Strawberries & Cigarettes

Isang Smirnoff Pa with Feelings
Please Subscribe to read the full chapter

“Actually, meron akong two ex-girlfriends, tapos the rest are only ex-flings.” Nakatingin lang ako sa kaibigan nila Giselle habang nagk-kwento siya about sa buhay niya.

 

Pasimple ko siyang inirapan habang iniinom ‘yung bote ng smirnoff mule na pinilit nila ni Giselle ipainom sa akin.

 

She looks so annoying.

 

Akala ba nitong kaibigan nila Giselle, she looks cool with that smug smile plastered on her face?

 

Hindi ah.

 

Ang annoying lang kamo talaga ng mukha niya.

 

“Winter, how ‘bout you? May mga naging ex ka na, right?” Tinignan ako ni Giselle. Nakasunod naman agad ng tingin ‘yung kaibigan niyang si Karina sa ‘kin.

 

Tumango ako. “Oo. Sampu.”

 

Nakita ko naman agad ‘yung pagngisi ni Karina.

 

Anong nginingiti-ngiti niya diyan?! Mukha siyang tarantadong gago.

 

“What?” Natawa si Gigi. “Legit ba?”

 

“Charot lang malamang. Mukha bang papalit-palit ako ng jowa ha.”

 

“Sabi mo kasi eh.” Tawa ulit niya.

 

Hindi naman nakawala sa mata ko ‘yung tingin sa ‘kin ni Karina. Bakit ba nakatingin pa rin siya sa akin ha?

 

Pinanliitan ko siya ng mata, while tinaasan naman niya ako ng kilay. “Tinitingin mo diyan?” Pagsusungit ko.

 

“Bakit? Masama na bang tignan ka?” Tanong niya. Bakit feeling ko chinachallenge niya ako?

 

“Hindi. Pero kanina ka pa kasi nakatingin. Gandang ganda ka ba sa ‘kin ha?”

 

“Lol. Ang hangin mo. Maldita ka naman.”

 

Wow?!

 

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bote ng smirnoff dahil sa sinabi niya.

 

Oo, maldita ako, may masama ba ro’n?

 

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya kasi feeling ko pagtatawanan na ako nang sobra nila Ning and Giselle na pinapanood lang kaming dalawa.

 

Bigla namang tumayo si Karina at nilagyan pa ng alak at yelo ‘yung baso niya. Ba’t parang hindi pa siya nalalasing sa dami na ng beses niyang nilagyan ‘yun ulit. Pero namumula na rin pala ‘yung mukha niya ngayon.

 

“Where are you going?” Rinig kong tanong ni Gigi sa friend niya.

 

“Pahangin lang sa labas. Balik din ako after ten minutes.”

 

Pinanood ko siyang maglakad palabas ng bar. Mahaba pala siya. Gano’n ba talaga siya katangad?

 

Sobrang nakakatempt naman sipain ‘yung likod niya. Gawin ko kaya?

 

“Teh, ba’t ba ang init ng ulo mo kay Karina? May nangyari pa ba sa inyo kanina nung sinundo ka niya?” Nilapit ni Ning ‘yung mukha niya sa mukha ko.

 

Mahina ko namang tinulak ‘yung mukha niya, “Magkapalit naman tayo ng mukha niyan oh.”

 

“Sagutin mo kasi bilis na, Winter!” Pagmamadali pa niya.

 

“Wala naman akong isasagot sa mga tanong mo.”

 

“Weh? Eh ba’t napakasungit mo bebs?”

 

“Kasi gusto ko lang?” I answered nonchalantly.

 

Umiling siya sa ‘kin, may kasama pa ngang pag-gesture ng hindi ‘yung index finger niya. “Hindi ako naniniwala.”

 

Natawa ako. “Oh, eh ‘di huwag!” I scoffed.

 

Wala naman kasi talagang nangyaring iba sa ‘min ni Karina kanina. Kundi ‘yung konting sagutan lang namin sa harapan ng building then after no’n, nabwisit na ako sa kaniya dahil kaskasera siya.

 

Hindi na ako kinulit pa ni Ning at lumapit na lang sa girlfriend niya para makipaglampungan.

