Dahil hindi ko naman yata ikamamatay kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay

Because I Can't Get You Out of my Head

Tzuyu to Chaeyoung

 

Ngayon, napagtanto ko na magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Ang mga problema ko ay malayong magiging problema mo, at mga problema mo ay hinding-hindi ko malalaman. Dahil kahit na ipaglapit tayo ng tadhana, masyado ka paring malayo para abutin.

Siguro ito talaga, ganito talaga. Dinala ka diyan, dinala ako dito dahil baka hindi ko naman yata ikamamatay kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay. At hindi ka kailanmang mapapasakin.

Pero kahit na ganon, hindi ko maisip bakit kailangan kong maging kontento sa layo at pagka-imposible ng lahat. Siguro ikamamatay ko, siguro hindi ako handang mabuhay sa aking kalokohan. Kaya’t saksakin na lamang ako dahil ang lahat ng ito ay sadyang bulong sa hangin na hinihiling ko’y tangayin ka rin. Dahil sa gitna ng mga imposibleng mga kahilingan, nandito lang ang puso kong nakaluhod na baka bukas may maliit na ilaw na dudungaw.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet