Paalam
Description
Napag pasyahan ni Winter na magpaalam kay Karina- babaeng hindi naman nya kilala, dahil lahat ng kaibigan nya ay nagpapa alam na sa kanya kanyang mga jowa at feeling nya ay left out sya.
"Inom muna kami babe," sabi ni Winter kay Karina na napatawa nalang din, "Hindi ako masyadong magpapa gabi, mag te-text ako kapag nakauwi na ko," dugtong pa nya.
Lahat naman ay mas napa-nganga nang sumagot yung isa, "Sige babe, wag magpaka lasing ha?" Sabay kuha sa cellphone ni Winter at tinipa ang numero nito dito at dagli din namang binalik ito, "Wag mo kalimutan mag text ha?" Sakay pa nito.
Ngumiti lang nang nakakaloko si Winter bago kumaway at magpaalam sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ni Karina sa nasaksihan nito, "Bakla ka!"
Foreword
First tagalog fic, please be gentle mga beh birhen ako sa tagalog scenes, para akong sasabak sa mature roles.
Open po ang comment box and inbox ko for suggestions at constructive criticisms! Unang tagalog story ko po ito, hoping na magiging better pa ako in the future.
Comments