May I Ask

Isang Smirnoff Pa with Feelings
Please Subscribe to read the full chapter

Not gonna lie, masaya naman ‘yung dinner with friends tonight. Hindi naman naging mahirap for me iwasan si Karina kasi tahimik lang siya na nakaupo sa table habang nakikinig ng kwento nila Ryujin and Giselle.

 

She’s always been like that even before kaya it was nothing new na sa ‘min. Ako naman, simula kanina iniwasan ko na magkaroon ng eye contact with her. 

 

“Hoy Win, kelan ka ba magt-take ng licensure examination niyo? Pinapatanong din pala ni Chaeryeong kung single pa rin daw ba ‘yung frennie mo na si Yeji.” Napahagalpak ako ng tawa sa segway na tanong ni Ningning. 

 

“Gagi ka Ning! ‘Wag mo akong ibunyag! Pero oo nga Winter, single pa ba?” Nag-beautiful eyes pa si Chaeryeong sa ‘kin.

 

“Oo yata. Hindi naman yata nagjojowa ‘yon.” 

 

“Ako na lang kamo.”

 

“Ginawa mo pa ‘kong kupido!” Binato ko ng crumpled tissue si Chaeryeong. “Ay dapat nga mags-steakhouse kami ni Yeji kanina kaso pinili ko kayo. Like, steakhouse na ‘yon oh tapos nandito lang ako…” Maarte kong nilibot ‘yung mata ko around sa restaurant ni Ningning.

 

Hinatak naman niya ‘yung buhok ko. “Bruha ka! Pagkatapos mong ubusin ‘yung baked salmon gaganyan ka.” 

 

‘Di naman personalan ‘yung sabunutan namin ni Ningning na ganito. Normal na sa ‘ming magkakaibigan ‘to, basta ‘wag lang sosobra. 

 

Natatawa ako habang umiinom ng wine. ‘Di ko naman sinasadya na mapadaan ’yung mata ko sa harapan ko where Karina is seated.

 

Luh. Bakit nakatingin din siya sa ‘kin? Nung napansin niyang nakatingin na rin ako sa kaniya, inalis na niya agad ‘yung titig niya sa ‘kin. Parang gago lang.

 

“Uy, uuwi na pala kami ni Lia. May need pa akong tapusin sa presentation for a meeting tomorrow eh.” Tumayo na sila Ryujin and Lia. 

 

Hala kanino na ako sasabay niyan mamaya. Mag-grab na lang siguro kami ni Chaeryeong. Yes, tama. Safe naman ‘yon at may kasabay ako.

 

Nagpaalam na rin kami kila Ryujin. Maaga pa rin naman kasi, around 11:30 pa lang ng gabi, wala rin naman akong review sa morning bukas kaya kebs lang uminom ng wine ngayon kahit medj nakakalasing.

 

“Guys, maaga pa pala. Anyone up for jack daniel’s? or beer?” Nakatayo si Giselle sa harapan. 

 

Nagtaas ako ng kamay, “Sige tara, G sa JD.” Ngiti ko. 3PM pa ‘yung review classes ko tomorrow so if magkahangover man ako, hindi gaanong ka-hassle pagkagising. 

 

“Ikaw, Chaeryeong iinom ka?” I asked my friend sa tabi ko.

 

“Oo, teh. Wala namang work bukas.” She propped herself up on an elbow, tinignan niya ako. “Alam mo, Winter, bakit ‘di ka na lang din muna mag-work? Hindi ka ba nabobored sa unit mo?” Nakatingin sa ‘kin si Chaeryeong na para bang jinujudge niya ‘yung mga desisyon ko sa buhay.

 

“Ewan, nabobored din minsan. Kapag siguro nakapasa na ako sa CPALE, tsaka na ako maghahanap ng work.” Sagot ko.

 

If ever man makapasa ako sa licensure exam, well, I really hope na makapasa ako. Kasi naman sobrang baba ng passing rate ng CPALE my god. So ‘yon if ever I passed the exam, magwowork muna ako sa company nila daddy, then kapag nagka-experience na ako, I’ll go for law school na. 

 

Gusto ko kasing maging abogado, ‘yung abogadong maganda and hot charot! Si Mommy ko kasi pumasok din ng law school pero nag-stop siya kasi sila ‘yung parents lang niya nagpumilit sa kaniya. Eh tapos ayon, napangasawa na niya si Daddy, then nagkaanak na rin after kaya wala na talaga siyang time para sundin pa ‘yung gusto ng parents niya.

 

Pero ako, ever since high school, isa na sa mga pinagpipilian kong profession ‘yung pagiging abogado along with being a CPA and an interior designer. 

 

“JD for the girls…” Nakangiting ibinaba ni Giselle ‘yung alak sa table.

 

“Luh, Gi? ‘Di ka ba babae ha?” Pagtataray ko. 

 

“Babae! Eh ‘di, Jack Daniel’s for the malditang girls.” 

 

I couldn’t stop myself from rolling my eyes nang makarinig ako ng low chuckle from Karina na nakaupo na sa tabi ni Giselle. Biglang naging kalmado nga ‘yung usapan ngayon kasi nawala na si Ryujin na sobrang magulo.

 

Kingina rin nito ni Karina eh. Pupunta-punta ngayong dinner tapos patango-tango lang naman siya sa mga kinekwento ni Giselle. Well, buti na lang she’s not that kind of ex na nanggugulo, though nakakainis pa rin kasi parang wala na lang talaga ako for her. 

 

Gosh, bakit ba big deal pa rin for me ‘yung hindi niya pagbalik ng ngiti sa ‘kin. Like? Ang ganda-ganda kong ‘to kaya hindi ko need manghingi ng kahit anong validation from her!

 

“Winter, ‘pag ikaw nalasing, bahala kang matulog sa kalsada!” Sita sa ‘kin ni Ning. Nakakadalawang lagay na kasi agad ako ng alak sa baso ko. 

 

Mataas naman na alcohol tolerance ko kaya ‘di na ako masyadong natatakot uminom ng hard liquor. “Magpapahatak na lang ako kay Lexus pauwi. Ako naman lagyan niya ng leash, ganon.” Pagtawa ko.

 

“Tangina mo!” Pinaghahampas pa ko ni Ning. “Ay, sis, alam mo ba.” Nag-lean siya sa table, papalapit sa ‘min ni Chaeryeong.

 

“Ano?” 

 

“Nagtatanong ‘yung isang supplier namin ng meat if single ka pa raw ba. Naalala mo si Jaemin? Siya ‘yon!” 

 

Tumaas ‘yung kilay ko sa sinabi niya, “Ano naman kamo kung oo? Hindi ko naman kamo siya papatulan at ayoko sa lalaki.” Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon sila Giselle and Karina sa harapan namin.

 

Anong tinitingin niya ngayon diyan? Chismisan namin ‘to nila Ningning tapos papakinggan niya. Chos lang. Baka napalingon lang sila.

 

“Naks! Hindi ka na straight proclaimed beh!” Napapalakpak pa si Ning.

 

“Gaga. Wala nang magandang straight ngayon.” Proud kong sabi.

 

“Correct!” Sabay nilang sigaw ni Chaeryeong.

 

I stopped drinking nang makailang baso na rin ako. Medj ramdam ko na kasi ‘yung hilo pero aware pa rin naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Salamat sa masalimuot na break-up at nasanay na ‘yung katawan kong uminom ng mga pangmalakasan na alak!

 

Hindi ko na lang din maiwasan mapangiti nang mapait everytime na naririnig ko ‘yung mahihinang tawa ni Karina. ‘Di rin naman siya masyadong nagsasalita. Paganyan-ganyan lang talaga siya ngayon dito.

 

“Chaer, book ka na kaya ng Grab? Then sa unit ko na lang ikaw mag-sleep beh?” Napapapikit kong tanong kay Chaeryeong na tumutungga ng smirnoff ngayon.

 

“Pwede naman teh. Tapos hatid mo ko bukas pauwi?” 

 

“Mukha mo!” Nag-make face ako sa kaniya.

 

Kinuha ko naman ‘yung phone ko from the table and opened the camera. Shet. Pulang pula na ‘yung mukha ko. Mukha na kong tomato. Magandang tomato.

 

Nag-picture picture muna kami nila Chaeryeong and Ning. Humigpit ang hawak ko sa phone ko nang utusan nila Giselle si Karina na kuhanan kami ng picture. 

