The First Lead

Sentiments of a Second Lead
Please Subscribe to read the full chapter

—PRESENT—

 

Last Day as a Senior,

 

Winter’s POV:

 

            “Now that wala na yun sa way.”

 

            Yung “yun” na tinutukoy is me being a second lead. Paulit-ulit ko na atang sinasabi. Gets naman na siguro ng manonood ‘yon.

 

            “Back sa journal. I’m sure curious kayo kung ano yung nilalaman nun at kung bakit parang doon iikot yung kwento.”

 

            I crossed my legs and leaned back on the chair.

 

            “For someone na hindi… ‘fan’?”

 

            ‘Di ako sure sa kung anong word ang dapat gamitin.

 

            “For someone na hindi fan ng journal, I found that journal very… compelling.”

 

            I puffed my cheeks, refusing to make eye contact sa camera. I squirmed in my seat.

 

            “It’s embarrassing to admit it. Pero I got intimidated sa Journal na ‘yon.” tumango-tango pa ako. “And I guess you’ll understand why.”

 

            Umayos ako ng upo, at tumingin ng diretso sa camera, “Bago ko ituloy ang kwento, I’ll explain first kung ano yung nilalaman ng Journal na ‘yon.”

 

            Hinawakan ko kamay ko, resting it on my lap bago nagpatuloy sa pagkwekwento,

 

            “Katulad ng sabi ko kanina, it’s a journal for “second leads” daw” I gave the camera a poker-face na parang hindi convince. “And in a way it is.”

 

            “Yung nasa loob ay nasa listahan katulad ng nabanggit ko pero hindi lang yun ang tanging nasa loob.”

 

             I made a gesture na pa-box, outlining the shape of the journal.

 

            “The journal kind of speaks to the reader e. It’s like they’re talking to me. Kaya sometimes nahuhuli ako ng friends ko talking by myself… or arguing by myself dahil binabasa ko yung journal na ‘yon.” natatawa kong kwento.      

 

            “Hindi lang kasi siya listahan, yung nakita kong listahan sa second page ng journal, parang yung table of contents ng mismong journal.” I squint my eyes.

 

            “Dahil sa mga kasunod na pages ay mga explanation kung bakit nandon yung “sign” na ‘yon.” I airquoted.

 

            I ran my hands through my hair.

 

            “And katulad ng sabi ko, it was compelling.”

 

            Ngumiti ako sa lente, “Dahil I could tell it came from experience. That it was real.”

 

            I took a deep breath,


 

            “Dahil I could tell how hurt they were at the end of it.”

 


 

//

 


 

— PAST —

 

Junior Year.

 

Winter’s POV:

 

           

 

            AAAAAA!

 

           

            Nakakahiya! Bakit ba kasi ako sumigaw?!

 

            Nandito ako ngayon sa Dorm ni Ryujin nagpapalipas oras. I could go back sa dorm pero I don’t want them questioning me kung bakit ang aga-aga ko umalis.

 

            Pwede namang hindi ako sumagot pero si Giselle pa ba? Hindi titigil ‘yon hangga’t hindi niya nalalaman ang katotohanan.

 

            Si Ryujin wala lang namang pake ‘yan. Basta may cellphone, internet, at battery hindi yan kikibo. Kahit siguro magkasunog na dito chill lang ‘yan na nagphophone palabas.

 

            Pagbukas kanina ng pinto ni Ryujin, halatang hindi pa natutulog ang loko. Nagtataka pa siyang nagtanong kung ano ginagawa ko doon. Sabi ko nalang makikikain ako.

 

            “Sira. Wala kaming pagkain dito.”

 

            Tinanong ko siya kung nasaan roommate niya. Sabi niya may morning class daw.

 

            Tinanong ko rin kung natulog na ba siya. Sabi niya kagigising daw niya dahil may ibinilin roommate niya.

 

            Tinanong ko siya kung anong oras siya natulog, sabi niya pake ko daw ba. Bakit daw ang dami kong tanong.

 

            “Concern lang.”, sagot ko.

 

            Humiga na ako sa kama niya habang siya umupo doon sa harap ng computer. Naglalaro ng kung ano mang laro ‘yon.

 

            “Bait talaga.”

 

            Tinignan ko si Ryujin na naglalaro. Na-curious tuloy ako.

