Wine

Isang Smirnoff Pa with Feelings
Please Subscribe to read the full chapter

Life is full of surprises talaga 'no?

 

Like hindi ko naman ineexpect na bigla palang uulan ngayong hapon kasi sobrang araw kaninang umaga when I left the condo.

 

Thank God at hindi ako masyadong nag-inarte sa outfit ko and I just decided to wear a blouse and a pair of jeans pero my god, bakit nilalamig pa rin ako.

 

"Wanna go to starbs?" Kinalabit ako ng classmate slash slight friend kong si Yeji pagkalabas namin ng room.

 

"Sure," Tipid akong ngumiti sa kaniya. 

 

I followed her pababa sa building. Yeji and I are currently studying in a review center in order to be prepared for the upcoming CPALE or Certified Public Accountant Licensure Examination sa December. 

 

Yeji was also one of my blockmates sa UST. We became close after she was transferred sa section namin non kasi maraming nabawas sa amin.

 

", it's still raining pa pala." She murmured sa tabi ko.

 

Napairap na lang ako kasi mukhang hindi titigil 'yung ulan anytime soon though mahina naman 'yung pagpatak. 

 

I secured my things muna sa loob ng bag ko before opening my umbrella.

 

"Winter, hey? Gusto mo isang umbrella na lang gamitin natin?" 

 

"No thanks, ayaw ko sumiksik sa 'yo 'no. Tsaka mas mababasa kaya tayo if isang payong lang gamit natin." She nodded sa sinabi ko, "...right,"

 

"Tara na, Yej." Maarte akong humakbang pababa sa kalsada. 

 

Super hassle talaga kapag umuulan, my god! Like, ang hirap maglakad kapag maputik and mabaha, lalo na around UST.

 

Malapit lang naman 'yung Starbucks sa review center namin, konting lakad then liko lang ay nasa The One na agad kami. Sa The One nga rin pala ako nags-stay ngayon, well, siguro after ko makapag-take ng CPALE eh babalik na rin ako sa house namin in Antipolo.

 

Napangiti ako nang maamoy ko na 'yung amoy ng kape pagkapasok ng Starbucks. Yeji offered na siya na 'yung mag-order so hinayaan ko na siya and umupo na lang sa isang table.

 

Pinagmasdan ko ‘yung mga sasakyan na na-stuck ngayon sa traffic along España Blvd. I really hate traffics kahit na hindi naman ako nagd-drive ng car.

 

Marunong ako mag-drive, yes, but if meron namang kasamang marunong eh ba’t ‘di na lang sila ‘yung mag-drive ‘di ba?

 

“One Iced Latte for Winter Kim.” Nakangiting binaba ni Yeji ‘yung cup sa table.

 

“Thanks, Yej.” I gave her a smile too. 

 

Umupo na siya sa harapan ko. Tinayuan ako ng balahibo pagkainom ko. Minsan hindi ko rin gets ‘yung sarili ko.

 

Like alam ko na ngang malamig ‘yung panahon but I still keep drinking cold beverages. I think guilty pressure ko na ‘yung ma-brain freeze charot.

 

“Do you have any plans after this?” Nakatingin sa akin si Yeji.

 

“Parang wala naman yata, siguro mag-aaral lang ulit mamaya? If sipagin ako.” I chuckled.

 

“Oh.. ayain sana kita mag-dinner. My friend recommended a steakhouse kasi around BGC, so ayun, baka gusto mo ma-try with me?” 

 

“OMG! Are you asking me out on a date?” Natatawa kong itinaas ang kilay ko sa kaniya. 

 

Mabilis siyang umiling sa ‘kin, “N-No! Hindi naman date na ano, na as in date, pero.. pwede rin naman sigurong tawaging ganon. If it’s okay with you.” 

 

I sipped my coffee, “Mga what time ba?” 

 

“Around seven? or eight? Around what time do you prefer ba?” 

 

“Hmm.. seven sounds good to me.”

 

“Okay!” Napa-straight pa siya ng upo, “I’ll pick you up around seven ha? You know what to wear naman na siguro.”

 

“Yeah, I’m sure I’d still look good in a gown at a steakhouse ‘no?”

 

Yeji’s eyes turn into crescent shape nang tumawa siya, “Ewan ko sa ‘yo, Winter.” 

 

Inayos ko na ‘yung bag ko nang makita kong medyo late na. I’ll take a nap muna siguro pagkaakyat sa unit since super napagod ako sa review namin. 

 

Nagpaalam na ako kay Yeji. Sabi niya maaga raw niya ako susunduin mamaya, aba dapat lang.

 

Ang magandang tulad ko hindi dapat pinapaghintay nang matagal!

 

Pagkapasok ko ng unit, sinalubong agad ako ng golden retriever ko na si Lexus. She’s a three-year old pup na in-adopt ko back when I was still a frosh. 

 

Sobrang nayayamot kasi ako non and feeling ko super lonely ko kasi nag-migrate non ‘yung Ate ko sa Amsterdam kaya ayon, naghanap ako ng ibang companion. 

 

“Hay…” I sighed as soon as I sat on the sofa.

 

I’ve been studying in the review center for about three months na simula nang grumaduate ako last June. 

 

Sumabak agad ako sa review center para fresh pa rin lahat nung mga pinag-aralan ko nung fourth year. Wala rin naman kasi akong gagawin sa buhay ko.

 

Sinusustentuhan pa rin naman ako ng parents ko, while si Ate binibigyan din ako ng allowance pa-minsan minsan. Sila Daddy naman binibili rin lahat ng gusto ko, well, I guess deserve ko naman ‘yon since laude ako ‘no.

