Prologue
Sentiments of a Second LeadPRESENT:
3rd PPOV
Puti.
Ito ang una mong mapapansin mula sa screen ng camera. Puting pader sa likod ng isang itim na sofa. Sa gilid nito ay mga kahon na mukhang puno ang laman at tila hindi maisara. The room almost looks empty, na para bang wala nang ibang laman bukod sa dalwang ito.
Pero saying that would only be an assump-
“Naka-empake ka na ba?”, tanong ng mahinang boses.
“Shh.”, mas malapit ang boses nito kumpara sa isa, “Nagrerecord na ako.”
Isang kamay ang tumambad sa screen, kumakaway-kaway, habang ang pokus ng lente ay pabago-bago. Saglit pa ay tumambad ang mukha ng isang babae, maikli ang buhok, may silver highlights sa dulo, at nakakunot ang noong nakatingin sa camera.
“Okay na siguro ito.” bulong nito, nakaluhod na sa sahig para maayos nang maiigi ang camera.
“Hindi ka pa ba tapos diyan?”
Lumingon ang babae sa kaliwa kung saan nagmula ang boses at umirap, “Magsisimula pa lang. Why are you in a hurry?”
“I’m not. I’m just saying baka hindi ka nanaman umabot sa dinner mamaya dahil you’re too busy working on one of your videos.”
Napatayo na ang babaeng nakaluhod kanina, kita na lamang ang gitnang parte ng katawan sa camera, “This is not just a video. It’s-”,
“Bla bla. I don’t care. Just finish up quickly. Hindi lang rin ako nagmamadali sa’yo” saglit itong huminto “She doesn’t want you to be late again.” rinig ang pagsara ng pinto.
Napabuntong hininga naman ang babae at lumuhod uli sa harap ng camera. Satisfied with the shot, she smiled directly at the lens and walked away papuntang sofa.
She plops down, tinapik-tapik ang binti and settled her hands on it. Huminga siya ng malalim at ngumiti nang napakalawak sa camera, “Hello.”
Silence.
<
Comments