 

            “Ryujin, na-inlove ka na ba?”

 

            Para kasing puro laro lang inaatupag nito.

 

            “Maraming beses na.” she said, not sparing me a glance.

 

            Napataas naman kilay ko sa sagot niya, “Weh? Kanino? Kilala ko ba?”

 

            “Siguro.”

 

            Napakunot naman noo ko. Baka ka-block namin.

 

            “Anong siguro?”

 

            “Depende.”

 

            Mas lalo naman akong nalito. Pinagsasabi nito?

 

            Tinanong ko siya kung saan. Sagot niya sa akin, depende daw kung naglalaro ako ng dating sim.

 

            Putek!

 

            Ano pa bang aasahan ko dito?

 

            Naalala ko nanaman yung journal. I feel the weight of my backpack kahit hindi ko ‘to suot. I stared at it.

 

            Before kasi ako mapalayas sa library dahil sa katangahang nagawa ko, nilagay ko sa bag yung journal. Pretty sure hindi ko na kailangan i-checkout pa ‘yon. Wala rin kasing tag so.

 

           Eh.

 

            Gusto ko basahin kaso…

 

            Napatingin ulit ako kay Ryujin na busy naglalaro, nakakunot na noo nitong bumubulong-bulong ng mga mura.

 

            Nagkibit-balikat ako. This is Ryujin. Wala naman pake yan.

 

            Kinuha ko bag ko at nilabas yung Journal na kanina pa bumabagabag sa isip ko.

 

            Naglagay ako ng unan sa likod ko bago ako sumandal sa wall.

 

            Pag bukas ko ng Journal nakita ko agad yung malaking PARA SA MGA…

 

            Umirap ako nang makita ‘yon.

 

            Paulit-ulit nalang.

 

            “Oh. Ba’t mo binuksan journal ko? Sa’yo ba ‘to? Pakialamera ka ah. Anyway, welcome sa journal ko, sana masaya kang binabasa journal ng iba!!”

 

            I furrowed my eyebrows. Ibang klase rin nagsulat nito. War freak ba ‘to?

 

            “Anyway ulit. Welcome, pakielamera o pakielamero, unang-una sa lahat, bakit mo ba kasi binuksan ‘to? Anong pumasok sa kukote mo? Second lead ka ba ha? Second lead ka ba?

 

   Kasi kung oo.

 

Kawawa ka naman.

 

              GGWP na lang siguro.

 

Or sa atin.

 

            Kung hindi, nagmamakaawa ako. Wag. Bawal mga pinili dito. Bitter ako kaya umalis ka dito.

 

            Hindi ka lang din naman makakarelate. Pwe!

 

            Anyway, ulit, dahil bwinibwisit mo’ko.

 

            Ramdam ko yung irap na kasunod non.

 

            “Anong nginingiti-ngiti mo dyan?”

 

            I snapped my heads towards Ryujin na hindi nakatingin.

 

            Paano niya ala-

 

            “ramdam ko”

       

             Wow! Ano yan? Instinct? Game sense? Sa buhay?

 

            Hindi ko nalang siya sinagot at bumalik sa pagbabasa.

 

           Nakita mo ba yung listahan sa naunang page? Kung hindi pa, tignan mo. Papaliwanag ko kung bakit yun ang nakalista. Ayaw mo? Edi wag!

 

            Pinipilit ba kita?! DIBA HINDE.

 

            Pero seryoso nga.

 

If you’re still reading up until this part, either confuse ka at kailangan mo ng kalinawan or chismosa ka lang talaga. Either way, welcome sa journal ko.

 

            And I hope you have a bitter ending MWAHAHAHAHHAAHAH

 

            Tsk!

 

            Pero bago ang lahat doon muna tayo sa objectives.

 

            Second lead ka

 

            Hindi nga! Dahil hindi ako papayag!

 

          O! Dedeny mo pa.

         

            Mas lumalim pa simangot ko nang mabasa ‘to. Nakakapikon na ha.

 

            Now, my student, ito ang mga goal ng ating paksa para sa Subject na: Second Lead ka wag mo na i-deny.

