The Journal *Bow*

Sentiments of a Second Lead
Please Subscribe to read the full chapter

 

— PRESENT —

 

Last Day as a Senior,

 

Winter’s POV:

 

            Huminga ako nang malalim. Titigan nalang ata nangyari sa amin ng camera ko mula ng binitawan ko ang mga katagang yon.

 

            “I am Kim Minjeong or mas kilalang Winter… and I am the second lead of this story.”

 

            I chuckled.

 

            Second Lead.

 

            What a memory.

 

            Napawi ang ngiti sa labi ko nang maalala ang mga pangyayari. It was then replaced with a weak smile. How do I even start telling the story of how I… wait no. That’s close sa pagsspoil.

 

            What to do. What to say. Hmm.

 

            “Our story started Freshman year ng college.” panimula ko, “Oo. Our. In every love story, meron yung “partner” diba?” I airquoted, “I was talking about her.”

 

            Kunot-noo kong inaalala ang una naming pagkikita, “I’m just going to skipped through this. Basically, I met her at a cafe malapit sa school kung saan ko i-memeet yung pinsan kong si Giselle or Aeri or…” I leaned in, at kunwaring bumulong, “ign: gigiganda ng Esports team”

 

            Alam kong sabi ko this is for my eyes only at sa mga kaibigan ko, o kung sino mang kaclose ko pero who knows? Baka matrip-an kong i-post pag nagandahan ko ‘tong video na ‘to.

 

Reason for making this video?

 

            Closure.

 

            Joke!

 

            Siguro.

 

            Uhm. Pwede bang sa end nalang ng video ko sabihin yung rason. Kwento ko muna nangyari sa amin.

 

            “Anyway, I met her at a cafe. Siya yung nauuna sa akin sa pila. Is it weird kung sasabihin kong the first thing that I notice about her is how she smells?” I cringe nang masabi ‘yon, “Ugh! I sound like a creep.”

 

            Umayos ako ng upo, I didn’t even notice na I was leaning too close towards the camera, “Pero kasi I have reason for that. Not sure if it was her perfume, or yung shampoo niya or … siya mismo… hopefully not!” the side of my mouth twitched,

 

             “Kasi that’s weird. Pero I don’t know, it’s a brittle bridge between being romantic and being creepy. I mean, have you guys ever heard of Every Breath You Take by The Police?”

 

            Huminga ako ng malalim dahil I didn’t know I was rambling already, “It’s like that song. Romantic sa una pero pag pinakinggan mong mabuti, It’s actually a song for stalkers.”

 

            “Anyway, I’m not here to plead my case, andito ako para i-kwento ang nangyari sa amin. O hindi nangyari sa amin.” I teasingly smiled, “Ayaw ko talaga magspoil pero the warning na sinabi ko kanina is something you should take into account.”

 

            “Back sa kwento dahil kung ano-ano na pinagsasabi ko— she smells like home.”, I awkwardly smiled sa camera.

 

            “See, kaya ko dapat i-memeet si Aeri nung time na ‘yon ay dahil matagal na kaming hindi nagkita, we are both from the states pero she moved here nung High School and I moved here nung College. So, it made me homesick nung nangyari yun.”

 

            Nakakatuyo pala ng laway ‘tong ginagawa ko. Kumuha ako saglit ng bote ng tubig sa ref at bumalik, settling the bottle down sa sahig after drinking from it.

 

            “So, ayon. Nasa pila ako, scrolling through my phone and you know how it feels naman when you smell something familiar tapos it takes you all the way back to memory lane. So, I whipped my head up, kunot-noong tumingin sa pinanggalingan, which is in front of me, and there I saw…” I paused.

 

            “Her.”

 

            I smiled, “Katarina Yoo. The Prettiest Girl I have ever seen.”

 

            “Should I thank her perfume dahil if it wasn’t for that hindi ko siya makikita? Oo, I’ll assume na It’s her perfume nalang. Because saying na it’s her smell is weird. And I don’t want to be weird.” I chuckled, why am I so awkward today?

 

            I hung my head low, smiling to myself.