 

Okay. Hindi ko alam kung maiirita ba ako or maiinggit sa kanilang dalawa.

 

I just diverted my attention sa ibang mga tao na nandito rin sa bar at inubos na ‘yung natitirang laman ng smirnoff ko.

 

Magbubukas pa sana ako ng isa pang bote ulit nang maramdaman kong naiihi na pala ako.

 

Tinignan ko ulit sila Ning and nang makita kong may sarili silang mundo ni Giselle ay tumayo na ako.

 

Shet!

 

Biglang umikot ‘yung paningin ko pagtayo ko kaya napahawak ako sa table namin.

 

Walanghiya talaga si Ning! Hindi man lang napansin na muntik na akong matumba, my god.

 

Nang maka-recover na ako sa pag-ikot ng paningin ko ay dahan-dahan na akong naglakad papunta sa restroom ng bar kahit na medyo gumegewang na ako.

 

Kailangan ko lang makaihi agad para mabilis ako makabalik sa table namin.

 

Pakshet talaga ‘yung hilo ko oh. Kapag ako sumuka rito, iiyak talaga ako.

 

Halos dasalin ko na ‘yung Hail Mary pagkapasok ko ng cubicle, muntikan na naman kasi akong matumba bago umupo doon sa bowl.

 

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng matiwasay sa restroom pero siguro thank Jesus-sunbaenim na lang at nagawa kong maglakad palabas nang tuloy-tuloy.

 

Nag-stop naman ako sa paglalakad nang makita ko si Karina na nakatalikod sa pwesto ko. Nu kaya ginagawa no’n sa labas?

 

At dahil isa akong curious na maganda, naglakad na ako palabas ng bar para puntahan ‘yung bwisit na kaibigan ni Giselle.

 

Napaubo naman ako agad ng maamoy ko ‘yung iba’t ibang smoke na nanggagaling sa mga nagyoyosi sa labas ng bar. Narinig din yata ako ni Karina kasi bigla siyang napalingon sa pwesto ko.

 

OMG.

 

Nagyoyosi pala siya.

 

Nakapasok pa sa labi niya ‘yung puff ng sigarilyo nang malingon siya sa akin.

 

Halatang nagtataka siya based sa pagtingin niya sa ‘kin. Ba’t nga ba kasi lumabas pa ako ng bar ‘di ba?

 

“Ano ginagawa mo dito?” Tanong niya agad sa ‘kin pagkababa ng sigarilyo niya.

 

Tinitigan ko lang siya since hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko talaga alam kung bakit nandito ako sa labas ngayon.

 

“Magyoyosi ka rin ba?” Tanong niya ulit.

 

Umiling ako, “H-Hindi.”

 

Ayan, nakita ko na naman ‘yung nakakainis niyang pagn

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
adieseul
hi muzta kau, i’m officially back (di niyo sure)

Comments

You must be logged in to comment
yulyulk_sy #1
Chapter 3: Ghosted na bato? T_T
Jiminez #2
Chapter 3: Uno, tres, kwatro. Where's dos?
sungoesdown
#3
OMEWJI(123456) MAY UPDATE
yujjiman
#4
Chapter 3: owemji welcome back dos na miss ka namin so much
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 3: Lmao what happened kaya sa break up nila kasi ibang iba ung way ng kilos ni karina before😭😭 or prolly na awkward sya?? Huhuwho knows, malalaman lang natin yan sa next uds. Abangan. Eme HSHAHAHAH welcome back dos, napa gasp ako nung nakita kong may ud😭
AhnWony
#6
Chapter 3: ang maldita netong si Winter, shuta bhie baka ipahalik kita kay Rina tingnan mo HAHAHAHAHAHH pero tenkyu sa ud, kala namin ni-ghost mo na ‘to, Dos e lol
YuJiministheStandard
#7
Chapter 3: Welcome back, Dos! Miss ko na updates mo. Medyo mayabang and maldita, perfect combination. Iba na pala mag-lit ng cigarette ngayon by partner. Parang playgirl si Rina huhu.
iconicjmj
#8
Chapter 3: ganda ko
akkaak #9
Chapter 3: waaa thank u po sa update
kwinter
#10
Chapter 3: sana tuloy tuloy