 

            After this class;

Student will learn that they’re a second lead Student will lose all hope and give up pursuing that person na walang pake sa kanila Student will be alone forever and ever bleh

 

            Iba ata ang goal ng Journal na ‘to. Goal ata nitong mang-inis!

 

            Anyway!

 

            Bago ko i-explain ang nasa listahan.

 

            May homework akong ipapagawa sa’yo.

 

            Diagnostic Test kumabaga bago magsimula ang Journal na ‘to.

 

            It’s one of the most basic rules.

 

            I’m sure narinig mo na ‘to.

 

            At yun ay ang,

 

            Identifying the problem.

           

            Bakit sa tingin mo second lead ka?

 

            Hindi nga ako second lead!

 

            Sige. Ibahin natin ang tanong since you insist on being in denial.

 

            Napatingin ako sa paligid. Baka mamaya may nanonood pala sa akin. Natawa naman ako sa naisip ko dahil it sound very absurd.

 

            Bakit sa tingin mo hindi pa kayo nagkatuluyan ngayon?

 

            Anong problema?

 

            “I’m waiting for the right time.” mahina kong bulong. “I’m… waiting.”

         

            Kung ano man ‘yang sagot mong yan. Sigurado akong nag-align parin siya sa kung ano ang gusto kong sabihin.

 

            That’s exactly why second lead ka.

 

             Ha? Anong connect?

 

            The existence of the first lead.

 

            That’s the reason kung bakit ka second lead.

 

            Wala namang second lead kung wala yung first lead, diba?

 

            Walang first lead!

 

            “Walang first lead.” “Mali ka” “Timang” “Cute ng gumawa ng journal na ‘to” etc.

 

            Kahit anong sabihin mo, meron, meron at meron.

 

            A First Lead doesn’t have to be a person.

 

            First leads are the subject of their attention.

 

            Their mind.

 

            And most of the time, even their heart.

 

            Pwedeng family niya. Pwedeng friends. Pwedeng ex. Pwedeng career. Pwedeng computer niya.

 

            Napatingin ako kay Ryujin nang mabasa ‘yon. I chuckled kahit na pababa na nang pababa mood ko.

 

            Pwedeng studies niya.

 

            I bit the inside of my cheeks.

 

            Maybe I am a second lead.

 

            But thinking about it. Thinking kung ano yung first lead gave me a bit of comfort.

 

            Ibig sabihin waiting is the right choice.

 

            Diba?

 

            I smiled.

 

            “Ano nginingiti-ngiti mo dyan?”

 

            Napatalon ako kay Ryujin na tumambad bigla sa harap ko.

 

           Kakagulat lintek. Ang tahimik kasi niya gumalaw. Hindi ko napansin na tumayo na siya mula sa kinauupuan.

 

            “Wala. Bakit ba?” sagot ko at napatingin sa computer niya.

 

 Black Screen.

 

            Tapos na pala maglaro ang loko.

 

            She stared at me, suspiciously, “Liligo na ako. Tara breakfast sa labas.”, aya niya bago kinuha yung twalya na nakasabit sa bintana at dumiretso ng banyo.

 

            Sinigurado ko munang naliligo na nga siya bago ko nilabas yung notebook na tinago ko sa likod ko nung ginulat niya ako.

 

            Rinig yung shower sa loob kaya alam ko kung kailan hihinto sa pagbabasa. Baka magtaka pa lalo pag nahuli nanaman ako.

 

            Pwedeng kahit ano.

 

            Ngayon sabihin mo sa akin. Wala bang first lead?

 

            Dahil kung walang first lead… then congrats… or I’m sorry.

 

            Dahil either first lead ka or wala ka sa pagpipilian.

 

            Kung meron naman, ito ang homework ko para sa’yo.

 

            Identify the problem.

 

            Sino o ano yung first lead?

           

            Napaangat tingin ko.

 

            Sino o ano yung first lead?

 

            Nagkibit balikat ako bago binalik ang notebook sa bag,


 

“Pag-aaral.”


 

           

           

//

 

 

 

            “Okay, so for this month’s…”

 

            I tapped my fingers against the table. Kahit nasagot ko na yung tanong,may bumabagabag parin sa isipan ko.

 

            If ganoon yung definition niya ng first lead, then what are second leads? Second priorities?

 

            Pero I’m not even the second one sa priorities niya. Friend lang naman ako. So ano ako?