 

Lexus and I were watching some youtube videos sa TV nang sunod-sunod ‘yung pag-vibrate ng phone ko. 

 

My god. Ano na naman ba ‘to?

 

It was from my friend, Ningning, pala. 

 

Problema nito?

 

ningyizhou_: Hoy bakla!

ningyizhou_: nasaan ka na gaga ka

ningyizhou_: happy birthday samin ni giselle sige!!!

ningyizhou_: kapag hindi ka umattend ipapasundo ka ulit namin ni bebe giselle ko kay ano!

ningyizhou_: balita ko pa naman umuwi na yon galing Japan HAHHAHAHA

 

Nanlaki ang mata ko.

 

Ano na naman ba ‘tong pinagsasabi ni Ningning! Pagod ako pwede ba. 

 

Napairap ako at cinlose na lang ang phone ko. I don’t care if she sees that I left her on read. Ayaw kong ma-stress ngayon.

 

Kaso wala pang five minutes ay nagriring na ‘yung phone ko. It was a facetime call from Ningning. 

 

Gosh! Nakakairita naman!

 

Hindi na ako nag-inarte pa at sinagot na lang ‘yung tawag niya.

 

“Winter Kim!” Pinandilatan niya agad ako ng mata pagka-answer ko ng call. “Anong oras ka ba pupunta dito!” 

 

“Bakit ba kasi? ‘Di ba sa Sunday pa naman ‘yung birthday celebration niyo ni Giselle? Beh, Friday pa lang kaya?” Inirapan ko siya.

 

“Ayan hindi ka kasi nagbabasa ng GC. Beh, minove na namin ngayon kasi tentative lang din naman ‘yung celebration sa linggo.” Naririnig ko na ‘yung mga ingay sa kung nasaan man siya ngayon, “Mamaya ha! Kahit hindi ka na muna agad pumunta dito pero Winter!!!” Nanlalaki na naman ‘yung mata niya.

 

Sumimangot ako, “Ano!”

 

Bigla siyang ngumiti, “Pumunta ka! Ipapasundo na lang kita kay Ryujin kapag wala ka pa dito around seven!” 

 

“Oy! Ba’t naririnig ko pangalan ko diyan, Ning!” Si Ryujin yata ‘yung sumigaw sa background. 

 

“Wala, ikaw kako sumundo kay Winter kapag ‘di siya pumunta mamaya.”

 

“Eh ba’t ‘di na lang kay ano?” Narinig ko na ‘yung malalakas na tawanan nila sa kabilang linya.

 

Putangina naman oo. “Bahala na nga kayo diyan.” Irita kong sabi sabay end ng call namin.

 

I turned to Lexus na nakahiga lang sa tabi ko dito sa sofa, niyakap ko naman siya.

 

“Sasama ba si mommy sa dinner with her friends later?” tanong ko sa fur baby ko kahit ‘di naman niya ako naiintindihan.

 

I giggled nang dilaan niya ‘yung mukha ko. “Hay…” I sighed. 

 

;;

 

It was quarter to six when I realized na meron din nga pala akong dinner with Yeji. Mabilis kong hinanap ‘yung name niya sa contacts ko at tinawagan niya. 

 

After a few more rings ay sinagot na niya ‘yung tawag, “Hi, Winter..” Ramdam kong nakangiti siya sa kabilang linya charot.

 

“Yej, hello.” I cleared my throat, “Uhm.. about the steakhouse date later… Sorry, pero parang hindi pala ako makakasama kasi inaya rin ako ng mga friends ko mamaya. Nawala kasi sa loob ko eh.” I said apologetically.

 

“Oh..” Natahimik nang sandali ‘yung linya. “..it’s okay, Winter. I was really hopeful talaga na makapag-dinner doon sa steakhouse with you but ayon nga.” Natawa siya, “I guess we can just eat there some other time.” 

 

Napangiti naman ako, “Okay, okay! Thank you and sorry talaga for the inconvenience!” 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
adieseul
hi muzta kau, i’m officially back (di niyo sure)

Comments

You must be logged in to comment
yulyulk_sy #1
Chapter 3: Ghosted na bato? T_T
Jiminez #2
Chapter 3: Uno, tres, kwatro. Where's dos?
sungoesdown
#3
OMEWJI(123456) MAY UPDATE
yujjiman
#4
Chapter 3: owemji welcome back dos na miss ka namin so much
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 3: Lmao what happened kaya sa break up nila kasi ibang iba ung way ng kilos ni karina before😭😭 or prolly na awkward sya?? Huhuwho knows, malalaman lang natin yan sa next uds. Abangan. Eme HSHAHAHAH welcome back dos, napa gasp ako nung nakita kong may ud😭
AhnWony
#6
Chapter 3: ang maldita netong si Winter, shuta bhie baka ipahalik kita kay Rina tingnan mo HAHAHAHAHAHH pero tenkyu sa ud, kala namin ni-ghost mo na ‘to, Dos e lol
YuJiministheStandard
#7
Chapter 3: Welcome back, Dos! Miss ko na updates mo. Medyo mayabang and maldita, perfect combination. Iba na pala mag-lit ng cigarette ngayon by partner. Parang playgirl si Rina huhu.
iconicjmj
#8
Chapter 3: ganda ko
akkaak #9
Chapter 3: waaa thank u po sa update
kwinter
#10
Chapter 3: sana tuloy tuloy