Leeseo: pero ate...

Yujin: Luh

Yujin: Parang natakot naman ako

Yujin: No hindi ako open minded pero gusto kong yumaman. Bibigyan mo ba ako pera?

Leeseo: epal ka!

Leeseo: papasama lang ako eh :/

Yujin: HAHAHAHAHA san ba?

Leeseo: taekwondo class :D

 

Taekwondo class? Anong trip neto.. Gusto ko sana kaso nung huling napadaan kami sa court parang puro bata naman mga beginner dun. Kakahiya kung ako pinakamatanda yikes tangkad tangkad ko pa man din.

 

Kayanin mo na yan mag-isa, Leeseo, malaki ka na godbless.

 

Yujin: Ayoko nga jusqqq 18 na ako kakahiya pa kasama ko mga G7 

Leeseo: dali na ateee

Leeseo: libre ko na bayad mo sa mga session

Leeseo: weekends lang naman tapos pwede half day langgg

Leeseo: plsss 

Leeseo: ayaw ako payagan ni mama na walang kasama

Leeseo: ateeee

 

Iniwan ko nalang on-read si Seo (in short for Leeseo kasi short din naman height nya. Char.) Hindi naman sa ayoko siya samahan... pero parang ganon na nga... Hindi kakayanin ng pride ko na makita yung mga kasing tanda ko na black belt na tapos ako white? Luh kahit magtulong tulong pa sila! Tsaka ayoko dun, kala mo sinong malalakas tanggalan mo ng belt parang pantay pantay din naman. Pasikat lang? Hay. Basta. Sure na ako.

 

Di ako magtataekwondo.

 

~

 

or magtataekwondo ako. “Tama naman si Seo! Hindi ka na lumalabas ng kwarto mo. Paano mo madedepensahan sarili mo sa kolehiyo? Sige Seo, isama mo na yang ate Yujin mo” tinuro pa ako ni Nanay gamit ang sandok.

 

“Nay, kaya ko naman sarili ko. Sipa sipa lang din naman ituturo samin dun. Pwede naman ako magYouTube nalang, libre pa.” pagpipilit ko pa.

 

Paano ba naman? Napakapasikat ni Seo, sinumbong ako sa Nanay ko. Hindi na raw ako nageexercise at malapit na ako magdorm para sa college. Need ko daw matututo ng self defense kuno. Impaktita talaga si liit. 

 

“Wag ka na umangal. Nakausap ko na rin ang Tita Beth mo. Siya ang maghahatid sundo sa inyo. Siya na rin ang magdadala ng tanghalian.” Mukhang desidido na talaga si Madam mo.

 

“Nay, baka ayaw nyo lang ako makita tuwing sabado't linggo! Sus paechos pa kayo dyan” Pagloloko ko. Mukhang hindi na rin naman ako makakalusot. Tumawa naman siya at pinapasok na ulit kami ni Seo sa kwarto.

 

Syempre ngiting ngiti si liit. Nanalo na naman si gaga. Pabiro ko siyang tinignan nang masama. “Dali ka sakin sa training, ikaw una kong sisipain” Pagbabanta ko. Nginusuan niya lang ako at pakembot pang bumalik sa kwarto niya.

 

Hay nako.., Yujin taekwondoist era na ba ito? Teka, taekwondoer ba ang right term?

 

~

 

Gumising ako nang maaga ngayong Sabado. Bakit? Dahil first day of taekwondo training namin ni Leeseo liit ngayon!

 

Kagabi ko pa pinapractice yung ngiti ko kasi alam kong pagbubulungan ako sa club. Anlaki laki kong tao! 172cm tapos kasama ko mga toddler.. grabe wala ata akong mukhang maihaharap sa kanila! Pisti ka Leeseo! Pero ano pa bang magagawa ko.. Napahugot nalang ako ng hininga. Kaya ko to! Siguro—?

 

Nakasuot lang ako ng jogging pants na itim at yellow na tshirt. Sabi naman ni Tita Beth, wala pa namang required na uniform para sa mga beginner na tulad namin. Si Leeseo nakasuot naman ng jogger pants at puting damit. Sana lang nakabreeze si Tita kasi mukhang madudumihan ang damit namin duon. Sa court kasi ang training club, malapit lang sa dagat. Panigurado naman na maalwan don kaso maalat yung hangin, hay, parang ngayon palang parang gusto ko na atang umuwi. 

 

Marami-rami na rin ang nasa court nang dumating kami. Siguro mga Grade 8 ang karamihan sa kanila, madalas ko rin makita yung iba sa School. Pansin ko rin na nakasuot sila ng itim na pants na may naka pulang embroidered sa gilid na 'Park Mixed Martial Arts' at ternong pulang damit na may print ng puting kamao sa harapan. Hala duterte fanatics ba yung may-ari neto? Napangiwi naman ako at h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
harulights_
Start na ng kabaklaan first day palang YASS <33 Update time will be dependent on the feedback this chapter will receive hehe. See you on the next update! Malapit na birthday ni Leeseo!

Comments

You must be logged in to comment
aureader7952 #1
Chapter 3: gagi ang pogi n wonyoung dito
aureader7952 #2
Chapter 3: uy gago tabi cute daw
aureader7952 #3
Chapter 2: black belt in 6 months ba tlga to beat wonyoung or para jowain sya
aureader7952 #4
Chapter 1: go teh black belt in one month
rabbitjiu
#5
Chapter 3: CUTE DAW BZBXNSGSNDVSJSH
Ssamyen
#6
Nag-aantauy pa rin po ako ng update nito jejjejee ang ganda kasi eh
La_FeraAa #7
Chapter 3: pati ako kinikilig madam wonyoung anubaaaa😩
heemejin
#8
Chapter 3: mga badingggg tama yan, ikalat ang kabaklaan
Ssamyen
#9
Chapter 3: Yujin, alam namin na kinilig ka sa sinabi ni Wonyoung😂☺️
ilovetakumiusui #10
Chapter 3: I wamt to see wonyoung more in training mode or fighting mode para mas lalong humanga si yujin sa kanya haha. Can't wait for the next update!