Paalam?

Paalam
Please Subscribe to read the full chapter
“Ay kabayo!”   Nabitawan ni Winter ang cellphone nya at aksidente pang nasipa nya ito papunta sa kabilang cubicle sa sobrang gulat nung kumalabog yung pinto ng katabing cubicle, napamura nalang sya ng mahina dahil may tao sa kabila.   “Uhm… pwede po pasuyo ng phone? Sorry po.” Nahihiya nyang sambit, nakita naman nya na may kamay na umabot dito at saglit na iniangat ito, tumagal din siguro ng isang minuto bago ito ibalik sa kanya gamit yung space sa baba sa pagitan nila.   “Thank you,” pasalamat nya pagka abot dito, agad nyang tinignan kung may basag ba yung screen, mabuti nalang wala at naka shockproof case din ito. Narinig nalang nya nag flush yung nag abot sa kanya at kalaunan ay lumabas na din. Pagtingin nya uli sa phone nya ay nanlaki ang mga mata nya, ngayon lang nya na napansin na bago ang kanyang wallpaper at lockscreen. Sakto at biglang may pumasok na message dito.   Soup #5: Like what you see?   Puta?   Picture lang naman ‘yon ni ate ganda na aka wink sa camera, kuha lang din ito sa loob ng banyo, pero ang ganda.   “Please anakan mo ko lima,” wala sa loob na sambit nito, mabuti nalang at sya nalang uli ang tao sa cr.   Soup #5: Don’t change that ha.   Napakagat labi nalang si Winter at dali-daling tinapos ang kung ano mang business ang ginagawa nya sa loob ng cr.     “Hoy Winter.” Kalabit ni Ryujin sa katabi, “Tulong-“   Mukhang tanga si Winter na nakatingin lang sa screen ng computer nito, napasilip lang sya dito at wala namang kakaiba dito, excel file lang ‘yon na nag c-calculate.   “Hoy baklang walang jowa.” Tawag uli nito, pero hindi pa rin sya pinapansin nito. “WINTER!”   “O-Oh?”   “Anong O-Oh?” panggagaya nito, “Kanina pa kita tinatawag,” kunot noo nito, “Patulong sa formula. Puro kasi error yung nasa screen ko, masakit sa mata,”   “Usad.” Sabi ni Winter bago hatakin ang sariling swivel chair sa station ni Ryujin at masayang inayos ang formula sa file nya, nakangiti, nagtuturo mabuti, malambing. “Ayan. Ok na. Meron pa?” pa tweetums nyang tanong.   “Umamin ka nga,” hinarap nya ang masayang si Winter, “Droga reveal? Gusto ko kung ano man yung nahithit mo ngayon.”   Kapag nanghihingi kasi sya ng tulong dito, ang lagi lang sagot sa kanya nito e GMT or ‘Google Mo Tanga!’   “Pinagsasabi mo?” tanong ni Winter, nakangiti pa din sa kanya. Mas lumawak pa nung napansin nyang dumaan yung si Soup #5 at bestie Gi sa di kalayuang bay, may hawak na clipboard at tumbler. “Kuha lang ako tubig,” mabilis na sabi nito bago pumunta kung nasaan yung water dispenser.     “Niiiiiiing~” tawag ni Ryujin sa babaeng kita agad sa dilim gawa ng matingkad na pagkapula ng buhok nito.   “Ano?” nilingon sya nito at kitang namumuwalan pa sa kinakain nito.   “Ano nahithit ni Winter? Pota ang saya, hindi ako inaaway,” mabilis syang lumapit dito at nanghingi ng pagkain kay Ningning. “Yung ngiti, parang nadiligan na e!”   Nanlaki ang mga mata ni Ning, “Baka nga nadiligan na??”     “Sino nadiligan?”     Nasamid si Ningning sa pagkagulat, umubo ito habang kinakabog ang dibdib, “Tangina mo Winter!” mahinang sigaw nito nung naka recover.   “Sino nga?” Nakangiti pa din si gaga habang inaabot nya yung tumbler nya kay Ning para uminom, “Sana all nadiligan.” Tuloy pa nya.   Tinignan lang sya nung dalawa at umiling, “Wala, magtrabaho ka na ulit don,”   “Okay pi,” sagot nya, balik na nga pala ulit sila sa night shift. Pagbalik nya sa pwesto, agad naman nyang kinuha yung phone nya. May naalala kasi sya at hindi nya alam kung bakit ngayon lang nya ‘to naisip.   Maltese: 'Sa tinagal-tagal nating nag uusap... Hindi ko pa pala alam pangalan mo'   Soup #5: 'Ano muna yung v-card? I-explain mo yun, tapos sasabihin ko sayo name ko'   Maltese: 'Uhm ano kasi- wala lang talaga yon. Echos lang'   Soup #5: 'Winter, isa.'   Maltese: 'Iiiiiih wala nga kasi'   Soup #5: 'Salamat nalang sa lahat...'   Maltese: ‘Eto na nga, pero sasabihin ko sya in person… what time lunch mo?’   Soup #5: ‘Mamaya pang 6, bakit?’   Maltese: ‘Sabay tayo? Treat ko.’   Soup #5: ‘Okay :* Kala ko never mo na ko aayain e.’   Hay nako pa fall.   Maltese: ‘Sama mo si Giselle?’   Soup #5: ‘Gusto mo bang isama ko? I prefer kasi na tayong dalawa lang.’   Maltese: ‘kafhdjkagdkl’   Soup #5: ‘Mwahhhh see you sa pantry later’     Kaagad naman inayos ni Winter ang schedule nya, sinisiguradong walang hadlang sa mga plano nya sa buhay, “Guys, hindi muna ko sasabay sa inyo,”   Tumango lang naman ang mga ito at hindi na nagtanong pa, mukha na kasi silang kukunin ng liwanag at mga wala na din naman silang lakas.   