 

            I bit the inside of my cheeks. Sasabog na ata utak ko kakaisip.

 

            “Lalim ng simangot natin ah.”

 

            Napatingin ako sa katabi kong si Hyunjin.

 

            “Ah. May iniisip lang.”

 

            Agad akong napaayos ng upo. Hyunjin is Yeji’s twin brother. They would both deny it dahil sobra silang magkaiba pero underneath all that is two siblings who love each other to death.

 

            I’ve seen it before. How Hyunjin took care of her sister nung malasing one time. And that time na Hyunjin was sick so dinalhan ni Yeji ng soup.

 

            Hindi ko kaklase si Hyunjin, pareho kaming part ng school paper— SM Tribune. Kung saan ngayon ay nagmemeeting tungkol sa mga topic na pwedeng malagay sa paper this month.

 

            The same meeting kung saan ako hindi nakikinig.

 

            “May film viewing ba sa AF Club ngayon?”

 

            “Ano ba ngayon?” tanong ko, bringing out my phone.

 

            “Monday. Bakit?”, naramdaman kong lumingon siya sa akin.

 

            Tinext ko si Giselle.

   

            Wintour: may FV ba mamaya?

           

            Nagreply rin siya agad.

 

            Aeringay: Meron. ‘Di ka invited. Bleh! :P

 

            Nakarinig ako nang mahinang tawa sa gilid ko. Pag lingon ko, nakatingin si Hyunjin sa cellphone ko. Napaiwas naman siya ng tingin at nagpanggap na busy sa notebook niya when I glared at him.

 

            Aeringay: Saan ka? Kasama mo ba si Ryujin?

 

            Sasagot na sana ako kung hindi ko lang narinig pangalan kong tinatawag.

 

            When I looked up, I saw everyone sa table looking at me. Na-conscious naman ako kaya napatingin ako kay Hyunjin.

 

             "Saan mo daw gusto magwork?” bulong niya.

 

Ah.

 

Tumingin ako sa kanila, cleared my throat, “Kahit saan po”

 

              I heard Hyunjin chortle kaya sinipa ko siya sa ilalim ng table.

 

Lakas mang-asar, siya nga dahilan kung bakit hindi ko narinig sagot. Tsk!

 

“Okay.” sabi nung Editor-in-chief, “You’ll be working with Hyunjin and Youngeun under Ji-”

 

            May sinabi pa siyang kung ano-ano sa team namin pero tango lang ako nang tango. I already know what to do. We already know what to do.

 

             Nagtype ako nang maikling reply kay Giselle na hindi ko kasama si Ryujin at isasama ko si Hyunjin sa Film Viewing sa club nila.

 

            Their club is a bit weird. Hindi naman siya club noon. Nabuo lang siya dahil nga sa nangyari sa Esports team. At saka konti lang members noon.

 

            Karina and Giselle started it.

 

            Asobi is a Japanese word for past time. It’s basically a club kung saan nagsasaya ka lang. You hang out with people and conduct whatever you do sa free time mo.

 

            Freedom naman, hindi ko alam kung saan nanggaling. I think this is where students voice out their opinions about social issues. And if katulad ng kay Giselle yung nangyari, they’ll fight for it.

 

            Pero mga maliliit na issues lang, like yung rule na bawal pakainin yung stray cats at dogs sa campus. I’ve never seen Karina fight like that. Hindi siya nagpatinag.

 

           She was very… intimidating. Parang pinagl

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kalifrappie
Loe. I forgot SOASL's details na ;c sorry po. Little to no chance of continuing this story. MB! Thought I should address it lang. :)

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 5: :(
rwoseu2ji
#2
Chapter 5: :((((( OMIYAAAK
Kkkkura #3
Chapter 5: <///3
longgadog #4
Chapter 5: <////3
Wemon_ #5
Chapter 4: aguy
ryujinie__
701 streak #6
Chapter 5: ahhhh miss reading your works! take your time <3
rwoseu2ji
#7
Chapter 4: cb please, it seems interesting. been waiting for so long since then.. :(((
longgadog #8
haha cb when
user120525 #9
i miss reading your works, kali! :(
taeng_sica
#10
Chapter 4: nice plot.. ang interesting ng story..
thanks for sharing this here! :)