 

            “Hindi ko alam kung it’s a Western thing or a Winter thing pero seeing a pretty girl in front of me, I immediately hit on her.” I winked,

 

            “Pero I won’t get into details, hindi niyo na kailangan malaman kung ano ang sinabi ko nung araw na yon.”

 

            “What you need to know however, is what she made me feel sa naging sagot niya sa sinabi ko.” I took a deep breath, smiling, “It felt like… I found the one.”

 

            “But saying that would mean na I fell in love at first sight… I didn’t. It was more of like…” Inisip ko kung ano ba ang tamang salita na tutugma sa nararamdaman ko nung araw na yon.

 

            I literally saw the light bulb above my head nang maisip ko ang tamang sagot.

 

            Tumingin ako sa camera, satisfied with the answer I thought of, “There’s a Japanese Phrase that I really like, it means— The Premonition of Love. Untranslatable, pero that’s the closest thing. Hindi siya love at first sight, pero yung pakiramdam na eventually you will love that person.”

 

           
            I stared directly at the camera, “And that’s what I felt that day, that moment— Koi No Yokan.”

 

 

//

 

 

— PAST —

 

Junior Year.

 

Winter’s POV:

 

           

“Winter.”

 

            …

 

            “Winter.”

 

            …

 

            “Hoy!”

 

            …

 

            Marahas na kinuha ng pinsan kong si Giselle ang camera na kinakalikot ko, “Makinig ka nga!”

 

            Agad ko siyang inirapan at binawi ang camera mula sa kamay niya, agad kong chineck kung may nabasag ba o natanggal. Kung makahablot naman kasi ‘to parang snatcher lang sa tondo, “I am listening.”

 

            “Sige nga. Ano sabi ko?” hamon niyang tanong

 

            “Winter.” kaswal na sabi ko.

 

            Binatukan naman niya ako kaya tumingin ako sa kanya nang masama, “Ano ba?”

 

            “Listen!”

 

            “Ano ba kasi ‘yon?” himutok ko, binaba na ang camera sa lamesa kung saan kami nakaupo.

 

            May kailangan akong i-pasa na video sa isang klase ko, at hindi ko alam kung tama na ba mga nakuha kong clips. Itong si Giselle naman kwento nang kwento, for sure naiingayan na rin mga tao sa lakas ng boses niya dito sa loob ng restaurant.

 

            The moment she said, there’s this girl… I knew na bagong lovelife nanaman ang ikwekwento niya. Ayaw kong sabihin na nakakapagod na makinig pero parang ganon na nga. I sound like a bad cousin pero kung weekly ba namang pa-iba-iba kwinekwento nitong “girl” sinong hindi mapapagod.

 

            “3 days.” Bumalik na ako sa pagkalikot ng camera.

 

            “Huh?”

 

            “3 days break na kayo.”

 

            “Siraulo!” binato niya ako ng tissue. “Break na nga diba? Hindi ka nakikinig”

 

            Napa-oh naman ako. Buong lovestory pala kwinento. Kala ko naman kakameet palang.

 

            Hindi naman sa nega ako. In fact, I’m a hopeless romantic, there’s hope in love and I’m an optimistic person, pero yung nakakasalamuha ni Giselle sila yung nakaka- hopeless talaga.

 

           Parang yung kwinento lang niya. Isang linggo lang tinagal kasi marami daw sila pinagkakaiba. Pero it turns out na may jowa pala yung girl. Ewan ko ba ba’t ang malas nitong kaibigan ko sa pag-ibig. Hindi niya ako gayahin. Heh.

 

            “O ba’t bigla bigla kang ngumingiti diyan?” Panunuya niya.

 

            “Wala kang pake.”

 

            After dumating ng order namin, in which I timed: three Aeri-kwentos, kumain na kami nang tahimik. Food always seems to make Giselle shut up. Maybe it’s her love for food or Maybe food is her true love.

 

            She once said na papakasalan niya yung lugaw na kinain namin one time sa isang restaurant dahil sobrang sarap.

 

Yung food.

 

Hindi yung gumawa.

