Paalam

Paalam
Please Subscribe to read the full chapter
December - Year End Party.   Ah, ang pampalubag loob ng company nila Winter bago nila hilingin na saksakin nalang sila sa dadating na January.   Unli food at drinks, alcoholic drinks.   At panigurado maraming tao ang aattend doon, kasi ilang department din naman meron yung work nya.    Kaso yung department nilang mga taga Reporting at Data Analysts ang pinaka mailap sa tao. Bukod sa isa sa pinaka complex yung trabaho nila, parang mga kabute kung magsi sulpot ang mga clients at leaders para mag request ng kung ano mang data ang kailangan nila.   Iniisip nya na para talaga sa kanila yung Year End party na 'yon, kasi sila yung maya't mayang nag aayaan ng saksakan kapag patong patong yung trabaho nila for the day at may mga nagkukulit pang clients sa loob o labas pa man ng Pilipinas.   Pero once lang naman sila umattend don, hindi kasi nila trip yung mga lapit ng lapit sa kanila. Mga amoy alak na lalaki na feeling gwapo na nag aalok ng drinks sa kanila.     Kyah free na yung drinks. Kaya naman namin humingi kung gusto namin.   Nakasanayan na nila na sa bahay nila Chaeryeong nag cecelebrate, bukod sa malaki na ay safe pa sila kasi private at secured yung area. Wala ding mga lalaking biglang lalapit at hahawak sa kanila.     No to hotdogs.     "So ano na mga 'teh? Dating gawi?" Tanong ni Winter bago umupo sa usual na pwesto nila sa pantry.   "Hindi namin keri Win, basagan schedule namin kasabay nung party." Ungot ni Yuna habang nakapalupot sa jowa nyang si Lia. Ngumuso pa 'to habang kinukwento na natalo sila sa shift bidding kaya hindi sila makakasama.   "Hala, so no Jowa day pala mamaya?" Tawa ni Winter habang minamata ang mga nanlulumong kaibigan sa paligid nya. "Nako, finally, hindi ako magiging kung ano mang wheel ngayong taon!" Biro nya, kaagad naman syang sinamaan ng tingin ni Yeji kaya tumigil sya agad at nag peace sign. "Joke," takot talaga sya dito eh, si Ryujin lang naman yung jowa nito, pero bakit pati sya under?! "Hindi ba pwedeng takas nalang namin kayo?" Sabi ni Winter pagkatapos maka recover.   "Takas nyo kami??" Mabilis na tugon ni Yuna, halatang excited si gaga.   "Wow tapang ni friend," saad ni Ning, "Sino kaya dito yung may dalawang DA (Disciplinary Action) na at isa nalang ay termed na?"   Napakunot noo naman si Lia sa narinig, "Yuna?" Hindi nya alam yon, at mukha din namang walang plano magsabi 'tong isa sa kanya.   "Hala sorry, di ba alam ni Lia yon?" Biglang kambyo naman ni Ning, pero nakangisi lang to.    "Gaga ka talaga Ning!" Akmang sasabunutan na ni Yuna si Ning nang pigilin ito ng jowa nya.   "Hindi ka sasama sakin sa party Yuna, magtrabaho ka mabuti don!" Pinag kukurot nya to sa tagiliran. "Sinasabi ko sayo." Banta nito.   "Sorry na babyyyy," pag nguso uli nito, natatawa lang naman ang mga kaibigan nito sa kanilang tatlo.   "So ayun na nga, mukhang kaming lima lang ang matutuloy mamaya?" Sabi ni Winter, nalulungkot din naman sya deep inside kasi first party nila na absent ang mga tukmol na to. Sila pa naman ang life of the party.   "Oo, si Yuri kasi, di din matutuloy." Pagdadrama ni Chaer, habang yakap nya yung jowa nya. "Kasi naman, sino ba nag pauso ng shift bidding na yan. May trabaho tuloy kayo ng weekends,"   Napatingin naman sa kanila yung nasa kabilang table nila, si Winter lang ata nakapansin non. Napako saglit ang tingin nya dito, yung nunal... Ang y.   Mama ang ganda.   "..so ayun na nga."   Nabaling na ulit ang atensyon nya kay Chaer, na nagpa plano kung ang set up nila mamaya minus yung mga jowa nila. Galing nga pala sa IT department ang mga ito kaya iba ang ganap sa kanila, mataas din ang demand sa kanila anytime of the day.  
"Alis na kami hon," sabi ni Ning kay Yujin na gustong gusto din sumama pero, can't.   "Yuna, behave ah? Wait for me sa condo tomorrow," bilin ni Lia, "I'll bring some booze para makapag enjoy ka din."   "Ikaw Shin Ryujin, sa tyan ang alak ha, 'di sa utak." Pangunguna ni Yeji bago pa man makapag paalam yung isa, "At bawal ang ibang chix don. Hoy Winter, balitaan mo ko pag nag landi tong isa ha."   Napa saludo nalang si Winter kay commander Yeji. "Opo ma'am." At siniko ang kawawang si Ryujin.   "Babe save me some booze ha," bilin ni Yuri kay Chaeryeong, "Diretso ako sa inyo after shift."  