Maltese: ‘See you’       Mabilis na tinapos ni Winter ang mga report na naka pending sa kanya, bibo kid kung bibo kid, pero ayaw na nyang gawin ‘yon mamaya, malamang sa malamang ay tatamadin naman sya pagbalik.   5:54 na nung natingin sya sa wall clock sa kabilang side nya, agad naman syang nag ayos at nagpa alam na aalis na sa mga kasama nyang wala ng lakas sa buhay.   “Alis na ko mga bakla, sana buhay pa kayo pagbalik ko.”   Hindi na nya hinintay na sumagot ang mga ito at mabilis na syang pumunta sa pantry. May limang minuto pa naman kaya nag cellphone muna sya habang naka upo mag isa sa usual spot nila.   “Hello, pwede makiupo?” mahinhin na tanong na isang babae na may hawak na packed lunch na halatang kakainit lang.   “Sure!” masiglang sagot ni Winter. “Para kang others Boss Minju.” Bahagyang tawa pa nya.   “Baka kasi kasabay mo yung mga ka team mo, nakakahiya naman.” Sabi pa nito habang binubuksan yung baon nya, Japanese bento box, natakam pa sya.     “Takot lang nun sayo,” ngiti nya, si Minju kasi ay isa sa mga kaibigan at boss din niya sa department nila.   “Loko,” tawa ni Minju, “Gusto mo?” alok nya kay Winter na medyo malakas na ang tunog ng tiyan. Iniangat pa nya yung tinidor na may chicken sa harap nya.   “T-Thank you and sorry sa tiyan ko.” Tapik nito sa tiyan nya. “Pero paalis na din naman ako in a few,”   “Sure ka-“   “Babe.”   Pareho namang napalingon si Minju at Winter sa may-ari ng boses.   “Tara na?”   Si Soup #5 at medyo mukhang papatay.   “Alis na kami, salamat uli.” Nakangiting paalam ni Winter sa boss nya bago humarap kay Ate Ganda nya. “Tara.”   Sumulyap pa ulit si Soup #5 kay Minju bago iangkla yung braso nya kay Winter, hinatak nya ito papunta sa exit.   “May gusto ka bang kainin?” tanong ni Winter, hindi din naman nya kasi alam kung san nya dadalhin itong isa.   “I feel like having Korean food,” mahinang sagot nya, nakapalupot pa din sya kay Winter hanggang makarating sa escalator.   Tumingin naman sa kanya si Winter at tumango, paglingon nya ay nagtama ang mata nila ni Yeji.     “Winter iba na naman yang kasama mong babae!” eskandalosang sigaw nito habang umaandar yung escalator pataas.   “Hoy!” pinandilatan nya ng mata si Yeji, ipapahamak pa sya nito kahit biro lang yon. “Hindi yon totoo!”   “Ate ganda ni Winter, nako madaming chix yan!” tawa nito bago tuluyang mawala sa paningin nila.   Napayuko nalang si Winter sa hiya dahil pinagtitinginan na sila ng ibang tao at mukhang lalong umasim ang mukha ng katabi nya.   “Kala ko ba ako lang?” pag papaawang tanong nito, “Binigay ko naman lahat ha.” Mahinang bulong nya sa tenga ni Winter bago sila tuluyang makababa sa ground floor.     Agad naman napalingon si Winter sa katabi nya at ilang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa. Kung kanina ay medyo pink lang sya ngayon ay mukha na syang kamatis.   “H-Hoy,”   Natawa lang si ate ganda sa tabi nya at nag peace sign, “May alam akong Korean resto malapit lang, dun nalang tayo.” Hatak nya ulit dito, walking distance lang naman daw.   Pagka dating nila dito ay agad na silang umorder ng pagkain nila at pumuwesto malapit sa tabi ng entrance.   “So.” Panimula ni Winter habang naghihintay sa pagkain nila. “I think hindi pa tayo nakapag introduce ng maayos sa isa’t isa.” Nahihiyang sabi nya habang kumakamot sa batok nya. “Kim Minjeong, pero you can call me Winter.” Dugtong nya habang inilalahad yung palad nya sa harap ng babae.     “Soup number five,” ngisi nito habang hawak hawak nito ang palad ni Winter, “Ano muna yung v-card?”     Napanguso nalang si Winter kasi hindi talaga sya manalo-nalo dito, “Ano uh, basta…” unti unti na namang namula ang mukha nya, bagay na ikinatuwa nung isa.   “May idea ako, I guess?” sabi nito, “Pero mas gusto ko manggali
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
HanSoo
Hello mga accling~
Buhay pa ko 👀

Naghahanap lang po ako ng ma sa-snatch na laptop para ma publish yung update.

Medyo malapit na po, i can feel it 🤏

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
196 streak #1
😭😭😭
Jaeeeeee_
196 streak #2
2024 na 😭
fanficethusiast #3
Chapter 4: hello po 🥺
aligathuff #4
Chapter 4: HALA
Jaeeeeee_
196 streak #5
Hello 🥺
Jaeeeeee_
196 streak #6
Chapter 4: Still waiting 😭
Bamforthemoonn1 #7
Chapter 4: pakigalaw po ang baso otor. hahahaha
wintzkie #8
Chapter 1: Kahit late ko na nabasa sulit naman . Ang kilig ko lang sa mga baklang ito ....
Jaeeeeee_
196 streak #9
🥺🥺🥺🥺🥺
seijikuun
#10
Chapter 4: when po ud