 

“Yo, Rina, can you take a picture of us?” What if ‘wag na lang Giselle?

 

“Sure.” Sagot ni Karina pagkainom niya ng smirnoff mule. Putanginang alak na ‘yan. Lason.

 

Nakatayo na si Karina sa harapan namin and mukhang naghihintay ng ibibigay na phone sa kaniya. ‘Di naman ako gumalaw sa pwesto ko at binaba ‘yung phone ko sa ilalim ng table. 

 

“Huy, Win! ‘Yung phone mo bigay mo na!” Tinulak pa ko ni Ning. 

 

“Lowbatt na pala ako.” Pagsisinungaling ko.

 

Pinandilatan ako ng mata ni Ning. “Huwag kang sinungaling! Nakita ko nasa around 50 percent pa ‘yang batt mo!” 

 

Padabog akong tumayo at nilapag ‘yung phone ko sa harapan ni Karina. Anong abot-abot? Kunin mo ‘yan mag-isa mo, inamo! Tumayo na ako beside Chaeryeong.  

 

‘Di ko maiwasang mapairap nang makita kong hawak-hawak na ni Karina ‘yung phone ko. Isasanitize ko talaga ‘yan mamaya.

 

“Okay..” Inayos niya ‘yung pagkaka-angle ng phone ko, “..3..2..1! Smile, guys!” Amputa. Pangit mo!

 

Mga naka-ilang kuha rin siguro siya sa ‘min before she finally handed my phone sa ‘kin. Inirapan ko naman siya at mabilis na kinuha ‘yon sa kaniya. Narinig ko ‘yung mahinang pagtawa ni Chaeryeong sa tabi ko nang spray-an ko ng alcohol ‘yung phone ko.

 

Bakit ba? Mamaya may virus ‘yung hinayupak na humawak nito, magkasakit pa ko. Nagligpit na rin kami ni Chaeryeong kasi mag-aala una na pala ng madaling araw. Medj nammroblema rin kami kasi wala na siyang ma-book na Grab around the area. 

 

Kinalabit ako ni Chaer, “Beh, what if sumabay na lang tayo kay Karina?” Bulong niya. 

 

Mabilis akong umiling sa kaniya. “No! Ayaw ko! Kila Ningning na lang ako matutulog kesa sumabay ako sa gago na ‘yon.” 

 

“Luh siya, akala ko ba teh moved on ka na?” May halong panunukso ‘yung tono ng boses niya.

 

“Oo nga, moved on na ko!” Mariin na sabi ko, “But that doesn’t mean na okay na rin sa ‘kin mag-reconnect with her.” Habol ko pa.

 

Napayuko si Chaeryeong nang mapahagalpak siya ng tawa. Sumimangot naman ako. Ano bang mali doon sa sinabi ko? “Alam mo, teh. Sabi ko lang naman sumabay tayo, hindi naman ibig sabihin non makikipag-reconnect ka na agad sa kaniya.” Natahimik ako sa sinabi niya.

 

Well, tama may point siya pero I stand by my words! 

 

Tumayo ako and went to pet Lexus na nagpapahinga ngayon sa gilid ng table. Buti pa talaga ‘yung mga aso pahiga-higa lang diyan sa tabi tapos lahat na gagawin ng fur parents nila for them. 

 

Pero legit, sobrang thankful ako for Lexus kasi she really kept me sane in my most vulnerable moments. Natatawa na lang ako tuwing naaalala ko ‘yung mga ed up moments ko, especially around last year. Grabe. Hindi ko aakalain na aabot ako sa puntong ganon, chos. 

 

“Iinom ka na naman?” May halong pangjujudge na sabi sa akin ni Ning. 

 

“Beer lang naman ‘to.” Sagot ko. 

 

Kinuha ko na ‘yung bottle opener and opened the beer na hawak ko. Nanlaki ang mata ko nang malakas ‘yung pagkakalipad nung metal cap. Hindi ko alam kung saan na siya napunta.

 

“Ouch..” Tumalikod agad ako nang makita ko ‘yung pagkamot ni Karina sa braso niya na tinamaan pala nung metal cap.

 

Sayang. Sana sa ulo na lang niya tumama. 

 

Napangiwi agad ako nang malasahan ko na ‘yung pamilyar na lasa ng San Mig Light. Mabilis ko na siyang tinungga kasi uuwi na raw. 

 

Naramdaman ko na naman ‘yung pag-init ng pakiramdam ko dahil sa beer. Uminom na lang ako ng tubig para kahit papaano medyo mawala ‘yung pagkahilo ko bago kami umuwi.

 

Patango-tango na lang ako sa mga sinasabi ni Giselle na wala naman akong maintindihan na kahit ano. Busy kasi ako sa pag-reretouch ng make up. 

 

“Lexus, come..” Tawag ko sa anak ko. 

 

Hawak-hawak ko na ‘yung leash ni Lexus nang lumabas na kami sa restaurant nila Ningning. Okay. Hilo pa rin ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa leash kasi para akong lumulutang habang naglalakad. 

 

Narinig ko ‘yung tawanan nila Ning and Chaeryeong sa gilid ko. “Gumegewang ka na gaga ka!” 

 

Hinanap ko ‘yung sasakyan nila Ning sa parking. Sa kanila yata kami sasabay pauwi. ‘Yun din yata ‘yung sinasabi ni Giselle sa akin kanina. 

 

Pagkarating ko sa harapan ng sasakyan nila Ning, nagtaka naman ako kasi wala sila sa likod ko. Hindi ba sila ‘yung maghahatid sa amin?

 

“Winter! Ano ba ‘yan, bakit nandiyan kayo?” Sigaw ni Ningning sa kabilang side ng parking. 

 

“‘Di ba sa inyo kami sasabay?” Sigaw ko rin.

 

“Tanga! Pumunta ka nga dito!” Nag-gesture pa siya sa kamay niya.

 

Nakasimangot ko namang hinatak ‘yung leash ni Lexus and naglakad na papunta sa kanila. Nakatayo sila sa gilid ng isang pamilyar na SUV. Ba’t ba kami nandito ngayon?

 

I crossed my arms. “Sabi ni Giselle kayo maghahatid sa ‘min ni Chaer?” I raised a brow at Ningning.

 

“Bobo ka ba? Sabi ni Giselle kanina, she asked Karina if pwede kayo i-sabay kasi medyo malapit naman daw ‘yung place niya sa place mo. Tango ka pa nang tango kay Gigi kanina tapos ‘di mo naman pala naintindihan ‘yung sinabi niya.”

 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at umiling nang umiling. “Anong sasabay kami kay Karina?” Napangiwi ako ma-realize kong lumabas sa bibig ko ‘yung pangalan na ‘yon. “Sa inyo na lang kami matutulog ni Chaeryeong kesa sumabay kami sa hinayupak na ‘yon!” Pagpapadyak ko pa.

 

Sinimangutan na rin ako ni Ningning. “Teh ano ba? Para kang bata, Winter. Sasabay lang naman kayo sa kaniya pauwi. Wala naman kayong ibang gagawin.” 

 

“Kasi naman eh. Ang rinig ko kanina na sabi ni Giselle, kayo ‘yung magsasabay sa ‘min. Bakit biglang kay Karina na ngayon kami sasabay?” Pagpipilit ko.

 

“Ang sabi ni Giselle kanina, hindi namin kayo mahahatid kasi may need pa kami linisin sa restaurant so baka pwede kay Rina na kayo sumabay ni Chaer.” 

 

“Eh ‘di hihintayin namin kayo ni Giselle matapos maglinis!” Kumunot pa lalo ang noo ko, “Gusto niyo, tulungan pa namin kayo. Basta ayaw ko sumabay sa kaniya!” 

 

Kasi naman eh! Alam naman nilang may past kami nung isa tapos biglang ganito. Like? Sino ba naman kasi ‘yung matutuwa ‘di ba?

 

Muntik pa akong ma-out of balance nang mag-crouch ako sa harapan nilang dalawa. Hindi na ako pinansin nila Ningning. Sige nga. What if ipahatid ko rin siya doon sa ex niyang hotdog, matutuwa rin ba siya? ‘Di ba hindi naman. 

 

Pinagmasdan ko na lang ‘yung reflection ko sa sasakyan na nasa harapan namin. Ang ganda-ganda ko talaga, oh my god. 