 

            “Pupunta ka ba sa game this weekend?” napatingin ako sa kanya.

 

            Have I mentioned na Aeri is an Esports Player? A famous one. Her team represents the school at na-feature pa sa tabloid for being the first girl ever to join a boy’s team. Siya at si Ryujin.

 

 

            Well, ang daming issue at laban pa na nangyari noon and we were freshmen at that time so sobrang hirap. Her other club, Social Club of Complainers, ang club kung saan they complain about the littlest of things, ang tumulong sa kanya to get into the team.

 

            They plead their case sa admin tapos kung ano-ano pang pinaggagagawa nila, they got majority of the support not only from the students, pero mga netizens rin who agreed sa kung anong pinaglalaban nila— which is yung pagsali ng girls sa isang boy’s team.

 

            The thing blew up talaga, pero between you and me? it was more like they pressured the admin to agree with their proposal. Sneaky and smart.

 

           Well, magaling rin naman kasi nung naglelead nung club.

 

            “Dadalo ba members ng isa mong club?” tanong ko.

 

            “Asobi Freedom Cl-”

 

            “Social Club of Complainers.” I cut her off. Pinunasan ko gilid ng labi ko at humingi ng water sa waiter na dumaan.

          

            “Stop calling it that!” hinampas niya ako, leaning sa table para maabot niya ako “Sumbong kita sa President.”

 

            I chuckled, “Edi sumbong mo. Do I look like I’m scared?”, dumila ako sakanya.

 

            Umirap siya, “And to give you the answer that you want po, Karina’s going to watch the game.”

 

            Kumunot-noo ko, “Hindi ko tinanong kung pupunta president niyo, I asked kung pupunta club members.”

 

            She smirked, and leaned back sa sa upuan niya, making furrow my brows, “I said I’ll give you the answer na you want, hindi ko sinabing sasagutin ko tanong mo. Kasi yun naman talaga gusto mo malaman diba? If Karina’s coming.”

 

            Napa-tsk ako, at kinuha na ulit ang Camera sa table, inadjust-adjust na ‘to, not wanting to talk to her anymore.

 

            Nakarinig ako ng hagalpak, “Kailan ka ba kasi aamin? it’s been what? 2? 3 years? Since nakilala mo siya sa cafe, hitting on her, not knowing na she’s the friend mula high school na sinasabi kong gusto mong makilala nung araw na ‘yon.”

 

            “Ikaw na nagsabi, magtatatlong taon na nakalipas. Move on, Move on rin.” hindi ko parin siya tinitignan.

 

            For someone na malas sa lovelife at malas sa pagpili ng partner, ang talas rin nitong mag-isip pag ibang lovelife na pinaguusapan e. Kung ginamit niya sa sarili niya yan edi sana nahanap niya na forever niya.

 

            “Winter, stop denying it. You’re my cousin. Kilala na kita.”, tinawag niya yung waiter, hinihingi yung bill, “Atsaka, napaka-obvious mo kaya.”

 

            Parang latigo ulo kong lumingon sa kanya, pakiramdam ko nagcrack pa yung buto ko sa leeg, “Really?!”

 

            Tumawa naman siya, “O diba! Edi inamin mo rin. At oo, obvious ka…” Uminom siya sa tubig niya, “... para sa akin. Ewan ko lang sa iba.”

 

            “Ikaw Aeri, kung hindi lang kita pinsan iisipin kong crush mo ko e.”

 

            Binato niya ako nung straw na ginamit niya panginom sa tubig niya, “Kadiri ka!”

 

            “Ako pa talaga ha!” sabi kong pinupunasan ang mukha dahil sa tumalsik na tubig… o laway niya.

 

            Ew!

 

 

 

//

 

 

 

            Pinakita ko ID ko sa guard papasok ng library, may kailangan akong book for a class and I don’t want to buy it kung isang chapter lang naman ang kailangan.

 

            Sayang lang.

 

            Pagpasok ko, pinunas ko yung sapatos ko sa mat na may nakasulat na SMU LIB, hindi naman required gawin yon, pero sa sobrang kintab ng tiles nila, mahihiya nalang talaga mga tao e. Pwede na gawing salamin.