Si Winter ay nakatayo lang malapit sa kabilang lamesa, na kanina pa lingon ng lingon sa kanila yung dalawang nakaupo dito.   Kaya napag pasyahan ni Winter na magpaalam kay Karina, babaeng hindi naman nya kilala, dahil lahat ng kaibigan nya ay nagpapa alam na sa kanya kanyang mga jowa at feeling nya ay left out sya.   "Inom muna kami babe," sabi ni Winter kay Karina na napatawa nalang din, "Hindi ako masyadong magpapa gabi, mag te-text ako kapag nakauwi na ko," dugtong pa nya.   Lahat naman ay mas napa-nganga nang sumagot yung isa, "Sige babe, wag magpaka lasing ha?" Sabay kuha sa cellphone ni Winter at tinipa ang numero nito dito at dagli din namang binalik ito, "Wag mo kalimutan mag text ha?" Sakay pa nito.   Ngumiti lang nang nakakaloko si Winter bago kumaway at magpaalam ng tuluyan sa kanila.   Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ni Karina sa nasaksihan nito, "Bakla ka!"   "Ano?" Sagot ni Karina ng makalabas na ng pantry ang grupo nila Winter, na medyo shock din sa palitan nilang dalawa.   "At talagang pinatulan mo eh no," paniningkit ni Giselle habang nakakrus ang mga braso nito, "At ano yung pagbibigay ng number?? Karina?? Pokpok ka na?"   "Cute naman eh, tsaka, mukhang wala namang jowa yung tao, so why not?" Sagot nito, maya't maya ang tingin din sa cellphone kung may natanggap na ba itong text o ano pa man galing kay Winter.   "Wait, Winter yung name no?" Nagiisip ngayon si Giselle, kasi pamilyar yung pangalan, pero hindi nya maisip kung saan nya narinig yon.   Tahimik lang naman na naghihintay si Karina sa tapat nya, may maliit na ngiti sa labi nito.   "Hay nako besh, 'di ko maalala kung saan ko narinig yung pangalan na yon, pero tara na at malapit na tayo mag in."     "Hoy!" Panimula ni Lia pagkatalikod nila kina Karina, "Kilala mo yun?" takang tanong nya, nag aabang din ng sagot yung tatlong katabi nito.   "Hindi," maikling sagot nya, tapos bahagyang natawa sa kashungahang ginawa nya, "Wala akong bebe eh. Lahat kayo meron, nainggit ako!"   "Ay iba naman po pala ang pagka pokpok ng baby girl namin." Sabi ni Chaeryeong bago guluhin ang buhok nito, "Nagbago ka na... Dati isa kang Maria Clara!"   Napa ngiwi naman si Winter habang unti-unting nag s-sink in sa kanya yung mga nangyari kanina.   Dumiretso na sila sa parking area at mabilis na tinungo ang sasakyan ni Lia, eto kasi ang gagamitin nila papunta sa bahay ni Chaeryeong at dun na din mag party. Nang makasakay sila ay agad naman nyang kinuha ang phone nya para mag-text kay ate girl na naka-upo sa sumunod na table ng mga jowa ng kaibigan nya.   Unknown #: 'Hi babe, nasa sasakyan na kami. Otw sa bahay ng friend ko'   Napa-iling sya sa ginawa nya. Hindi naman sya nag eexpect ng reply dito, hindi rin naman nya kasi alam kung tama ba yung binigay na number sa kanya. Tapos ang nilagay pang name sa contacts nya e 'Soup #5'. Puta?   Soup #5: 'Ingat babe :* Don't forget to update me pag nakarating ka na ha. Enjoy!'   "Luh," reaction nya na medyo napalakas, kaya napatingin naman si Ryujin sa kanya.   "Ano 'yon?" Tanong nito, walang namang pakialam yung dalawa sa tabi kasi naglalaro sila ng ML habang stucked sila sa traffic.   "Legit yung number na binigay sakin ni ate ganda sa pantry," sabi nya na mukhang naiihi sa kilig, "Halo gago,"   Napatawa naman si Ryujin at hinablot ang phone nito para tignan kung ano yung pangalan nung katext nya, "Soup #5? Hoy Win?"   "Gago sya nag save nya!" Depensa naman nya. "Kala ko naman pangalan nya nilagay nya,"   "Pero seryoso, t-text mo talaga?" Tanong nya, "I mean, technically, na-text mo na. Itutuloy mo pa ba?"   Nagkibit balikat lang naman si Winter, "Di ko sure? Pero naaaliw ako e."   "Shungaks ka, pano kung yung binigay na number non e number ng matandang manyak??? Tapos di naman talaga sya 'yon?" Tanong ulit ni Ryujin.   "Siguro naman hindi?" Alangang sagot nya habang iniisip kung ano i rereply nya sa message nito. "I'll go with the flow na lang siguro, tsaka joke lang naman to e?"   "Ka landi." Natawa nalang din si Ryujin at sakto namang u
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
HanSoo
Hello mga accling~
Buhay pa ko 👀

Naghahanap lang po ako ng ma sa-snatch na laptop para ma publish yung update.

Medyo malapit na po, i can feel it 🤏

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
196 streak #1
😭😭😭
Jaeeeeee_
196 streak #2
2024 na 😭
fanficethusiast #3
Chapter 4: hello po 🥺
aligathuff #4
Chapter 4: HALA
Jaeeeeee_
196 streak #5
Hello 🥺
Jaeeeeee_
196 streak #6
Chapter 4: Still waiting 😭
Bamforthemoonn1 #7
Chapter 4: pakigalaw po ang baso otor. hahahaha
wintzkie #8
Chapter 1: Kahit late ko na nabasa sulit naman . Ang kilig ko lang sa mga baklang ito ....
Jaeeeeee_
196 streak #9
🥺🥺🥺🥺🥺
seijikuun
#10
Chapter 4: when po ud