 

Winter Kim is God’s greatest and most beautiful creation me thinks. 

 

Natigil ‘yung pag-aappreciate ko sa kagandahan ko nang marinig ko na sila Giselle na naglalakad papunta sa ‘min. Tumayo na ako at humarap sa kanila.

 

Nakita ko na naglalakad na sila ni Karina papunta sa direksyon namin. May nilabas na car key si Karina at pinindot ‘yon. Nagulat ako nang tumunog ‘yung katabi naming sasakyan. So sa kaniya pala ‘to? Kaya pala pangit ‘yung sasakyan. 

 

“Winter, umayos ka ha?” Bulong sa ‘kin ni Ningning. 

 

‘Di ko siya pinansin at sinamaan na lang ng tingin si Karina. Nababadtrip pa rin ako tuwing naaalala ko ‘yung pagsusungit niya sa ‘kin kanina pucha.

 

“Rina, sa tapat lang naman ng UST ‘yung unit ni Winter, you still remember that place right?” Umiinit ‘yung ulo ko sa mga naririnig ko ngayon. 

 

“Yeah, sa The One ‘yon ‘no?” Nakatingin si Karina sa ‘kin ngayon.

 

Inirapan ko siya. Nakakainis ‘yung pagmumukha niya! Ano ‘yon? Nag-break lang kami tapos lahat na ng about sa ‘kin nakalimutan na niya?

 

And excuse me, isang taon pa lang naman ‘yung nakakalipas simula nang maghiwalay kami tapos ‘yung makaasta siya ngayon kala mong nagka-amnesia siya. Parang wala man lang kaming pinagsamahan.

 

“Sakay ka na sa harapan beh.” Natatawang sabi ni Chaer sa tabi ko. ‘Di ko namalayan na sumakay na pala ang hinayupak sa driver’s seat.

 

I guess wala na talaga akong magagawa kundi sumakay na lang sa sasakyan na ‘to kahit sobrang labag sa loob ko. 

 

Binuksan ko na ‘yung pintuan sa backseat and isinakay na si Lexus. Si Chaeryeong naman sa backseat din sumakay kaya nagmumukhang grab driver ngayon ang hinayupak. 

 

“Hala, nakakahiya naman. Wait, lipat lang ako sa harapan.” Pagmamadali ni Chaeryeong. 

 

Hindi ko na sila pinansin at hinintay na lang umandar ‘yung sasakyan. Binaba ko ‘yung bintana and nagpaalam na kila Giselle and Ningning na nakaabang sa pag-alis namin. 

 

Kumaway na lang kami sa kanila as Karina drove off. Ipinatong ko naman ‘yung ulo ko sa bintana. Mas nahihilo pa yata ako sa amo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
adieseul
hi muzta kau, i’m officially back (di niyo sure)

Comments

You must be logged in to comment
yulyulk_sy #1
Chapter 3: Ghosted na bato? T_T
Jiminez #2
Chapter 3: Uno, tres, kwatro. Where's dos?
sungoesdown
#3
OMEWJI(123456) MAY UPDATE
yujjiman
#4
Chapter 3: owemji welcome back dos na miss ka namin so much
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 3: Lmao what happened kaya sa break up nila kasi ibang iba ung way ng kilos ni karina before😭😭 or prolly na awkward sya?? Huhuwho knows, malalaman lang natin yan sa next uds. Abangan. Eme HSHAHAHAH welcome back dos, napa gasp ako nung nakita kong may ud😭
AhnWony
#6
Chapter 3: ang maldita netong si Winter, shuta bhie baka ipahalik kita kay Rina tingnan mo HAHAHAHAHAHH pero tenkyu sa ud, kala namin ni-ghost mo na ‘to, Dos e lol
YuJiministheStandard
#7
Chapter 3: Welcome back, Dos! Miss ko na updates mo. Medyo mayabang and maldita, perfect combination. Iba na pala mag-lit ng cigarette ngayon by partner. Parang playgirl si Rina huhu.
iconicjmj
#8
Chapter 3: ganda ko
akkaak #9
Chapter 3: waaa thank u po sa update
kwinter
#10
Chapter 3: sana tuloy tuloy