 

            Lumapit ako sa isang estudyante na naka pink shirt na may puting nakatatak na VOLUNTEER sa likod at black nametag sa kaliwang dibdib niya. Tinanong ko siya kung saan ba makikita yung libro na kailangan ko.

 

            “It’s on the Creative Section, 23?” hindi niya siguradong sabi.

 

            “Are you asking me?” I joked.

 

            She laughed, “Creative Section 23. Final Answer.”

 

            Tumango-tango ako, at nagpasalamat bago tumungo sa section na sinabi niya. It’s on the third floor so I had to take the elevator. Pagdating ko sa floor, as usual tahimik, may mga grupo na nag-aaral.

 

            May mga high school students from SM High na baka nandito for research or a project. And then meron yung mga nagsosolo lang sa isang gilid.       

 

            This is actually a very chill place to hang. Modern style. Air Conditioned. Tahimik at maaliwalas.

 

            It didn’t take me long to find the book that I was looking for. Tama naman sinabi niyang section at kung anong number. Kung ako supervisor nun, I’ll give her a raise or an extra credit.

 

            Tumambay muna ako sa section na yon, looking for books na baka kailangan ko pa. It’s the Creative Section so baka meron akong makitang book na pwede para sa video na ginagawa ko for that specific class. I saw one and reached for it, pero pagkatanggal ko ng libro, may nahulog na parang…

 

            “Notebook?”

 

           Pinulot ko ‘to mula sa sahig, at pinagpag, may mga alikabok na pumasok sa ilong ko kaya I sneezed, buti nalang walang tao sa paligid. Library people can be mean sometimes.

 

            It’s not a notebook. Mukhang diary? Journal? Looks more like a journal. It’s a black one na mukhang luma ang pages kahit hindi ko pa nabubuksan. Sa cover puro sticker lang ng mga lumang banda tapos my heart na nabiyak sa gitna.

 

I got curious so I opened it.

 

           Sa unang page nakasulat ang napakalaking:

 

PARA SA MGA SECOND LEAD

(haha second lead kawawa ka naman)

AT ANG KUNG HINDI MO PA SURE ITO NA

ANG MGA SENSYALES NA KAILANGAN MO

BY

ANYONYIMOUSE!

PARA MISTER USE! >:)

 

 

            Napakunot-noo ko.

     

            “This sounds stupid.”

 

            It is.

 

            It sounds stupid kaya naman hindi ko alam pumasok sa kokote kong nilipat ang pahina ng papel.

 

            The second page is a list. I quickly read over them, at katulad ng sabi ko kanina.

 

            “This is stupid.”

 

            Sinara ko na ito, at binalik kung saan ko man nakita. Doon sa pinakataas. Where it belongs. Wala siguro magawa yung estudyanteng ‘yon, kaya kung ano-ano nalang pinagsusulat.

 

            I shook my head.

 

           “Second lead. Huh. Bored siguro.” I concluded.

 

 

//

 

 

 

            “Ito na! Sa wakas naman nakarating ka!” umirap ako sa pinsan kong mas malakas pa ang sigaw kaysa sa mga fans nila sa labas ng backstage nang makita akong pumasok sa holding room nila.

 

            Niyaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kalifrappie
Loe. I forgot SOASL's details na ;c sorry po. Little to no chance of continuing this story. MB! Thought I should address it lang. :)

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 5: :(
rwoseu2ji
#2
Chapter 5: :((((( OMIYAAAK
Kkkkura #3
Chapter 5: <///3
longgadog #4
Chapter 5: <////3
Wemon_ #5
Chapter 4: aguy
ryujinie__
701 streak #6
Chapter 5: ahhhh miss reading your works! take your time <3
rwoseu2ji
#7
Chapter 4: cb please, it seems interesting. been waiting for so long since then.. :(((
longgadog #8
haha cb when
user120525 #9
i miss reading your works, kali! :(
taeng_sica
#10
Chapter 4: nice plot.. ang interesting ng story..
thanks for sharing this here! :)